Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Woman in disguise

Woman in disguise

Nightfall
Si Prince Cassius ang nakatakdang magmana ng trono ng mga bampira and he spent thousand of years preparing for the duty. However, his grandfather king Lukasz urged him to find a suitable wife and get married which he always rejected. Sa pagpupumilit nito ay napapayag siyang makipag-date at sa pagmamakaawa ng Prinsesa ng mga werewolves na kababata niya ay napilitan din siyang i-broadcast ang blind-date niya. Dito niya nakilala si Arriana Faye na sa simula pa lang ay alam niyang may kakaiba dito. Kalaunan ay nalaman niya ang itinatago nitong lihim. Si Arriana Faye Monroe ay isang mortal na aksidenteng napagkamalang isang bampira. Ang presensiya ng dalaga sa kingdom ng Astral ay makapagdadala ng panganib hindi lang sa mundo ng mga werewolves at bampira kundi sa mga mortal sa Pilipinas. Sa kabila ng kaalamang ito ay hindi pa rin magawang pakawalan ni Cassius ang dalaga. Mauulit bang muli ang blood war oras na magising ang lycan na si Darrius? Magagawa bang ipagtanggol ni Cassius ang dalagang mortal o dadating siya sa puntong kailangan niyang burahin ang alaala nito at pakawalan ang dalaga,? alang-alang sa kapakanan nito at ng mga nabubuhay sa Pilipinas o maging sa buong mundo.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
21.7K viewsCompleted
Read
Add to library
ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

Nagkaroon ng aksidenteng one-night stand sina Andrew Sandoval at Hanna Williams limang taon na ang nakalilipas, at hindi makalimutan ni Andrew ang katawan ni Hanna. Hindi niya maabot si Hanna dahil sa kaguluhan ng pamilya na dulot ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Pagkalipas ng limang taon, kinuha ni Andrew ang negosyo ng pamilya at natagpuan si Hanna, na baon sa utang sa pagsusugal ng kanyang ina. Iniligtas siya ni Andrew at tinulungan siyang magbayad ng pera, na naging may utang kay Hanna. Pinakiusapan niya itong maging manliligaw ngunit tumanggi ito dahil may nobyo ito. Nakipagpustahan si Andrew kay Hanna na iiwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera, at sa kanyang pagtataka, iniwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera. Single siya pero hindi pumayag na maging manliligaw ni Andrew. Lalo siyang kinaiinisan dahil ginulo nito ang kanyang mapayapang buhay.
Romance
2.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Destined to be the Billionaire's Wife

Destined to be the Billionaire's Wife

Pilit na ipapakasal si Ayesha ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi naman nya kilala upang matulungan na makaahon ang kanilang kumpanya. Dahil sa inis ni Ayesha ay nagpunta sya sa isang bar kung saan may naka one night stand sya. Hindi nya inaasahan na magbubunga pala ang pakikipag one night stand nya sa isang lalake dahil sa kanyang kalasingan. Nang malaman ng mga magulang ni Ayesha na nagdadalang tao sya ay hindi na pinatuloy ng mga ito ang kasal pinaalis siya ng kanyang mga magulang sa syudad at pinatira sa isang probinsya hanggang sa ito ay manganak. Lilipas ang ilang taon at magbabalik si Ayesha sa syudad at kinailangan nyang maghanap buhay para sa kanila ng anak nya dahil wala na syang ibang aasahan pa ngayon kundi ang sarili na lamang nya. Sa pagbabalik nya sa syudad, hahanapin pa ba nya ang lalaking naka one night stand nya? Makikilala pa kaya nya ang lalakeng nakasama nya noong gabi na yun gayong lasing sya ng mga panahon na yun?
Romance
9.752.4K viewsCompleted
Read
Add to library
One-Year Secretary

One-Year Secretary

JocelynMDM
Si Secretary Sollaire ang isa sa pinaka kilalang One-Year Contract Secretary sa industriya ng mga sekretarya kung saan siya nago-offer ng kakaibang service sa kanyang mga employer. Nang hindi inaasahang mapasali sa isang programang ginawa para sa mga bilyonaryo, will she take up the challenge of being a forever secretary to one Vernon Ronan?
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Metal Cage

His Metal Cage

Yenah Arabella a girl with a disability. Ipinanganak siyang bulag ngunit lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother died. Mas naging mahirap na kay Yenah ang mabuhay. She's only seventeen. Her age isn't suitable for work. Pero sinikap niyang maghanap at sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas siya sa kaniyang comfort zone at nakipagsapalaran sa labas. Inayawan siya ng mga in-apply-an niya dahil sa kapansanan niya pero hindi ang mga Rojo. Dahil tinanggap siya ng mga ito. Hindi lingid sa kaalaman ni Yenah na napakarami nang umalis na katulong sa bahay na iyon. Ang lalaking nakakulong sa basement ng mansyon ng mga Rojo na pinagsisilbihan niya ang dahilan ng lahat. Ang nakakagulat ay sa lahat ng katulong na pumasok sa silid na iyon ay si Yenah ang hindi nakalabas.
Romance
1012.4K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status