Agam ng Kahapon
Bayrus
Nagsimula ang lahat ng makaramdam ako ng pangangati sa aking lalamunan at mawalan ako ng panlasa sa aking mga kinakain, nasundan ito ng pagtaas ng aking temperatura pagkalipas ng ilang araw at nang sumailalim ako sa isang pagsusuri nang pagpahid sa aking lalamunan at looban ng gilagid mula sa ilong, ilang araw ay nagpositibo ako sa isang nakamamatay na sakit mula sa isang uri ng BAYRUS.
Naalimpungatan ako at ramdam ang hirap ng aking paghinga habang nakakabit sa aking bibig ang isang suwero, nakikita ko bahagya ang hamog na nililikha ng hangin mula rito na bumubuo sa harapan ng aking mga mata. Ramdam ko sa aking katawan ang sakit at kirot na madalas kong idaing, maging ang aking ubon
인기 회차