My Russian Boss (SPG)
WARNING: R+18
Dahil sa malubhang karamdaman ng kanyang ina, napilitan si Trina na pumalit bilang kasambahay sa kilalang pamilya Aravazon. Doon niya nakilala ang kanyang amo, isang ubod ng istrikto at misteryosong lalaki, kilala bilang halimaw sa mundo ng negosyo, ang bilyonaryong Russian na si Ark.
Dahil ang tanging pinagkakatiwalaan ni Ark ay ang ina ni Trina, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang dalaga sa kanyang tahanan. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unti siyang nahuhulog kay Trina, isang bagay na alam niyang hindi dapat mangyari. He’s thirty-six, wala pang naging asawa o seryosong karelasyon, habang si Trina ay dalawampu’t lima pa lamang, no boyfriend since birth.
Ang tanong, magustuhan din kaya siya ni Trina? O tuluyan niya itong itataboy dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad at sa mga sandaling nagdudulot ng init sa pagitan nila?