Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hearts Under Contract

Hearts Under Contract

Si Phoebe Concepcion ay isang babaeng pasan ang mundo at nawalan ng pag-asa magmula nang iwan siya ng kanyang mahal na ina at kapatid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang lalaking mayaman at gwapo ang biglang lumapit sa kanya. Inalok siya ng isang kontrata na magtatagal sa loob lamang ng isang taon. At hindi siya makaka-hindi dahil ipapakulong siya nito. Magiging matiwasay kaya ang kanyang pagpapakasal sa lalaking ito o magdadala lang ito ng kaguluhan sa kanyang buhay?
Romance
109.8K viewsCompleted
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Accidentally inlove with you ( Tagalog Version)

Accidentally inlove with you ( Tagalog Version)

" You're my boyfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Samantha habang nakatitig sa napakagwapong mukha ng binatang kaharap na walang iba kung hindi ang CEO ng Cromwell Enterprise. Luther Devmon Cromwell, gwapo makisig at higit sa lahat ay mayaman. Ngunit sa likod ng gwapo nitong mukha ay nagtatago ang isang mapanganib na katauhan. Isang Mafia boss. Samantha Lee Vasque, isang dalaga na biniyayaan ng maganda at perpektong katawan ngunit nagtatago ang napakamisteryosong katauhan. Sa gitna ng isang mapanganib na operasyon, Aksidenteng nasagasaan ni Luther isang inosenteng dalaga na nagresulta ng pagkawala ng ala-ala nito. Dahil sa isang dahilan ay napilitang magpanggap na kasintahan ito ng dalaga. Ngunit papaano kung ang katangian nang babae ang pinaka-ayaw niya sa lahat? Makulit, pakielamera at higit sa lahat, maingay! At papaano kung ang babaeng nasagasaan ay mayroon ding itinatagong sikreto? Magagawa ba nyang itago ang sikreto o maakit siya sa sikreto ng babaeng nasagasaan?
Romance
107.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Sight of Soul

Sight of Soul

ferocéarcadiaSuperpowerDrama
The future can't be seen, pero sa kaso ni Percy ay hindi para sa kanya ang kasabihang iyon nang mangyari ang isang kakatwang aksidente sa pagitan nila ni Luke—isang estranghero. Hindi akalain ng dalawa na magkakaroon sila ng isang matibay na pisi na magkokonekta sa kanilang pagkatao, na walang anu-ano'y nababalutan na ng misteryo. Makakabalik pa nga ba sila sa kani-kanilang pagkatao o tuluyan nang babalutin ito ng kadilimang hatid ng isang 'di-kilalang nilalang.
Fantasy
103.5K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Single Dad

The Single Dad

Salome
Ito ay isang perpektong plano. Hanggang sa ang pekeng narararamdaman niya ay nagsisimula ng maging totoo... The last thing on Tyler's mind is romance. Sa pagitan ng pagiging isang solong ama at pamamahala sa kanyang matagumpay na karera sa pagsusulat, mayroon siyang higit sa sapat sa kanyang plano. Ngunit nang magpasya ang kanyang ex na labanan siya para sa kustodiya ng kanilang anak, alam niyang kailangan niyang ipakita sa hukom na siya ay isang solidong tao sa pamilya. Ang kakailanganin niya ay isang pekeng kasintahan, Ngunit hindi niya alam kung saan siya makakahanap ng isang babaeng handang magpanggap bilang kanyang asawa sa lalong madaling panahon. Ang pagkumbinsi sa kanya na tumulong ay hindi isang problema. Hindi na niya pinapansin kung paano niya papakinggang ang napakabilis na tibok ng puso niya para rito. Ngayon ito na ay isang problema. Ang gusto lang ni Ellie Diaz ay isang trabaho sa pagtuturo sa prestihiyosong paaralan ng Lincoln Academy, ngunit ang pagkuha sa kanila na isaalang-alang ang kanyang aplikasyon ay isang hamon. Ang magtrabaho dito bilang isang guro ay matagal niya ng minimithi. Pagkatapos ay nalaman niyang may mga koneksyon si Tyler doon—at handa siyang gamitin ang mga ito kapalit ng isang maliit na maliit na pabor. Ang kailangan lang niyang gawin ay mula sa pagiging yaya ng kanyang anak hanggang sa pekeng kasintahan ni Tyler ...at kahit papaano ay magpanggap na hindi siya naaakit sa kanya. Kung magiging maayos ang lahat, mapapatunayan ni Tyler sa hukom na magdedesisyon sa kaso ng kustodiya ng kanyang anak na siya ay isang solidong tao sa isang pamilya, at makukuha naman ni Ellie ang kaniyang tiket sa pangarap niyang trabaho. Ano ang posibleng maging mali? Ano ang gagawin mo kapag ang linya sa pagitan ng reyalidad at pantasya ay lumabo?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Sold for one night

Sold for one night

Isang gabi kapalit ng malaking halaga. Ang kaniyang virginity kapalit ng pera na makatulong sa kanilang pamilya. Isang mabuting anak at isang bilyonaryo na naliligaw ang landas.
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Our White Little Secrets

Our White Little Secrets

Synopsis: Sherry Francelia ay isang babaeng tumatakbo mula sa isang impyernong hindi niya pinili—isang mundo ng dugo, kasinungalingan, at kapangyarihan. Sa desperasyon, gumawa siya ng isang mapanganib na desisyon: ang lokohin ang isang lalaking mas mapanganib kaysa sa sinumang humahabol sa kanya. Si Levim Devereux ay isang kilalang mafia boss—malamig, walang puso, at walang sinasanto. Ngunit sa kabila ng kanyang bangis, may isang bagay siyang hindi inasahan: isang babae na walang takot na pumapasok sa kanyang mundo at ginugulo ang kanyang plano. Ang kanilang ugnayan ay nagsimula sa isang kasinungalingan—isang delikadong laro ng panlilinlang at kapangyarihan. Ngunit habang lalong lumalalim ang kanilang koneksyon, nagiging malinaw na may mas malaking pwersang gumagalaw sa kanilang paligid. Nang bumalik ang multo ng nakaraan, napagtanto ni Sherry na walang makatakas sa mundong pilit niyang tinatakasan—lalo na kung ang lalaking dati niyang niloko ay siya na ring kinatatakutan niyang mawala. Sa pagitan ng pagnanasa at panganib, pagtataksil at katotohanan—sino ang unang bibigay? At sa isang mundo kung saan ang tiwala ay isang bagay na maaaring pumatay, paano mo malalaman kung sino ang tunay mong kakampi?
Romance
385 viewsOngoing
Read
Add to library
UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife

UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife

Sa gitna ng mundong puno ng pagdurusa at kahirapan, isang asawa ang naglalakbay sa daang puno ng sakripisyo para sa isang pag-ibig na di karapat-dapat. Sa kabila ng mga pagsubok at pagkakataon na sumuko, pinili niya paring manatili at magtiis para sa taong hindi nauunawaan ang halaga ng kanyang pagmamahal. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis sa pag-asa ng pagbabago? Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa ni Maricar na nagpapakita ng lakas at tapang ng pusong handang magmahal kahit na di ito kapalit ng karapat-dapat na pagmamahal.
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status