Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving His Vengeance

Loving His Vengeance

Ang buhay ni Alecia ay parang giyera. Kailangan magsakripisyo kundi'y may mawawala. Sa tanang buhay niya'y lumaki siyang mag-isa, natutong tumayo sa kanyang sariling mga paa at mabuhay ng tahimik sa malaking mansyon. Wala ni isang sumubok makipagkaibigan sa kanya o lumapit man lang dahil lahat ng nakakasalamuha niya'y tinatawag siyang mangkukulam o 'di kaya'y demonyo. Totoo kaya ang akusa ng mga tao sa kanya? Totoo kaya ang usap-usapan na isa siyang demonyo o mangkukulam? Ano kaya ang nasa likod ng mga kwentong ito? Gusto mong malaman? Halika at sabay tayong buklatin ang kwento ng isang babaeng pinagkaitan ng saya sa mundo.
Romance
8.81.5K viewsOngoing
Read
Add to library
THE HALF SIBLINGS

THE HALF SIBLINGS

THE HALF SIBLINGS “Hindi ka magiging masaya! Mawawala ang lahat sa iyo!” Galit na galit si Lyria sa kakambal niyang si Lyrie at lalong lalo na sa asawa niya na si Draken dahil sa ginawang panloloko ng dalawa sa kaniya. Bilang isang asawa at kapatid, sobrang sakit para kay Lyria na nagawa siyang lokohin ng kaniyang asawa at sariling niya pang kakambal ang umahas sa asawa niya, pero wala nang mas sasakit pa nang malaman niyang nabuntis din Ng asawa niya ang kakambal niyang si Lyrie.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Owned By Mr. Verano

Owned By Mr. Verano

"Mahal ko ang pamangkin mo dati." "At ngayon, akin ka na. Nilaro niya ang puso mo, pero ako? Wawasakin ko kahit sino para sa'yo." Hindi kailanman inakala ni Ysabel na ang kanyang pagluha dahil sa isang sirang relasyon ay magiging daan upang mapasakamay siya ng pinakamapangahas at pinakamakapangyarihang lalaki sa buhay ng ex niya. Ang sariling tiyuhin nitong si Leonardo Verano. Tahimik. Malamig. Pero nakakabaliw kung tumingin. Inalok siya ng kasal nito. Proteksyon. Kayamanan. Lahat ng nawala sa kanya, ibinalik, kapalit ng sarili niya. Pero ang magmahal kay Leonardo ay may kasamang kondisyon. At ang unang batas? Bawal mong banggitin ang pangalan ng pamangkin niya, habang buhay.
Romance
9.74.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Tears of the Wife

Tears of the Wife

Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan. Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila. Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang . Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar. Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay. Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal. Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
Romance
12.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Matinding galit ang naramdaman ni Detective Marga Castro nang mahuli ang sariling ina na may relasyon sa boyfriend niyang si Dominic Mendoza. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking kataksilan na hindi niya kailanman mapapatawad. Sa isang iglap, gumuho ang mundo niya—ang ina niyang pinagkatiwalaan at ang lalaking minahal niya, parehong nagtraydor sa kanya. Umalis siya sa bahay nang walang direksyon, puno ng poot at hinanakit, hanggang sa isang aksidenteng kinasangkutan niya ang nagbago ng lahat. Nasagasaan siya ng isang lalaking kalaunan ay malalaman niyang si Dr. Oliver Mendoza—ang ama ng ex niya. Isang sikat ngunit kilalang malupit na surgeon. Habang nagpapagaling sa bahay ng doktor, naisip ni Marga ang isang mapanganib na plano. Gagantihan niya si Dominic sa pinakamasakit na paraan—sa pamamagitan ng pag-akit sa sariling ama nito. Alam niyang delikado, alam niyang mali, pero sa isip niya, ito ang hustisyang karapat-dapat sa kaniya. Ngunit habang isinasagawa niya ang plano, natuklasan ni Marga ang panig ni Dr. Mendoza na hindi niya inaasahan. Sa likod ng malamig na anyo at mapait na nakaraan, nakita niya ang isang lalaking marunong magmahal at marunong umintindi—isang lalaking unti-unti niyang minahal sa kabila ng lahat ng kasinungalingan. Paghihiganti ang plano, pag-ibig ang naging kapalit. Ipagpatuloy ba ni Marga ang paghihiganti o ipaglalaban ang pag-ibig na hindi kailanman dapat umusbong? Dahil kapag lumabas ang katotohanan, hindi lang puso niya ang mawawasak—pati ang tanging taong natutunan niyang mahalin.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG)

PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG)

writeinsilencee
PSYCHOTHERAPIST© ALL RIGHTS RESERVEDThis is a work of fiction. All of the characters, organizations, and events portrayed in this novel are either product of the author's imagination or used fictitiously.Rated SPG - 18+Matured Content  Not Suitable For Young Audiences.SYPNOSISSi Monica Esquibel. Ang simpleng mag-aaral na may dinadalang mabigat na problema. Ang problema sa pamilya't kaibigan ang mag tutulak sa kanya upang pag-tangkaan ang kanyang sariling buhay.Pamilya't kaibigan na magiging sanhi ng depression na kayang ka-haharapin, at dagdagan pa ng isang problemang di pwede kaninoman; Kahit sa kanyangPSYCHOTHERAPIST.
1028.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Heartless Detective (Series 2)

The Heartless Detective (Series 2)

Itinakwil at inalisan ng karapatan ng sariling pamilya dahil kasalanan na kaniyang nagawa. Sa paglipas ng panahon ay sinubukan niyang mamuhay sa isang lugar na malayo sa kaniyang ginagalawan pero sinugrado pa rin ng pamilya niya na walang makakatulong sa kaniya. Hanggang sa nakilala at minahal niya si Cris- ang amo niya na ubod ng sama ng ugali.  Matututunan kaya siyang mahalin ni Cris sa kabila ng estado nila at pagkakaiba.  Paano kung isang araw bumalik ang pamilya niya na tumakwil sa kaniya at dala ng mga ito ang balitang gigimbal at susubok sa pagmamahal niya, makikinig ba siya sa pamilya niya at iiwan ang lalaking nagsilbi niyang katuwang noong tinalikuran siya ng lahat or mananatili siya sa tabi nito hanggang sa ito na ang sumuko dahil sa nakaraan na hindi nito makalimutan?
Other
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Begging Her To Love Me Again

Begging Her To Love Me Again

Anong mas masakit—ang mawalan ng anak o ang makitang masaya siyang inabandona ng sariling ama? Para kay Sabrina, isang hiling lang ng anak niyang si Eliza bago ang operasyon: makasama ang ama nito sa birthday niya. Pero sa halip na saya, iniwan siyang naghihintay... hanggang sa sumuka ng dugo at tuluyang lumisan. Ngayon, habang yakap ang abo ng anak, pinanood niyang binuhos ni Elijah ang pagmamahal sa anak niya sa ibang babae. Ngunit paano kung isang araw, bumalik si Elijah na parang walang nangyari—nakangiti, walang bahid ng pagsisisi? Mananatili bang tahimik si Sabrina, o oras na para iparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maiwan sa huling sandali?
Romance
462 viewsOngoing
Read
Add to library
Chained in Love

Chained in Love

Isa lang ang gusto ni Aryen Romero sa buhay niya at iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ulilang lubos mula pagkabata at nakuntento sa puder ng mapanglait at mapanakit niyang tiya. Papasok siya bilang isang katulong sa isa sa pinakamayamang pamilya sa Laveda. Sa sobrang yaman ng mga ito ay kahit sino sa bayan nila ay nangangarap na mapabilang sa pamilya Lizares, at isa na ang Tita niya. Her Aunt's thirst for wealth awakened when she knew about her work. Inutusan siya nitong akitin ang tagapagmana ng mga Lizares at kung hindi niya iyon gagawin ay palalayasin siya ito at hahayaang tumira sa kalsada. Hindi totoo ang mga diyos sa mitolohiya pero mukhang naisasabuhay ito ni Armiel Frederick Lizares. At talaga nga namang sobrang imposible na maaakit niya ito dahil sa kasamaan ng ugali na parang ang tingin sa lahat ng mga mahihirap ay mukhang pera. But as she know him well, she discovered something deep in him behind his rich face, and lifestyle. Sa sandaling panahon ay nagawa niyang ibigay ang lahat-lahat sa binata. Pero hindi kailanman pabor sa kanya ang tadhana. Nalaman ni Armiel ang plano ng Tita niya at lubos itong nagalit na pinagtabuyan siya na nagpadurog sa kanya ng husto. Nang lumayo siya sa binata ay nalaman niyang dinadala niya ang bunga ng isang gabing mainit nilang pinagsaluhan. At kahit anong hirap ang hinarap niya dahil doon ay determinado siyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Gaano man niya itago ang anak ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Paano niya haharapin ang galit nito sa ginawa niyang pagtago sa anak nila? Will he believe that she's not after his wealth? Will the chain of love between them could hold them two together again—or not?
Romance
9.216.0K viewsCompleted
Read
Add to library
IF I FALL

IF I FALL

After her father had left them, Sofia Bryl dela Merced strives to be a good daughter to pay-off her mother's sacrifice in raising her alone. At dahil sa trauma ng ginawang panloloko ng kanyang ama sa kanyang ina, she build invisible walls to guard her heart from breaking — again. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil natagpuan niya na lamang ang sariling nahuhulog sa isang binatang halos isumpa na niya hanggang sa kadulu-duluhan ng mundo dahil sa sobrang yabang at antipatiko — si Cherro Clark Geronimo. By just looking at those ocean blue eyes, she knew she was in trouble.
YA/TEEN
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status