Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Paghihiganti ni Emma

Paghihiganti ni Emma

Galit, poot, at paghihiganti ang nag-udyok kay Emma na pumasok sa mundo ni Edward—ang kilalang playboy na naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang kapatid. Bilang sekretarya, nagtagumpay siyang mapasok ang buhay ni Edward, ngunit ang kanyang plano ba ay magiging ganap na tagumpay, o siya mismo ang malulunod sa sariling bitag? Isang kwento ng galit, pagnanasa, at mga lihim na hindi madaling limutin.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE

RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE

Pagkatapos ng trahedya 5 years ago kung saan nabaril ang kanyang kuya, si Evie ay nagsumikap at nagtayo ng sariling kumpanya. Ngayon, kailangan niyang makuha ang isang "Billion Contract" para tuluyang manumbalik ang estado ng kanilang pamilya. Rising Action: Makikilala niya si Carlo Madrigal sa isang event kung saan mapapahiya niya ang lalaki. Magku-krus ang landas nila muli nang iligtas siya ni Carlo mula sa isang holdaper. Habang sinusuyo ni Evie si Andrew Bernaldez para sa business contract, lalo namang nagiging pursigido si Carlo na mapalapit sa kanya. Climax: Matatgpuan niya ang isang tunay na pag-big ng hindi niya inaasahang mangyayari pa. Mananagot ang mga dapat managot sa karumaldumal na sinapit ng kanyang kapatid.. Falling Action: Tutulungan siya ni Carlo na labanan ang mga taong nagpahirap sa kanya noon, kahit pa mangahulugan ito na kailangang kalabanin ni Carlo ang sariling pamilya. Resolution: Makukuha ni Evie ang hustisya at ang tagumpay sa negosyo. Pagbabagong puri ng pangalan ng kanyang pamilya. Matatanggap na rin niya sa wakas ang pagmamahal ni Carlo, na naging sandigan niya sa gitna ng hirap.
Romance
149 viewsOngoing
Read
Add to library
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10713 viewsOngoing
Read
Add to library
Descendant of the Last Red Moon

Descendant of the Last Red Moon

Sinisikap ni Matt na mamuhay ng malayo at tahimik, Sinikap niyang hindi maging mundo ang mundo ng totoo niyang pagkatao. Sinikap nilang kahit sa kanyang sariling paraan ay hindi matulad sa mga taong kinasusuklaman pero isang babaeng ang nakatakda ng tadhana na siyang babago sa kanyang pananaw ay mamahalin ng kanyang puso at buong pagkatao. Ngunit ang babaeng iyon din ang lilipol ng kanyang uri at tatapos ng kanyang huling hininga. Tama nga bang mahalin pa nila ito?
Other
103.5K viewsCompleted
Read
Add to library
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1056.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1017.1K viewsCompleted
Read
Add to library
HIDDEN BONDS OF VENGEANCE

HIDDEN BONDS OF VENGEANCE

Matapos na ipatapon ng sariling asawa at step-sister sa karagatan, bumalik si Lauren De Silva sa bayan ng San Lorenzo gamit ang isang bagong mukha at pangalan bilang Estrella Watson. Gagamitin niya si Nicholas Chua ang half-brother ng kanyang dating asawa na si Nathaniel Chua para makapaghiganti ngunit wala siyang kaalam-alam na si Nicholas pala ang lalaking nakabuntis sa kanya noong gabing sinet-up siya ng kanyang stepsister para hiwalayan siya ni Nathan.
Romance
9.39.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Playful Destiny

Playful Destiny

Anim na taon nang nabubuhay si Lalaine sa impiyerno—bugbog, pasa, at araw-araw na paghihintay ng kamatayan matapos mapagbintangang pumatay sa sariling asawa. Pero sa araw na muntik na siyang tuluyang wasakin, isang lalaking mula sa kanyang nakaraan ang bumalik—ang lalaking minsan niyang minahal at sinaktan. Si Atty. Jeric Fuentebella. Ngunit huli na ba ang lahat? Dahil ngayon, may iba na sa puso ni Jeric—at si Lalaine ay may lihim na handang ipagpalit ang sariling kalayaan para protektahan ang mga taong mahal niya. Sa larong itinadhana ng kapalaran, hanggang saan ang kayang isugal ng pag-ibig? At kapag ang tadhana ay naging mapaglaro… sino ang tunay na mananalo?
Romance
573 viewsCompleted
Read
Add to library
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
Romance
1036.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Uncle Nazzer's Maid (SPG)

Uncle Nazzer's Maid (SPG)

Dahil sa matinding pangangailangan at sa karamdaman ng kanyang asawa, napilitang manilbihan bilang kasambahay si Hera sa tiyo niya, isang lalaking ma-impluwensya at kilalang bilyonaryo. Ngunit hindi lang simpleng serbisyo ang nais ni Nazzer mula sa kanya. Si Nazzer, o Nazz, ay isang retiradong sundalo na uhaw sa iisang bagay, isang anak na magmamana ng lahat ng kanyang ari-arian. Ayaw niyang dumaan sa proseso ng surrôgacy. Ang gusto niya, sariling pagod, dugô, at sariling paraan ng pagbuo nito. Kaya inalok niya si Hera ng dalawang milyong piso kapalit ng isang kasunduan na sisira sa lahat, ang makipagtalik sa kanya kailanman niya ito naisin, hanggang sa magbunga ang gusto niya. Sa pagitan ng desperasyon, konsensya, at pagmamahal sa kanyang asawa, tanggapin kaya ni Hera ang alok? O may hangganan pa rin ba ang isang sakripisyo kapag pûso at dángal na ang kapalit?
Romance
1011.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
910111213
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status