Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
True Love, True Heir (Filipino)

True Love, True Heir (Filipino)

Jay Sea
Yumaman na lang bigla si Stella dahil sa isang malaking bag na may lamang five hundred million pesos mula sa lalaking hindi nila kakilala ng kaibigan niya na si Janice na hinahabol ng mga kapulisan. Imbis na dalhin 'yon sa kapulisan ay hindi na lang nila ginawa sa takot na madawit pa sila. Umalis sila ng kaibigan niya sa tinitirahan nila. Gamit ang perang 'yon ay nagbago ang buhay nilang dalawa. Naging mayaman sila. Nagkaroon sila ng sariling negosyo at kompanya. Nakilala ni Stella si Elmo na nagmamakaawa sa kanya na bigyan ng trabaho dahil kailangan nito ng pera para mabuhay. Naawa siya sa lalaking ito kaya binigyan niya ng trabaho. Unang kita pa lang niya kay Elmo ay aminado na siya sa sarili niya na gusto niya ito. Naging malapit sila sa isa't isa hanggang sa magkaroon ng namamagitan sa kanila. Walang kaalam-alam si Stella na ang pagdating ni Elmo sa buhay niya ay ang magbubukas ng pinto sa nakaraan niya upang malaman niya kung sino nga talaga ang tunay niyang mga magulang at nagmamay-ari ng perang ginamit nila ng kaibigan niya na si Janice upang yumaman sila.
Romance
2.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Trapped with My Ex's Brother-in-Law

Trapped with My Ex's Brother-in-Law

Gumuho ang mundo ni Kristine Montero nang malaman niyang nag-propose ang dating kasintahan niyang si Leo sa babaeng minsan niyang tinuring na kaibigan. Sa gitna ng sakit, galit, at pagkadurog ng tiwala, pinili niyang lunurin sa alak ang lahat ng alaala nila. Ngunit sa isang gabing puno ng kalasingan at luha, nagkamali siya ng nilapitan—at isang halik ang nag-ugnay sa kaniya sa lalaking hindi niya kailanman dapat pinatulan—Attorney Harvey Hilton, ang kilalang malamig, makapangyarihang abogado… at future brother-in-law ni Leo. Ang isang gabing akala niya’y panandaliang pagkalimot ay nauwi sa mas malalim na gulo. Kinaumagahan, bumagsak ang mundo ni Kristine nang malaman niyang ipinakulong ni Leo ang sariling ama sa kasong gawa-gawa. Sa desperasyon, napilitan siyang lumapit kay Harvey—ang tanging taong may kapangyarihang iligtas ang pamilya niya. Ngunit paano kung ang abogadong hiningan niya ng tulong ay siya ring lalaking minsan niyang hinalikan? Paano kung sa bawat pagkikita nila, mas lalo siyang nahuhulog kahit alam niyang sa pagitan nila, nakatali ang lihim, galit, at isang maselang ugnayang maaaring magwasak ng lahat?
Romance
10167 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Boss Twin Babies

Her Boss Twin Babies

Si Laura ay isang babae na namulat sa madumi at magulong buhay sa lansangan. Maagang naulila sa magulang kaya mag-isang nilalabanan ang hirap ng buhay, ngunit hindi nagpatalo ang musmos niyang katawan at pag-iisip. Gamit ang sariling pagsisikap at diskarte sa buhay, iniahon niya ang sarili mula sa lugmok na kapalaran. Ngunit sa kasabay ng pag-angat ni Lara ay ang pag-pasok ni Eugene sa kaniyang buhay, na hindi nagtagal ay inibig narin niya. Ang nararamdaman niyang ito ay maghahatid sakaniya ng isang malaking responsibilidad. Isang responsibilidad na babaliktad sa mundo niya at labis na dudurog sa pagkatao niya. Nakahanda ba siyang ipag-patuloy ang pag-ibig sa taong may may mahal pang iba? Handa ba siyang tumayong Ina para sa anak na nagmula sa babaeng kaagaw niya?
Romance
1055.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

“Limang milyon at proteksyon mula sa mapang-abuso mong pamilya kapalit ng anim na buwan na pagiging asawa ko?!” Isang tanong na makakapagpabago ng buong buhay ni Xyrille Himenez. Si Xyrille Himenez ay isang Room Cleaner Supervisor sa isang cruise ship na pag-ma-may-ari ng kaniyang long time boyfriend na si Tim Loyola ngunit dahil sa kasakiman sa pera ng kaniyang pamilya , sa unang araw ng kaniyang bakasyon sa Pilipinas ay magagawa siyang ibenta ng kaniyang sariling kadugo sa isang matandang mayamang matagal ng may gusto sa kaniya. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi humingi ng tulong sa kaniyang boyfriend na si Tim ngunit laking gulat niya ng mas pinili nito ang project na inaalok sa kaniya abroad kaysa sagipin siya. Isang umaga. Matatagpuan na lang niya ang sarili niya na kasama ang pinsan ni Tim na si Atty. David Loyola sa iisang silid na hubo’t hubad. Matutulungan nga kaya ni Atty. David si Xyrille laban sa kaniyang pamilya? Matututunan nga bang mahalin ni Xyrille ang kaniyang asawa? Anong mga tinatanong lihim ang bumabalot sa pagkatao ni Atty. David? At paano nila haharapin ang pagbabalik ng pinsan niyang si Tim Loyola?
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

Hindi siya kagandahan alam niya. Minsan tinatawag pa siyang mukhang weirdo pero wala siyang pakialam. Siguradong-sigurado siya na mapapasakanya ang gwapong-gwapong si Clyde del Espania dahil umaasa siya sa gayuma na nakasulat sa libro ng lola niya. Paano naman kung ang lahat nang panggagayuma niya ay nauudlot dahil sa kinaiinisang kambal nito na si Kyle del Espania? Alam ng lalaki na patay na patay siya sa kambal nito kaya't tinutulungan siya ni Kyle kung paano siya mapapansin at magugustuhan ni Clyde. May sariling layunin din kasi ang lalaki. Gusto nitong mabawi ang babaeng mahal nito na si Claire na siya ngayong fiancee ng kambal. Pero paano pa niya ipagpapatuloy ang usapan nila kung siya mismo ang parang nagagayuma sa kambal ng lalaking kinababaliwan niya dati? Paano kung si Kyle na pala ang itinitibok ng puso niya? Makukuha niya rin kaya ito sa gayuma kahit alam niyang mahal na mahal pa rin nito ang ex nitong si Claire?
Romance
1039.7K viewsCompleted
Read
Add to library
 MAKE YOU MINE : Possesive Boys  Series 1

MAKE YOU MINE : Possesive Boys Series 1

Miguel Felix Montemayor, anak ng isang bilyonaryo, gwapo, at pinapangarap ng lahat. Pero ang totoo, isa lang ang laman ng puso niya: si Serenity Delavega. Isang gabi ang magpapatindi ng pagtingin niya sa dalaga. Subalit nagbago ang lahat nang malaman niyang may boyfriend na si Serenity, at ito ay walang iba kundi ang kanyang pamangkin. Anuman ang gawin ni Miguel, hindi niya pa rin makalimutan si Serenity. Labis-labis ang pagmamahal niya sa dalaga, at kahit lumipas man ang mga taon, mas lalo pa itong lumakas, naging isang masidhing obsesyon. Ano ang handa niyang gawin para makuha ang puso ni Serenity? Handa ba siyang itaya ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado, at kahit na ang ibig sabihin nito ay pakikipag-agawan laban sa sariling pamangkin? Matagumpay ba niyang mapapaibig si Serenity, o masisira ang lahat dahil sa kanyang matinding obsesyon sa dalaga?
Romance
1019.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Tears of Pain

Tears of Pain

HopeIsSerenity
Inside the house of pure darkness, there lived a girl who was once painted with purity and innocence. Until the demon began devouring her femininity, stealing her faith away from God as it destroys her whole existence.At sino'ng mag-aakala na ang demonyong sisira sa kaniyang buhay ay ang sariling ama? How can this demon be so manipulative that all she could do was scream in pain and whimper in silence?Slowly, the wall she tried to build was falling down, making the hopes from deep into her soul crashed into pieces. WARNING: This book contains violence and suicidal ideation. Reader's discretion is advised.
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
350 viewsOngoing
Read
Add to library
The Crazy Tease (tagalog)

The Crazy Tease (tagalog)

Raw Ra Quinn
LANDIIN si Gabino Melchor!Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush!Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila....First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na mahal niya ito pero ng mag bunga ang kapusukan dala ng kabataan nila, nalito siya. Mahal niya si Gabino at alam niya na marami pa itong pangarap at malaki ang tiwala niya na malayo ang mararating ng lalaki hindi katulad niya na maraming hang ups sa buhay at hindi alam kung anong pangarap niya sa buhay.So she decided to left him without telling him that he's going to be a father..Pinili niyang lumayo para hindi maging hadlang sa pangarap nito..5 years later their paths meet again.. Sa isang club kung saan siya nag ttrabaho and all her feelings for him rekindle..Will she let herself to be happy this time??
9.628.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The  Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

The Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

Si Cassandra "Cassie" Saavedra, isang dalagang puno ng pag-asa para sa kanyang kinabukasan, ay nagiba ang mundo nang marinig niya ang isang nakakasakit na sikreto tungkol sa kanyang kasal. Habang naghihintay para sa kanyang prenatal checkup, hindi sinasadyang nakasaksi siya sa isang pag-uusap sa pagitan ng kanyang asawang si Tristan Troy Olivares at ng kanyang kapatid na si Chloe Ava Saavedra, na magbabago sa kanyang buhay magpakailanman. Ang kanyang asawa, na kanyang akala ay malamig at walang amor, ay naging malalim na kasangkot sa kanyang kapatid sa isang lihim na plano na kinasasangkutan ng kanilang hindi pa isinisilang na anak. Nalaman ni Cassie na siya ay isang surrogate lamang, nagdadala ng isang bata na naisip nina Troy at Chloe. Niloko at nasaktan, napilitang harapin ni Cassie ang isang masakit na katotohanan. Habang nakikipaglaban siya sa mga komplikasyon ng pag-ibig, pamilya, at panloloko, kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang sariling kaligayahan at ang kabutihan ng anak ng kanyang kapatid. Ang kwento ay tumatalakay sa pangloloko, sakripisyo, at ang mga hangganan ng pag-ibig habang sinusubok ni Cassie ang kanyang mga paniniwala sa harap ng isang malaking pagsisinungaling. Habang si Cassie ay nagpupumilit na bumangon mula sa mga labi ng kanyang dating buhay, kailangan niyang pumili sa pagitan ng paghihiganti at pagpapatawad.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status