Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
1021.6K viewsCompletedAdded to Library 734 Times as tanging kailangan
Read
+Library
Sealed Marriage with a Disabled Billionaire

Sealed Marriage with a Disabled Billionaire

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pagbabayad mo sa utang na loob na sinasabi ng pamilya mo? Simula nang malaman na hindi siya ang tunay na anak ng pamilya Lopez, nagbago ang buhay niya. Siya si Eloise Jane, na ang akala ng lahat ay ang nag-iisa at tunay na anak ng mga Lopez. Itinakwil siya pagkatapos, at upang mabayaraan ang pag-aalala ng mga Lopez sa kanya, kailangan niyang magpakasal sa mayamang lalaki. Si Cozmo Dominguez, nag-iisang tagapagmana sa pinakamayamang pamilya sa lungson. Ngunit sa kabila ng lahat ng meron siya, isa lang ang hindi niya kayang gawin---ang makalakad. Magagawa kaya siyang matulungan ni Jane, o kaya niya bang tanggapin si Jane sa buhay niya?
1011.1K viewsCompletedAdded to Library 265 Times as tanging kailangan
Read
+Library
My Revenge Against Mr. CEO

My Revenge Against Mr. CEO

Pinatay ng isang billionaire CEO ang buong pamilya ni Weiwei dahil sa utang na hindi nila kayang bayaran. Siya lang ang nailigtas—itinago ng kanyang ina bago pa man sumalakay ang mga armadong lalaki. Makalipas ang isang taon, bumalik si Weiwei bilang isang bagong tao na may iisang misyon: sirain ang anak ng pumatay sa kanyang pamilya, ang bagong tagapagmana ng imperyo. Pumasok siya sa kompanya, ginawa siyang tiwala ng binatang CEO, at unti‑unting winasak ang kanyang negosyo at reputasyon. Pero may hindi siya inaasahan—ang bagong CEO ay hindi halimaw tulad ng kanyang ama. Siya ay mabait, patas, at totoo. Ngayon, kailangan nang pumili ni Weiwei: ituloy ang kanyang paghihiganti o mahulog sa lalaking dapat niyang gibain. Walang bastusan. Walang pang‑aabuso sa bata. Paghihiganti at pusong naguguluhan lang.
221 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as tanging kailangan
Read
+Library
The Don's Vow of Ashes

The Don's Vow of Ashes

Sa ilalim ng katahimikan ng Hacienda Cortez ay nag-aalab ang apoy ng kasalanan at paghihiganti. Matapos ang limang taon ng paglalakbay sa dilim, bumalik si Don Rafael Cortez, ang pinakabatang pinuno ng sindikatong Cortez, upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, nakatadhana siyang makaharap ang anak ng kanyang kalaban—Selena Villafranca, ang babaeng may dugo ng kaaway at apoy ng pag-ibig sa kanyang mga mata. Ginawang bihag ni Rafael si Selena bilang kabayaran ng dugo. Ngunit sa bawat gabi ng katahimikan, unti-unting nagbabago ang hangin sa pagitan nila, mula sa galit tungo sa pagnanasa, at mula sa kasalanan tungo sa pagtubos. Sa gitna ng abo ng Hacienda Cortez, kailangan nilang pumili: pag-ibig na magpapalaya o sumpang magtatapos sa kanila.
434 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as tanging kailangan
Read
+Library
Ang Malditang Nerd Series #1: Althea Summer Velazquez

Ang Malditang Nerd Series #1: Althea Summer Velazquez

Pseudonym
Althea Summer Velazquez known as malditang nerd sa school nila. Maldita at cold minsan, ang gusto nya ay mag-aral at wag syang d-distorhin pero dahil kay Kenneth ay hindi sya nakakapag focus. Kenneth Lazaro a typical playboy type pero ang tanging babaeng gusto nya ay si Althea. Mga bata palang sila ay may gusto na sya rito kahit sobrang suplada nito sakanya. Pinangako sa sarili na kahit na sinong babae pa ang dumating sa buhay nya ay papatulan nya ito pero ang babaeng pakakasalan nya ay si Althea. Kahit na anong pag papansin ang gawin nya ay balewala lang kay Althea hanggang sa pinakiusapan na nya ang Mommy nya ipagkasundo silang ikasal ni Althea dahil matalik na magkaibigan ang mga magulang nila ay pumayag ito. Pero pano si Althea? Pano kung umayaw sya sa kagustuhan nila? Pero pano kung wala kang choice kundi ang sundin ang mga magulang mo?
2.5K viewsOngoingAdded to Library 99 Times as tanging kailangan
Read
+Library
Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
1019.1K viewsOngoingAdded to Library 764 Times as tanging kailangan
Read
+Library
HER DIARY(JANDY)

HER DIARY(JANDY)

@BATCHIWA
A story of a girl that full of secrets, regret and hatred. She hates his bestfriend so much after the tragedic happen to her. Because of this, her life became miserable. She had a lot of questions that want to answer it but how? Eh, wala nga siyang kumpiyansa sa sarili para ipakita ito. At isa pa, tanging sa diary lang niya siya nakakapagconfess. She wrote everything that came out to her mind. Everything she felt and she wanted to do. Katunayan, marami pang mga bagay ang gusto niyang gawin sa buhay pero dahil sa lagi niyang naaalala ang nangyari sa kaniya ka hindi niya ito magawa. However, She have this darkest secret that no one knows it. Pero papano? If someone knows her secret. Anong mangyayari sa kanila? Are they going to feel or should I say to experience the hell? Now, the exciting question is what if makita niya ulit ang mga taong nagpaghirap at sumira ng buhay niya at lalo na ang taong hindi niya akalain na pababagsakin siya. Would she take her revenge? Would she risk her life? Or in the end mananaig ba ang pagpapatawad.
9.46.7K viewsOngoingAdded to Library 248 Times as tanging kailangan
Read
+Library
My Husband, You'll Never Get Us Back

My Husband, You'll Never Get Us Back

Pinakasalan siya para sa posisyon. Iniwan para sa ibang babae. At ngayon, gusto siyang balikan. Buong pusong minahal ni Selene ang asawang si Lucien Alcantara kahit malamig ang pakikitungo nito at laging inuuna ang trabaho. Akala niya ay sapat na ang pagmamahal niya para maging masaya ang kanilang pagsasama. Hanggang sa isang gabi, nalaman niya ang totoo. Ginamit lang pala siya ni Lucien para makuha ang gusto nito sa pamilya. Sa loob ng limang taon, tahimik na tiniis ni Selene ang sakit habang mag-isang itinago at pinalaki ang anak nilang si Alessia. Pero sa pagbabalik ni Lucien mula New York, muling magugulo ang kanyang buhay. Dahil hindi lang ito bastang bumalik—may kasama itong babaeng buntis at balak pang patirahin sa kanilang tahanan. Habang unti-unting nabubunyag ang mga sikreto at kasinungalingan, mapoprotektahan pa kaya ni Selene ang anak? O darating ang araw na maaagaw ni Lucien ang tanging dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban?
88 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as tanging kailangan
Read
+Library
ACADEMIC AFFAIRS [SPG]

ACADEMIC AFFAIRS [SPG]

Tahimik. Matalino. Misteryosa. Si Xyrel Rivera—ang bagong transferee sa San Rafael High—ay hindi katulad ng iba. Habang ang buong klase ay abala sa mga ingay ng kabataan, siya’y laging nakaupo sa pinakadulong upuan, nakatingin sa labas ng bintana… at tila may tinitimbang na lihim na siya lang ang nakakaalam. Para kay Prof. Ederson Nolasco, si Xyrel ay isang palaisipan. Sa una’y awa lang ang naramdaman niya—hanggang sa dahan-dahan itong nagbago. Ang pagnanais niyang tulungan ang dalaga ay nauwi sa pagkagusto, at ang simpleng curiosity ay naging panganib na di na niya mapigilan. Bawal. Mali. Pero bakit tila mas lalong humihigpit ang tali sa pagitan nila sa bawat titig, sa bawat lihim na sandali, at sa bawat salitang hindi dapat marinig ng iba? Sa isang mundong hinuhusgahan ang bawat maling pag-ibig, pipiliin ba ni Prof. Ederson ang tama… o ang tanging taong nagparamdam sa kanya ng tunay na damdamin?
3.1K viewsOngoingAdded to Library 84 Times as tanging kailangan
Read
+Library
AUDITION FOR HER BED

AUDITION FOR HER BED

Si Nosgel Jademara Francisco, dalawampu’t walong taong gulang, ay hindi naniniwala sa salitang "pag-ibig." Ang kanyang mundo ay umiikot lamang sa tatlong bagay: kasunduan, kontrol, at salapi. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng malawak na yaman at ang punong tagapamahala ng Vance Industries. Sa kanyang silid-tulugan at saanman siya magpunta, iisa lamang ang kanyang batas: Siya ang laging masusunod. Dahil dito, nagpagawa siya ng isang anunsyo na kumalat sa buong siyudad: "Nagpapahanap ng Lalaki. Taas: 6 talampakan pataas. Lakas at tibay: Buong gabi. Katapatan: Walang pasubali. Pagkasira ng Puso: Maaaring mangyari." Hindi naghahanap ng kasintahan si Nosgel. Ang kailangan niya ay isang ari-arian—isang lalaking magsisilbi lamang sa kanyang kagustuhan at magpapasaya sa kanyang katawan Hanggang sa dumating si Gabriel Hawthorne, dalawampu’t anim na taong gulang, ang lalaking tila pinakadesperado sa lahat ng nag-aplay. Gwapo, matapang ang tingin, at tila mayaman kung kumilos kahit na ang totoo ay lugmok siya sa utang. May limampung milyong piso siyang kailangan—isang halagang handa niyang ibigay kahit anong mangyari—para sa kanyang dating kasintahan na si Scarlet Merry, na umano’y dumaranas ng malubhang sakit na leukemia. Pumirma siya sa kontrata nang walang pag-aalinlangan. Hinubad niya ang kanyang damit at dangal. Mula sa araw na iyon, pag-aari na siya ni Nosgel... katawan man o kaluluwa. Ngunit dito nagsimula ang gulo Binili niya ang katawan nito upang punan ang kanyang pag-iisa at lamunin ang kanyang pighati. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, ang gusto na niyang angkinin ay hindi na lamang ang katawan nito... kundi pati na rin ang pusong matagal nang hindi umiibig? AUDITION FOR HER BED Binili niya siya upang makalimot. Ibinenta niya ang sarili para sa isang sinungaling. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang may-ari ay nagsimulang mahulog sa kanyang sariling pag-aari?
10110 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as tanging kailangan
Read
+Library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status