Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)
Siya si Marikit, ang babaeng sa sobrang ganda ay binansagan siya bilang si Miss Manananggal.
Sa baryo San Lazaro, ang pagkakaroon ng porselanang balat at balingkinitang katawan ni Marikit ay hindi biyaya kundi isa itong sumpa. Para sa mga taga-rito, ang babaeng ubod ng ganda ay hindi tao, kundi isang halimaw na nahahati ang katawan pagsapit ng dilim.
Habang ang lahat ay nanginginig sa takot tuwing nakikita si Marikit, para kay Joaquin ay isa itong biyaya. Mataas ang paghanga niya kay Marikit dahil sa gandang meron ito. Bukod doon ay namamangha siya sa katatagan ng loob ng dalaga dahil kinakaya nitong sikmurain ang lahat ng pangungutya ng bayan sa kaniya para lang maitaguyod ang kaniyang pamilya.
Pero paano kung ang mga tao na ang humadlang sa kanilang dalawa? Anak ng Mayor si Joaquin habang si Marikit naman ang itinuturing na salot sa lugar nila.
Sapat na nga ba ang paghanga ni Joaquin para ipaglaban ang isang babaeng sa paningin ng madla ay hindi dapat minamahal?
O kailangan din ba niyang maging halimaw para lang maprotektahan ang kaisa-isang dyosa ng buhay niya?