One Night Stand with a Stranger
Kabi-kabila ang mga tawanan, utos, at pag-uusap ng mga taong nagsisigurong magiging maayos ang lahat para sa pinakamahalagang araw namin ni Miguel.
Ang wedding planners ay walang tigil sa pag-aayos ng dekorasyon. Maingat nilang inaayos ang mga bulaklak, sinisigurong tama ang kulay at ayos ng mga ito upang magbigay ng eleganteng ambience sa venue. May mga staff na nakatutok sa seating arrangements, maingat na itinitiyak na ang bawat bisita ay mauupo sa tamang lugar. May iba namang tumutok sa sound system, sinisiguradong malinaw at walang sabit ang mga speakers para sa event.