Phantom Lover
missyue
Dala ng pangungulila ay laging dinadalangin ni Ino Salve na makita man lang ang mga magulang kahit kaluluwa nalang ang mga ito. Tila dininig naman ang panalangin niya nang makakita siya ng kaluluwa, ngunit ni sa hinagap ay hindi niya kailanman ginustong makakita ng iba bukod sa mga magulang niya, mas lalo pa at sundan siya.
Doon na nagsimulang magulo ang buhay ni Ino Salve ngunit imbes na matakot dito ay iba ang naramdaman niya lalo na ng mapagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Unti-unting umusbong ang kakaibang damdaming alam niyang imposibleng mangyari. Sinubukan niya iyong pigilin pero hanggat nagkakasama sila ay lalong lumalalim ang damdamin niya para rito. Ngunit mapipigilan pa kaya niya ang damdamin kapag nalaman niyang parehas sila ng nararamdaman? May patutunguhan kaya ang damdamin sa pagitan ng isang tao at ng isang multo?