Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Psycho Secrets

Psycho Secrets

Tanya Sanchez, isa siyang nurse sa ospital ng mga baliw. Devin Ferrer, isang pasyente ng hospital na may kakayahang makita ang kamatayan ng mga tao sa ospital na iyon. Ilang buhay ang masasawi? Sino ang salarin? Posible bang mahulog ang loob ng nurse sa kanyang pasyente? Samahan ang dalawa sa paglutas ng misteryo ng katakot-takot na ospital.
Paranormal
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THE UNWANTED MARRIAGE

THE UNWANTED MARRIAGE

Walang nagawa si Vince nang magdesisyon ang mga magulang niya na ipakasal siya sa isang babaeng hindi niya naman mahal. Si Coleen ang anak ng kaibigan ng mga magulang niya. Katulad niya tutol din si Coleen sa gusto ng mga magulang nito. But, knowing his dad, lahat gagawin nito mapasunod lang siya sa kagustuhan ng mga ito. Lalo pa at nagbanta ito na tatanggalan siya ng mana. Hanggang isang umaga nagising na lang sila na magkasama sa kama at kapwa nakahubad. Matutunan kaya nila na mahalin ang isa't-isa? O, gagawin nila ang lahat para makawala sa isang kasal na di naman nila ginusto.
Romance
10100.0K viewsCompleted
Read
Add to library
His Obsession

His Obsession

"When I said no, then no." Said he. "But—" "No buts, Anna. Hindi ka lalabas, kasama ng mga kaibigan mo." -------- In her 18th birthday, when Anna Grideon turned 18, his step-brother changed. Nililimitahan nito ang pakikipagusap niya sa mga kaibigan niya, lalo na sa mga lalaki. Pinagbabawalan siya nitong lumabas kasama ang mga kaibigan niya. LAHAT ng mga kilos niya ay binabantayan at nililimitahan nito. And that changed her life.
Romance
109.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Wedding Scammer

Ang Wedding Scammer

Nagscroll ako sa reddit ng napadaan ako sa post na naghahanap ng payo. Sabi ng poster na meron siyang HIV pero tinatago ito mula sa kanyang fiancee. Ang post ay merong libong mga like. Naintriga, pinindot ko ito para magbasa pa. Ng dumadaan ako sa mga detalye, napagtanto ko—bakit ang paglalarawan ng fiancee ay pareho ko?
Short Story · Romance
921 viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Fusion of Two Worlds

The Fusion of Two Worlds

Mathealogy
Isang babaeng pinangalanang Sithya ang nadisgrasya dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya, hindi niya alam kung paano mamumuhay ng walang kaalam alam kung sino at nasaan siya. Wala siyang ibang magagawa kundi ang magpanggap at makisama sa mga mageno na napag-alamanan niyang may espesyal na abilidad. Namuhay siyang nagpapanggap na kabilang sa mga naninirahan sa Voreios, lugar kung saan nakatira si Ravus — ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa makuha niya ulit ang kanyang memorya. Nang sa gano’n ay makabalik siya sa totoong kanyang pinanggalingan, at hindi iyon Voreios. Naging matunog ang kanyang pangalan sa Voreios dahil sa kanyang pambihirang pisikal na abilidad na kayang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mga mageno kung kaya’t sa maikling panahon ay itinuring siyang isa sa mga mageno kahit walang taglay na espesyal na abilidad. Sa maikling panahon ay marami na siyang nagpadaanan sa loob ng Voreios at pakiramdam niya ay kabilang talaga siya dito. Kaya gumuho ang lahat nang bumalik ang kanyang memorya. Hindi siya si Sithya. Hindi siya taga-Voreios, at lalong lalo nang hindi siya mageno dahil siya si Seffyre Nicolisle Lestridge na isang tao. Siya pala ay mula sa mundo ng mga tao na kinamumuhian ng mga mageno. Nauunawaan niya na kung bakit kakaiba ang kanyang pisikal na abilidad. Iyon ay dahil siya ay hindi lang ordinaryong tao kundi isang agent na hubog sa pakikipaglaban. Ngayon ay kailangan niyang gumawa ng paraan upang makabalik sa mundo ng mga tao na kanyang totoong kinabibilangan habang wala pang nakakaalam sa kanyang lihim. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao ay nabalitaan niya na ang mundo ng mga mageno ay nasa panganib. Pipiliin niya bang bumalik para tumulong? O manatiling mamuhay ng ordinaryo sa kanyang sariling mundo?
Sci-Fi
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Love With My Step-Sister

Forbidden Love With My Step-Sister

Silas Cahir is a man who has an intimidating aura. Ngunit kahit ganoon ay gustong gusto pa rin siya ng mga babae, nilalapitan pa rin siya ng mga ito. Sa ibang bansa siya nanirahan ng maraming taon, at sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas para sa isang misyon ay nakilala niya ang isang babaeng ubod ng sungit at talim ang mga salitang lumalabas sa bibig na umangkin ng pamamahay niya. At ang babaeng magpapabago ng takbo ng kanyang buhay, ang babaeng magtuturo sa kanya kung paano umibig at maging masaya, ang babaeng ito ay walang iba kundi si Xandra Williams na sa kasamaang palad ay step-sister niya.
Romance
162 viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting The Billionaire's Triplets

Babysitting The Billionaire's Triplets

Nagpasya si Tres Eunice Lazi na maghanap ng trabaho para mabayaran nila ang sangla sa lupa sa kanilang probinsya. Hanggang nagkaroon siya ng trabaho bilang isang babysitter sa isang anak ng isang bilyonaryo. Hindi lang isang bata ang kanyang babantayan kundi tatlo. Hindi niya akalain na mas demonyo pa sa demonyo ang mga bata na aalagaan niya dahil sobrang kulit nito. Nabigyan lang siya ng lakas na loob dahil nalaman niyang wala palang magulang na bumabantay at nagpapatino sa mga bata kaya naisipan niya maging isang magulang para sa tatlo. Pero paano kung isang araw ay makilala niya si Damon Santo Stefano, ang ama ng mga bata tsaka na niya nalaman na nagmana pala ang tatlo sa kademonyohan ng kanilang ama. Pinapahirapan siya nito at pinaalis sa trabaho pero agad siyang pinabalik dahil palagi na siya hinahanap ng mga bata. Dumating ang araw na unti-unti nahuhulog ang kanya loob kay Damon pero kasabay nun ay nabayaran na niya lahat ang mga nasangla nilang lupa at kailangan na niyang umuwi at tumigil na sa pagta-trabaho para makasama ang pamilya sa probinsya. Makakaya niya bang iyan ang mga bata at ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso? Anong mangyayari kung kasabay nun ay dumating ang kinatatakutan niyang mangyari. Ay ang dumating ang tunay na ina ng mga bata.
Romance
9.915.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status