Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ADDICTED

ADDICTED

Queen Amore
TO HER family, Brooke was pain in the ass. Sa kanilang tatlong magkakapatid kasi ay siya lang ang matigas ang ulo. At para daw magtino siya ay napag-desisyonan ng ama na ipakasal siya sa anak ng business partner nito. Against si Brooke sa desisyon ng ama kaya sa araw na ipapakilala sa kanya ang lalaking gustong ipakasal sa kanya ay lumayo siya. Sa paglayo ay napadpad siya sa Baguio. Pinatira siya ng bestfriend sa townhouse ng mga ito. Akala ni Brooke ay mag-isa lang siyang titira do'n pero may board mate pala siya. Si Seven--kaibigan ng kuya ng bestfriend niyang si Zarina. Seven was tall, fair-complesion and handsome. And he is a playboy--a notorious one. At mukhang target din siyang maging babae nito dahil inaakit siya nito. Sinabi niya sa sarili na hindi siya mahuhulog sa karisma nito pero no'ng halikan siya nito sa labi ay nag-blanko ang isip niya. Iyong sinabi niyang hindi siya magpapaakit ay nagpaakit siya. And she couldn't deny the strong sexual tension between them. And it's hard to resist. At sa patuloy nitong pag-aakit sa kanya ay tuluyan na siyang bumigay...
4.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 88 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
Blooming Season (Russo #1)

Blooming Season (Russo #1)

Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
1.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 24 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father

Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father

What if you accidentally slept with a complete stranger, not knowing that he would one day be the man responsible for sending your father to jail? Ganiyan ang nangyari kay Serena Dela Cruz—isang babaeng handang isakripisyo ang lahat para sa pag-ibig. Upang mailigtas ang naluluging negosyo ng pamilya ng kanyang nobyong si Eric Santos, ibinigay niya ang pitong milyong piso na inilaan sana para sa operasyon ng kanyang inang may sakit sa kidney. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang sakripisyo, pinagtaksilan siya ni Eric kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Celine Watson. Lubos na ang mundo ni Serena nang matuklasan niyang buntis siya matapos ang isang gabing hindi niya inaasahan kasama ang isang estranghero. Sa kabila ng sakit, utang, at kahirapan, pinili niyang buhayin at mahalin ang kambal na anak na siyang naging dahilan upang muli siyang bumangon. Ngunit muling magtatagpo ang kanilang mga landas ni Mark Sebastian Lancaster—ang lalaking nakabuntis sa kanya—hindi bilang ama ng kanyang mga anak, kundi bilang isang makapangyarihang lalaki na naghahanap ng kontratang asawa upang makuha ang buong mana ng mga Lancaster. Kapalit ng kanyang alok ay mga bagay na hindi kayang tanggihan ni Serena. Hindi nila alam na matagal nang pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga buhay at nagbunga iyon ng dalawang anak. Matutuklasan kaya ni Sebastian na siya ang tunay na ama ng kambal? At mabubuksan pa kaya ni Serena ang sugatan niyang puso para sa isang lalaking kilala niyang malamig, ambisyoso, at gahaman sa kapangyarihan at pera?
1032 viewsOngoingIdinagdag sa Library 1 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
10745 viewsOngoingIdinagdag sa Library 23 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
Insensitive SPG

Insensitive SPG

Si Izzy Abella ay kinailangang magpaalila sa isang bilyonaryong nagngangalang Karson dahil sa kasalanan ng kaniyang ama rito. Matapos kasing maaksidente ang minamanehong kotse ng kaniyang ama ay basta na lamang itong tumakas. Posible kayang magkagusto si Izzy sa tao na walang ibang ginawa kun 'di ang pagsalitaan siya ng masama?
10885.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 26.6K Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
In Ninong Santino's Bed

In Ninong Santino's Bed

Hindi naging madali ang buhay ni Cataleya Lorenzo. Lumaki siyang walang ina at ang tanging pamilya niya ay ang ama niyang palaging abala pero kailanma’y hindi siya pinabayaan. Sa Amerika siya nagkaisip, malayo sa mundong tunay niyang pinagmulan. Pagbalik niya sa Pilipinas, isang linggo pa lang ang lumilipas nang ipakilala sa kanya ng ama ang matalik nitong kaibigan—si Santino Rosales. Matagal na niyang naririnig ang pangalang iyon, pero hindi siya handa sa kung anong klaseng presensya ang sasalubong sa kanya. Walang nabanggit ang ama niya tungkol sa lalaking may tinging kayang tumagos sa laman, tinig na malamig pero nakakakuryente, at lakas ng loob na hindi mo puwedeng bale-walain. Si Santino Rosales ay isang kilalang propesor, negosyante, at taong hindi basta nalalapitan. Pero habang tumatagal, lalong nahuhulog si Santino sa bitag ng sarili niyang damdamin. At nang biglang bawian ng buhay ang ama niya sa isang aksidente, naiwan siyang walang mapuntahan kundi ang bahay ni Santino. Sa huling hiling ng ama niya, ito na ang magiging tagapangalaga niya. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, sa bawat tahimik na gabing sila lang ang naroroon, mas lalong humihigpit ang tali ng damdaming hindi dapat umusbong. Anong gagawin niya kung ang nag-iisa niyang tagapagtanggol ay siya ring lalaking unti-unting bumibihag sa puso niya?
2.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 50 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
Owned By The Mob Boss

Owned By The Mob Boss

"Kailangan mo ng pera; kailangan ko ng asawa." Si Peony Sinclair, isang workaholic na babae, ay nakilala si Mattia Luigi D'Amato, isang kilalang boss ng mafia na may madilim na sikreto. Habang si Peony ay nagtatrabaho nang husto para mabayaran ang ospital bills ng kaniyang ama, si Luigi ay busy sa pakikipagtalik sa iba't-ibang babae at pagtapos ay babawian niya ang mga ito ng buhay. Sa patuloy na pag-angat ng gastusin sa ospital, kinakailangan ni Peony ng malaking halaga ng pera. Sa kaniyang desperasyon, natagpuan niya ang sarili sa isang auction matapos siyang lokohin ng isang babae na nangakong magbigay sa kan'ya ng magandang trabaho at malaking sahod. Magiging simbolo ba si Peony ng pagbabago para kay Luigi, o haharapin niya ang parehong kapalaran ng ibang biktima ni Luigi?
104.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 102 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
The Billionaire's Impostor Bride

The Billionaire's Impostor Bride

Nang mamatay ang kanilang ina noong siya ay siyam na taong gulang pa lang ay nagmistulang ulila si Sierra at tila itinakwil na ng kanyang ama, sinisisi siya nito dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina. Kahit na ganoon ang trato sa kanya ng kanyang ama ay walang namuong sama ng loob sa kanyang puso at sa halip ay inisip na totoo ang sinusumbat nito at tinanggap iyon. Sa kagustuhan niyang mabigyan ng kahit kaunting pansin at pagkalinga ng kanyang ama ay sinusunod niya ang lahat ng mga utos nito kahit na labag sa kanyang kalooban. Mas lalong nagpabigat ng kanyang kalooban nang hilingin ng kanyang ama na palitan ang kanyang kapatid at magpanggap na siya si Noemi Sienna sa araw ng kasal nito sa isang bilyonaryong bulag. Hanggang sa kasalan lamang ba magtatapos ang lahat? Ano ang mararamdaman ng lalaking ikakasal kapag nalaman nitong ibang babae pala ang kanyang napakasalan?
9.97.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 278 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
Doctor Calyx: Touch Me Gently

Doctor Calyx: Touch Me Gently

Mataba. Nerd. Walang kaibigan. Ganito noon si Calyx Monteverde—isang binatang pinangarap lamang mahalin ng babaeng tinitibok ng puso niya, si Sahara Villareal. Maganda. Seksi. Perpekto. Ngunit sa halip na matamis na ngiti, kahihiyan ang isinukli ni Sahara sa kanyang lihim na damdamin—sa harap ng lahat. Lumipas ang mga taon. Si Calyx, ngayo’y isang kilalang, mayaman, at magaling na doktor. Si Sahara? Bagsak ang negosyo, naghihirap, at desperado. Malubha ang sakit ng ama niya—at tanging si Dr. Calyx ang makapagliligtas. Ngunit paano kung ang lalaking minsang pinahiya mo ay siya ring tanging pag-asa ng ama mo ngayon? At paano kung wala kang sapat na pera para bayaran ang kanyang serbisyo? May isang kondisyon si Calyx—ang katawan ni Sahara ang magiging kabayaran. Ngayon, sa harap ng muling pagtatagpo, ano ang nanaig sa puso ni Calyx—ang matagal na pagmamahal o matinding paghihiganti?
10808 viewsOngoingIdinagdag sa Library 32 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
The Billionaire's Mischievous Wife

The Billionaire's Mischievous Wife

Mulat si Kristine sa buhay probinsya dahil magmula noong maghiwalay ang kanyang mga magulang ay kinuha siya ng kanyang ama at dinala sa probinsya upang doon manirahan. Sabik siya sa pagmamahal ng isang ina, kaya nang magkataong kailangan ng kanyang ina ang tulong niya, ay kaagad itong pumayag para lamang makapiling ito kahit na labag man sa kagustuhan ng ama. Lahat ay gagawin niya alang-alang sa gustong mangyari ng ina, ngunit hindi niya inaasahang ang tulong na hinihingi ng ina niya ang siyang makakapagpabago sa mga dati niyang nakagawian at buong katauhan.
4.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 142 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
PREV
1
...
1920212223
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status