Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10471 viewsOngoing
Read
Add to library
The Maid Who Married The Boss

The Maid Who Married The Boss

Isang maid ang inalok ng kasal ng kanyang boss para makuha nito ang mana. Dahil sa hirap ng buhay, pumayag siya kapalit ng ginhawa para sa kanyang pamilya. Ngayon, asawa na siya ng isang bilyonaryo. Pero kaya ba niyang manatili sa kasal na ito nang hindi nahuhulog sa boss niya—lalo na kung alam niyang mahal pa rin nito ang dating kasintahan?
Romance
1032.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
Romance
391 viewsOngoing
Read
Add to library
THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

Isang babaeng kinatatakokotan ng kahit sinong tao na makabangga niya dahil sa angking galing nito sa pakikipagtunggali--- Nathalie Collins. Isang mahusay na NBI Agent, dahil lahat ng misyong ibinibigay sa kaniyan ay walang kahirap-hirap niyang nalutas. Ngunit sa kaniyang puso ay nakapaloob ang lungkot at paghihiganti upang mabigyan ng katarungan ang mga magulang na basta na lang pinatay ng taong hindi niya kilala. Sa patuloy niyang paghahanap sa mga kriminal na pumaslang sa pamilya niya, ay unti-unti namang lumalambot ang puso niya sa babaero niyang boss na si Frank Smith. Para sa kanya ay kailangan niyang sumipilin ang kaniyang puso lalo na at alam ni Natalie na sa bandang huli ay siya pa rin ang uuwing luhaan. Ngunit hanggang kailan niya kayang paglabanan ang pag-ibig na nadarama para kay Frank? At may pag-asa pa kayang makamit ng mga magulang ni Natalie ang hustisyang nararapat para sa pamilya?
Romance
1016.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.
Romance
1068 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

Limang taon ng matinding pag-ibig ang nagwakas sa pinakamapait na paraan. Iniwan ni William Ferrer si Erin sa araw mismo ng kanilang kasal—para sagipin si Menchie, ang kababata nitong nagtangkang magpakamatay. Sa puntong iyon, napagtanto ni Erin ang isang masaklap na katotohanan: hindi niya kayang tunawin ang pusong yelo ni William. Buong tatag niyang tinapos ang lahat ng koneksyon sa lalaki at nilisan ang Cebu, patungong Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit sa isang gabing puno ng alak at pangungulila, napunta siya sa isang hindi inaasahang sitwasyon—nagising sa kama ng isang cold-hearted billionaire na kaaway pa ng kanyang kapatid na si Randell. Walang iba kundi si Blake Gener! Sa pagsikat ng araw, tahimik siyang gumapang papalayo upang makatakas sa lalaki. Ngunit bago pa man siya makalayo, hinatak siya pabalik sa kama ng lalaki. Ang tinig ni Blake, mabagal at mapanukso, ay bumulong sa kanyang tainga, habang ang mga daliri nito ay dumadampi sa sariwang marka ng kiss mark sa sariling leeg: “My Little Erin.., akala mo ba makakatakas ka matapos mo akong angkinin? Hinalikan mo ako nang ganito— kailangan mo akong panagutan.” Sa mataas na lipunan ng mga mayayaman, kilala si Blake, ang nagmamay ari ng B&G corporation, bilang isang lalaking malamig at aloof. Ngunit walang nakakaalam ng kanyang lihim—ang kanyang pagmamahal sa kapatid ng kanyang mortal na kaaway. Mula noong may mangyari sa kanila ni Erin, bumaba siya sa kanyang pedestal. Ang paghanga ay nauwi sa obsesyon. Bilyun-bilyon ang ginastos niya para bilhin ang isang buong isla para lamang sa babae. Gulat man, hindi naiwasang magtanong ni Erin sa lalaki.. “Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin, Blake?” “Para sayo, my Little Erin.. Handa akong magpakababa, at bilhin ang mundo, basta, mahalin mo rin ako..”
Romance
10578 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Bargain Bride

The CEO's Bargain Bride

Sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan, ang kasal ay hindi palaging tungkol sa pag-ibig. Minsan, isa lang itong kasunduan. Solen Mira Callisto, isang occupational nurse sa Monteverde Lines Inc., ay biglang nabaon sa utang matapos pumanaw ang kanyang ama. Dalawang milyong piso—isang halagang hindi niya kayang bayaran sa loob ng tatlong linggo. Sa gitna ng kanyang desperasyon, dumating ang isang hindi inaasahang alok mula kay Leonidas “Leon” Monteverde, ang matikas pero mailap na COO ng Monteverde Lines. Bilang susunod na tagapagmana ng kanilang shipping empire, may isang kondisyon bago niya makuha ang kumpanyang matagal nang itinakda para sa kanya. Kailangan niyang magpakasal. Isang kasunduan ang nabuo. Isang taon ng pagpapanggap bilang mag-asawa. Walang damdamin, walang komplikasyon. Para kay Leon, ito ay isang kasunduan lang. Para kay Solen, ito ang kanyang tanging paraan para mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Dapat ay simple lang, pero bakit parang hindi lang basta umaarte si Leon? He’s too convincing and too protective. Sa tuwing tatawagin siyang "asawa ko" sa harap ng iba, hindi niya alam kung dapat ba siyang mataranta o kiligin. Unti-unti, nagiging malabo ang linya sa pagitan ng kasunduan at katotohanan. Sa mundo ng kapangyarihan at intriga, paano kung ang isang relasyong nagsimula sa papel… ay mauwi sa isang bagay na totoo?
Romance
10511 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Ambitious Love

Her Ambitious Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 2: Her Ambitious Love Maxine Willow will do everything para sa lalaking kanyang minamahal na si Lucas Ridge—isang sikat na artista. At hindi naman siya nabigo dahil sa kabila ng pagsusumikap at pagtitiis niya ay naabot niya ang mundo nito. Pero may natuklasan siyang lihim mula sa binata, isa itong kabit ni Verlene Reyes Tyler, ang asawa ng isang successful governor na si Hudson Tyler. Pero iba ang lumabas sa mga balita, sa halip na si Verlene ay siya ang kumakalat na girlfriend ni Lucas. At hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit sa halip na kalimutan na lamang si Lucas ay mas lalo niya pa itong hinangad. Gagamitin niya ang pagkakataon na iyon para makuha niya ang lalaking kanyang matagal ng inaasam. Aalukin niya ng kasal si Lucas, kapalit ng pagtahimik niya tungkol sa relasyon nito kay Verlene. Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya niyang tiisin at ibigay para sa lalaking kanyang labis na minamahal? Sapat nga ba ang pagmamahal niya para manatili ito sa buhay niya?
Romance
975 viewsOngoing
Read
Add to library
Captivating Mr. Mysterious ( She’s Into Him )

Captivating Mr. Mysterious ( She’s Into Him )

Presilda Amore
Sabi nila First love never dies. Pero para kay Faye gusto na niyang mamatay ang damdamin niya para sa ex boyfriend niyang si Mark. Ayaw na muna niyang mainlove. Ngunit mapipigilan ba niya ang kaniyang puso sa muling pagtibok nito? Sino kaya sa dalawang binata ang karapatdapat niyang piliin na maging second love: Si Lance ba na kababata niya at matagal nang nagmamahal sa kaniya o si James, ang the man in a leather shoes na bumihag sa puso niya pero nakatakda na palang ikasal sa iba?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.524.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status