The Husband I Never Knew
Successful wedding planner si Seraphina Reyes. Sanay siyang gawing perpekto ang mga love story ng ibang tao, kahit matagal nang hindi perpekto ang sarili niyang buhay.
Akala niya ay maayos na ang lahat—hanggang sa isang simpleng pagkuha ng dokumento sa PSA ang tuluyang gumulo sa mundo niya.
Ayon sa records, kasal na siya.
At ang mas nakakagulat?
Ang nakarehistrong asawa niya ay si Lucien Monteverde, isang billionaire CEO na kilala sa buong bansa.
Ang problema?
Hindi niya ito maalala.
Determinado na hanapin ang katotohanan, sinubukan ni Sera na alamin kung paano siya napakasal sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya matandaang nakilala.
Ngunit habang unti-unti niyang binubuksan ang mga lihim ng nakaraan, mas marami pang misteryo ang lumalabas.
Mga nawawalang alaala.
Mga nakatagong dokumento.
At mga taong handang gawin ang lahat upang manatiling nakabaon ang katotohanan.
Sa pagitan ng mga sikreto, kasinungalingan, at alaalang pilit bumabalik, matutuklasan ni Sera na may mga pag-ibig na hindi basta nawawala—kahit pa burahin ng panahon ang bawat alaala nito.
Ngunit kapag nabunyag na ang buong katotohanan, handa pa rin ba silang piliin ang isa't isa?
O may dahilan ang tadhana kung bakit nakalimutan nila ang kanilang mga ala-ala.