Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Flash Marriage With The Billionaire

Flash Marriage With The Billionaire

Si Ariana Wayne, ang nag-iisang tagapagmana ng makapangyarihang Wayne Group, ay nagpasyang mamuhay nang simple at magpanggap na mahirap sa loob ng tatlong taon para sa lalaking kanyang minamahal na si Marcus Valdez. Ngunit sa gabi ng kanilang anibersaryo, laking gulat niya nang hiwalayan siya nito at itaboy na parang basura para lamang sa isang mayamang socialite na makakatulong umano sa negosyo nito. Dahil sa matinding galit at sakit, nagpasyang magbalik si Ariana sa kanyang tunay na marangyang buhay at sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakatagpo niya ang mailap at cold-hearted billionaire na si Lucas Reyes. Sa gitna ng kalasingan at pagnanais na maghiganti, isang mapangahas na alok ang ibinigay ni Ariana kay Lucas—isang biglaang kasal o "flash marriage" para makuha ng lalaki ang chairmanship ng kanilang kumpanya habang gagamitin naman ni Ariana ang kapangyarihan nito para pabagsakin ang dati niyang kasintahan. Tatanggapin kaya ni Ariana ang panganib ng pagiging asawa ng isang lalaking tila walang puso kapalit ng kanyang matamis na paghihiganti? O mahuhulog siya sa sarili niyang patibong kapag ang "contract marriage" nila ay unti-unti nang nagiging totoo at mapang-angkin?
Romance
102.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.525.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
One Hot Night to Forever

One Hot Night to Forever

Pitong taon na ang nakalilipas, hindi sinasadyang nakaniíg ni Yvangeline "Yvee" Alejado ang isang arogante, dominante at malakas na CEO na si Gideon Isaac Revamonte. Nagkamali siya ng silid na napasukan at inakalang si Gideon ang lalaking binayaran niya para sa isang mainit na gabi. Tulad ng plano at inaasahang mangyari ni Yvee, nagbunga ang isang mapusok na gabing iyon dahilan para makalaya siya sa masamang plano ng kaniyang sariling ama. Nanganak siya ng kambal na lalaki. Nawala ang isa at naiwan si Atticus sa kaniya. Sa pagbabalik ni Yvee para hanapin ang kaniyang nawawalang anak, muli niyang nakatagpo si Gideon. At sa hindi inaasahang pagtatagpo ng kambal, gagawa sila ng paraan para buuin ang kanilang nasirang pamilya ngunit paano nila pahuhupain ang galit ng isang Gideon Isaac Revamonte sa babaeng inaakala niyang inabandona ang kanilang anak at iniwan siyang mag-isa sa ere? May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya? Paano kung malaman niyang may kaugnayan pala si Gideon sa kaniyang yumaong ex-fiancé?
Romance
107.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MAHAL KITA PERO

MAHAL KITA PERO

Blossom
Ang pagmamahal ay para sa bawat isa, kalayaan natin humanap ng tao na makapupuno at masasabi, na siya na nga ang makakasama natin sa habang buhay. Ngunit bakit napaka lupit ng buhay para kay Red. Anak mayaman, gwapo, matipuno, halos lahat ng katangian para sa Ideal Man ay nasa kanya. Lahat nga ba ay nabibili ng pera? Nabibili ng yaman ang dignidad? O may tao talagang sapat na makita lang masaya ang minamahal niya. Hanggang saan makakaya ng binata ang hagupit ng tadhana para ipaglaban ang mahal niya. Masasabi nga ba na totoo ang Happy Ending? o hanggang sa pelikula lamang pala makikita ito.
Romance
2.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaires Pregnant Babysitter

The Billionaires Pregnant Babysitter

Tatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.” Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito. Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito. Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho. Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?
Romance
306 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.
Romance
105.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Maid Who Married The Boss

The Maid Who Married The Boss

Isang maid ang inalok ng kasal ng kanyang boss para makuha nito ang mana. Dahil sa hirap ng buhay, pumayag siya kapalit ng ginhawa para sa kanyang pamilya. Ngayon, asawa na siya ng isang bilyonaryo. Pero kaya ba niyang manatili sa kasal na ito nang hindi nahuhulog sa boss niya—lalo na kung alam niyang mahal pa rin nito ang dating kasintahan?
Romance
1036.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Her Ambitious Love

Her Ambitious Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 2: Her Ambitious Love Maxine Willow will do everything para sa lalaking kanyang minamahal na si Lucas Ridge—isang sikat na artista. At hindi naman siya nabigo dahil sa kabila ng pagsusumikap at pagtitiis niya ay naabot niya ang mundo nito. Pero may natuklasan siyang lihim mula sa binata, isa itong kabit ni Verlene Reyes Tyler, ang asawa ng isang successful governor na si Hudson Tyler. Pero iba ang lumabas sa mga balita, sa halip na si Verlene ay siya ang kumakalat na girlfriend ni Lucas. At hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit sa halip na kalimutan na lamang si Lucas ay mas lalo niya pa itong hinangad. Gagamitin niya ang pagkakataon na iyon para makuha niya ang lalaking kanyang matagal ng inaasam. Aalukin niya ng kasal si Lucas, kapalit ng pagtahimik niya tungkol sa relasyon nito kay Verlene. Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya niyang tiisin at ibigay para sa lalaking kanyang labis na minamahal? Sapat nga ba ang pagmamahal niya para manatili ito sa buhay niya?
Romance
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Nakakahumaling na Pag-ibig

Nakakahumaling na Pag-ibig

Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.”
Romance
9.5260.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Status: Enemies with Benefits

Status: Enemies with Benefits

Para kay Evelyn ay immortal enemy na niya si Terrence Montemayor. As in, hindi kailanman mawawala ang galit niya para sa lalaki. Ngunit sa kanilang muling pagkikita ay magiging amo niya ito kasabay ang pangangailangan niya ng pera para sa kanyang comatose na ina and Terrence is offering her help kapalit ng kasal at wala siyang choice kung hindi ang pumayag. Mabago kaya ng pagsasama nila ang tingin ni Evelyn kay Terrence? Mapigilan kaya niya ang sarili na mahulog ang loob sa lalaking sinumpa na niyang maging kaaway hanggang kamatayan kung sa bawat pang-aakit nito sa kanya ay unti-unting nanlalambot ang kanyang mga tuhod? They’re enemies and they benefited from each other. Status: Enemies with Benefits.
Romance
106.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4142434445
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status