Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
729 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
Fated to be yours (Tagalog)

Fated to be yours (Tagalog)

Hinahanap ni Via ang hustisya para sa kanyang mga magulang, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kanyang matutuklasan na ang kanyang dating kasintahan na minahal niya ng sobra ay konektado sa pamilyang gusto niyang paghigantian at sirain. Makakaya kaya ni Via na ituloy ang kanyang paghihiganti? Ano ang kanyang pipiliin ang hustisya para sa kanyang magulang o ang kapakanan ng taong mahal niya?
1010.9K viewsCompletedAdded to Library 217 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
Her Proclaimed Husband

Her Proclaimed Husband

Deana
Masipag at matiyaga si Vivian sa pagtatrabaho, kahit mag-isa na lang sa buhay ay kumakayod siya upang may maipang-kain para sa sarili. Marami siyang trabaho at isa na rin dito ang pangingisda. Isang araw, habang siya'y nangingisda, natagpuan niya ang isang lalaking palutang-lutang sa karagatan. Kaniya itong kinupkop at napag-alamang nawalan ito ng alaala. Ito na kaya ang pagkakataon niya para makapag-asawa?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 55 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
Love in Disguise

Love in Disguise

Para matiyak na makakamit ni Lorna ang katarungan para sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, kailangan niyang magkaroon ng koneksyon kay Steve Lucchese. Determinado siyang gawin ang lahat para makamit ang katarungan na nararapat sa kanya. Kung hindi malulutas ng mga awtoridad ang kaso, siya mismo ang gagawa ng paraan para makuha ang hustisya.
108.2K viewsOngoingAdded to Library 204 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
Married to the Trillionaire Top Boss

Married to the Trillionaire Top Boss

Matapos malaman ni Collette Addison Serrano na may down syndrome ang kanyang anak ay lalong tumindi ang pagiging taksil ng kanyang asawa sa dating nobya nito. Huminto ito sa pagsustento sa kanya hanggang sa tuluyan siyang pinalayas sa kanilang bahay, dahilan upang mapilitan siyang magtrabaho para buhayin ang kanyang anak. Sa gitna ng kahirapan at kalungkutan ay hindi niya inaasahan na magiging contract wife siya ng kanyang boss. Ano ba talaga ang totoong motibo ni Hezekiah Moreira–ang tanyag at makapangyarihang may-ari ng pinakamalaking nickel mining company–sa pagpili nito sa kanya, isa lamang siyang hamak na single mother na may espesyal na anak para maging asawa nito?
10723 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
Marriage Deal with the Sexy Billionaire

Marriage Deal with the Sexy Billionaire

"Akala ko ba contract marriage lang ang kasal natin? Bakit sinasabi mong mahal mo ako?" Ngumiti si Mattheus, niyakap si Gianne at hinalikan siya sa labi. "Well, wife. Para sa'yo, contract marriage lang 'to. Pero para sa'kin, love deal 'to." _____ Sa halip na proposal ang sumalubong kay Gianne, panloloko ng boyfriend niyang si Calix at ng bestfriend niya mismo ang nakita niya sa cellphone ng lalaki. Sa sobrang sakit ng kalooban, nakipaghiwalay siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Mattheus—isang gwapo at mayamang lalaki na tumulong sa kanya noong manakawan siya. Pumayag siya sa kasal na inalok ni Mattheus— dahil kailangan niya ng asawa sa lalong madaling panahon at si Mattheus naman ay kailangan ng asawa para matigil ang lola nitong pinipilit na itong i-blind date sa iba't ibang babae. Sinunod ni Gianne ang kasunduan at ginampanan ang papel bilang contract wife. Pero isang araw, sinabi ni Mattheus ang hindi niya inaasahan—mahal na siya nito. At saka naman biglang bumalik si Calix, humihingi ng pangalawang pagkakataon. Sino ang pipiliin niya?
101.8K viewsOngoingAdded to Library 58 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
Marahuyo

Marahuyo

Catalina De La Vega, isang babaeng baon sa utang na nangangailangan ng malaking halaga para ito'y mabayaran. Walang magulang o kaibigan na maaari niyang hingan ng tulong kaya para mabuhay, kapit sa patalim siyang gumawa ng paraan. Dito makikila niya ang isang lalakeng tutulong sa kaniya, si Rostam Lombardi. Isang taong makapangyarihan na magbibigay ng pangangailangan niya, subalit mangyayari lang ito kung papayag siya sa isang kasunduang bigyan siya ng anak sa pamamagitan ng isang gabing pagsasaluhan nila. Pumayag si Catalina kapalit ang malaking halaga, ngunit nang malaman niyang idi-dispatsya siya ni Rostam oras na mailabas ang magiging anak nila, agad siyang tumakas at hindi na nagpakita pa sa lalakeng basura pala ang tingin sakaniya. Lumipas ang ilang taong pagtatago, ang kanilang landas ay muling magtatagpo, pero sa sa pagkakataong ito, may batang babae ng kasama si Catalina at iyon ang anak nila ng lalakeng pinangakuan niya. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang naudlot na kasunduan o ito ang magiging dahilan para ito'y masira at mauwi sa totohanan?
1023.3K viewsCompletedAdded to Library 746 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
One Hot Night to Forever

One Hot Night to Forever

Pitong taon na ang nakalilipas, hindi sinasadyang nakaniíg ni Yvangeline "Yvee" Alejado ang isang arogante, dominante at malakas na CEO na si Gideon Isaac Revamonte. Nagkamali siya ng silid na napasukan at inakalang si Gideon ang lalaking binayaran niya para sa isang mainit na gabi. Tulad ng plano at inaasahang mangyari ni Yvee, nagbunga ang isang mapusok na gabing iyon dahilan para makalaya siya sa masamang plano ng kaniyang sariling ama. Nanganak siya ng kambal na lalaki. Nawala ang isa at naiwan si Atticus sa kaniya. Sa pagbabalik ni Yvee para hanapin ang kaniyang nawawalang anak, muli niyang nakatagpo si Gideon. At sa hindi inaasahang pagtatagpo ng kambal, gagawa sila ng paraan para buuin ang kanilang nasirang pamilya ngunit paano nila pahuhupain ang galit ng isang Gideon Isaac Revamonte sa babaeng inaakala niyang inabandona ang kanilang anak at iniwan siyang mag-isa sa ere? May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya? Paano kung malaman niyang may kaugnayan pala si Gideon sa kaniyang yumaong ex-fiancé?
1010.5K viewsOngoingAdded to Library 398 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
2.2K viewsCompletedAdded to Library 82 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
Paid for the Billionaire's Child

Paid for the Billionaire's Child

Certified gold-digger—’yan si Cailin Relova. Bilang isang rising fashion designer, she knows how to weave threads and hearts alike. Para sa kanya, laro lang ang pag-ibig, at siya ang laging panalo. Pero isang gabi sa The Bar of the Elite, ang dating laro ay nauwi sa isang mainit na pagkakamali. Isang estrangherong naka-maskara, isang gabing puno ng pagnanasa, at isang mamahaling ebidensya na hinding-hindi niya malilimutan. Sa tulong ng isang mapanganib na koneksyon, mabilis na natukoy ni Cailin ang lalaking nasa likod ng maskara—isang pangalang sapat na para yanigin ang buong bansa. Ngayong gumuho na ang kanyang mundo, wala siyang balak magpaapi. Hinarap niya ang makapangyarihang bilyonaryo, hindi para humingi ng pag-ibig, kundi para puwersahin ito sa isang malamig na kasunduan: milyon-milyong sustento kapalit ng kanyang pananahimik. Walang pagpapanggap, walang pagsasama, at walang pamilya. Isang purong transaksyon lang na binabayaran ng bilyon-bilyon. Pero sa likod ng marangyang buhay at bawat perang natatanggap niya, unti-unting lumalabas ang mga lihim na mas madilim pa sa gabing iyon. Paninindigan ba niya ang bunga ng kanilang pagkakamali, o muli siyang gagamit ng ibang lalaki para isalba ang kanyang sarili?
10256 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as tula para sa iniibig
Read
+Library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status