Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Accidental Accomplice

The Billionaire's Accidental Accomplice

Para takasan ang isang arranged marriage sa isang lalaking doble ang tanda sa kanya at kilalang marahas, nag-layas si Iris. Walang pera, gutom, at hinahabol ng mga tauhan ng kanyang stepfamily, nakapuslit siya sa isang ultra-exclusive charity gala para magtago. Sa kanyang desperasyon, pumasok siya sa isang pribadong VIP suite para magpalit ng kasuotan at umiwas sa mga humahabol sa kanya. ​Ngunit nagbago ang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok si Damian Vance—isang reclusive, cold, at mailap na tech billionaire. May hinihintay si Damian—isang elite, undercover female investigator na kinuha niya para mag-imbestiga sa isang maseselang kaso ng pagnanakaw sa kanyang kumpanya. Dahil sa suot ni Iris at sa tyempo ng kanyang pagkilos, napagkamalan siya ni Damian na ito ang investigator. ​Upang makaligtas sa mga bodyguard na nag-aabang sa labas ng hotel, pinatulan ni Iris ang maling akala ni Damian. Tinanggap niya ang kontrata at sumama sa mansyon nito. Ang problema? Zero ang kaalaman ni Iris sa pagiging investigator. Habang sinusubukan niyang gampanan ang pekeng papel, unti-unting nahuhulog ang loob niya sa mailap na billionaire—habang bawat araw ay isang sugal dahil isang maling galaw lang, mabubunyag ang kanyang sikreto. Poprotektahan ba siya ni Damian kapag nalaman nitong isa lang siyang magandang impostor?
74 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
The Return of the Unwanted Son-in-law

The Return of the Unwanted Son-in-law

r.ljndr
Si Dravis Salazar ay ipinagkasundong ipakasal sa unica hija ng mga Gomez may limang buwan na ang nakalilipas. Kapwa galing sa mayamang pamilya sa bayan ng San Simon ang dalawa ngunit isang eskandalo ang sisira sa reputasyon ng pamilya ni Dravis, dahilan upang apihin siya ng mga Gomez. Lahat ay kaniyang gagawin para ipaglaban ang pag-iibigang tunay nila ni Calista, ang babaeng noon ay ipinagkasundo lang sa kaniya. Ngunit sapat nga ba iyong dahilan para manatili siya o kailangan niya munang lumisan para makapaghanda sa totoong laban? All rights reserved 2022.
1.9K viewsOngoingAdded to Library 56 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE

FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE

Dahil sa hiling ng abuela, pumayag si Serene na magpakasal sa taong hindi niya kilala. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Pierce Smith, ang walang pusong bilyonaryo. Galit na galit ito sa kanya dahil ang akala nito ay inuto lang nito ang kaniyang lola para sa pera. Sa galit nito ay umalis ito pagkatapos mismo ng kasal nila at bumalik anim na buwan pagkatapos para sa operasyon ng kanyang pinakamamahal na lola. Nabalitaan iyon ni Serene at plinano niya na makipag-usap dito at makipaghiwalay na ngunit, pagdating niya sa suite nito ay bigla na lamang siyang kinaladkad patungo sa kama na nagtapos sa isang mainit na pagniniig at pagkawala ng pagkabirhen niya. Pagkagising niya ay agad siyang umalis doon na hindi nito alam na siya ang nakaniig nito. Nag-file ito ng divorce at buong puso niyang pinirmahan ngunit dahil sa kinailangan niya ng pera ay wala siyang nagawa kundi ang magmakaawa rito. ---- "Gagawin ko ang lahat, tulungan mo lang ako..." Ipinagpalit niya ang sarili para sa tulong nito. Ngunit paano kung habang tumatagal ay mahulog ang loob nila sa isat isa? Maging masaya kaya sila sa kabila ng maraming pagsubok para sa pagmamahalan nila?
9.741.0K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
Marrying The Beast Billionaire

Marrying The Beast Billionaire

Para kay Belle hindi basihan ang mukha para mahalin mo ang isang tao. Sa kabila ng lahat na kasungitan sa kanya ng asawa na si Russell, at sa katakot-takot na mukha na meron ito ay pinatunayan ni Belle na handa niya itong mahalin. Para sa kanya ang pag-ibig walang pinipili. Guwapo man o pangit kung titibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Pero matanggap pa kaya niya ito kapag nalaman ang tinatago nitong sekreto?
697 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
Daddy, I Got You the Coldest Wife

Daddy, I Got You the Coldest Wife

Nang umalis si Mirabella sa buhay na dati ay mayroon siya, kasabay na din niyang kinalimutan ang isang salita na kailanman ayaw na niyang hanapin o wala sa plano niyang matagpuan. Para sa kanya, sapat na ang kanyang sarili para maging masaya, sapat na kung ano ang kaya niyang ibigay para sa kanyang sarili upang mamuhay siya ng tahimik. Hindi niya hahayaang may magtangkang pumasok pa sa kanyang buhay, dahil lahat--iniiwan lang siya. lahat ay hinuhusgahan lamang siya at hindi exemption doon si Miguel Mijares- isang mayamang single parent na minsan naging parte siya ng kanyang kabataan, at nagbigay sa kanya noon ng positibong imahinasyon na lahat nagtatapos sa masayang kuwento.
2.9K viewsOngoingAdded to Library 85 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
544 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
Entangled with the Enemy

Entangled with the Enemy

Sa pagbabalik ni Eunice Del Tierra sa Pilipinas, may isang misyon siyang kailangang isakatuparan: ibigay ang hustisya sa kanyang pamilya laban sa angkan ng Montes, at bawiin ang lupain na nararapat sa kanya. Bilang tagapagmana ng Hacienda Tierra, gagawin niya ang lahat para makuha ang dapat sa kanya. Kaya naman, pumasok siya bilang kasambahay sa tahanan ng pamilya Montes upang masubaybayan ang bawat galaw ng mga Montes. Naging matagumpay ang pagpasok ni Eunice sa Hacienda, sa una ay tila madali lamang ang kanyang gagawing misyon, ngunit sa paglipas ng mga araw ay naging mahirap ang gagawin niya dahil kay Xander — ang nag-iisang lalaking anak ng mga Montes, na nagpapagulo sa kanyang isipan. He has cold heart and hated by many, pero unti-unting nahuhulog ang damdamin niya para sa binata. Magagawa niya bang labanan ang nararamdaman para sa binata? Ano ang kanyang pipiliin: pag-ibig o paghihiganti?
10181 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
30 Days to Fall in Love

30 Days to Fall in Love

J.A
Sa panahon ngayon, uso pa ba ang fixed marriage? May naniniwala pa ba do'n? Sa katulad ng mga mayayamang businessmen, para mas tumagal at tumatag ang negosyo,kailangang magsanib pwersa ang dalawang pinakamamalakas at matitibay na pamilya sa linya ng mga business tycoon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga natitirang successor ng bawat angkan. That is why sad to say, 4 na taong gulang pa lang si Haya Gail Montero ay may fiance na siya. Kung sino pa yung pinakasusuklaman mo siya pa ang pinagkasundo sayo. Para makatakas sa walang kwentang kasunduan, babaliin nina Haya at Vincent ang nakasaad sa kontrata na within 30 days ay dapat ma-inlove sila sa isa't-isa. They will make it , within 30 days, kailangan nilang ma-inlove sa iba para hindi matuloy ang nakatakdang kasalan. Will they break the curse of the contract? or contract will be the way for them to fall in love with each other?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 54 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
649 viewsOngoingAdded to Library 22 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's

The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's

Matapos buksan ni Tricia ang kanyang mga mata, natagpuan niya ang sarili na nagising makalipas ang anim na taon. Kinasal siya sa lalaking pinapangarap niya at nagkaroon ng anak. Ngunit, para sa isang walang kwentang lalaki ay pinili niyang gumawa ng mga bagay na dahilan ng pagkasira ng kanyang pamilya. Galit na galit ang anak niyang lalaki sa kanya, habang ang babae naman ay nagmamakaawa para sa kanyang pagmamahal. Gusto na ring makipag-divorce ng kanyang asawa sa kanya. At nang matauhan, sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya ang lalaking nanloko sa kanya at babawiin niya ang nararapat na para sa kanya; ang asawa at ang mga anak niya. Maging matagumpay kaya ang plano ni Tricia na mabawi ang kanyang asawa at mga anak?
384 viewsOngoingAdded to Library 9 Times as tula para sa kaarawan
Read
+Library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status