Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Regret Well, Mr. Branson

Regret Well, Mr. Branson

ELEIGHPI
Niloko ni Heilan Branson ang asawa n'ya at hiniwalayan. Inalok pa n'ya ito ng isang billion dahil akala n'ya pera lang ang dahilan kung bakit s'ya pinakasalan ng asawa n'ya. Ngunit nagkamali pala s'ya. Huli na n'yang natuklasan na bunsong kapatid pala ng isang Trillionaire Tycoon ang babae. After six years nagkita silang muli at ang masakit dahil maliban sa kalaban n'ya ito sa negosyo, iba na rin ang mahal nito at may anak pang limang taong gulang na lalaki. Ngunit lingid sa kaalaman n'ya ang anak ni Margarette ay sa kanya pala. Malalaman kaya n'ya lalo na't ayaw ni Margarette na makilala s'ya ng bata?
Romance
101.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Tears of the Wife

Tears of the Wife

Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan. Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila. Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang . Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar. Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay. Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal. Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
Romance
12.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Idol Is My Prince Charming

My Idol Is My Prince Charming

Marcez Javier
🌹🌹🌹 Blurb: Nagsimula ang pagtatagpo ng landas nila Sophia at Jamir sa hindi magandang pangyayari. Ngunit sa hindi magandang pangyayaring iyon magsisimula ang kuwento ng pag-ibig ni Sophia na isang probinsiyana kay Jamir Estabillo na isang mabait at bilyonaryong binata na kamukha ng idol niyang Korean aktor. Ngunit malabo ang happy ending sa kaniyang kuwento sapagkat bukod sa nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya ay may nobya na ito. Wala na ba kayang pag-asa na maging katulad ang kuwento niya sa mga napapanood niyang Korean drama? Na ang kamukha ng idol niya ay maging Prince Charming niya sa katapusan ng kaniyang kuwento? Title: My Idol Is My Prince Charming Genre: Romance Author: Marcez Javier Status: On-going
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Uncle Robert

Uncle Robert

Jeremy Navarro
Ako si John. Dalawampu't dalawang taong gulang. Kasalukuyan akong nagtratrabaho bilang isang Nurse. Isang taon pa lamang akong naninirahan dito mula nang kunin ako ni Uncle Robert. Siya ang nagpa-aral sa akin mula Highschool hanggang Kolehiyo ko kaya malaki ang utang na loob ko sa aking Uncle. Ang mga magulang ko kasi ay isang hamak na magsasaka lamang sa aming probinsya. Kaya naman ang kapatid ng Papa ko na si Uncle Robert ang nag-alok na pag-aralin ako dahil nakakaluwag naman ito sa buhay. Isang Pulis si Uncle dito sa Maynila. Mayroon siyang asawa na si Auntie Mabeth at mayroon na rin silang anak. Aaminin ko, isa akong bakla. At alam iyon ni Uncle dahil noong bata palang ay nakitaan na nila ako ng pagiging mahinhin. Hindi naging handlang iyon kay Uncle para hindi ako pagtapusin ng pag-aaral. Nasa edad trenta'y singko na si Uncle Robert. Pero makikita mo parin ang kakisigan nito kahit na nasa ganoong edad na siya. Matipuno si Uncle. Ang baitang nito ay nasa 5'10" kumpara sa akin na nasa 5'5" lamang. Malaki ang katawan nito dahil kailangan niya iyon dahil sa uri ng kanyang propesyon. Aaminin kong may pagtingin ako sa aking Uncle. Alam kong mali ito, pero hindi ko lang talaga maiwasan na pagnasaan siya sa tuwing makikita itong hubad kapag inaayos ang kanyang sasakyan. O, kapag nakasuot ito ng kanyang uniporme at bumabakat ang batutang tinatago nito. Pero nitong mga nakaraang araw, nag-iba lalo ang tingin ko sa kanya nang umalis si Auntie Mabeth para mangibang-bansa. Mas lalo akong nagkaroon ng pagnanasa sa Uncle ko. Mas naging malawak at mapusok ang imahinasyong binubuo ko sa tuwing makikita ko si Uncle. Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagnanasa ko sa aking Tiyuhin.
LGBTQ+
4.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
For The Love Of Fiona

For The Love Of Fiona

Tutol si Fiona sa ideya na magkaroon siya ng personal bodyguard. Hindi niya nais na may isang taong bubuntot sa kanya saan man siya magpunta. But she has no choice. Dahil sa problema sa kanilang pamilya ay napilitan siyang sang-ayunan ang nais ng kanyang nakatatandang kapatid na si Lucas. She met Randall Mondejar, her bodyguard--- ang lalaking una pa lang ay masamang babae na ang tingin sa kanya. Paano niya matatagalan na makasama ang lalaking wala na yatang ginawa sa araw-araw kundi ang pakuluin ang dugo niya? Paano niya pakikisamahan ang binatang sa kabila ng magaspang na pakikitungo sa kanya ay may binubuhay na isang banyagang damdamin sa kanyang dibdib--- damdamin na tanging dito niya lamang nadarama.
Romance
109.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
His Heart Series 3: His Ruthless Heart

His Heart Series 3: His Ruthless Heart

Nang mawala ang ina ni Anie ay isa lang ang ninais niyang mangyari. Iyon ay ang makilala niya ang kanyang totoong ama at tanggapin siya nito bilang isang anak. Nag-aalangan man pero lakas-loob siyang nagpakilala sa mga ito na isa rin siyang De la Serna. She thought everything will be okay. Until she met Alvaro Savalleno, the man who has so much hatred towards her half-brother, Trace. Paano kung sa kagustuhan niyang pumasok sa mundo ng kanyang totoong ama ay sa lalaking may labis na galit sa kanyang kapatid siya mapunta? Paano kung siya ang hingin nitong kabayaran kapalit ng buhay na nawala dahil sa kanyang pamilya? Is there a chance for her to avoid Alvaro? Can she ever escape... his ruthless heart?
Romance
102.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hanggan kailan kita mamahalin

Hanggan kailan kita mamahalin

Tiraycute062
Hanggan kailan kita mamahalin ang mga salita binitawan ni Vee PasCua sa loob ng dalawa tao simula ng makilala niya si Dylan Lucario minahal na niya ito ngunit hindi tulad sa kaibigan niyang si Bhella at sa asawa nitong Cy na kapatid ni Dylan ay siya lamang ang nagmamahal dahil may iba mahal at hinihintay ang binata. hanggan kailan hahabol at magpakatamga si Vee sa pagmamahal niya sa lalaki kung hindi naman nito masuklian ang pag ibig na ibinigay niya at sa pagbabalik ng taong mahal ni Dylan lalo niya nalaman na hindi talaga siya mahal ng lalaki. bibitaw na ba siya o kakapit pa na may pag asa mahalin din siya ng lalaki o mananatili lamang siyang mag isang nagmamahal
Romance
105.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
HER REPLACEMENT: REGRETS

HER REPLACEMENT: REGRETS

“Ang bata lang naman ang dahilan kung bakit nanatili pa rin ako. Pero ngayong wala na ang baby, maghiwalay na tayo.” — KARINA BERMUDEZ KARINA BERMUDEZ, a college working student, took responsibility for her younger siblings. Bilang isang panganay na ayaw mahiwalay sa mga kapatid niyang puro lalaki, pilit niya silang binubuhay nang walang hinihinging kahit ano sa kanilang mga magulang matapos maghiwalay ang mga ito. She despised her parents for ruining their almost perfect family. By night, she works at the VIP Hotel, where she met the man who would change everything about her—LUTHER MENDEZ, a man in his 30's who had no interest in relationships, but accidentally slept with her. What will Luther do if he finds out that he got her pregnant? Will he take responsibility? And will she be ready to be with someone she's not even familiar with?
Romance
10638 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Married a Secret Billionaire

Married a Secret Billionaire

Nagpakasal si Cordelia Jenner sa isang sanggano kapalit ng kapatid niya at namuhay siya ng mahirap habangbihay… O 'di nga ba? Sa isang iglap, ang asawa niya ay naging isang lihim na bilyonaryo na may taglay na kapangyarihan at impluwensya… Imposible 'yun! Tumakbo si Cordelia pabalik sa kanilang munting bahay at papunta sa mga bisig ng kanyang asawa. "Sinasabi nila na ikaw daw si Mr. Hamerton. Totoo ba 'yun?" Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. "Kamukha ko lang yung lalaking 'yun." Sumimangot si Cordelia. "Nakakainis yung lalaking 'yun. Pinipilit niya na ako ang asawa niya. Bugbugin mo siya!" Kinabukasan, ang Mr. Hamerton na 'yun ay ngumiti at nagpakita sa publiko—bugbog at sugatan. "Mr. Hamerton, anong nangyari?" Ngumisi ang lalaki. "Nagkatotoo ang hiling ng asawa ko. Kailangan kong pangatawanan 'to."
Romance
9.51.2M DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4243444546
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status