Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
That Summer...the Rain Pours

That Summer...the Rain Pours

LorieMeTangerine
Sa labis na kagustuhan ni Gabrielle na mabawasan ang guilt sa pagkawala ng kanyang kapatid ay sinikap niyang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mga estudyante lalo na at buhay na ng mga ito ang nakataya. Para sa kanya, wala nang mas lulungkot pa sa naging buhay niya. Walang pamilya. Mag-isa. Miserable. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang isang lalaki sa katauhan ni Zierelle Montefalcon. Hindi niya alam kung biyaya ba ang pagdating nito sa buhay niya o isang pagkakamali. Pagkakamali, kung hahayaan niya ang kanyang sariling tanggapin ito sa buhay niya at umasa siyang mayroon ulit siyang taong maaasahan sa tabi niya. Sa ilang taong namuhay siya nang mag-isa, natuto na siyang walang ibang inaasahan pa kundi ang sarili lamang niya. She became an independent woman as she wanted to be. But fate interfere. Some things won't go as planned. Namalayan na lamang niya ang kanyang sarili na unti-unti nang nanghihina ngunit sa isiping nasa tabi niya lang ang lalaki ay nanatili siyang malakas at natuto siyang magtiwala na tutulungan siya nitong hanapin ang kapatid niya. How about the boy with yellow umbrella? Patuloy niya itong inaalala dahil naroon ito sa tabi niya noong mga panahong nawala ang kapatid niya. Pagkakatiwalaan niya kaya ang isang aroganteng police officer para mahanap ang dalawang taong matagal na niyang hinahanap? How will she find them when her only clue is.... That summer...the rain pours.
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Locked up in Heaven

Locked up in Heaven

Benibeni
Saziana Libera is the only daughter of her multi-millionaire parents. Spoiled brat at playgirl. Hindi lang sa mga mamahaling materyal na bagay hayok si Saziana, pati sa mga lalaki. Ngunit ang ugali niyang ito ang magnanakaw ng kaniyang kalayaan. Ipapakasal siya ng kaniyang ama sa isang bilyonaryo na si Amancio Dellano bilang kaniyang parusa. Hindi nakawala si Saziana sa pagbabago ng kaniyang buhay. Halos isa siyang preso sa loob ng mansion ni Amancio. Dahil labag sa kaniya na ikasal sa lalaking bilyonaryo, magagawa kaya niyang tumakas para maging malaya? O hahayaan niya na lang na makulong doon sa mansion na sa una ay tinuring niyang impyerno ngunit naging langit kalunan?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
ARTEM|S The Pr|ncess of Sunr|se Maj|ka

ARTEM|S The Pr|ncess of Sunr|se Maj|ka

GeLienaMo
Sypnosis Pano Kung may Nalaman ka sa iyong Pinagmulan at yung kinalakihang Mong Mundo at Hindi mo Pala Pinag mulan at May Nadiskombre ka sa iyong Sarili na Mag papabago ng Buhay Mo?? At Mag lalagay sayo sa isang Tungkulin Matatanggap mo ba? Gaya ni ARTEMIS na May kakaibang kakayahan na Lumaki sa Mundo ng Mga Tao Nang May nalaman sa kanyang Sarili Hinanap ang Mundo ng kanyang mga Magulang at Pinangalingan Hinanap ang dahilan ng Pagkawala ng Ama para kalabanin at Matalo ito upang Manumbalik ang Kapayapaan sa Mundo ng kanyang pinag Mulan Makilala ang lalaking Mag mamahal sa Kanya at Kanya ding Mamahalin na nag Ngangalang THREE PELEO ********
Fantasy
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Mundong Pagitan

Mundong Pagitan

Sa ika-limang taon ng pagsasama nina Gwyneth Payne at Asher Crowe, sinabi ni Asher ng tatlong beses na gusto niyang isama si Liana Quayle para mag-migrate. Ibinaba ni Gwyneth ang mga platong kakahanda lang niya at nagtanong kung bakit. Naging prangka siya sa kanya. “Hindi ko na ito gustong itago mula sa iyo. Nakatira si Liana sa katabing residential area natin. Siyam na taon niya akong kasama, at malaki ang utang ko sa kanya. Kailangan ko siyang isama kapag nag-migrate tayo.” Hindi umiyak si Gwyneth o gumawa ng gulo. Sa halip, bumili siya ng ticket para kay Liana sa flight nila. Iniisip ni Asher na sawakas nakakaintindi na siya. Sa araw na nilisan nila ang bansa, pinanood ni Gwyneth si Asher at Liana na sumakay sa flight. Pagkatapos, tumalikod siya at sumakay sa ibang eroplano na dadalhin siya pabalik sa tahanan ng mga magulang niya.
Short Story · Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

Angel
Dalawang taong pilit na tinatago ang tunay na nararamdaman, hangang sa di inaasahang pangyayari muling pinagtagpo ang kanilang mga landas. Ngayon paano ipapaliwanag ni Dian kay Fred na nagkaroon sila ng anak matapos ang gabing pinagsaluhan nila anim na taon ang nakalipas.Ano ang gagawin ni Fred para matanggap siya ng kaniyang anak na hindi siya tanggap biglang tatay nito at ano ang gagawin niya kung isang araw dahil sa kagaguhan at pambabae niya ay may bigla nalamang lalapit sa kaniya upang alukin siya na pakasalan ito sapagkat buntis ito at siya ang ama. Paano nila ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan gayong magkakaanak na naman si Fred sa ibang babae. Matatangap ba ni Dian na maging pangalawa na lamang sila ng kaniyang anak sa buhay ni Fred o lalayo siya para hanapin ang lalaking para sa kaniya, at paano kung muli na naman pagtagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas, paano kung muli na namang nabuhay ang kanilang nararamdaman para sa isat isa. Magkakaroon na ba sila ng happy ending o may sisira na naman sa happy ending na hinahangad nila?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Third Vow

The Third Vow

tinerites
Kontento na si Avaeh sa kaniyang pagiging mag-isa, ngunit hindi ang kaniyang mga magulang. Sa kagustuhang ilayo siya sa posibilidad na tumandang dalaga, ang mga ito na mismo ang nag-ayos ng kasal para sa kaniya. Subalit sa isang iglap, mababago ang kaniyang kapalaran. Nagising na lamang siyang kasama si Colt sa iisang kuwarto at pareho silang walang maalala. Paanong sa isang gabi lamang na iyon ay naging asawa niya ang lalaking unang beses niya pa lang nakita sa beach trip na iyon? Hindi naman siya papatol sa isang lalaking ikakasal na rin at hindi niya minsan man pinangarap ang maging isang kabit. Paano kahaharapin ng dalawa ang kani-kanilang kasal na plinano ng kanilang mga magulang kung sila na mismo ang naunang ikinasal? Pipiliin ba nilang baguhin ang iginuhit ng tadhana?
Romance
945 viewsOngoing
Read
Add to library
Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

JocelynMDM
Apat na taon na ang nakalipas mula nang tumakas si Samsara papuntang Italya para magpakasal sa kanyang ex-boss na si Maxwell, dala ang kambal na anak niya sa kanyang ex na milyonaryo na si Landon. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, gagawin ni Landon ang lahat para mabawi ang kanyang mga anak at ang kanyang tunay na pag-ibig na si Samsara.
Romance
9.21.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Neighbor is My Husband

My Billionaire Neighbor is My Husband

Chloe Haynes
May dalawang lalaki ang nanggugulo sa buhay ni Sanaiah. Una ay ang lalaki sa kanyang panaginip na kahit kailan ay hindi pa humaharap sa kanya kaya hindi niya alam ang hitsura. Ganoonpaman, pakiramdam niya ay nagkita na sila ng lalaking iyon dahil lahat ng panaginip niya tungkol dito ay parang totoo. The other man was Klyde Sylvan Imperial, her billionaire neighbor and the man who constantly turns her days into disaster. Palagi na lang kasi nitong sinisira ang araw niya. Kung si Sanaiah ang tatanungin, hinding-hindi siya kailanman makikipaglapit sa lalaki, iyon ay sa kabila ng katotohanan na noon pa siya nito kinukulit para maging nanny ng mga kambal na anak nito. Pero may pasabog ang tadhana, kasabay ng isang trahedyang magiging dahilan para tanggapin niya ang inaalok na trabaho ni Klyde ay ang pagharap ng lalaki sa kanyang panaginip. Si Klyde at ang lalaki sa kanyang panaginip ay iisa. Nagpasya si Sanaiah na maging nanny sa mga anak ni Klyde sa pag-aakalang doon matatahimik ang buhay niya. Ang hindi niya alam, nang dahil sa desisyon niyang iyon ay mas lalo lamang magiging kumplikado ang lahat dahil sa mga lihim ni Klyde na isa-isa niyang matutuklasan.
Romance
5.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status