Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lifeless Body

Lifeless Body

Namatay ang kanyang mga magulang para lang maitakas at mailigtas siya sa kumidnap sa kanila. Magmula nun ay para na siyang isang katawang nawawalan ng buhay.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitter Of A Playboy

Babysitter Of A Playboy

Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
YA/TEEN
1025.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Return of the Unwanted Son-in-law

The Return of the Unwanted Son-in-law

r.ljndr
Si Dravis Salazar ay ipinagkasundong ipakasal sa unica hija ng mga Gomez may limang buwan na ang nakalilipas. Kapwa galing sa mayamang pamilya sa bayan ng San Simon ang dalawa ngunit isang eskandalo ang sisira sa reputasyon ng pamilya ni Dravis, dahilan upang apihin siya ng mga Gomez. Lahat ay kaniyang gagawin para ipaglaban ang pag-iibigang tunay nila ni Calista, ang babaeng noon ay ipinagkasundo lang sa kaniya. Ngunit sapat nga ba iyong dahilan para manatili siya o kailangan niya munang lumisan para makapaghanda sa totoong laban? All rights reserved 2022.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
Romance
507 viewsOngoing
Read
Add to library
Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle

Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle

Nang ikasal si Alexandra sa kaniyang asawa ay iniwan niya ang kaniyang trabaho. Pinili niyang manatali sa bahay at asikasuhin lamang ang kaniyang asawa. Ngunit unti-unti niyang nalaman na niloloko siya ng kaniyang asawa. Agad siyang nakipaghiwalay dito. Dahil sa sobrang sakit, nagpakalasing siya at pumunta sa iba’t ibang bar para maghanap ng lalaki. Ngunit nang matapos ang nangyari sa kanina, paggising nila sa umaga, nalaman niyang ang lalaking kaniyang katabi ay ang tiyuhin ng kaniyang asawa. Si Lorence Tyron Mendez, is one of the most feared corporate lawyers, handling high-stakes divorces, business lawsuits, and criminal defense cases. Pareho lang silang lasing ng gabing iyon kaya pinampas nila ito. Umaasang walang nabuo ang kanilang pagsasama sa isang gabi lamang. Dahil iniwan ni Alexandra ang kaniyang asawa, nawala ang lahat sa kaniya. Kaya naman naghanap agad siya ng trabaho. Nagkataon na naghahanap ng secretary si Tyron, at siya ang nakuha para sa posisyon. Akala ni Tyron, ay ginagamit lamang siya ni Alexandra para mawala ang bisa ng kasal. Akala niya ay nagpanggap itong buntis para tuluyang mapawalang bisa ang kasal sa dating asawa. Kaya naman nagalit si Tryon kay Alexandra, pero hindi niya ito kayang sisantihin sa trabaho. Lalo pang lumala ang sitwasyon nang magkamali ng akala si Tyron tungkol kay Alexander, iniisip na may masamang balak ito sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, ang tanging nais lang ni Alexandra ay ang makalaya sa lason na kasal at mabawi ang buhay na isinuko niya noon para sa pag-ibig. Ngunit paano siya makakaalis sa kamay ng traydor niyang asawa, lalo na’t ginagawa nito ang lahat upang pigilan ang kanilang hiwalayan? At sa gitna ng lahat ng ito, paano nila haharapin ang damdamin nilang unti-unting nabubuo para sa isa’t isa? Paano kung sila talaga ang nakatadhana?
Romance
107.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Ramona's Obsession (Tagalog)

Ramona's Obsession (Tagalog)

ESCALANTE SERIES 1: RAMONA ESCALANTE Ginawa ni Ramona ang lahat para makuha ang atensyon ni Nero pero sa daming beses niyang pagtatangka kahit isang beses hindi siya nagtagumpay. Pero bakit tuwing nababaling ang atensyon niya sa iba ay tila nagagalit ito? Hanggang saan aabot ang kanyang obsesyon para sa lalaki? Kaya ba niyang tanggapin ang paulit-ulit nitong pagtanggi sa nararamdaman niya? Paano kung kailan sumuko na siya saka naman ito naghahabol at ayaw siyang pakawalan? Handa ba siyang mabaliw muli para dito o talagang tinapos na niya ang kahibangan niya para lalaki?
Romance
1017.3K viewsCompleted
Read
Add to library
SINNER (wild feelings SPG 3)

SINNER (wild feelings SPG 3)

Sinabi ni Mariya sa kaniyang sarili na hindi siya gagaya sa kaniyang ina. Na hindi siya papasok sa bar para maging bayaran o parausan. Ayaw niyang matulad sa ina niya na naanakan lang nang naanakan at hindi na pinanagutan. Ang hindi napapansin ni Mariya ay naging mas masahol pa siya sa kaniyang ina. Natuto siyang magnakaw para lang maibigay ang pangangailangan ng pamilya niya. Natuto siyang magpagamit sa boss niya kapalit ng malaking pera at ang mas masahol pa sa lahat, naging kabit siya ng boss niya kahit alam niyang may asawa ito na may sakit. Minahal niya si John sa kabila ng ginagamit lang siya nito tuwing kailangan nito ng parausan. Naniwala siya sa pangako ni John na iiwanan nito ang asawa para sa kaniya. Halos mabaliw si Mariya mula sa matinding pagmamahal niya kay John na umabot pa sa puntong pinilit niyang paghiwalayin ang mag-asawa para lang makaganti siya. Hanggang kailan kaya magkakasala si Mariya? kailan niya maiisip na itama ang mga mali? Ipaglalaban niya pa rin ba si John kahit na sa una pa lang ay alam niya na kung kanino ito pagmamay-ari? Hanggang saan siya dadalhin ng makasalanan niyang puso? SINNER
Romance
1057.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Signed To Be His Wife

Signed To Be His Wife

Para kay Ayen Ramirez, simple lang dapat ang buhay—trabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya at isang matinong relasyon na inakala niyang pangmatagalan. Pero nang biglang maospital ang kapatid niya at mangailangan ng malaking halaga, agad siyang lumapit sa boyfriend niya para humingi ng tulong. Ang akala niya, maiintindihan siya nito. Pero sa halip, iniwan siya nito na parang wala lang. In her desperation, isang hindi inaasahang alok ang dumating. Mula mismo sa boss niyang si Justin Berkeley. Mayaman, makapangyarihan, at kilala sa pagiging istrikto, pero may isang bagay siyang wala: isang asawa. Kailangan niya ng kasal para makuha ang mamanahin niya, at kailangan ni Ayen ng pera para sa kapatid niya. Isang pirma lang sa kontrata, at magiging Mrs. Berkeley siya. Walang love, walang intimacy... isang kasunduan lang. Pero paano kung habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang lahat? Paano kung ang dating malamig at prangkang boss niya ay may mga tingin at hawak na hindi kasama sa usapan? At paano kung sa isang kasal na peke, isang tunay na puso ang mahulog?
Romance
10406 viewsOngoing
Read
Add to library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
Romance
350 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

Pinilit ikasal si Alyssa Ramirez kay Liam Navarro - ang cold at walang pusong heir ng isang makapangyarihang pamilya. Para sa kanya, isa lang siyang kontrata. Para kay Liam, isa lang siyang sakripisyo. Pero nang mabasag ang puso niya at makita ang pagtataksil ng asawa, naglaho rin ang Alyssang mahina at sunud-sunuran. Umalis siya, dala ang pinakamatinding sikreto na kayang baguhin ang lahat: ang tatlong anak ni Liam - ang triplets na hindi nito alam. Pagbalik niya, hindi na siya ang babaeng minamaliit. Siya na ang reyna sa likod ng VÉRAISE - isang luxury empire na magpapabagsak sa mga taong sumira sa kanya. Handa siyang ipaglaban ang korona, ang mga anak niya, at ang dignidad na inagaw sa kanya noon. Ngunit sa muling pagtama ng mga mata nila ni Liam, isang mas mabigat na laban ang nakahanda: hindi lang para sa paghihiganti... kundi para sa pamilya at pag-ibig na pinilit nilang sirain pero itinadhana palang buuin muli
Romance
9.625.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status