Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
ABLAZE WITH GOLD

ABLAZE WITH GOLD

Mia Ghibee
Sa konsepto ng mga mortal, masasabing taglay sana ni Mark ang perpektong buhay—mayaman, matikas ang katawan, magandang lalaki at magaling sa larangan ng negosyo. Ngunit dahil sa isang insidente, hindi niya naisakatuparan nang lubusan ang kasiyahang hatid ng karangyaan dahil sa kanyang “sixth sense”, na naging dahilan upang hindi siya pangkaraniwan. Dahil dito, naging bahagi na lamang ng kanyang pangarap ang perpekto ngunit tipikal na buhay. Paano siya aarteng normal kung araw-araw siyang nakakakita ng mga paranormal? At ngayon na may kumakatok sa kaniyang puso, paano niya ito pagbubuksan kung ang kanyang pagkatao ay nababalot ng misteryo?
Fantasy
1.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A Matter of Wife and Debt

A Matter of Wife and Debt

pepperpiper
"Vito. . ." mahinang tawag ni Lucille kay Vito. "Ibibigay ko na ang gusto mo. Let's get a divorce." Agad na napatahimik si Vito sa gulat nang marinig ang sinabi ng asawa. "Hindi ko na kaya. . ." mahinang dagdag ng babae. ~*~ Nang maikasal si Clarice Dominggo kay Vito Mendes-- akala niya'y natupad na ang kanyang pangarap ngunit hindi niya inaasahang magiging umpisa pala ito ng kanyang kalbaryo. Tatlong taon nagtiis si Clarice sa lahat ng sakit na idinulot ni Vito hanggang sa matauhan na ito. Papayag kaya si Vito sa hinihiling na divorce ni Clarice? O biglang magbabago ang ihip ng hangin.
Romance
410 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

claudellaire
Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)

Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)

"Hypersexuality is not a good thing. It was a need that I had to fill." -Gabe Howard BLURB Bata pa lamang si Dhalia Uson ay nakaranas na ito ng iba't ibang pang-aabuso sa mga kalalakihan. Hanggang sa magdalaga ito'y dala-dala nito ang mapait na karanasan. Ginamit niya ang ganda ng mukha at kakaibang alindog na sadiyang bumabaliw sa mga lalaking naiuugnay sa kaniya. Hanggang isang lalaki ang dumating sa kaniyang buhay. Tinanggap siya nito ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Nahanap niya rito ang tunay respeto at pagmamahal na matagal din niyang inaasam. Ngunit... Sadiya yatang mapagbiro ang tadhana, dahil lalong naging magulo ang mundo ni Dhalia magmula noon. Unti-unting gumuho ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Maski ang kaniyang pagkatao na pilit niyang isinasalba ay naiwala niya ng tuluyan...
Urban
10103.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
I am his... Stranged Wife

I am his... Stranged Wife

Nikka Guzman is a popular international model of Korea. When she returned to the Philippines, Makikita pa ba nya ang pamilyang iniwan niya ng dahil sa kanyang pangarap? May babalikan pa ba siyang PAMILYA? George Nieva a man who waits for the woman he left for a dream. Pero, sa paghihintay nya sa babaeng minamahal, may umalok sa kanya ng trabaho na maging isang sikat na artista, tinanggap niya ang alok hanggang sa makalimutan nya ang babaeng hinihintay niya at natukso siya sa ibang babae. --- - Mabubuo pa ba ang pamilyang nagkalayo? Tuluyan nang maghihiwalay? Trust, Love, Patience and Sacrifice Ang mga salitang iikot sa kanila. — Copyright 2022 © Xyrielle All Rights Reserved No Copy Stories No Plagiarism Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Romance
107.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
818 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Blood Moon

Blood Moon

Haven Black
Gregory, Alpha of the Red Moon Pack, was never bothered about not having a mate. Why would he? He is known as one of the best and wisest leader of his race as he leads one of the biggest pack in the whole world. Matagal nang namumuhay nang payapa at masagana ang Red Moon. Malayo sa kaguluhan, sa agawan ng trono't kapangyarihan, 'tulad ng pangarap ni Gregory. But with the arrival of his mate, everything will turn upside down... Because his future Luna, the love of his life, is a living prophecy that is said to destrot all the supernatural race!
Other
102.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Secret of the Casanova Billionaire

The Secret of the Casanova Billionaire

Hazel
Si Angelika Sandoval ay nakatanggap ng call sa kanyang dad at sinabing pakakasal siya kay Adriel Monteflacon, III isang kilalang Casanova at ubod ng yaman. Walang maka-resist sa kakisigan ni Adriel sapagka’t nasa kanya ang lahat ng pangarap ng isang babae – matipuno, guwapo, matalino karinyoso, at mayaman. Lahat na kay Adriel na at inihain i’yon sa kanya on a silver platter pero sa kung anong dahilan ay nagdaalawang isip pa rin siya kung tatanggapin ba niya sa buhay niya ang isang playboy na tulad ni Adriel o hindi. Kung hindi niya ito tatanggapin ay maaring mag suffer ang negosyo ng kanyang pamilya. She doesn’t want to defy her father’s wish. Eventually pumayag siyang magpakasal dito. Magulo ang isip niya kaya’t napagpasyahan niyang pumunta ng Davao City para makapag site inspection siya at makapagpahinga. Na met niya ang binatang si Christian na lalong nagpagulo ng kanyang isip at puso. Napakabait nito at maginoo. Kalaunan ay nahuhulog na siya dito. She’s now torn between two men – ang lalaking handang magpakasal sa kanya o ang lalakeng nagbigay ng tunay na pag ibig? While staying in Davao, madaming mga bagay ang na discover niya at ang kagimbal gimbal na sikreto na hindi alam ng kaniyang pamilya. Kinailangan ng agarang aksyon ni Angelika upang maisalba ang kanilang pangalan at ang buhay ng kanyang pamilya.
Romance
923 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Billionaire, Here Comes Your Wife!

Billionaire, Here Comes Your Wife!

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
10286 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Yvonne, The Vengeful Wife

Yvonne, The Vengeful Wife

keity_cutie
Pangarap ni Yvonne Jo Anderson ang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Napangasawa niya ang limang taon niyang kasintahan na si Ervin Thompson. Kapwa sila may lahing Amerikano pero mas nananaig sa kanila ang dugong Pilipino. Ilang buwan lamang matapos ang kanilang pag-iisang dibdib ay unti-unti nilang nakilala ang isa’t isa. Ang dating pangako ng kaniyang asawa na hindi na muling mangbababae ay parang isang bula na bigla na lamang nawala. Sa kalagitnaan ng paghihinagpis ng kaniyang damdamin ay isang Clyde Moore ang kaniyang nakilala at ang tanging lalaking sinamahan siya sa gitna ng hirap at ginhawa. Magiging kasangkapan nga ba ni Yvonne si Clyde upang maghiganti sa kaniyang asawa o sa dulo’y mahuhulog din ang loob niya rito?
Romance
102.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3940414243
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status