Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Her Sweetest Revenge

Her Sweetest Revenge

Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

Lumaki sa saktong pamumuhay si Nessa Villego, siya ngayon ay 25-taong gulang na at isa ng lisensyadong engineer. Tanging ang nakababata na lamang niyang kapatid na si Tasha 20-taong gulang, ang mayroon siya nang mamatay ang mga magulang nila 5 years ago sa hindi inaasahang trahedya. Dahil dito ay mas lalong naging malapit ang dalawang magkapatid na halos siya na ang tumayong ina at ama para kay Tasha. Naghangad si Nessa ng magandang pamumuhay upang matulungan ang kapatid. Hanggang sa isang araw ay labis siyang nabanas nang mapansin niya na tila unti-unting nagsisilipatan ang mga dati niyang kliyente. Si Engr. Veos Dimitre, ang lalaking labis na nagdala ng pagbabago kay Nessa dahil naging kakompentensya niya ito dahil sa pagkakapareho nila ng propesiyon. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon ni Nessa kapag nalaman niya na palihim na minahal ng kanyang kapatid na si Tasha si Veos? At paano kung ang damdamin ni Veos ay hindi pala nakalaan kay Tasha? At sa ibang babae ito mas nahuhumaling. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay nina Nessa, Veos at Tasha. May pag-asa pa kayang magkasundo ang dalawa sa kabila ng kanilang propesiyon o tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan dahil sa hindi nila palaging pagkakaunawaan.
Romance
9.914.2K viewsOngoing
Read
Add to library
MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

Sa halos walong taong pagsasama ni Henry at Estelle ay walang pag-ibig na nabuo sa pagitan nila dahil isa lamang iyong kasunduan, ngunit sa kabila nito ay minahal niya si Henry kahit na kinamumuhian siya nito at hindi itrinato bilang asawa. Ginawa niya ang lahat ng utos ng lolo ni Henry lalo na ang suhestiyon nito na pasukin niya ito sa sarili nitong silid at sa isang beses na iyon ay nabuo ang nag-iisang anak niya na si Mia. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil sa dami ng tao na magkakaroon ng karamdaman ay ang anak niya pa talaga. Dahil sa pasirang relasyon at nasa kalagitnaan ng paghihiwalay, hiniling niya kay Henry na magpakaama kay Mia sa loob ng isang buwan. Ayaw man nito ay pumayag din ito sa wakas sa ngalan ng pagiging madali niya sa pagpirma ng kanilang kasunduan para mapakasalan na ang kaniyang unang pag-ibig na si Gwen. Kaya lang ay namatay ang anak niya ng dahil kay Henry. Nang malaman nito ang totoo tungkol sa sakit ng anak niya ay pilit itong nagmamakaawa na patawarin niya ngunit paano niya iyon gagawin kung sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay maaalala niya ang sinapit ni Mia. Mapalambot pa kayang muli ni Henry ang naging bato nang puso ni Estelle?
Romance
108.3K viewsOngoing
Read
Add to library
THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco

THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco

Portia’s happy life turned upside down when she witnessed the heinous murder of her boss, her best friend Jass Anne. Para hindi rin siya mapatay nang mga armadong lalaki, tumakas siya hanggang sa napadpad siya sa mansion ni Crandall El Greco, a cold-hearted billionaire. She begged him to help her hide, so that the people who wanted to kill her would not find her. Crandall agreed, but on one condition: she would become his maid. She had no choice but to agree to what he wanted to happen. Pero habang tumatagal na nasa mansion siya ni Crandall, hindi niya rin napigilan ang kaniyang damdamin na mahulog dito. But what if she discovers Crandall has something to do with the death of her friend, Jass Anne? Mamahalin pa rin ba niya ang lalaki o kamumuhian niya ito? Pipilitin pa rin ba niyang makatakas mula sa mga kamay nito or will she stay by Crandall’s side kahit galit at poot na ang nararamdaman niya para dito dahil sa kaniyang mga nalaman? Is she ready to put aside the anger she feels for the sake of her love for him?
Romance
1034.3K viewsCompleted
Show Reviews (30)
Read
Add to library
Monique Albatross
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa sa love story nina Crandall at Portia. I really appreciated your effort guys. And I hope abangan or suportahan din ninyo ang mga susunod ko pang story dito sa GoodNovel. Thank you again!
mamavilmz54
Si Crandall na mayaman pero walang ilaw ang Mansion ......... ano ka Crandall Beast Vampire takot sa ilaw tapos mga black Curtain pa ok sana kung hinawi ang kurtina may liwanag na papasok sa mansion kaso ang sungit mo di na magtatangka pa sina Nanay Josephine at William na pakialaman ang Mansion.........
Read All Reviews
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Their Sinful Desires

Their Sinful Desires

Avery Cruz, 20 years old. Lahat ay gagawin para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya at matustusan ang pagpapagamot ng kaniyang inang may breast cancer. Isa lang ang naisip niyang agarang solusyon sa kaniyang problema, yon ay ang ibenta ang sarili kay Travis Axel Dela Torre, 32 years old. Isang batang bilyonaryo at tagapag mana ng mga Dela Torre. Sa halagang 30 Million na alok nito ay pumayag siyang maging babae ni Travis. Walang hindi ginusto si Travis na hindi niya nakukuha. When he saw Avery, ginusto niyang mapasakaniya ito. Gamit ang kaniyang pera, nakuha niya ito at naikama! Ngunit paano kung sa pag tira niya sa bahay kasama si Travis ay matuklasan niyang kapatid pala ito si Simon Anthony Dela Torre, 22 years old. Ang lalaking matagal na niyang pinapangarap? Paano kung kelan kinakasama na niya ang kuya nito ay saka naman nagpakita ng damdamin para sakaniya si Simon? Isang pagtataksil nga ba ang mabubuo para sa isang makasalanang pag nanasa? Ano/Sino nga ba ang mas higit na magiging matimbang para kay Avery? Puso o salapi?
Romance
1012.9K viewsOngoing
Show Reviews (9)
Read
Add to library
Cess Ogaya
Nawalan ako ng gana basahin after ng ginawa ni Avery kay Travis. Kahit pa sabihin niya na una niyang minahal si Simon. Pero ang laking bagay na nandyan sa buhay niya si Travis lalo na yung tulong na ibinigay niya. Sana sila pa rin ang endgame. Hindi ko bet si Simon para sa kanya.
Kris
Super worth it basahin ang book na ’to. May mga eksenang nakakagigil at minsan nakaka-disappoint, pero doon lalo nagiging exciting at fun. Ang galing ng author magpa-hook. Both of her books (my playboy boss & this book) are solid, engaging, at sobrang satisfying basahin mula umpisa hanggang dulo.
Read All Reviews
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.524.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Come To Me, Mistress

Come To Me, Mistress

Si Seraphina Velarde—isang masipag, maganda, at palaban sa buhay ay isang babaeng nahulog sa bawal na pag-ibig. Isa siyang kabit—isang relasyong lihim, isang pagmamahalang itinatago. Sa kabila ng init at atensyong natatanggap niya, nananatiling may kulang… sapagkat hanggang kailan siya magiging pangalawa? Hanggang kailan siya mamahalin sa dilim? Dahil kahit ilang ulit pa siyang angkinin sa mga gabing punong-puno ng pagnanasa, may isang alaala pa rin siyang hindi matakasan, isang gabing nangyari walong buwan na ang nakalipas. Isang one-night stand na punong-puno ng damdamin, init, at koneksyon. Hindi niya matandaan ang mukha ng lalaki, pero hindi niya malilimutan ang haplos. Ang gabing iyon ang nagbukas sa kanya sa tunay na sarap—ang klase ng sensasyong hindi niya muling naranasan. At ang lalaking iyon ay si Pierce Damien Saveedra—isang makapangyarihan, misteryoso, at hindi niya inaakalang muling papasok sa buhay niya. Sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata, sa bawat paglapit, dama ni Seraphina na siya ang lalaking iyon—ang unang dumampi sa kanya, ang lalaking hindi lang nagpagising sa kanyang katawan kundi sa kanyang pagkatao. Si Pierce ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi palihim. Sa mga titig at haplos niya, ramdam ni Seraphina na hindi siya kailanman magiging pangalawa. Naramdaman nyang karapat-dapat din siyang mahalin ng buo, walang kahati, at walang limitasyon. Sa piling ni Pierce, unti-unti niyang natutuklasan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal na totoo—yung hindi kailangang itago, hindi kailangang ipaglaban sa dilim… kundi isang pagmamahal na malaya, malinaw, at buong-buo.
Romance
10389 viewsOngoing
Read
Add to library
Fated to meet again

Fated to meet again

MaiDhane
Crystallyn Jade Wetzel, a lady who came from the orphanage and soon adopted by a married couple. She live having all the things she need and want but it was change when an incident happened to them and her poster parents died. Jade know that it was not just a simple accident. Then, she meet one of her friend that became the way for Jade to become the secretary of Agapius Greg Galveria a handsome, kind, smart and friendly CEO. Soon, Jade was reunited to her friends. As both Jade and Greg become close to each other, conflict start in their life. Ano kaya ang mga katotohanang mabubunyag tungkol sa kanilang dalawa? At ano nga ba ang totoong pagkatao ni Crystallyn Jade Wetzel?
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Hot Billionaire's Husband

My Hot Billionaire's Husband

Blue_Wave
Primo Del Cuesta- nag iisang anak at tagapag mana ng mga Del Cuesta na natali sa isang arranged marriage nang business partner ng kaniyang mga magulang. At dahil kilala ang kanilang pamilya sa buong mundo at ayaw na ayaw nito nang kahihiyan kaya napilitan siyang pakasalan ang anak ng mga Murphy. Siya si Sandra, maganda at may kaaakit akit na alindog ngunit hindi pa rin ito sapat para mapa ibig niya ako, sapagkat alam ko naman na plinano nila 'to ng mga magulang niya. Alam kong palubog na ang kumpanya nila kaya ginawa nila ang kahangalan na ito. Akala nila magiging buhay prinsesa ang anak nila sa kamay ko, pwese hindi mangyayari 'yon. Sisiguraduhin ko na bawat araw na magkasama kami sa iisang bubong gagawin kung miserable ang buhay niya. Ngunit paano kung dumating ang araw na masumpungan mo na lang ang sarili ko na umi-ibig na sa dalaga. Paano mo sisikilin ang sariling damdamin kung ang isini-sigaw nang puso mo ay ang dalaga At paano kung huli na pala ang lahat kung ang dalaga ay naka tali na ang puso sa iba, ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig...
Romance
526 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status