Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Destined to be Mr. CEO’s Wife

Destined to be Mr. CEO’s Wife

Si Chloe ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang sa isang Matandang negosyante matapos matalo sa sugal ang kaniyang mga magulang. Pilitin man niya ang kaniyang sarili ay hindi makaya ng kanyang sikmura ang makasama si Valentino ng dahil lamang sa kasalanan ng kaniyang mga magulang. Hanggang mag krus ang landas nila ni Riley at mabuo ang kanilang isang gabing pinagsaluhan. Tumakas si Chloe sa kasal nila ni Valentino Rosso sa tulong ng kanyang kaibigang si Kean, ngunit dahil sa kahihiyan ay sinundan siya nito sa ibang bansa at nag eskandalo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Dumating naman si Riley para ipagtanggol niya si Chloe sa mga magulang nito at kay Valentino. Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagitan ng mga magulang ni Chloe at mga gulong ihahatid nito ng dahil sa pagpili ni Chloe na manatili sa piling ni Riley .
Romance
1019.9K viewsCompleted
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My secret affair (A life and death contract)

My secret affair (A life and death contract)

Dahil sa kagipitan ay kumapit sa patalim si Sabrina upang maisalba ang buhay ng mga magulang. Tinanggap na ang kaniyang kapalaran at naniwalang wala na siyang karapatan maging masaya at magkaroon ng laya magmahal. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Xavier, ang mayabang na mayaman na magpapatibok ng kaniyang puso. Paano niyang ihahayag sa lalaki ang kaniyang tunay na nararamdaman kung isang madumi at bayarang babae lamang ang tingin nito sa kaniya? May pagkakataon pa kaya para sa isang Sabrina Pascual na makamit ang totoong kaligayahan? O maging sunud-sunuran sa ilalim ng madilim na kontratang magkukulong sa kaniya sa isang bangungot habang buhay.
Romance
454 viewsOngoing
Read
Add to library
Paid Wife

Paid Wife

Lyrans Goddess
Simpleng buhay lamang ang nais ng dalagang si 'Bia'. Ang makabawi at maipagamot sa magaling na espesyalista ang kinikilala nyang ina. Ito rin ang nag udyok sa kanyang makipag sapalaran sa lungsod ng Maynila. Sa pakikipag sapalaran nya sa makabagong mundo, isang hindi inaasahang trabaho ang naghihintay sa kanya. Isang trabahong makapagpapabago ng buhay nya na siya ring dahilan upang makilala nya ang tunay nyang pagkatao. Ano-ano kaya ang matutuklasan nya sa pagkatao nya? Ano kaya ang mabubuo sa trabahong naghihintay sa kanya? Makakamtan nga kaya ng dalagang si Bia ang simpleng buhay na ninanais nya? O isang malaking pagsubok ang kakaharapin nya?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Laking probinsya si Lylia, isang simpleng dalagang maagang naulila sa mga magulang, at naiwan kasama ang kapatid niyang may malubhang karamdaman. Life was never easy for her. Bata pa lang, natutunan na niyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang dumiskarte araw-araw para sa kapatid at sa kanilang pangkabuhayan. Kaya kahit maliit lang ang puhunan, pinilit niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan, umaasang doon sila babangon. Pero isang araw, gumuho ang mundo niya nang madiskubre niyang si Raze, ang kapitan ng barangay, ang pinagkakautangan pala ng mga yumaong magulang niya. At sa desperasyon, tinanggap niya ang alok nitong deal, isang kasunduan na magpapabago sa buong buhay niya. Ang kondisyon? Kailangan niyang pakasalan si Raze bilang kabayaran sa kalahati ng utang nila. Kapalit nito, hindi na ipapa-demolish ng kapitan ang kanilang bahay at karinderya, ang tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may isa pang bahagi ng kasunduan, bukod sa pagiging asawa, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay sa bahay ni Raze, hanggang sa mabayaran niya ang natitirang utang. Samantala, kilalang kuripot at istriktong kapitan sa Barangay Abueña si Raze. He’s a man of rules, walang proyekto ang maaprubahan nang hindi dumadaan sa kanya. But unknown to everyone, he’s actually a secret billionaire, the owner of several airlines, hotels, and luxury resorts in the country that only cater to those with royal blood. At nang bumalik siya sa bayan, sa sabungan niya unang nasilayan ang babaeng dati’y sa larawan lang niya nakikita, si Lylia, ang anak ng mga may utang sa kanya. Doon nabuo ang kanyang mapanganib na plano, gawing asawa ang babae, kahit sa simula’y parte lang ito ng kanyang laro. Posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang kasal, o isa sa kanila ang tuluyang madudurôg at uuwing luhaan?
Romance
10133.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ugly Husband is a Billionaire

My Ugly Husband is a Billionaire

Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. *** Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito. Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez. Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa. Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa? Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?
Romance
9.465.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Heir's Revenge

The Heir's Revenge

Skycosine
Ilang taon nagtiis si Jesse sa puder sa tita at pinsan niya na todo ang pagpapahirap sa kan'ya kaya tumakas ito at nagtrabaho sa club at doon niya nakilala si ML na isang bilyonaryong lalaki na kayang tumulong sa kan'ya para sa paghihigante sa mag-ina. Tulong nga lang ba ang maibibigay ni ML o pati ang pagmamahal na minsan lang niya ipagkatiwala?
Romance
630 viewsOngoing
Read
Add to library
TEACHER DAHLIA

TEACHER DAHLIA

"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.
Mafia
705 viewsOngoing
Read
Add to library
The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

Nakay Si Cindy Mendez na ang lahat—kagandahan, kasikatan, at isang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Pero sa mismong gabi ng kanyang engagement party, sinira ito ng ex-girlfriend ng kanyang fiance na ipinalabas ang isang scandal. Sa labis na sakit at kahihiyan, nagpakalasing siya sa isang bar, handang kalimutan ang lahat—kahit panandalian lang. Ngunit sa kanyang paggising kinaumagahan, natagpuan niya ang sarili sa kama ng isang lalaking hindi niya inakalang makakasama muli—si Casper Graham, ang kilalang ruthless attorney at ang lalaking unang bumasag sa kanyang puso. Gusto na lang ni Cindy na mag-walkout sa sitwasyong ito at kalimutan ang nangyari, pero nang isang eskandalo sa kanilang pamilya ang nagbanta sa kanyang mana at kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa tanging abogadong kayang ayusin ang gusot—ang ex-boyfriend niyang walang awa sa korte. Ngayon, sa gitna ng isang matinding laban para sa kanyang yaman at dignidad, natagpuan ni Cindy ang sarili sa isang laro ng tukso at labanan ng pride kasama ang lalaking minsan na niyang minahal. Pero hanggang kailan niya magagawang takasan ang nakaraan? Dahil si Casper ay maaaring walang puso sa batas—pero pagdating kay Cindy, siya ang tanging kaso na hindi pa niya kayang isara.
Romance
561 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status