Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling in Love with the Billionaire

Falling in Love with the Billionaire

Ipinangako ni Ysabella sa kanyang sarili na ibibigay niya lang ang kanyang iniingitang puri sa lalaking mamahalin at pakakasalan niya. Nang magkaboyfriend siya ay muntik na siyang pagsamantalahan nito, mabuti na lang at may lalaking tumulong sa kanya. She didn't expect ang lalaking tumulong sa kanya ay isa pa lang tinitingalang abogado at bilyunaryo. Binili siya ng lalaki sa club kung saan siya nagtatrabaho bilang isang dancer at waitress. He hired her as her maid, pero hindi niya namalayan na unti-unti ng napapalapit ang loob niya sa lalaki. Gusto niya mang pigilan ang nararamdaman pero minahal na niya ng tuluyan ang lalaki, pero paano siya mamahalin ng lalaki kung ikakasal na pala ito sa iba?
Romance
1071.4K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night with a Stranger

A Night with a Stranger

Isang salita para ilarawan si Leah Olaer: Mataba. At dahil sa kanyang matabang katawan, nagtaksil ang kanyang fiancé na si Kyle at ang babaeng pinagtaksilan siya ay tinawag siyang ugly fat duckling. Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi pati ang pride niya bilang isang babae. Kaya naman nang gabing nalaman niya na niloloko lang siya ng kaniyang fiancé, pumunta siya sa isang bar at nilunod niya ang sarili sa alak. That night, Leah was so down, hurt, in pain and depressed, then she came across Achilles Williams. Ang gwapong lalaki na walang kahihiyang hinalikan siya sa harap ng maraming tao. Sa sobrang kalasingan niya, naulit ang halik na nauwi sa mainit na pagtatalik. Saka lang niya narealize na mali ang ginawa niya ng magising siya kinabukasan at wala na ang kalasingan niya. So Leah did the most reasonable thing to do. Tumakas siya. At napatunayan ni Leah na ang kasabihang 'Kahit anong iwas mo, ang kapalaran ay hahabulin ka.' Dahil kahit saan siya tumakbo, naroon si Achilles at naghihintay sa kanya para akitin siya. Maniniwala ba siyang iba si Achilles sa manloloko niyang fiancé? Hahayaan ba niya ang puso na mahalin ang isang makisig at guwapong lalaki na alam niyang hindi bagay sa kagaya niyang ugly fat duckling? O babaguhin niya ang sarili niya para maging bagay siya rito?
Romance
65.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Affinity Romance with the Billionaire

My Affinity Romance with the Billionaire

Simpleng babae na may mataas na ambisyon, ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang sarili sa kahirapan. Para kay Charline Jaya, edukasyon ang maghahatid sa kan'ya sa tagumpay upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Subalit napilitan s'yang magbenta ng katawan upang magkaroon ng pangtustos sa pag-aaral. Alexander Vergara, isang gwapong bilyonaryo na kilala sa pagiging playboy. Paano magiging malalim ang kaugnayan nila sa isa't isa? At bakit ba tila pinaglalaruan sila ng tadhana? Dahil makalipas ang ilang taon ay muli silang pinagtagpo. Ngunit sa maling panahon at pagkakataon. Kung kelan handa nang talikuran ni Charline ang kahapon at yakapin ang bukas na kapiling ang lalakeng nagmahal at tinanggap ang buo n'yang pagkatao.
Romance
1034.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.5K viewsOngoing
Read
Add to library
A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE

A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE

SAAN KA NGA BA DADALHIN NG TAPANG MO KUNG PUSO MO NA ANG MAGING DUWAG AT MAGING MAHINA ? MAGPEPRETEND KA PARIN BANG MATAPANG KUNG SA LOOB MO AY PINANGHIHINAAN KANA NG LOOB? TULUYAN KA PARIN BANG MAGTATAGO SA PAGKATAONG KAHIT IKAW ALAM MO SA SARILI MO NA NAGTATAGO KA SA ANYO NG KATAPANGAN PERO KABALIKTARAN NAMAN NG NAKIKITA NG KARAMIHAN?  PAANO KUNG DUMATING YUNG TAONG MAGPAPALAMBOT AT MAGPAPADAMA SAYO NG TUNAY NA PAGMAMAHAL PERO LAHAT NG IYON AY MAY HANGGANAN? SUSUGAL KA BA O PATULOY MO NALANG IDADAAN SA KATAPANGAN KAHIT ALAM MONG IKAW LANG ANG MASASAKTAN?
Romance
10580 viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Ugly Assistant

Vengeance of the Ugly Assistant

BrownEyes
Mahirap mabuhay sa mapanghusgang mundo , lalo na kung ikaw ay nabibilang sa hanay ng di gaanong kagandahan. Tukso , panlalait at pandidiri ang makukuha mo. Si Nathalia Montessa ay isang Executive Assistant . Hindi ito kagandahan at madalas ay tampulan ng tukso dahil sa itsura nito. Siya ay iibig sa kanyang boss na si Luisito Monteverde na isang napakagwapo na CEO. Kapalit ng sampung milyong piso ay makikipagrelasyon ang binata sa kanyang Assistant . Sobrang kinadurog ng puso ni Nathalia nang malaman ang pangloloko na ginawa sa kanya ng lalaking iniibig. Ito ang magtutulak sa kanya para magparetoke at mabuhay sa bagong katauhan. Paano nga ba niya isasagawa ang kanyang paghihiganti bilang si Rosalia Montes , isang sikat na modelo. Magtatagumpay ba siya sa pagdurog sa puso ni Mr. Monteverde o siya mismo ang mahuhulog sa sarili niyang paghihiganti?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Favorite Mistake

My Favorite Mistake

Hindi makapaniwala si Rhian Monleon na naibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala sa unang gabi ng kanilang pagkikita. Umuwi siya ng Pilipinas dahil kasal ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Logan Montereal. Ang lalaking naka-One Night Stand niya. Nagpasya si Rhian na bumalik agad ng Spain dahil iba ang kutob niya sa kanyang nobyo. Gusto rin niyang aminin sa kanyang nobyo ang nagawang niyang pagkakamali. Sa kanyang pagbabalik ano kaya ang matutuklasan niya? Magkikita pa kayang muli sila Rhian at Logan?
Romance
1085.7K viewsCompleted
Read
Add to library
OWNED (TAGALOG)

OWNED (TAGALOG)

Handa kang ipagbili ang sarili mo kapalit ng buhay ng taong pinakamamahal mo?
Para kay Laura, ang sagot ay oo. Pero ang kapalit—isang kontratang nakatali sa dugo at isang lalaking kinatatakutan ng lahat. Si Nikolas, ang tinaguriang Mafia King na walang puso.
Ngunit sa likod ng malamig niyang mga mata, may mga lihim na mas mapanganib pa sa bala.
At nang mabunyag ang totoo na ang halimaw ay isa lamang palabas, at ang tunay na kasalanan ay konektado sa sariling ama ni Laura magsisimula ang laban sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti.
Dahil minsan, ang puso ang pinakamabangis na kontrata sa lahat.
Mafia
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Sweetest Revenge

Her Sweetest Revenge

Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status