Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Temporary Wife

The Billionaire's Temporary Wife

Everelle Ponferrada, lumaki sa isang mahirap na bayan, mag isang itinataguyod ang kanyang magulang na hindi na makapag trabaho at ang pamangkin nito. Ang papa niya ay na disgrasya sa trabaho habang nanay niya ay hirap na gumalaw dahil sa katandaan. Pinag aaral niya ang pamangkin habang siya ay tumigil at mas tinutukan nalang ang pagtatrabaho para maka kayod sa buhay. Isaac Kezair Kavanaugh, ang nangungunang bilyonarnayo sa bansa. Ayaw niyang maipagkasundo sa babaeng inireto sakanya ng kanyang ama kaya gumawa siya ng paraan para hindi ito matuloy. Inalok ni Isaac si Everell na magpanggap bilang kanyang asawa kapalit non ang malaking halagang pera. Pumayag si Everelle at tinanggap ito. Ngunit paano kung habang nagpapanggap silang mag asawa ay unti-unti ring nagkakaroon ng nararamdaman sa isa't isa?
Romance
10466 viewsOngoing
Read
Add to library
A Writer's Romance (Filipino-English)

A Writer's Romance (Filipino-English)

Youniqueen
Hindi matanggap ni Syler ang harap-harapang pagtataksil na ginawa sa kanya ng lalaki na una niyang minahal. Of course, she wanted to get even with her ex-boyfriend. Hindi siya makapapayag na hindi ito magantihan matapos siya nitong huthutan ng malaking salapi. Isa sa naisip niyang paraan para makaganti ay siraan ito sa mga nobelang sinusulat niya. Magpakalunod sa alak ang naging solusyon niya sa unang kabiguan sa pag-ibig, ngunit nang mahimasmasan ay doon lang niya napagtanto na nasa ibang kuwarto na siya. It was Rusty Vergara's unit for holy heaven sake! Hindi niya akalain na sa katauhan nito ay madali niyang maipapamukha sa kanyang ex-boyfriend na sa isang kisapmata lang ay kayang-kaya niya itong ipagpalit. Pero sabi nga nila magaling maglaro ang tadhana. Kaya kung makikipaglaro ka rito, siguraduhin mong matalino ka para hindi ka uuwing luhaan sa huli. "We won't fall in love to each other." Ito pa ang natatandaan niyang sinambit niya nang buong tapang. Ano'ng nangyari? Kinain niya lahat nang sinabi niya, dahil isang araw nagising na lang si Syler na gusto na niya ang binata. It was not a part of their deal. Wala man iyon sa plano niya ay handa na siyang sumubok magmahal muli. 'Yon nga lang ay hindi siya naging handa sa panibagong kamalasan na darating. Yes, she's a romance writer. Umiikot sa usaping pag-ibig ang mga sinusulat niya. Pero dahil sa kabiguan din sa pag-ibig ay ayaw na niyang maniwala na nag-eexist pa ang happy ending, kung hindi rin naman siya ang magiging heroine ni Rusty sa totoong buhay.
1010.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1

Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1

Timothy Alvarez already has everything on his hands-- wealth and fame. At ayon sa kanyang ama, asawa na lang daw ang kulang sa kanya. Kaya't ipinagkasundo s'ya nito kay Penelope Valencia, anak ng isa ring kilalang angkan. Ngunit umpisa pa lang ng pagkikita nila ay hindi na sila magkasundo. Timothy was arrogant, cold-hearted and rude. At si Penelope naman ay hindi basta-basta magpapatalo sa binata. Sumumpa pa itong hinding-hindi nito magugustuhan si Timothy kahit na kailan. Ngunit paano kapag malaman nito na kaya s’ya ipinagkasundo ng mga magulang sa lalaki ay dahil sa papalugi nilang kompanya? Will she be able to accept truth? And how about Timothy? Paano nga ba niya pakikisamahan si Penelope kung sa una pa lang ay ginugulo na nito ang isipan niya?
Romance
1012.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Si Maria (R-18)

Si Maria (R-18)

BM_BLACK301
Warning: Not suitable for young readers or sensitive minds. Containe disgusting human, graphic sex scenes adult langauage and situation intend for mature readers only. _____________________________ Dahil sa kagustuhan na makatulong sa magulang 'ay lumawas ng Maynila si Maria dala ang pangako ng kanyang kakilala na may mapapasukan siya. Ngunit niloko siya nito at nangakong babalikan siya ulit para hanapan ng trabaho dala ang natitirang pera, ngunit may mga taong pilit na kinuha siya at sapilitang sinakay sa sasakyan. Naging magulo at mala-impyerno ang naging buhay niya sa piling ni Kiko, ang boss ng kilalang sindikato at mismong boss sa kanyang pinagtatrabahuhan kung saan siya dinala ng mga lalaking kumuha sa kanya. Ngunit sa biglaan na pagdating ni Toti sa buhay niya magkakaroon na kaya siya ng bagong pag-asa? Mailalayo na ba siya ni Toti sa demonyo at baliw na si Kiko? O may iba pang lalaki na darating sa buhay niya.
Romance
7.324.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Phantom Lover

Phantom Lover

missyue
Dala ng pangungulila ay laging dinadalangin ni Ino Salve na makita man lang ang mga magulang kahit kaluluwa nalang ang mga ito. Tila dininig naman ang panalangin niya nang makakita siya ng kaluluwa, ngunit ni sa hinagap ay hindi niya kailanman ginustong makakita ng iba bukod sa mga magulang niya, mas lalo pa at sundan siya. Doon na nagsimulang magulo ang buhay ni Ino Salve ngunit imbes na matakot dito ay iba ang naramdaman niya lalo na ng mapagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Unti-unting umusbong ang kakaibang damdaming alam niyang imposibleng mangyari. Sinubukan niya iyong pigilin pero hanggat nagkakasama sila ay lalong lumalalim ang damdamin niya para rito. Ngunit mapipigilan pa kaya niya ang damdamin kapag nalaman niyang parehas sila ng nararamdaman? May patutunguhan kaya ang damdamin sa pagitan ng isang tao at ng isang multo?
Fantasy
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1013.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Shadow Love of Mr. Zillionaire

The Shadow Love of Mr. Zillionaire

Para kay Jiannella, ang buhay ay parang isang salamin na nabasag—mahirap ng ayusin. Sa pagtatangkang ilayo ang kanyang kinikilalang kapatid sa kapahamakan, sumama siya sa kanyang tunay na mga magulang sa Pilipinas. Ngunit ang inaasam niyang tahimik na buhay ay nauwi sa isang malaking drama. Ang kanyang kapatid na si Mika, na anak ng dating yaya, ay labis na pinapaboran ng kanyang ina, na tila nagsisisi pa na dinala siya sa kanilang tahanan. At ang pinakamasakit, ang kanyang fiancé na si Duke, ay labis na umiibig kay Mika at gustong ipagpaliban ang kanilang kasal dahil lamang sa pagbabalik ni Mika mula sa ibang bansa. Sa desperasyon na makatakas sa kanyang pamilya, ipinost niya ang mainit na balita. Ang kanyang fiancé na si Duke, ay may relasyon sa kanyang kapatid na si Mika. Sa kasamaang palad, nagamit niya ang black card na bigay ng kanyang kapatid, at alam niyang anumang oras ay magpapakita ito sa kanyang harapan. Malapit na bang mabunyag ang kanyang madilim na sikreto? Lihim siyang may nararamdaman para sa kanyang kapatid, ngunit pilit itong kinukubli dahil sa takot na ito'y kakaiba.
Romance
10219 viewsOngoing
Read
Add to library
Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me

Mafia Series: Mr. Mafia Owned Me

Amber Stories
Role Model ni Lalaria "Lala" Buenaflor ang ate Ynessa niya, dahil bukod sa maganda na ito ay napakatalino pa. Ito ang breadwinner ng kanilang pamilya kaya naman mahal na mahal ito ng mga magulang nila. Nang umuwi ito sa probinsya nila kasama ang mayaman at gwapo nitong boyfriend ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng inggit. Pero may kakaibang nararamdaman si Lala sa boyfriend ng ate niya. Hindi niya alam kung ano yun. And the worst, she found herself in the arms of him.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing the Runaway

Chasing the Runaway

akarayue
Hindi man totoo ang relasyon ni Dorothea kay Clarence, hindi niya matanggap ang nangyari sa pagitan niya at ng lalaking hindi niya kilala matapos magising sa tabi nito sa isang estrangherong motel na hindi niya maalala kung paano niya napuntahan. Pinaghalong sakit at pagkadismaya sa sarili ang naramdaman niya at hindi niya maatim na harapin ang lalaking nagbigay ng kalayaan niya kaya mas pinili niyang lumayo rito. In her pursuit of distance between herself and the man who she genuinely loved despite their unusual connection, she found herself bearing the fruit of that one blurry night with a complete stranger. Iniisip na isang malaking pagtataksil iyon sa lahat ng kabaitan ni Clarence sa kanya, mas pinili ni Dorothea sa itago ang katotohanan tungkol sa kanyang anak. Pero paano kung lingid sa kanyang kaalaman, na ang lalaking pilit niyang tinatakbuhan ay patuloy ring humahabol sa kanya? Paano kung ang kanyang bawat paglayo, ang katumbas ay ang lalong paglalapit ng kanilang mga landas? Ano ang gagawin ni Dorothea kung isang araw, makita niya ang lalaking pilit niyang iniiwasan sa kanyang harapan, at itanong ang mga bagay na pilit niyang itinatago? Magagawa ba niyang magsinungaling? O ipagpatuloy ang nasimulang pagtakbo sa totoo?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status