Claimed and Spoiled by the Underground Boss
Akala ni Athena Salvador Ilustre ay secured at happy marriage na siya kay Josef, ang bilyonaryo niyang asawa. Pero hindi lingid sa kaalaman niya, ang anak ng kapatid niya, ang kanyang pamangkin ay anak pala ni Josef.
Halos gumuho ang mundo nang malaman niya ang masakit na katotohanan. Lalo pa nang halos lahat ng nasa paligid niya, kaibigan at kapamilya ay alam ang tungkol sa bagay na iyon. Siya lang ang bukod tangi na walang alam sa katotohanan.
Pupuntahan niya dapat ang kapatid niya para komprontahin ito, pero maling sasakyan ang napasok niya. Pag-aari pala iyon ng isang underground boss na si Seymour Gomez.