Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Chubby Romance

My Chubby Romance

bleu_ancho15
Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Fight For Love (Gabriel & Jenny)

Fight For Love (Gabriel & Jenny)

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig mo kung ang isip at puso mo 'ay gusto ng sumuko dahil sa mga taong gustong humadlang para lumigaya kayo? Gabriel Alarcon, a spoiled son. Bata pa lang siya 'ay lumaki na siya sa marangyang buhay, ngunit sa kabila ng lahat 'ay hinahanap-hanap pa rin niya ang alaga ng isang Ina na kailan man 'ay hindi niya naranasan. Tanging mga kasambahay at ang ama, kasama na ang Lola niya ang kasama niya sa buhay na lahat 'ay binibigay para sa kanya. Jenny Alipio, is a simple girl. Pangarap lang ay makapagtapos siya sa kaniyang pag-aaral 'ay sapat na. Dahil sa pangarap na 'yon ay makikilala niya si Gabriel na pagsisimulan ng lahat-lahat nang Saya at lungkot. Handa ka na bang magmahal at masaktan?
YA/TEEN
10.0K viewsOngoing
Read
Add to library
That One Night In Alhambra

That One Night In Alhambra

Blazing Pink
Hanggang saan ka dadalhin ng mga pangarap mo sa buhay? Si Gianna Camia Lopez o kilala bilang si Mia ay isang 21 years old 3rd year college student na nakipagsapalaran sa syudad upang makapaghanap ng trabaho at mapaaral ang kanyang sarili. Sa kagustuhang maabot ang kanyang mga pangarap at matulungan ang kanyang pamilya sa parehas na pagkakataon, ay pinasok ni Mia ang ika nga nila'y butas ng karayom. Naging dancer ito ng isang sikat na club, Alhambra kung tawagin. At kung saan ay makikilala niya ang lalaking magpapabago sa buhay niya. Isang naiibang lalaki ang makakaagaw sa atensyon ng dilag. The search for that one man begins after that one night in Alhambra.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
Other
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
UNEXPECTED MARRIAGE TO A RUTHLESS BILLIONAIRE

UNEXPECTED MARRIAGE TO A RUTHLESS BILLIONAIRE

Isang buhay ang biglang papasukin, buhay na hindi pinangarap, kasal na aksidente at sapilitang pinasok na puno ng alinlangan. Si Fei Zandaya dalagang puno ng mga pangarap, at lumaki mula sa may kayang pamilya ngunit isang pangyayari ang sisira. Hindi inaasahan siyang maipagkakasundo sa lalaking hindi niya pa nakikilala dahil sa halip na ang nakakatanda niyang kapatid na babae ang maikasal sa estrangherong si Mr. Demirci, siya ang napilitan iharap bandana. Ano kaya ang buhay na sa kanya ay naghihintay sa piling ng hindi pa kilalang lalaki? May pag-ibig kayang umusbong o poot ang tanging mamumuo?
Romance
1040.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Missing Billionaire (TAGLISH)

The Missing Billionaire (TAGLISH)

Dahil sa kahirapan ng buhay, pinasok ni Erina ang iba’t-ibang trabaho para lang matustusan ang kaniyang pangangailangan araw-araw. Binubuhay niya nang mag-isa ang kaniyang sarili simula no’ng umalis siya sa puder ng kaniyang ama. Naging maayos naman ang takbo ng kaniyang buhay pero nagbago ang lahat nang dumating at nakilala niya ang binatang si Wayne Louie Anderson. Isang bilyonaryo, kilalang personalidad sa larangan ng negosyo, at nagmamay-ari ng mga tanyag na resorts at casino sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Subalit, walang kaalam-alam si Erina tungkol doon. May isang pangyayari na nagtulak kay Wayne para ilihim ang kaniyang pagkatao at palabasin na siya ay nawawala. Ito’y naging daan para makasama siya ni Erina sa iisang bubong at naging daan para makilala at magustuhan siya ng dalaga. Magbabago kaya ang pagtingin niya sa binata kapag nalaman niya na ang tungkol sa totoong pagkatao nito? Isasantabi kaya niya ang galit para sa pag-ibig? O paiiralin ang galit at pagkamuhi, at sumuko sa iniibig?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Solace in His Embrace

Solace in His Embrace

PortalMentis_
Kilalanin si Maria Gabriella “Gabby” Villa isang artista na namamayagpag sa kanyang karera. Sa kabila ng kanyang ngiti, nakakubli roon ang kalungkutan na hindi niya hahayaang makita ng iba. Ngunit paano niya ipagpapatuloy ang pagpapanggap na masaya kung madali iyong nasisilip kanyang mga mata? Nakasentro ang atensyon ni Conrad Javier Jinx sa kanyang pamilya at araw-araw na training sa MMA. Marami siyang pangarap na gustong matupad para sa kanila. Sa pagdating ni Gabby sa kanyang sa kanyang buhay, handa niya bang ipagpatuloy ang kanyang pangarap o kalilimutan ito para sa dalaga? Nang dahil sa isang aksidente, itinadhana na pagsamahin sila sa isang lugar sa loob ng ilang buwan. Makakaya pa ba nilang ignorahin ang nararamdaman ngayong nakita nila ang kasiyahan sa bisig ng isa't isa?
Romance
10837 viewsOngoing
Read
Add to library
Bloodline 1: The Eternal Blood

Bloodline 1: The Eternal Blood

Clara Xiey
Si Zaira Athena Lundberg ay isang ordinaryong babae na namumuhay sa mortal world. Nang sugurin ng mga Zombie at Vampire ang lugar nila ay nalaman niya na hindi normal ang mga magulang at kapatid niya. Pumunta sila sa Outlandish, ang mundong pinanggalingan ng magulang. Sa pagtira nila doon, marami siyang natuklasang lihim tungkol sa pamilya at pagkatao niya, lihim na nagpabago sa buhay niya.
Fantasy
2.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Sweet Surrender

My Sweet Surrender

MED SERIES # 1 - Georgianna Isabella Carvajal is an independent and goal-driven medical technology student who aspires to be a doctor ever since she was young. Taliwas sa kagustuhan ng nanay niyang kurso para sa kanya, ipinaglaban niya ang kanyang pangarap at kinuha ang kursong gusto niya. Sa kalagitnaan ng pag-abot niya sa kanyang pangarap, nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inaakalang magkakaroon ng malaking bahagi sa buhay niya– si Caleb Atticus Avanzado, isang criminology student na nangangarap maging bahagi ng hukbong sandatahan ng Pilipinas. She believed that loving him was like playing with fire. Little did she know that he would be her greatest downfall.
Romance
1013.9K viewsCompleted
Read
Add to library
HIRAYA The Blind Lady

HIRAYA The Blind Lady

Chelsea Lee Winchester
BLURB HIRAYA THE BLIND LADY “Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay, mahal kita mula noon hanggang ngayon at mamahalin pa magpakailan man!” Hindi makapaniwala si Haya sa kanyang mga narinig, kahit sa kanyang panaginip ay hindi niya iyon inasahan. Si Hiraya o mas kilalang Haya ay ipinanganak na bulag, ngunit ayon sa pagsusuri ng doctor sa kanyang mga mata ay maaari pa siyang makakita. Siya ay lumaki sa orphanage na kung saan nakilala niya ang kambal na sina Gaius at Galen, sila ay anak ng isa sa sponsor ng orphanage, na kung saan lubos na nakatulong kay Haya. Sa kabila ng kanyang kondisyon ay lumaki siyang punung-puno ng pag-asa na makita ang totoong kulay ng mundo at mahanap ang kanyang pinagmulan. Hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang mamuhay ng normal at matagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay at tapat. Ano kaya ang gagawin ni Haya kung ang kapalit ng katuparan ng pangarap niyang makakita ay ang kanyang minamahal? Paano kaya matatanggihan ni Haya ang taong lubos na tumulong sa kanya na magkaroon ng bagong buhay mula sa isang desisyon na kailangan niyang panindigan habambuhay? Paano rin kaya niya tatanggapin ang katotohanan tungkol sa kanyang pinagmulan?
Romance
2.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1011121314
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status