Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)

Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)

Sa mata ni Claudette Aoife Villamor, ang kasal ay sagrado—isang pangakong hindi dapat nilalapastangan. Pero sa loob lang ng tatlong buwan bilang misis, nadurog ang buong pagkatao niya nang mahuli niya ang sariling asawa—nakikipagtalik sa kasambahay nila. Sa kama nilang mag-asawa. Dala ng galit at pagkawasak, nilisan niya ang tahanan nila nang walang balak bumalik. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong lalaki ang sumulpot sa landas niya—si Killian Nicolaj, ang tahimik ngunit makapangyarihang billionaire na siyang bagong CEO ng unibersidad kung saan siya dating nagturo. Hindi alam ni Claudette na matagal na pala siyang pinagmamasdan ni Killian. Matagal nang kinikimkim nito ang damdaming hindi niya kailanman inasahan—hanggang sa isang gabi ng paghihiganti, isang kasalanang pinili nilang kapwa pasukin. Sa loob ng sasakyan ni Killian, sa harap ng lalaking minsan niyang minahal, isinuko ni Claudette ang sarili sa bisig ng kanyang boss. Isang gabi ng kapusukan. Isang simula ng mga lihim. At isang ugnayang hindi kailanman dapat nabuo. Hanggang saan ka dadalhin ng galit, pagnanasa, at muling pagtuklas sa sarili mong halaga?
1016.6K viewsCompletedAdded to Library 364 Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
106.4K viewsOngoingAdded to Library 196 Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
The Billionaire's Certainty

The Billionaire's Certainty

Author T
Nabalot ng inggit at galit ang puso ni Jane sa kaniyang nakakatandang kapatid babae na si Shiba dahil ito na lamang ang magaling sa mga mata ng kanilang mga magulang. Ngunit mas lalong sumidhi ang kaniyang galit sa kapatid ng pati ang pinakamamahal niyang bilionaryo na si Keiron ay sa kapatid niya rin nagkagusto at ito ang nais na mapang-asawa kaya isang sakim na plano ang napagdesisyunan niyang gawin 'yon ay ang akitin si Keiron upang tuluyan itong mapasakaniya. Nagtagumpay si Jane sa kaniyang plano but to her surprised next morning she woke up in someone else's bed dahil lasing na lasing siya noong isinagawa niya ang kaniyang plano kung kaya't ibang lalaki ang kaniyang naakit at napag-alayan ng kaniyang puri. She mistaken the young billionaire who also Kieron's brother as Keiron, mahahanap ba nilang dalawa ang katiyakan sa piling ng isa't-isa o, kakalimutan na lamang ang isang gabing may nangyari sa kanila?
101.3K viewsOngoingAdded to Library 26 Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
Pregnant and Gone, the Billionaire Begged for Her Back

Pregnant and Gone, the Billionaire Begged for Her Back

Nang araw na natuklasan ni Vanessa na buntis siya ulit ay siya ding araw na natuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang asawang si Daniel. Wala siyang kamalay-malay na habang nangungulila siya sa pagkamatay ng kambal nila sa loob ng limang taon ay bumuo na pala ng sariling pamilya si Daniel. Nakita mismo ng kanyang mga mata kung gaano kabuo ang pamilya nito kasama si Lorraine, ang babaeng pinagkatiwalaan niya at anak ng mga ito na si Liam. Kasabay ng tagpong iyon ay ang tuluyang pagkawala ng matinding pag-ibig na nararamdaman ni Vanessa para sa asawa at ang natira na lamang ay galit at pagkapoot. Itinago ni Vanessa ang tungkol sa kanyang pagdadalang tao at nakipaghiwalay kay Daniel. Sa unang pagkakataon, nabasag ang boses ni Daniel. “Nessa… Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.”
8.48.1K viewsOngoingAdded to Library 307 Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya. Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano. Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador. Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan. Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing. Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?
1013.2K viewsCompletedAdded to Library 489 Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
I NEED YOU

I NEED YOU

Masarap mahalin ang taong iniidolo mo. Pero hindi akalain ni Jesabell na iyon din ang magdudulot ng pait at lungkot sa kaniyang puso. Umasa siya na higit pa sa alam niyang pagmamahal ang makuha mula kay Tyler, na siyang umaaruga sa kaniya mula nang mamatay ang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang mahalin siya ng binata, tulad ng pagmamahal niya rito. Pero hindi nangyari ang inaasam dahil dumating ang tunay na hero sa buhay ni Tyler. Ano ang laban niya sa babaeng ginagaya ang pagkatao niya at mas magaling umakting? Ang sakit at gusto nang palayain ni Jesabell ang sarili mula sa pantasyang binuo sa puso't isipan. Ngunit paano niya takasan ang buhay na mayroon siya ngayon kung ayaw siyang pakawalan ng binata? Habambuhay na lang ba siyang masaktan, at hayaang maging talunan sa mata ng mga taong nagpapanggap upang agawin ang mayroon siya? O ibigay ang gusto ng mga ito at hayaang maging masama ang pagkatao upang makaganti?
1096.6K viewsCompletedAdded to Library 2.4K Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
Tamed by Uncle Roxo (SSPG)

Tamed by Uncle Roxo (SSPG)

"I undeniably say that I tamed you, Snow." Over the years, hiding her wedding ring from her pocket was so hard for Snow. Hindi rin naman siya mahal ng napangasawa niya. Nakakadiri naman talaga kasing ikasal ka sa Tito mo, sa kapamilya mo, kaya paano siya mamahalin? Kaya napagdesisyonan niyang magparumi ng pangalan at budhi. "You wouldn't be anywhere without my control, Snow! Be grateful!" Kailan sila magdidivorce? Ayaw niya sa tito niya! Hindi iyon puwede sa mga mata ng tao! Kaya habang kontrolado na niya ang asawa'y sisirain niya ito. Gusto niyang magalit ito at siya na mismo ang magputol sa tali na namamagitan sa kanila! Pero paano kung isang araw, malaman niya na lang na hindi niya kailanman nakontrol ang asawa? Na sa simula pa lang ay siya na ang kinokontrol nito? Paano kung imbes na siya ang magloko, ay siya pala ang niloloko nang paulit-ulit? Ano ang gagawin ni Snow? Gayong iyong plano niyang umalis ay napalitan ng pagtitiis na manirahan sa iisang bubong... kasama ang Tito na kinakasuklaman niya?
10190 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets

Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets

Habang nakaupo si Thalia Briones sa burol ng kanyang ina, nakaitim at tahimik lang siyang umiiyak. Wala siyang ibang kasama kundi ang lungkot at mga alaala. Samantalang ang asawa niya ay nasa isang birthday celebration. Hindi sa kanya kundi para sa first love nito. Gabi ng halakhak, ilaw, at mamahaling alak habang siya'y nagluluksa mag-isa. Pag-uwi niya ay hindi na siya nagsalita. Iniwan lang niya sa mesa ang divorce papers. Saka siya nagdesisyong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan at lumayo nang tuluyan. Lumipas ang limang taon. Sa isang exclusive na auction event, isang babae ang lumitaw bilang punong auctioneer. Nakasuot siya ng backless na modern Filipiniana, may slit sa hita, at nakatakip ang mukha ng manipis na puting belo. Tumahimik ang buong hall. Lahat ng mata ay sa kanya lang nakatingin. Sa isang sulok ng silid naman ay nanigas si Isagani Castillo. Matagal na niyang hinahanap ang babaeng iniwan siyang walang paliwanag. Ngayon, nakaharap niya ulit ang isang anino ng nakaraan.
683 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
The Hidden Heir  Of The Obsessed Billionaire, CEO

The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO

Sa likod ng malamig na mga mata ni Adrian de Luca ay isang lalaking handang angkinin ang babaeng gusto niya. Iyon ay si Samantha Romano, siya ang empleyadang matagal nang nagtatrabaho sa industriyang kanyang pinapatakbo at ang babaeng lihim na umiibig sa kanyang amo. Para kay Adrian de Luca, laro lang sa umpisa si Samantha Romano. Ngunit habang tumatagal, mas lalo siyang nababaliw sa dalagang hindi natatakot suwayin anoman ang kanyang sasabihin. Habang unti-unting nahuhulog ang kanilang mga puso, isang babae ang muling bumalik sa buhay ni Adrian, at iyon ay si Celestina Monteverde. Si Celestina ay ang isa sa pinakamaraming dahilan kung bakit pinili ni Samantha na maglaho. Bitbit ang lihim na anak ng bilyonaryo, pinili niyang mawala bago pa tuluyang masira ang kanyang buong pagkatao. Note: Sisimulan kong isulat ang pinakaunang bahagi ng storya kung bakit ni Samantha piniling itago ang bata kagaya ng nasa title, just in-case magtataka kayo o malito dahil wala pang bata ang involve sa pinakaunang yugto. Thanks!
10114 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)

BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)

"Anyway, I'm Z. And I'm sorry for your blindfold. That's for your own good, woman..." ♡♡♡♡ Dahil sa kanyang inang nasa ICU, naipilitan si Calley na ipagbili ang kanyang sarili kahit labag sa kanyang kalooban. Sa loob ng isang gabi, nakasama at naangkin siya ng isang misteryosong lalaki na nagpakilala bilang "Z." Subalit sa halip na mapoot sa lalaking nakakuha ng kanyang pagkabirhen, namalayan na lang ni Calley na nahulog ang loob niya rito. Minahal niya ang hindi nakikitang lalaki at umasa pangakong babalikan siya nito at magpapakilala. Sa paglipas ng panahon, kahibangan mang maituturing, ngunit pinaghawakan ni Calley ang pangakong iyon ni Z. Lalo pa't ang isang gabing namagitan sa kanila nito ay nagbunga. Hanggang sa napadpad si Calley sa Coron at doon nakilala niya ang magkapatid na Zack at Zayne. Naging malapit ang dalawang lalaki sa kaniya, lalo na sa kaniyang anak, dahilan upang paghinalaan niyang isa sa mga ito si Z na ama ng kanyang anak. Isa nga kaya sa magkapatid ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita? Ang lalaking minahal niya sa kabila ng nakapiring niyang mga mata? Or will she open her heart again for a new love?
9.8121.0K viewsCompletedAdded to Library 3.3K Times as tumingin sa aking mata
Read
+Library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status