분야별
상태 업데이트 중
모두진행 중완성
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
My Savior Billionaire

My Savior Billionaire

Wasak ang puso ni Vivianne nang iwan siya ng boyfriend niya sa mismong anibersaryo nila. Ngunit sa gitna ng kanyang paghihirap, lumitaw si Logan, ang kanyang boy best friend—isang bilyonaryo na handang gawin ang lahat para sa kanya. Isang kontrata sa kasal ang nagsimula ng kanilang kwento, ngunit ang tunay na pag-ibig ba ang magiging bunga nito? O isa lamang itong paghihiganti na magwawakas sa pagkawasak?
Romance
8669 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
785 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
Ang Nawawalang Bilyonarya

Ang Nawawalang Bilyonarya

Sa kahirapan ng buhay ay namulat ang isang bilyonaryang si Glory Belle Padilla Arevallo. Noon ay wala pang kaalam-alam ang babae sa totoo niyang pagkatao at sa tunay niyang mga magulang. Lumaki siya sa pamilyang puno ng pagkukunwari. Lingid sa kaalaman niya, binalak ng tumayong magulang niya'ng ibenta siya sa bahay-aliwan para maging bayaran at maruming uri ng babae. Iyon daw ay para mabayaran niya ang mga sakripsisyo ng pamilya sa pagpapalaki sa kaniya. Wala nang nagawa si Glory Belle sa naging plano ng mag-asawa. Sa kaunting halaga ay nagawa siyang ipagpalit ng mga ito nang ganoon kadali. Ang masaklap pa, hindi nga siya naibenta bilang babaeng nagbibigay ng aliw pero mas higit pa roon ang kinasasadlakan niya-- ang maikasal sa isang lalaking hindi niya at mahal na isang matandang halos dalawampung taon ang tanda sa kaniya---si Samson Aguirre na isa nang biyudo, kilala sa lipunan at mula sa mayamang angkan! May isang anak na lalaki ang matanda na nangangalang si Loid Xavier Favila Aguirre. Ang inaasahang pilegro ni Glory Belle/ Yzza sa kamay ni DOn Samson ay mas malala pa pala sa inaasahan niya! Ayaw kasi ng binata na ikasal ang Dad niya o may pumalit sa namayapang ina nito. Ginawa ng binata ang lahat para siraan siya sa Dad nito at dumihan ang pangalan niya. Paano kung ang pagnanais ni Loid na hindi maikasal siya sa Dad nito ay may mas malalim pang dahilan? Paano kung this time, si Loid na mismo ang gustong mapasakaniya ang babae? Paano nga ba ni Glory Belle haharapin ang katotohanang ampon lamang siya ng kaniyang Itay Ramon at Inay Miriam at ang solong dahilan kung bakit gusto siyang ipakasal sa DOn ay dahil din sa kaniyang pagkatao? Paano mahahanap ng isang nawawalang bilyonaryang ang daan pauwi sa mga totoong nagmamahal sa kaniya?
Romance
10873 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
The Secret of the Casanova Billionaire

The Secret of the Casanova Billionaire

Hazel
Si Angelika Sandoval ay nakatanggap ng call sa kanyang dad at sinabing pakakasal siya kay Adriel Monteflacon, III isang kilalang Casanova at ubod ng yaman. Walang maka-resist sa kakisigan ni Adriel sapagka’t nasa kanya ang lahat ng pangarap ng isang babae – matipuno, guwapo, matalino karinyoso, at mayaman. Lahat na kay Adriel na at inihain i’yon sa kanya on a silver platter pero sa kung anong dahilan ay nagdaalawang isip pa rin siya kung tatanggapin ba niya sa buhay niya ang isang playboy na tulad ni Adriel o hindi. Kung hindi niya ito tatanggapin ay maaring mag suffer ang negosyo ng kanyang pamilya. She doesn’t want to defy her father’s wish. Eventually pumayag siyang magpakasal dito. Magulo ang isip niya kaya’t napagpasyahan niyang pumunta ng Davao City para makapag site inspection siya at makapagpahinga. Na met niya ang binatang si Christian na lalong nagpagulo ng kanyang isip at puso. Napakabait nito at maginoo. Kalaunan ay nahuhulog na siya dito. She’s now torn between two men – ang lalaking handang magpakasal sa kanya o ang lalakeng nagbigay ng tunay na pag ibig? While staying in Davao, madaming mga bagay ang na discover niya at ang kagimbal gimbal na sikreto na hindi alam ng kaniyang pamilya. Kinailangan ng agarang aksyon ni Angelika upang maisalba ang kanilang pangalan at ang buhay ng kanyang pamilya.
Romance
825 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
653 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Romance
730 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
Foolish Heart

Foolish Heart

Latte
Paano ba dapat aminin sa isang kaibigan na mahal mo siya? O paano mo sasabihin na higit pa sa bilang magkaibigan ang pagtingin mo para sa kaniya? "The more you hate, the more you love." Ito ang naging motto sa buhay pag-ibig ni Aziz Dimitri Tyson, matapos niyang makilala ang babaeng kinaiinisan niya sa lahat. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ito rin pala ang magyayanig sa tahimik niyang mundo. Sasha Edmonia, ang pangalan ng babaeng bumihag sa torpe nitong puso. Bagamat na love at first sight siya rito ay pinili na lamang niya na itago ito sa sarili at maghintay ng tamang pagkakataon upang maipagtapat ito sa kaniya. Naging kampante ito sa kaniyang sarili na hindi nalalamang marami na siyang nasasayang na oportunidad upang mas lalo pang mapalapit sa kaniya. He missed the right timing. Dahil sa kakahintay niya ng right time ay may iba ng nauna sa kaniya. Magagawa pa kaya ni Aziz Dimitri na maipagtapat sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman? O magpapaubaya na lang ba siya para sa iba?
Romance
695 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
My Brother-In-Law Is My Fake Husband

My Brother-In-Law Is My Fake Husband

TheInvisibleMind
Hindi maalala ni Angela ang kaniyang nakaraan dahil sa isang aksidente. Pero madalas siyang dalawin ng mga masasamang panaginip kung saan binubugbog daw siya ng isang lalaki dahil sa labis na selos. Mabuti na lang tuwing gigising siya ay niyayakap siya ng kaniyang asawang si Kyle, at sinasabi nitong isang bangungot lang ’yon, walang katotohanan, at lalong hindi parte ng kaniyang naburang alaala. Kaya lang pakiramdam ni Angela minsan ay ayaw sa kaniya ng kaniyang asawa at parang hindi siya nito mahal, lalo na't madalas siya nitong iwan sa Mindoro dahil madalas itong pumunta ng Maynila para sa negosyo raw nito na hindi naman niya alam kung ano. Kaya minsan ay naiisip na lang niya na baka may babae itong tinatago sa kaniya at iyon ang pinupuntahan nito sa Maynila. Kaya naman para malaman ang madalas na pag-iwan sa kaniya ng asawa ay gumawa siya ng paraan. Sinundan niya ito sa Maynila nang hindi nito alam. Ngunit paano kung sa pagdating niya ng Maynila ay doon na mag-uumpisang bumalik ang lahat ng kaniyang mga naburang alaala, at malalaman ang mga sekretong pilit na itinatago ng kaniyang asawa? At paano kung malaman niya na lang na hindi pala siya tunay na asawa ng kaniyang pinaniwalaang asawa, but his brother’s wife?
Romance
709 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
Her Sweetest Revenge

Her Sweetest Revenge

Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
Romance
590 조회수Ongoing
읽기
서재에 추가
Mapanirang Pag-ibig

Mapanirang Pag-ibig

Yung bata na iniligtas ko noong maliliit pa kami ay lumaking isang possessive at obsessive na CEO. Sampung taon niya akong kinontrol, gamit ang sakit ng lola ko bilang pang-blackmail para pilitin akong magpakasal sa kanya. Sinubukan niyang gawin ang lahat para makuha ang loob ko—kahit anong paraan, ginawa niya,pero hindi ko siya kailanman minahal. Dahil sa sobrang galit, nakahanap siya ng babaeng halos kamukha ko para pumalit sa akin. Ipinagmalaki nila ang relasyon nila sa harap ng lahat, at may mga bulung-bulungan na natagpuan na raw ng CEO ang tunay niyang pag-ibig. Pero isang araw, dumating ang babaeng iyon sa villa kasama ang mga alipores niya, gamit ang atensyon at pagmamahal ng CEO bilang lakas ng loob. Isa-isa niyang binali ang mga daliri ko, sinugatan ang mukha ko gamit ang utility knife, at inalis ang damit ko para ipahiya ako. “Kahit nagparetoke ka pa para magmukhang ako, palalagpasin ko na ‘yun. Pero natuto ka pang magpinta nang kagaya ko? Grabe kang mag-aral! Tignan natin kung paano ka makakaakit ng mga lalaki ngayon!” Habang duguan na ako at halos mawalan ng malay, sa wakas dumating ‘yung obsessive na CEO. Hinila ako ng babae sa harapan niya at mayabang na nagsumbong, “Honey, itong babaeng ‘to ay nagtatago rito sa villa, tinatangkang akitin ka. Siniguro kong hindi siya magtatagumpay!”
단편 스토리 · Romance
678 조회수Completed
읽기
서재에 추가
이전
1
...
3233343536
...
40
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status