Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
LGBTQ+
1037.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.5K viewsOngoing
Read
Add to library
BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS

BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS

Sa ikatlong taon ng kanyang kasal kay Morgan Cuntis, natuklasan ni Yelena kung sino ang tunay na minamahal ng asawa niya. Ang hipag nito, asawa ng yumao nitong kapatid na si Morris. Habang nasa gitna ng pagluluksa ang pamilya ay sumiklab ang gulo at walang pakialam ang lalaki basta’t maipagtanggol lang si Nova, sukdulang siya ang mabastos at masaktan. Tanggap naman ni Yelena ang dahilan ng pagpapakasal sa kaniya ni Morgan. Walang pagmamahal na nagbibigkis sa kanila. Napilitan lang itong pakisamahan siya dahil sa lahat ng babaeng pinagpipilian ng pamilya nito, siya ang masasabing matalino at masunuring manugang. Sa pagtatapos ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, patutunayan niyang hindi siya ang luluhod at magmakaawa. Babangon siya at magtatagumpay dahil nasa likod niya ang lalaking batas ang bawat salita at buhay ang katumbas ng bawat pagkakamali. Si Argus Armadda. Top Boss ng LE CADRAN PH. Isang Business empire na nagko-kontrol sa economic movers ng bansa at may sapat na kapangyarihang dumurog ng kalaban sa isang kisap lang ng mata. Mabubuo ba ang matibay na pagmamahalan sa pagitan nila kung unang mahuhubog ang obsession ni Argus kay Yelena?
Romance
1069.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Divorcing The Forgotten Heiress

Divorcing The Forgotten Heiress

Pagkatapos ng tatlong taon ay winakasan na ni Rana ang bisa ng kasal nila ni Bryson Deogracia. Hindi siya pinahahalagahan ng asawa sapagkat may ibang nilalaman ang puso nito. Malupit rin ang pamilya nito sa kanya. Kaya wala nang dahilan upang ituloy niya ang pagdurusa niya sa pamamahay nito. Nararapat lamang na bumalik siya sa dating buhay. Ang buhay na tinalikuran at kinalimutan niya para sa lalaki.
Romance
1024.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love and Betrayal

Love and Betrayal

Dahil sa tulong ng kaniyang ama, naikasal siya sa lalakeng simula pagkabata ay minahal na niya. Pero sa halip na maging masaya ay pagdurusa ang kaniyang natamasa sa piling ng kaniyang asawa. Nagising na lang siya na nawala na sa kaniya ang lahat. Ang kompanya ng kaniyang ama, ang kaniyang pamilya at higit sa lahat ang kaniyang asawa. Sinaktan, nilinlang at walang tinira sa kaniya. Siya si Precious Real, ang babaeng nagmahal, nasaktan pero muling bumangon. Ngayon ay nagbabalik para bawiin ang lahat ng kaniya.
Romance
9.836.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Zillionaire’s Bride in Revenge

Zillionaire’s Bride in Revenge

“Ameliá is back,” wika ni Dominic Juarez, kuminang ang guilt sa mga mata nito. Kinibot ni Hazel Xaviera ang dulo ng labi. “And so?” “Let's postpone our wedding.” “What the—” “May malubha siyang karamdaman,” mabilis nitong wika sabay abot ng brown envelope sa kanya. “Mas mabuti siguro na mag-aral ka muna sa abroad.” “Ah, gusto mo akong umalis para may oras kayong maglampungan, tama? Ok, fine!” Marahas niyang hinablot iyon at pinunit hanggang sa magkapira-piraso. “Tsaka hindi na kailangan i-postone ang kasal, let's just cancel it immediately.” Pinagkait kay Hazel Xaviera Trevisan ang lahat simula noong pinanganak siya. Ipinagpalit siya ng kanyang yaya sa anak nito sa tunay niyang pamilya, binenta siya sa misteryosong pamilya, malamig ang turing ng kanyang tunay na mga magulang noong bumalik siya at pinagtaksilan siya ng kanyang fiancée. Ang masakit pa’y paborito ng lahat ang fake daughter na si Amelia. Muli niyang isinulat ang kanyang kapalaran at pinasyang maghiganti. Ngunit sa kanyang paglalakbay ay dinala siya sa mundo ng krimen at natuklasan ang madilim niyang nakaraan. Natuklasan din niya na may lihim na pagtingin sa kanya ang kanyang kinakapatid at ang biglaang paghahabol sa kanya ng dating nobyo. Napagtagumpayan niya kayang maghiganti o magpapadala na lamang sa kanyang emosyon?
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Deadly Love

His Deadly Love

MadamWriting_28
Gwenneth is a woman from Davao who only wanted to make a living in Manila. Kahit nangangapa sa buhay ay pinipilit niyang mabuhay para sa naiwang pamilya na umaasa. Sa hindi inaasahang pangyayari, makikilala niya ang lalaking magpapabago sa tahimik niyang buhay. Sa kanilang pagsasama, malalaman niya ang tunay niyang pagkatao at ang mga sikreto na mas lalong magpapagulo sa kanyang isipan. Kaya nga ba niyang tanggapin ang taong kailanman ay hindi niya minahal mula pa noon? Kaya bang magbago ang tinitibok ng kanyang puso?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
DANGEROUS LOVE AFFAIR

DANGEROUS LOVE AFFAIR

Stella Cruz isang mabuting anak at panganay sa magkakapatid pangarap niyang makapag tapos ng pag-aaral at maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. At gagawin niya ang lahat para lamang matulungan ang pamilya niya kahit na ibenta niya ang kaniyang sarili sa mayamang bilyonaryo na si Timothy Smith, kakapit siya sa patalim mag o-offer ito na siya na ang bahalang mag finance ng lahat ng pangangailangan ng pamilya niya ngunit hindi ito libre, may kasunduan sila na magiging mistress siya nito at pupunan niya ang init at kaligayahang gusto nito. Paano kong makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso, ano ang gagawin niya? gayong nakatali na siya at pag-aari ng isang Timothy Smith At sa pag pag dating ng mag-amang Henry Saavedra at Dwight sa buhay niya ano kayang magiging papel nang matandang bilyonaryo at ng anak nito. Paano kong mahulog ang kaniyang loob kay Dwight, hanggang kailan kaya nila mapapanindigan ang bawal na pag-ibig at ang mga nakaw na sandali na sila lang ang tanging nakaka alam..
Romance
1013.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Solace

Chasing Solace

[Salfuego Girl's Series #1] Pamela Salmonte is the breadwinner of her family. Siya rin ang pangunahing provider, lalo na sa mga kapatid niyang nag-aaral at sa kanilang ina na may sakit. Swerte siyang nakapasok sa isang malaki at kilalang hotel, ang Salfuego Palace, kahit na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo. Siya ang tumutugon sa lahat ng pangangailangan ng pamilya, kahit na hindi niya mabili ang mga bagay na kailangan niya para sa sarili. Sa kabila ng mabigat na responsibilidad, may boyfriend siya, isang Japanese na si Albie Yuan Hiroshi. Masaya na siya kahit paano dahil sa pagkakaroon ng isang understanding na boyfriend na laging nasa tabi niya. Pero mali ang akala niya, dahil ang inaasahan niyang marespeto at gentleman ay kabaligtaran pala sa tunay na ugali nito. Nang malaman niya ang totoo, she breaks up with him right away. In the middle of her heartbreak, she crosses paths with the hotel owner, Drevin Onyx Salfuego. Habang nakakasama niya si Onyx, hindi inaasahan ni Pamela na mapapalagayan niya ito ng loob. Sa kabila ng mga sakit at pagtitiis niya sa pamilya, tila nakahanap siya ng totoong tahanan, sa mismong tabi ni Onyx. But she didn't know, being with Onyx would bring her even more heartaches.
Romance
743 viewsOngoing
Read
Add to library
The Rented Wife

The Rented Wife

Mag-isang tinataguyod ni Renice Ocampo ang kaniyang pamilya matapos ang trahedyang nangyari sa kanilang ama noong sila'y bata pa. Magmula noong mawala ang kaniyang ama, siya na ang umako sa responsibilidad nito, na ginagawa rin naman niya dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay nito. Ngunit kahit anong pagtatrabaho ni Renice ay lugmok pa rin sila sa kahirapan, at hindi na makakabangon pa. Pero kahit gano'n, hindi titigil ang dalaga hanggang hindi niya nabibigyan ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya. Handa niyang gawin ang lahat mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya, na dapat naman ay talagang kanilang tinatamasa kung hindi lang namatay ang kanilang ama. Hanggang sa makilala niya ang bago niyang boss na nais siyang rentahan upang maging asawa nito, at handa siyang sweldohan sa kahit magkanong kaniyang naisin. Ito na ba ang simula ng magandang buhay na minimithi ni Renice? O ito ang simula ng buhay na muli niyang nais matakasan? Let's find out.
Romance
1044.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status