Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love you still

Love you still

Meowpyyyyy
Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Alexena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin niya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya. Akala niya ay okay na siya, akala niya ay naka-move on na siya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala niya dahil tutol man ang isip niya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso niya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing the Mafia Boss Lover

Chasing the Mafia Boss Lover

Thale01
Si Antoniette Ramos ay isang dalagang mag-isa na lamang sa buhay. Nag-iisang anak lamang siya nina Criselda at Antonio. Subalit ang buhay ni Antoniette o mas kilala sa nickname na Toni ay hindi normal gaya ng sa ibang tao. Halos kasi kalahati ng buhay niya ay panay na lamang siya tumatakas o tumatakbo sa mga taong ginawan ng kanyang ama ng atraso. Upang tuluyang makalayo sa mula sa mga humahabol sa kanya ay nagdesisyon siyang manirahan sa isla ng Siquijor kung saan ni isa man ay walang nakakakilala sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makikitang muli roon si Elton, ang lalaking sumagip sa kanya mula sa kapahamakan. Ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Elton ay nauwi rin kalaunan sa pag-iibigan ngunit sabi nga nila, walang sekreto ang hindi nabubunyag. Isang araw ay biglang nagpakita ang ama ni Toni sa kanyang pinapasukang restaurant. Hindi na nag-aksaya pa ang kanyang ama ng oras. Kaagad nitong sinabi sa kanya ang totoong pagkatao ni Elton. Bagay na hindi agad pinaniwalaan ni Toni. Siya mismo ang humanap ng ibendensyang makapagpapatunay. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang kanyang litrato sa wallet nito. Hindi rin niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Elton at ng boss nito na si Franco. Doon ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit, muli siyang nalagay sa alanganin at muli ay nailigtas siya ni Elton. Subalit, pagkatapos niyon, lumayo si Toni mula kay Elton dahil para sa dalaga ay hindi sila nababagay sa isa’t isa. Pinili niya ang mabuhay nang malayo kay Elton kahit sa paglipas ng mga araw ay lalong humirap para sa kanya ang hindi makasama si Elton. Sa huli ay hindi rin niya natiis ang desisyong layuan si Elton. Muli silang nagtagpo, sa pagkakataong iyon ay nagsama sila kasama ang magiging anak nila.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless Mafia

The Ruthless Mafia

Sherly Sherly
At a young age, Maxwell has a lot of responsibilities on his shoulder left by his dead parents. He has to take care of his sister and the Mafia organization. He grew up being a ruthless. He can kill you in just one snap... Until Tessa came. Sa kabila ng paghihiganti ay hindi na namamalayan ni Maxwell na mahuhulog na pala siya kay Tessa. Maxwell will risk everything for Tessa. Sabi nila, ang pagmamahalndaw ang pinakamakapangyarihang sandata, totoo iyon. Maxwell will risk everything for Tessa, kahit pa kapalit non ay buhay niya.
Romance
990 viewsOngoing
Read
Add to library
End of Passion

End of Passion

Ataraxia Thunder
I am staring at the city lights while having a smoke. It’s been a while since the last time I stayed in this condo. “Mist,” the man called me and I just gave him a boring look. “I want—” “Us back again?” sarkastiko kong sabi, tumango siya kaya tumawa ako. “Sorry, but killing is now my passion, so kill that love of yours.” “Isn’t it love is your passion?” naiiyak na sabi niya. “People change, and I ended that passion.” Iniwan ko na siya sa veranda saka nagtungo sa kwarto nag-ayos ng damit isinuot ang agent suit. Again, I am ready to kill. “Love? What the heck is that, I won’t beg, even if he does, hindi na ako papasok sa mundong yon, that place is chaotic, it is poisonous, venomous that can make you feel ill and numb.” Zyra Mist Alejandro, too tired of loving. If come inside of my heart you can only see words saying ‘end of passion’ because love is a killing potion.
Romance
821 viewsOngoing
Read
Add to library
Muling ibalik

Muling ibalik

Memories
Sabi nila lahat ng bagay at tao my lugar may pwesto, may panahon at oras makakapagpasaya man sayo o hindi. Gaya na lang ng araw sa umaga bwan sa gabi, ang tubig sa ilog umaagos at ulan ay pumapatak, ang tao ay nabubuhay at namamatay... But Im not buying it kasi kung ganon? Bakit kinuha agad ang mahal ko? Ang lugar at pwesto pati panahon at oras nya ay dapat sa tabi ko. Kaya isa lang ang ibig sabihin LIFE IS A BIG BULLSHIT UNFAIR! Sandali ko lang syang nakasama pero kinuha na lang sya bigla. Marami pa kaming gustong gawin at puntahan. Marami pa syang pangarap na gustong tuparin. Kung maibabalik ko lang ang oras. Pero kahit anong gawin ko di na ko makakabalik sa oras na yon. Yong masaya at kasama ang mahal ko. *** Tumgin ako sa salamin at yuko. Tumingin uli ako sa salamin... Tingin sa likod.... Sa salamin uli.... "Oh jesus!!!!" "Waaaaaaahhhhhh..." Sigaw ko habang nakaturo sa salamin. Subra talaga ang takot ko kaharap ko ang bata kong pag mumukha! Sigaw pa rin ako ng sigaw buti na lang walang tao kundi para akong baliw. Totoo ba to? Kinurot ko sarili ko at pinag sasampal. "Aray! Putik ang sakit" "Ano bang nangyayari? Ganito ba sa heaven?" Lumabas ako hahanapin ko na si mahal walang duda patay na ko! As in dead. Pero pano si mommy? Hinihintay ako. "Bala na si batman basta mahanap ko si mahal." Napadaan ako sa labas ng at.. Ano ba showing nila mga luma na pang 2014 pa. sariwa pa sa akin ang mga taon ng nakilala ko si mahal. Teka? Parang may di tama. Kaya nag duda na ko nagtanong- tanong ako at sa 20 na taong tinanong ko isa lang ang sagut... Today is APRIL, 17,2014. Hindi pwede, 2055 na sa panahon ko.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDING THE MONTEFIORE'S HEIR

HIDING THE MONTEFIORE'S HEIR

⚠️ Warning ⚠️ This story contains mature themes and explicit content. Read responsibly! Matured Content: R-18||SPG Dahil sa importanteng bagay na nasira ni Thara Guazon kailangan niyang magbayad ng malaking halaga. Ngunit hindi niya kayang bayaran 'yon sa lalong madaling panahon kaya binihag siya ni Rozein Montefiore, the Italian billionaire known being the most ruthless man to ever exist. Upang mabayaran niya ang nasirang gamit, gumawa ng agreement si Rozein. Pakakawalan siya nito sa isang kundisyon, at 'yon ay ang magsilang siya ng taga-pagmana ng mga Montefiore. Dahil desperada siyang makaalis sa kamay ni Rozein. Pumayag si Thara sa gusto ng lalaki. Ngunit nang mabunyag ang isang sikreto at kasinungalingan. Thara left in Manila carrying the Montefiore's heir. After almost six years Thara learned to let go of an impossible love and say goodbye to the past. At sa kanilang muling pagkikita, nasaksihan ni Thara kung paano nag-iba si Rozein kapiling ang babaeng bagong minamahal nito. May pagkakataon pa kaya siyang masabi sa lalaki ang tungkol sa anak nila? * * * "My Daddy is not a pilot. Sabi ni Tita, isa siyang engineer at may-ari ng isang malaking company," inosenteng sagot ng anak ko matapos tanungin ni Ghijk. Dumagundong sa kaba ang aking dibdib. Mabilis kong hinila si Keiran at itinago sa likod ko. Mapang-uyam namang natawa si Ghijk bago tumayo. "Walang lihim na hindi nabubunyag, Thara..."
Romance
10994 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Madaldal na Sekretarya ni Mr. Sandrex

Ang Madaldal na Sekretarya ni Mr. Sandrex

BIBIBHEYANG
Unang araw sa trabaho ni Jean at hindi niya inaasahan na ang nakaaway pala niya sa shop ng kaniyang kaibigan ay ang magiging boss pala niya. “Good morning Ms. Jean Salazar! Remember me?” Sarkastikong sabi nito. At ako naman ay halos manigas sa kinatatayuan ko! At parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at lumubog dito! Di ako makapag salita dahil parang walang lumabas na boses sa lalamunan ko, pinagpapawisan ako kahit ang lamig naman sa loob! Napakurap naman ako at tumikhim bago nagsalita. “Huh? Ah ehem,  g-good m-morning sir! I'm Jean Salazar sir! Nice to meet y-you!” "You can sit down Ms. Salazar baka sabihin mo wala akong manners?” sir Sandrex. “Po? si-sige po sir, t-thank you!” utal-utal kong sagot. “So Ms. Salazar, alam kong nagulat ka sa nalaman mo! Right? Na ang gago palang nakabungguan mo kahapon ay ang magiging boss mo ngayon!” sir Sandrex “S-sir! I...” “Ssshhh, Ms. Salazar don't worry I don't mix personal matters in my business!” sir Sandrex. 'Lord! Please gawin mo na kong invisible ngayon!' Binubulong ko to sa sarili ko habang nakatingin ako sa supladong lalaki na to! Aba, Malay ko bang siya pala ang magiging boss ko! Tadhana nga naman oo! Hinawakan nito ang magkabilang armrest ng upuan at inilapit ang muka sa akin! Na halos na aamoy ko na ang mabango nitong hininga at ang pabango nito na alam kong mamahalin! Ang lapit ng muka niya na halos ilang dangkal na lang ay lalapat na ang matangos niyang ilong sa ilong ko! Lord! Please ibuka mo na talaga ang lupa! Now na! “Afraid of what I'm going to do Ms. Salazar? Look straight into my eyes! And tell me what you said yesterday!” Sir Sandrex with his husky voice.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Captivating Mr. Mysterious ( She’s Into Him )

Captivating Mr. Mysterious ( She’s Into Him )

Presilda Amore
Sabi nila First love never dies. Pero para kay Faye gusto na niyang mamatay ang damdamin niya para sa ex boyfriend niyang si Mark. Ayaw na muna niyang mainlove. Ngunit mapipigilan ba niya ang kaniyang puso sa muling pagtibok nito? Sino kaya sa dalawang binata ang karapatdapat niyang piliin na maging second love: Si Lance ba na kababata niya at matagal nang nagmamahal sa kaniya o si James, ang the man in a leather shoes na bumihag sa puso niya pero nakatakda na palang ikasal sa iba?
Romance
10829 viewsOngoing
Read
Add to library
My Sixteen Year's Old Meixie

My Sixteen Year's Old Meixie

Thegirlmakesyouhappy
I'm only sixteen ng makilala ko si Franz Zorego, ang hot business man na mas matanda sakin ng s'yam na taon. Unang kita ko pa lang sa kanya nasabi ko agad sa sarili ko na itong ang lalaking mamahalin ko. Kaya naman ginawa ko ang lahat para akalain nito na nasa tamang edad na ako. Pero hindi naitatago ang sikreto ng matagal na panahon. Dahil natuklasan nito na isa lang akong highschool student sa paaralang mismong pag aari ng kanilang pamilya. Mula noon ay umiwas na ito sa akin at 'di na ako pinapansin. Aaminin ko nasasaktan ako sa pag iwas nito pero anong magagawa ng isang gaya ko? Sabi nga nila isa lang akong hamak na bata na pagdating ng panahon mawawala at mababago rin ang nararamdaman. Totoo ba ang gano'n? Paano kung hindi?
Romance
10896 viewsOngoing
Read
Add to library
Back to Me

Back to Me

Tiwness96
PAG-IBIG Animo'y naubusan ng dugo sa putla si Mia nang ipakilala ng mag-asawang Fuchs si Phineas. Ang estrangherong kaniyang sinuntok at tinadyakan thirty minutes ago sa loob ng airport. Hindi naging maganda ang nagdaang araw ni Mia sa mansiyon simula nang dumating si Phineas. Inis na inis siya sa ginawa nitong pagkuha ng litrato habang magkatabi silang natutulog. Nawindang pa siya nang bigla nalang nagbakasyon si Miss Ivy at ibinilin nito sa kaniyang gumawa ng paraan para hindi umuwi ng Germany ang kaniyang mainiping unico hijo. Hindi alam ni Mia kung ano ang gagawin kay Phineas na palagi nalang siyang iniinis at hindi siya sineseryoso. Sabi pa nito’y she effortlessly beguiled him with her cute curves on her lips na mas lalo pa niyang ikina bwesit ang tono nitong sarkastiko. Sa pagdaan ng mga araw ay nagamay din ni Mia kung paano pakisamahan si Phineas. Hindi niya akalaing aabot sa puntong hindi niya naasahan ang pusong pigilan ang nararamdaman at naisuko ang lahat sa lalaki. Akala ni Mia ay maayos ang lahat hanggang sa isang umaga’y naabutan niya si Phineas na nagmimilagro sa sariling kuwarto kasama ang isang babae. TRAHEDYA Pinatay ni Mia ang kaniyang sarili sa mata ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Sinabayan niya ang isang trahedya na kinasangkutan niya at ng kaniyang pamilya. Upang paghandaan ang paghihiganti sa walang awang umubos ng buhay ng kaniyang pamilya ay umalis si Mia ng San Martin dala ang nakakakilabot na karanasan at ang sakit ng pag-ibig na kaniyang labis na pinagsisisihan. Paano kung sa pagkalipas ng tatlong taon ay dalahin si Mia ng kaniyang paghihiganti pabalik sa San Martin at makitang muli si Phineas? Mapanindigan kaya niya ang binuong bagong mukha at pagkatao? O tuluyan ng susuko ang kaniyang puso?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
101112131415
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status