Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Womanizer Wife (On-going)

Womanizer Wife (On-going)

Dehjeon_desu
Si Kheene Cuenco ay anak nang nagmamay-ari ng isang Make-up Brand Company. Matalino, mabait, gwapo at mapagmahal but still iniwan pa din siya ng kaniyang kasintahan. Kagagaling lang niya sa isang break-up nang magkaroon ng malaking problema ang kanilang kompanya, at para ma-resolba ito ay kailangan niyang pakasalan ang lesbian na anak ng kaibigan ng kaniyang ama. Inaasahan niya na hindi ito matutuloy, ngunit nagka-mali siya. Sa kanilang matagal na pagsa-sama ay hindi namamalayan ni Kheene na nahuhulog na pala siya dito. Pilit man niyang pigilin ang nararamdaman pero mas lalo lang ito lumala. Ngunit naisip niya, paano siya nito mamahalin pabalik kung ang gusto nito ay babae? Matatagalan ba siya nito maka-sama o tulad ng una niyang kasintahan ay iiwan din siya nito sa huli?
Romance
5.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Yugto

Yugto

Fourthpretty
Mina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Napakaputla ng kaniyang balat at maging ang kaniyang buhok ay naiiba rin. Mayroon siyang asul na mga mata at nagtataglay ng kahali-halinang kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob sa kanilang tahanan at walang ibang nakasalamuha maliban sa kaniyang ama at ina. Lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang binata ang lubos na humahanga sa kaniya noon pa man. Ito ay ang binatang si Joeliano Crisologo na nalalapit na maging isang ganap na doktor. Lubos ang kaniyang paghanga sa dalaga mula noong una niya itong makita. Ninais niyang mapalapit sa dalaga ngunit hindi iyon gano`n kadali sapagkat kinailangan niyang bumalik sa bayan kung saan siya namulat. Ipinangakoo niiya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ito sa oras ng kaniyang pagbabalik sa Cavite. nang dumating na ang araw na kaniyang pinakahihintay ay may hahadlang upang sila ay tuluyang magkalapit. Ano ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan kung sa umpisa pa lamang ay hinid na magtagpo ang kanilang landas patunngo sa isa`t-isa.
History
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1097.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal

The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal

Nasira ang relasyon ni Celeste sa kanyang asawa na si Darson nang malamang siya ay baog. Isang araw ay nagdala na ng mistress si Darson sa kanilang tahanan na noon ay apat na buwan nang buntis. Her husband soon divorced her and abandoned her in a dangerous place mercilessly after the dirty thing that mistress did to her. Pero hindi niya aakalain na sa delikadong lugar na iyon ay aksidente niyang maliligtas ang buhay ng isang mafia boss na si Primo Semion Lombardi, at mag-alok ito ng marriage proposal!
Romance
1082.8K viewsCompleted
Show Reviews (26)
Read
Add to library
Selene O. Maralit
Miss A more more update pa po please sobrang ganda po ng story nio.. na halos hindi muna tigilan ng pagbabasa dahil habang tumatagal lalo kang gaganahan sa mga pasabog pa ng story na ito. Lalo pa at umamin na si Simeon love ko.........
P.P. Jing
Author here! Mayroon po akong 3 stories in total so far! 1.) SOLD TO THE ABANDONED HUSBAND (Available both Filipino/English) 2.) THE REMARRIED PERFECT HOUSEWIFE: A MAFIA BOSS PROPOSAL 3.) AMNESIA TRIPLET MOMMY: BILLIONAIRE'S LOST LOVE
Read All Reviews
Carrying the Billionaire's triplets

Carrying the Billionaire's triplets

Triplets ang ipinagbubuntis ni Xandra sa isang billionaire na si Alexander Bautista. Isa ang natira sa kaniyang triplets dahil ang bunso ay namatay at ang pangalawa ay nasa kaniyang ex-husband. Makalipas ang limang taon nagkapalit ang dalawang kambal sa airport, si Xander na dapat kasama ni Xandra ay napunta sa kaniyang ex-husband at si Axel na dapat kasama ni Alexander ay napunta kay Xandra. Mapapansin kaya ng mga ito ang malaking pagkakaiba ng dalawa gayong nagkasundo ang mga ito na magpalit ng katauhan pansamantala.
Romance
10135.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying the Billionaire's Twin Babies

Carrying the Billionaire's Twin Babies

Queen_Sienna
Nagmula sa isang mayamang pamilya si Sienna Montemayor kaya nang malaman niyang ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay naglayas siya. Napadpad siya sa isang bar at doon ibinuhos niya ang sarili upang makalimot subalit dahil sa kalasingan ay nagbago ang kaniyang buhay. Naibigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi niya inaasahang mabubuntis siya. Sa takot na bumalik sa pamilya niya ay sinubukan niyang pumasok bilang sekretarya sa isang sikat na kompanya. Pagpasok sa opisina ng kaniyang magiging boss ay halos liparin niya na ang daan paalis. Nakilala niya ang kaniyang magiging amo bilang ama ng kaniyang dinadala. Ang mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya ay nang malaman niya na ang ama ng dinadala niyang anak ay sa bilyonaryong si Liam Del Fierro pala, ang mortal na kalaban ng pamilya niya. Ngayon hindi niya alam kung paano siya tatakas dahil binakuran na siya ng bilyonaryo pagkatapos malamang buntis siya sa anak nito.
Romance
10820 viewsOngoing
Read
Add to library
Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE

RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE

SHERYL FEE
Tommy Saavedra, bunsong anak ng business tycoon na si Don Felimon Saavedra. Hindi sumunod sa yapak ng amang negosyante at mas hindi sumunod sa inang mambabatas. Bagkus ay sinunod niya ang bulong ng damdamin, ang maging marine engineer. Until he found himself that he's one of the marine engineers of the famous international cruise ship MARGARITA. Sa unang tingin pa lang niya sa kapatid ng Boss niyang halos kaedad nila o mas tamang sabihin na mas bata pa sa kanilang mga tauhan ay nabighani na siya sa angking kagandahan. Idinaan niya ang lahat sa panunukso sa takot na mabasted ng dalaga. Cassandra Keith Mondragon, isa sa mga kambal na anak ng mag-asawang MaCon at Clarence. Sa murang edad ay namulat sa responsibilidad sa kumpanya nila. Siya ang namahala sa Herrera Ticketing Booth dahil ang kambal niya ay sa Herrera Theater, ang Kuya ay sa MARGARITA. Nang dahil sa kani-kanilang kabiguan sa buhay ay magsasangga ang landas nila sa pamosong barko ng mga Mondragon.
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Romance
9.323.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
825.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status