Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
Romance
2.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
His Heart Series 2:His Stone Heart

His Heart Series 2:His Stone Heart

Nanganganib na mawalan ng trabaho si Chrissa dahil sa papalugi na ang kompanyang kanyang pinapasukan. Isa siya sa mga nagsusulat para sa isang magazine na sa bawat labas ng bagong edition ay laging mababa ang benta. She doesn't want to lose her job. All she needs to do is to write something that would catch everyone's attention and urge them to buy their next magazine issue. She needs to find someone whom she can feature on her next article... someone like— Trace Dela Serna. Trace is a well-known businessman. Kilalang-kilala ito dahil sa yamang mayroon ang pamilya nito. Laman din ng mga balita noon ang lalaki dahil sa kinasangkutang kontrobersiya ilang taon na ang nakararaan. Namatay sa isang engkuwentro ang kasintahan nito at walang sino man ang nakaaalam kung ano ang dahilan ng barilang naganap. Naniniwala si Chrissa na gumamit ng koneksiyon at yaman ang mga Dela Serna upang hindi malaman ng media ang dahilan ng mga nangyari. Ni walang nagtagumpay na makuhanan ito ng panayam. At iyon ang gusto niyang magawa— si Trace ang nais niyang maging paksa sa sunod na article na kanyang isusulat. Kung sakaling maisiwalat niya ang dahilan ng pagkamatay ng kasintahan nito, baka sakaling tumaas ang kita nila. She thought it would be easy, pero hirap siyang makapanayam ang kampo ng binata. Dahilan iyon para mag-isip siya ng ibang paraan upang makalapit dito at makakuha ng mga impormasyon— Chrissa applied as Mat-Mat's nanny, ang limang taong gulang na anak ni Trace. Magagawa niya bang alamin ang sikretong nakabalot sa pagkatao ni Trace? Will she be able to make him agree for an interview? O sadyang siya ang mahihirapang makasama ang binata sa iisang bubong dahil sa pag-uugaling mayroon ito? Can she ever tame... his stone heart?
Romance
102.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
PINKY GANGSTERS

PINKY GANGSTERS

Wenichie
Kung may F4. May pinky gangsters. Kung gwapo sila. Kami magaganda. Kung mayaman sila? Pwes kasing yaman nila kami. Ang pinagkaiba lang ay kabilang kami sa pinakatanyag na Mafia sa bansa ang "Dark Queen's Mafia" at may mga misyon na ipinapagawa sa amin. Ang singilin ang mga may pagkakautang sa kanila. Ang protektahan ang mga Queens. At mabuhay para pumatay. Hindi kami apat lang. Binubuo kami ng iba't ibang grupo. Vhilantro Cavalier Rebellion Seuss at Kami, ang "PINKY GANGSTERS." Walo kaming kababaihan na sa oras na banggain mo ang isa ay magtago kana. Dahil kahit sa ilalim ka pa nang lupa magtago. . . Hindi ka na namin huhukayin kung hindi mas ibabaon pa. Mataray ba masyado? Well, KAPAG gangsters lang naman kami but when time comes na ordinaryong tao lang kami. Gugustuhin mong mapasama sa amin dahil hindi makukumpleto ang tropa kung kulang nang isa. That's we are! Not perfect but not boring. If you want adventure then read this. If you want love then open this book. If you want horror. Well, try this too. But if you want .. peace then back-off . Hindi mo na dapat basahin pa ito. Dahil dito mo makikita ang tunay na gulo. ---
Romance
1.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Thou Shall Not Covet  Thy Neighbor's Wife

Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife

Michelle Vito
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. "Hindi ako tatanda na kagaya ninyo na kuntento na lamang manilbihan sa mga Montero," Giit ni Mariz sa ina na katulong sa mansion at ama na katiwala sa hacienda. Gusto niyang makapagsuot ng magagarang damit , pagsilbihan na gaya ng isang Montero. Ang pamilya Montero kasi ang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong San Mateo. Ito ang batas sa lugar nila at kung kaya't kinatatakutan at tinitingala ang buong angkan nito. Hanggang sa makilala niya at mapaibig ang isang Gerald Montero. Ito na ang pagkakataon niya . Gagamitin niya si Gerald upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap. Ngunit isang trahedya ang naganap. Pinasok siya sa kuwarto ng isang nakamaskarang lalaki at ni-rape. Kasabay niyon ay ang biglang paglaho ni Gerald sa buhay niya. Nagbunga ang malagim na sinapit niya. Ang kanyang kababata na si Jay-are ang nagligtas sa kahihiyan na sinapit niya. Pinakasalan siya nito at naging ama sa kanyang anak. After 7 years, muling nagbalik si Gerald Montero , this time nakatakda na itong ikasal kay Andrea , ang matindi niyang katunggali sa ganda at talino sa bayan ng San Mateo Muling nagkurus ang landas nila ni Gerald.Nagkaroon siyang muli ng pagkakataong akitin at paibigin si Gerald.Hanggang unti-unti ay masumpungan niya ang sariling nalulunod na sa sobrang pagmamahal niya kay Gerald. Balewala na sa kanya ang ang yaman at kapangyrihan nito. Mahal na niya itong talaga. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ngunit paano kung isang umaga ay natagpuan siyang duguan sa tabi ng wala ng buhay niyang asawa? Siya ba ang pumatay kay Jay-are? Bakit wala siyang maalala bago ito paslangin? At sino ang lalaking gumahasa sa kanya seven years ago? May pag-asa pa bang muling mabuo ang naudlot nilang pag-iibigan ni Gerald?
Romance
101.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I'm His Slave

I'm His Slave

CrystalineG
Letche naman oh! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng perang pang piyansa kay Itay hinding hindi ako sasapi sa grupo ni Buknoy. At malay ko bang ang target namin ay isa pa lang bigatin na ubod ng gwapo, yaman, yabang, at saksakan ng pagkababaero bukod dun napaka-daldal niya at ang bastos pa ng bunganga. Walang iba kundi si Sebastian Cain Guevarra. Ang lalaking mas magulo pa sa buhok mo sa private part. Paano ba naman—"I'll give you two option, Miss. Pumili ka, kulong o magiging alipin ko?" seryoso ngunit nakangising tanong niya. Humakbang siya papalapit at inilapit ang mukha sa aking tenga saka bumulong. "Choose wisely cutie..." sabay kindat niya. ©CrystalineG
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter

After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter

dangerosely
Si Kleer Ronnilaine Cruz, dating anak ng kasambahay sa pamilya Lyverigo ay may lihim na pagtingin kay Arrex Jhames Lyverigo, ang tagapagmana ng pamilya. Nang mapilitan silang magpakasal, biglang nagdesisyon si Arrex na makipag-divorce pagkaraan ng dalawang taon. Ang hindi niya alam, buntis si Kleer sa kanilang anak. Nang malaman ni Kleer ang tunay na yaman ng kanyang pamilya, nagpasya siyang lumipad patungong New York kasama ang kanilang anak para itago ito kay Arrex. Limang taon ang lumipas, bumalik si Kleer sa Pilipinas at muling nagkrus ang landas nila ni Arrex—ibang iba na ito, mayaman na at may kasamang anak. Sa pagbabalik ni Kleer, magbubukas ang bagong mga lihim at pagsubok. Ipapaalam na kaya niya kay Arrex ang katotohanan tungkol sa kanilang anak, o mananatiling sekreto ito magpakailanman?
Romance
101.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Perfect Stranger

Perfect Stranger

Glimmerrrrrr
Mujer Ricas Series #1 : Perfect Stranger Hadley Aaliyah talented, smart, rich and beautiful halos nasa kanya may mababait na kaibigan na maasahan niya sa lahat ng bagay, lahat ay abot kamay niya, lahat ay pinagkakaloob sa kanya ngunit may tatlong bagay ang wala sa kanya. Pag mamahal, kalayaan at atensyon ng mga magulang niya. Alam niya sa sarili niya na may kulang sa kanya at alam niya ang yaman na meron siya ay mag dadala sa kanya sa isang bagay na ayaw niya.
Romance
1.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

aryatemiz
Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
272829303132
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status