Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
Romance
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Desiring David

Desiring David

MagicSarap
WARNING: Matured Content. Read at your own risk. Credits to Carla Agus for my book cover. <3 He was labeled as taciturn man, because during the course of his 30-year life, he spoke less and acted more according to his own convictions and ideas. Aslan Jade Lopez was satisfied and happy in his home together with his dog, Midnight. He was already standing on his own two feet when he finished his degree and decided to persue his own career. Ngunit dahil likas na bukas ang kaniyang isipin mula pa noong bata ay hindi naman niya sinasarado ang mga posibilidad na may mga magbabago sa kaniya basta ang nasa isip niya, he was far different from the others. When Aslan Jade finally met the guy who made him realize how different he can be, even more than he was before, he was craving a fantasy, something fresh and exquisite. He has been one of the most dangerous men in the underground realm since he was in his early teen. Kazimir David Cirillo built an empire where he can and must feed his fantasies. But when he caught a glimpse of a pair of lustful eyes of a guy who had caught his facination, his sexual urge became even stronger. Ginawa lahat ni David para mapasa kaniya ang misteryosong binata na nagmamay ari ng mga matang isang beses pa lang niyang nakita ngunit nagpatigas sa kaniyang pagkalalaki, pero paano kung ang paraan na ito ay humantong sa dahas na naging bangungot para kay Aslan Jade? Will Aslan continuously desire David after learning the truth about his worst nightmare? Or will he let his fantasy instead to decide for an option- to never let go of David?
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Romance

My Secret Romance

Paano kung may makilala kang tao na lahat ng ayaw mong ugali ay nasa kaniya? Isang taong papahirapan at guguluhin ang mundo mo. Meet Zoe Yaffeh Madrigal--- ang babaeng may pagka-boyish at head over heels sa bestfriend niyang lalaki. Isang babae na lahat ng gugustuhin ay makukuha niya, pero maliban sa isa. Meet Dylan Rodriguez--- ang tahimik, matalino, mayaman, guwapo at masasabi mong Perfect Guy. Ang bestfriend ni Zoe. Dalawang magkaibigan na magka-iba ang ugali. Nagkalayo dahil sa isang maling pangyayari, pero magsasama muli dahil sa isang kasunduan. "Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para sa mahal mo ay dapat nasa akin," nakangising sabi ni Zoe. Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal!" sagot ng binata. One Deal! One Secret! Isang sekretong magpapabago ng mga mundo nila. Isang sekretong may kapalit. Pero paano kung maging malapit sila sa isa't isa at tuluyan nang mauwi sa love? Are they going to prove that total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? "He is my secret. My beautiful little secret," nakangiting sabi ni Zoe sa kaniyang sarili habang nakatingin sa papalayong si Dylan.
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Trystan Lerwin Wuizon

Trystan Lerwin Wuizon

breathe.shaiy
Trystan Lerwin Wuizon is known for being a young, handsome billionaire and woman hater. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kaniyang ina sa ama niya. He hated her because she chose her boyfriend over him. Si Ashanti Ruiz Salazar ay anak ng isang doktor at abogado. Ang gusto ng mga magulang niya ang maging isa siyang doktor, abogado o enhinyero. Pero ang gusto niya ay ang maging isang flight attendant. Hinayaan siya ng mga magulang niya dahil akala nila ay magbabago pa ang isip ni Ashanti. Butthey found out that Ashanti enrolled in a different school just to be a flight attendant. Due to disappointment, pinalayas nila ang anak at sinabing bahala na siyang buhayin ang sarili niya. Walang kaso ito kay Ashanti dahil matagal niya na itong pinagplanuhan. She had different part time jobs para madagdagan ang savings niya. So, she'll survive. Years after, she graduated and finally reached her dream. Her batch celebrated their success at a newly opened bar. It was the grand opening kaya discounted lahat. Pinaghalong saya at lungkot ang naramdaman ni Ashanti. Saya dahil natupad na ang pangarap niya at lungkot dahil hindi pa din siya kinakausap ng mga magulang niya. Uminom siya hanggang sa tuluyan na siyang malasing. Pagkagising niya kinabukasan ay wala siyang matandaan at nasa isang hindi pamilyar na kuwarto na siya habang nakahiga sa tabi ng isang lalaki nang walang kahit na isang saplot sa katawan. Dahil sa takot at kaba, agad na nagbihis si Ashanti at umalis. Hindi na siya nagpakita pa kahit kailan sa lalaking iyon. Lumipas ang ilang buwan ay nalaman niyang buntis siya at ang ama ay isang estranghero para sa kaniya! Magkikita pa kaya silang muli? O mananatili na lamang isang sikreto ang naging bunga ng isang mainit na gabing pinagsaluhan nila?
Romance
5.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
Romance
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying The Billionaire

Marrying The Billionaire

nhumbhii
GIPIT. Iyan lang ang tanging nasa isip ni Maureen magmula noong binenta ng kanyang ama ang kanilang kompanya. Nagkanda-letche ang kanilang buhay at wala siyang ibang maisip na paraan kundi ang bawiin ang kanilang kompanya mula sa taong pinagbentahan ng kanyang ama. Ngunit paano na lang kung walang balak na ibalik ng bagong may-ari ang kanilang kompanya? Kakayanin niya bang makipagsapalaran sa tanging kasunduan nito? Pero paano kung ang tanging paraan para makuha muli ang kanilang kompanya ay ang pakasalan ang bagong may-ari nito? Handa ba siyang matali sa isang relasyong sapilitan?
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Criminal Heart

His Criminal Heart

Pxnxx
Justice and revenge. Iyon lang ang nasa isip ni Alexandria hanggang sa tumuntong siya sa edad na bente-sais. Desi-otso anyos siya nang magulantang siya sa kaniyang nasaksihan sa mismong tahanan nila. Pinatay ang Mommy at Daddy niya habang ang kaniyang kapatid naman na babae ay walang sawang inangkin at binaboy. Dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang pamilya. Nakilala niya si Raul. Ang dahilan ng unti-unting paglimot niya sa nakaraan. Ang lalaking nagpagulo sa natutulog niyang puso. Pero bato naman pagdating sa salitang pagmamahal. Isang bagay ang nalaman niya tungkol sa binata. Isang bagay na naging dahilan para muling sumibol ang galit, poot, at pagkamuhi sa kaniyang puso.
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
A PERFECT MISTAKE

A PERFECT MISTAKE

GINAWANG PAMBAYAD sa utang si Yza ng kanyang ama. Masamang-masama ang kanyang loob, kaya nilunod niya ang sarili sa alak. Sa sobrang kalasingan ay natumba siya ngunit bago pakinabangan ng matigas na simento ang malambot niyang katawan ay nasalo siya ng lalaking estranghero. Kinabukasan ng magising siya ay nagimbal si Yza sa kanyang natuklasan. Wala siya sa sariling kwarto. Higit sa lahat hubo’t hubad din siya. Naramdaman niya rin ang munting kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. She’s lost her virginity… Sa lalaking hindi man lang niya namukhaan. Ang isang gabing pagkakamali ay nagbunga. Paano na siya? Gayon naglayas siya sa kanila at pagala-gala na lamang siya sa kalsada… She’s meet Manuel ang lalaking hindi yata marunong ngumiti at ubod ng suplado. Naging Knight and shining armor niya ang binata... Nakahanda akuin ni Manuel, ang anghel nasa sinapupunan ni Yza. nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Manuel at Yza. Pero dahil sa natuklasan ni Yza ay hindi natuloy ang kasal. At pagkalipas lamang ng ilang linggo ay nagpakasal si Yza sa ama ng binata,kay Don Hector...
Romance
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

LauVeaRMD
Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat para sa inyo, ipinapangako ko iyan, ang kamatayan ninyo ang paghuhugutan ko ng lakas, para hanapin ang mga salarin na naging sanhi ng inyong kamatayan," lumuluhang sambit ni Scarlet sa harapan ng puntod ng kanyang pamilya, sa bawat salita na binitawan niya ay tila isang pangako para sa kanyang pamilya na pinaslang ng walang kalaban-laban. Galit at pagkasuklam ang nasa puso ng dalaga, para sa mga taong gumawa noon sa kanila. Kaya sa pagpunta niya sa Maynila ay nakilala niya si Lance Dela Piña na isang negosyante. Si Lance na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ni Scarlet? Mahihilum kaya ni Lance ang sugatang puso ni Scarlet, dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya? Mapapawi kaya ni Lance ang galit at puot na nasa puso ng dalaga! Ang binata na kaya ang makakapigil kay Scarlet para sa paghihiganti na gagawin nito? Paano kung may malaman na isang sekreto si Scarlet tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Paano kung malaman din niya na ang taong tumulong sa kanya ay siyang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang pamilya.
Romance
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
42
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status