Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Familiar Stranger (Boys' Love)

Familiar Stranger (Boys' Love)

It's been 8 years since they last saw each other. It was way back when they're senior high school students. Sa muli nilang pagkikita, akala nilang dalawa ay muli silang makakapag-usap at maibabalik ang samahan nila tulad noong nasa high school pa sila. In the end, as soon as they finally saw each other, one of them immediately forgets about the other. Lahat, lahat ay nakalimutan. Ang nakaraan, ang saya at lungkot, maging ang takot at poot. Ang lahat ng napag-usapan, kabilang ang kanilang pangako. "You... Ikaw 'yan 'di ba?! Amiel?! Ano ba'ng na-" "W-Who are you? Italy... Sino 'to?" Lahat ay nasira dahil lang sa isang car accident. What will they do now? Ano ang maaaring gawin ni Kayden upang maalala siya ng dating kaibigan? At may pag-asa pa nga bang maalala siya ni Amiel? O tuluyan na niyang makalilimutan ang lahat?
LGBTQ+
4.5K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.2K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)

When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)

Zxoul49
Masaya at makulay ang buhay ng isang artista. Tulad ni Aaron, na halos nasa kanya na ang lahat: kasikatan, kaibigan at minamahal na kasintahan. Ano pa bang kulang? Siyempre, para sa kanya ay wala na. Pero paano kung isang araw ay may magbago. Paano kung isa sa mga ito ang mawala sa buhay niya? At pumalit ang isang responsibilidad na hindi niya minsan na isip sa tanang buhay niya.
Romance
104.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
JESICA'S HIDDEN DESIRES

JESICA'S HIDDEN DESIRES

Bata pa lang si Jessica ay malaki na ang pagkainggit niya kay Carla—ang kanyang best friend. Nasa kanya na kasi ang lahat ng wala siya. Masayang pamilya, pera, at pinag-aralan. Tila umayon sa kanya ang pagkakataon ng mamatay ang ina ng kaibigan. Isang malaking plano ang nabuo sa kanyang isipan. Ang akitin ang ama ng kaibigan niya. Noong una ay kayamanan lamang ni Carla, at pusisyon ang hinahangad niya. Pero nagbago ang lahat ng makilala niya si Lhiyeon. Hindi niya akalaing ang lalaking iniwan niya sa gabing may naganap sa kanila ay ang siya ring magiging nobyo ng kanyang kaibigan, kaya naman kahit iniwasan niya ang lalaki, ay nauwi pa rin sa isang relasyon ang namagitan sa kanila, isang uri ng pagkakasala na idaragdag sa kanyang mga lihim na kasalanan, may oras pa ba para sa pagsisisi, lalo na kung hinahangad na rin niya ang makapiling ang lalaking una namang naging kanya. At ang pagnanasang maagaw ang lahat kay Carla ay isa ring dahilan ng lahat. Saan kaya siya dadalhin ng kanyang mga lihim na pagnanasa?
Romance
104.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Ang Lalaki Sa Salamin

Ang Lalaki Sa Salamin

Paano nga ba magkakaroon ng katahimikan ang buhay ni Cecily kung gabi-gabi ay binabangungot siya? Ayos na sana sa kaniya kung sa unang parte ng panaginip niya ay may humahaplos at nagro-romansa sa kaniya. Pero hindi, dahil pagdating sa gitna ng panaginip niya ay biglang mapapalitan..... At iyon ay biglang makikita niya ang mukha at maririnig ang boses ng lalaki na gusto siyang isama sa kaniyang mundo. Ang masahol pa roon ay nasa loob ito ng salamin.
Paranormal
104.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Beautiful Mistake

My Beautiful Mistake

iampammyimnida
Malaki ang problema ni Keanna dahil nasa bingit ng kamatayan ang kan'yang nobyo na si Russo. Malaki ang pinsalang natamo nito sa aksidente papunta sa tahanan nila para sana mag-celebrate ng anibersaryo nila. Kailangan nito ng blood donor ngunit laking gulat niya na hindi pala tunay na anak ng mga Marquez si Russo at ang tanging pamilya lamang ng lalaki ay si Thaddeus Pacheco na isang bilyonaryo sa buong Pilipinas. Malaki ang galit ni Thaddeus kay Russo at hindi nito kayang tumulong sa lalaki dahil kinamumuhian niya ang kapatid niya. Paano nga ba niya sasagipin ang lalaking mahal niya?
Romance
104.2K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

Matagal ng inaasam ni Cecelia Raymundo na mabuntis siya, pero noong araw na nalaman niyang buntis siya ay ang araw rin na natuklasan n’ya na pinagtataksilan siya ng kanyang asawang si Maxwell de Silva at ng kanyang bestfriend na si Valentina Dionisio. Dahil isa siyang bulag at inakala ng mga ito ay hindi niya malalaman. Nagpanggap s’ya na hindi ‘yon alam at noong araw na ibibigay ng kanyang ama ang kompanya nito sa asawa n’ya ay inagaw niya ‘yon subalit hindi n’ya inaasahan na makunan siya. Sa tindi ng galit ay nilisan n’ya ang Pilipinas, pinagamot ang mga mata at muling bumalik para maghiganti. Malinaw na niyang nakikita ang magandang buhay ng asawa niya at kabit nito. Gusto n’ya lamang sirain ang mga ito pero hindi niya inaasahan na maka-one night stand niya si Magnus Quinn de Silva—ang nakatakdang pakakasalan niya at ang tiyuhin ng dating asawa. Subalit ang tunay na layunin nito ay gagawin lamang siyang trophy wife. Nasa rurok na s’ya ng tagumpay ng muling bumalik si Maxwell at nagmakaawang hiwalayan niya ang tiyuhin nito.
Romance
104.6K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
Love is Sweeter the Second Time Around

Love is Sweeter the Second Time Around

Reianne M.
In life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is our greatest enemy. Parang lahat kasi ng mangyayari sa buhay natin, nakatadha na-at wala kang magagawa kundi tanggapin ito. I have always been on top. All the people I know are proud of me-look up at me because I am good at everything. Pero tama nga silang hindi ka laging nasa taas. Sino bang mag-aakala na isang beses lang akong babagsak pero sobra iyon? Sobra-sobrang nahatak ako sa baba ng malaking trahedya sa buhay ko at hindi ko alam kung paano ako aahon. Mabuti na lang, bumalik siya. Siya ulit. Siya lang ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin nang lubos kahit iniwan ko. It's always him. Walang iba.
Romance
4.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Running Away from the Villainous CEO

Running Away from the Villainous CEO

Akala ni Ellaine ay katapusan na niya nang mabangga ng isang malaking truck ang sinasakyan niyang kotse. Laking-gulat na lamang niya nang sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang madilim na siyang kuwarto... sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki. Akala rin niya ay iyon na ang pinaka-wild na nangyari sa kanya pero hindi pa pala. Mas wild pa pala nang ma-realize niyang napunta siya sa loob ng romance novel na huli niyang nabasa bago siya namatay. Ang masaklap... ang kasalukuyan niyang katauhan ay hindi ang Female Lead, hindi rin ang kontrabidang babae, maski ang secondary character na bestfriend ng Female Lead ay hindi pa rin siya. Siya lang naman ay isang cannon fodder character na hindi man lang naabutan ang simula ng main plotline! May mas masaklap pa pala... ang lalaking nakaniig niya nang unang gabing napunta siya sa loob ng nobela ay walang iba kundi ang Main Villain– ang big boss ng mga big boss ng mga kontrabidang hadlang sa buhay ng Male at Female Lead! Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag nalaman ng malupit na Big Villain na iyon ang nangyari sa kanila? Sigurado siyang hindi na talaga siya aabutan ng pagsisimula ng main plotline kung mananatili siya kaya napagpasyahan na lang niyang tumakas at mangibang bansa. Wala nga lang sa mga plano niya ang sorpresang iniwan sa kanya ng unang gabing iyon.
Romance
4.7K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

Itchay
Kilalang chef sa buong bansa si Alexander Jones. Bukod sa gwapo na ay mayaman pa. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na pinapangarap ng isang babae. Kaya naman nasanay siyang sa isang iglap lang ay nakukuha niya ang gusto niya, mapalarangan man ito ng negosyo, hobby, o di kaya ay babae. Laking dagok sa kanyang ego ng may isang babae ang tumanggi sa kanya. Si Karen Delgado, ang babaeng bukod tanging hindi nahulog sa karisma ng isang Alexander Jones. Pero ng dahil sa problemang pinansyal ay napilitan siyang tanggapin ang pinaka-ridiculous na offer na natanggap niya mula kay Alex. Isang contractual marriage. Magiging maayos kaya ang pagsasama ng dalawang nilalang na nag-umpisa sa maling sitwasyon? May tsansa kaya na ma-uwi sa pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa awayan? Paano kapag nalaman nila, na ang ugnayan pala nila sa isa't-isa ay hindi lang nagsimula sa isang kontrata?
Romance
104.3K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2223242526
...
48
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status