After the Daylight
Pinsan niya ako kaya dapat meron akong gawin.
Seryosong nakatuon ang tingin ni Youtan kay Zinnia. Ayos na kaya silang dalawa. Sana nga ayos na nga, dahil parehong mga anak nila ang nawawala. Kailangan rin nilang magsama lalo na sa bagay na 'to. Siguro naman may mga naaalala na rin si Youtan ngayon. Napansin kong napatayo si Zinnia. Lumapit siya kay tita. Lalapit na rin sana ako kaso bigla akong inunahan ni Youtan. Ano ba naman 'yan inagawan ako ni Youtan. Pero, ayos na rin naman dahil nagagawa na niya 'yan. Dati nga hindi niya gustong lumapit sa kanya si, Zinnia. Pero, ngayon siya na rin mismo ang lumalapit.
"Mommy, gumising na po kayo." Malungkot na boses ni Zinnia.
Bab Populer