IYON ANG unang pagkakataon na nakita niyang sumigaw si Lawrence sa harap ng ama nito. Matatalim din ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya at kung nakamamatay lang ang mga tingin nito ay tiyak na kanina pa nga siya nabulagta sa sahig.
Alam niya sa sarili niya na hinding-hindi magagawa ng kanyang ina ang ibinibintang nito. Hindi dahil sa sama ng loob kung bakit pumanaw ang ina nito kundi dahil sa malubhang sakit. Tinapunan nito ng tingin ang ama. “Kung ipipilit nito talaga ang gusto niyo ay sige. Papayag ako, pero keep in mind na hinding-hindi ako magpapakabait sa babaeng yan.” mariing sabi nito at pagkatapos lang nitong sabihin ang mga iyon ay dali-dali na itong lumabas. Sinundan nito ng tingin ang papalayong pigura ni Lawrence at pagkatapos ay biglang napahilot ng wala sa oras sa sentido nito. “Pagpasensyahan mo na sana Asha ang anak ko.” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya. “Okay lang po. Sanay na ako.” sabi na lamang niya dahil totoo namang sanay na siya. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay palagi na lang itong nagagalit sa kaniya kapag nakikita siya nito. “Yun lang ang sasabihin ko. Baka may gagawin ka pa.” sabi nito pagkalipas ng ilang sandali. “Sige po, mauna na po muna ako.” sabi na lang din niya at pagkatapos ay tumayo na upang bumalik na muli sa kanyang silid na nasa likod ng mansyon. Kaya lang, nang nasa kusina na siya at patungo na sa pinto palabas ay bigla na lamang siyang hinila ni Lawrence at dinala sa bodega na naroon din. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso kaya hindi niya maiwasang hindi mapadaing sa sakit. “Lawrence, bitawan mo ako…” pakiusap niya rito ngunit sa halip na bitawan siya ay bigla na lamang siya nitong itinulak sa dingding kaya napasandal siya rito. Hindi pa siya nakakagalaw nang bigla na lang nitong iharang ang mga braso nito sa magkabila niyang balikat at pagkatapos ay hinawakan ang kanyang baba. “Sabihin mo kay Daddy na ayaw mong magtrabaho sa kumpanya.” sabi nito kaagad sa kaniya. “Pwe-pwede naman nating pag-usapan ito ng maayos hindi ganito.” nauutal na sabi niya rito dahil magkahalong takot ang kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. “Sino naman ang tangang makikipag-usap ng maayos sayo?” inis na tanong nito sa kaniya. “Kaya mo ba ako hinila rito para lang sabihin sa akin ang mga iyan?” may hinanakit na tanong niya rito. Nakita niya naman ang pagtaas ng kilay nito. “Bakit? Anong inaasahan mo?” magkasalubong ang kilay na tanong nito. “Ang kapal mo naman para mag-isip ng kung ano. Alam mo, kahit na maghubad ka sa harapan ko ay hinding-hindi ako maapektuhan. Baka ni isang balahibo sa katawan ko ay hindi man lang tumayo.” mariing sabi nito na punong-puno ng pangungutya. Awtomatiko namang napakuyom ang mga kamay ni Asha dahil sa matinding pang-iinsulto nito sa kaniya. Hindi niya rin tuloy maiwasang isipin na paano nga kung maghubad nga talaga siya sa harap nito at tingnan kung totoo nga ba talaga ang sinasabi nito o sinabi lang nito iyon dahil sa matinding galit nito pero sa huli ay hindi siya gumalaw at hinayaan niya lang itong sabihin ang lahat ng gusto nitong sabihin. Hanggang sa hindi na rin ito nagsalita pa at ginamit niya ang pagkakataong iyon para makaalis doon at dali-daling tumakbo patungo sa kanyang silid. Pagkasara pa lang niya ng pinto ay nag-unahan nang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Wala talaga itong kasing lupit at talagang napakawalang puso talaga nito. Kung siya lang ang tatanungin ay gusto na lang sana niyang umalis sa bahay na iyon para matapos na ang lahat ng paghihirap niya pero paano niya iyon gagawin? Napakabait ni Don Lucio at ni hindi niya pa nababayaran ang utang na loob niya rito. Hindi na siya lumabas pa ng kanyang silid ng araw na iyon at nagmukmok na lamang doon. ~~~ HABANG nakatulala siya sa loob ng kanilang classroom kinabukasan ay bigla na lang siyang nakaramdam ng isang kalabit mula sa kanyang likuran. Nang ibaling niya ang kanyang ulo ay nakita niya si Ali na nakangiti sa kaniya at sa tabi nito ay si Bea. kaklase niya ang mga ito at masasabi niya na kahit papano ay medyo close niya naman ang mga ito. “May problema ba?” kaagad niyang tanong sa mga ito. “Ano kasi, nagkayayaan kami ng iba nating mga kaklase na mag-bar. Gusto mo bang sumama?” nakangiting tanong nito sa kaniya. Agad na nagsalubong ang ka niyang mga kilay at pagkatapos ay marahang umiling. “Naku, hindi ko alam. Ano kasi—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang siyang pinutol nito. “Ano ka ba naman Asha. ang tanda-tanda mo na, isa pa ayaw mo ba nun? Makakakita ka ng ibang tao at tiyak na mag-eenjoy ka rin.” mabilis na sabi nito. “Kaya nga, ano ka ba naman. Paminsan-minsan lang naman iyon e. Sa tagal-tagal na nating mga magkaklase, hindi ka pa namin nakaka-bonding kahit na minsan lang.” segunda naman kaagad ni Bea. “tyaka kailangan mo ring makipagkilala sa iba.” dagdag pa nito. Hindi siya sumagot sa halip ay nagyuko na lamang siya ng ulo. “Ano, sama ka?” untag nitong muli sa kaniya ay nang lingunin niya ito ay nakangiti ito sa kaniya. Maging si Bea ay naghihintay ng sagot niya. “Pwede bang pag-isipan ko muna?” tanong niya rito pagkalipas ng sandali. “Sige, tatawagan nalang kita mamaya. Nasa akin naman ang number mo.” sabi na lamang din nito na ikinatango niya lang naman. …“Wala ka ba talagang balak sabihin sa pamilya mo Miri na nakauwi ka na?” tanong ng kaibigan sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang kilay niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit sana? Sila nga gumagawa ng desisyon na hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko ba.” inis na sagot niya sa kaibigan niya.“Pero kahit na. Kailangan mong sabihin sa kanila dahil panigurado kapag nalaman nila, lalong-lalo na ng Kuya mo ay baka kung ano ang gawin niya sayo.” concern naman na sabi pa nito sa kaniya.Bumuntong hininga na lang siya at pagkatapos ay dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “Aalis ako, lalabas. Gusto mo bang sumama na lang sa akin kaysa magngangawa ka diyan?”Napailing na lang ito. “Napakatigas talaga ng ulo mo Miri.” sabi pa nito.Hindi na lang siya nagsalita. Siya nga pala si Mirabella, Miri for short o sa mga taong malapit sa kaniya ay iyon ang tawag sa kaniya. Well, kakauwi niya lang galing sa Canada pagkatapos niyang grumaduate. Pagkatapos niyang grumaduate ay ag
BLURBADAMSON EZEKIEL “ADAM” GRAYANPaano kung ang planong pakikipaglaro sa kapatid ng taong kaaway nila ay maging makatotohanan? Paano kung mahulog siya rito ng hindi niya nalalaman? Maipagpatuloy niya kaya ang una niyang plano na gamitin ito para saktan ang kapatid nito?Hanggang saan siya dadalhin ng plano niya? Magtagumpay kaya siya o uunahin niyang paganahin ang puso niya at isasantabi ang unang plano niya? O mababaliktad ang lahat at siya ang paiikutin sa palad nito?
HINDI na nagdalawang isip pa na buksan ni Asha ang pinto, iyon na pala ang rooftop ng hotel. Halos hindi siya makagalaw ng makita niya ang nasa kanyang harapan at pakiramdam niya ay para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napakaraming bulaklak na napapalamutian ng naggagandahang ilaw. Mula sa kanyang kinatatayuan ay isang red carpet ang nakalatag.Sa isang banda ay may violin na nang eksaktong buksan niya ang pinto ay nag-umpisang tumugtog ng napakalamyos na musika. Angkop na angkop sa napaka romantikong kapaligiran. Sa gitna ay may mesang nakahanda.Agad na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay nakita niya si Lawrence sa harapan niya at marahil sa matinding pagkagulat ay hindi na niya alam pa kung saan ito nanggaling. May dala itong napakalaking bouquet ng bulaklak. Ilang sandali pa ay tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig. Ang sabi nito ay hindi pa tapos ang inaasikaso nito sa opisina. Sumama pa naman ang loob niya pagkat
MAKALIPAS ang isang oras ay naroon pa rin siya sa sofa at nakaupo. Hindi pa rin siya gumagalaw. Kinakain siya ng napakaraming what ifs at parang tanga na nag-iimagine ng kung ano-ano. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya dahilan para mahila siya mula sa mga kung anong iniisip niya. Nang pulutin niya ito ay nakita niya na si Lawrence pala ang tumatawag kaya mabilis niyang sinagot ang tawag. “Anong problema? Tapos na ba ang kailangan mong gawin?” tanong niya kaagad dito.“Gusto mo bang puntahan ako? Baka kasi gabihin ako e.” sabi nito sa kaniya.Bigla siyang nalungkot. “Kung gagabihin ka rin naman pala ay uuwi na lang ako. Okay lang ba sayo?” tanong niya rito.“Tinatanong kita kung gusto mo ba akong puntahan ngayon.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para mapapikit siya ng mariin.“Hindi na. Inaantok na rin naman ako.” sabi niya rito. Nagsinungaling na lang siya dahil ang totoo ay nadismaya na siya. Siguro ay talagang sa ibang pagkakataon na lang sila magkakasam
DAHIL nga may mga damit pa naman siyang naiwan sa condo ni Lawrence ay hindi na kinailangan pa ni Asha na umuwi para lang magbihis. Isa pa, alam din naman ng Daddy ni Lawrence na doon siya natutulog paminsan-minsan at hindi naman ito nagagalit. Idagdag pa na mas natutuwa pa nga ito at palaging sinasabi na gusto na nitong magkaapo.Naglinis lang siya ng katawan niya sandali at pagkatapos ay nagbihis na at habang nasa harap ng salamin ay bigla na lang lumapit si Lawrence sa kaniya at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat at pagkatapos ay hinalikan siya nito doon. “Asha…” mahinang tawag nito sa pangalan niya.“Hmm?” kaswal na sagot niya naman haban nakatingin dito sa salamin.“Sobrang namiss talaga kita, alam mo ba yun?” mahinang tanong nito sa kaniya.Natawa na lang siya. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Isa pa, bitawan mo nga ako. Akala ko ba ay aalis tayo?” tanong niya rito at pilit itong itinutulak ngunit hindi siya nito binitawan.“Miss na miss
APAT na buwan ang mabilis na lumipas. Dahil na nga rin naging busy si Asha sa kanyang pag-aaral ay hindi na nila napag-usapan pa ni Lawrence ang tungkol sa kanilang relasyon lalo pa at naging busy din naman si Lawrence sa mga trabaho nito. Ang totoo nga ay halos isa o dalawang beses na lang sila magkita sa isang linggo at kung minsan ay hindi pa sila nagkikita. Nag-uusap naman sila sa cellphone kahit papano.Hindi na rin siya napilit nito na sa mansyon o sa condo nito siya tumira dahil mas pinili niyang sa sarili niya na lang condo pumirmi dahi mas malapit din naman talaga iyon sa university. Malapit na rin naman ang kanilang graduation, sigurado siya na kapag naka-graduate na siya ng tuluyan ay pipilitin na siya ni Lawrence na tumira sa condo nito.Sa nakalipas na mga linggo ay naging hectic pareho ang schedule nila at napag-usapan nila na susunduin siya nito sa university paglabas niya. Isa pa, palagi rin itong umaalis ng bansa para asikasuhin ang ilang mga bagay.Paglabas niya pa l