"MARRIE?"
Umiling si Aedam. Iniisa-isa ni Tyron ang mga babaing nakadaupang-kama niya. Pero, panay iling siya. Ang iba sa binabanggit nito'y hindi na niya matandaan. Imposibleng sa kaniya ang batang 'yan! "Dhalia." Iling ang isinagot niya. "Fiona." "No!" "Grace." "Who's Grace?" "Yung mestisang maarte." Umiling siyang muli. Naalala niya ang babaing sinasabi ng kaibigan at hindi niya napigilang mapahagalpak ng tawa. Ayaw na ayaw ng babae ng pagkaing chicken adobo, panay ang ang 'eeww' at 'yuck' nito sa pagkain, wari bang mamamatay kapag kumain n'on. Maarte ring magsalita at ayaw na ayaw niya sa ganoong uri ng babae napilitan lang talaga siya. "Riz." Nagsalubong ang kilay niya. "Yung babaing pa-hard to get, bibigay din naman pala." "No," tanggi niya. "Hindi rin siya. Kailan lang kami nagkakilala ni Riz, at gumamit ako ng c*ndom nang mag-s*x kami." "Paano kung nabutas?" Matalim na tingin ang itinugon niya rito. "Okay. I think, kay Laila iyan," tukoy nito sa isang babae na nabunggo niya nang minsang pumasyal sila sa mall. "No. Hindi siya," sagot niya. Nakatitiyak siyang hindi si Laila dahil-- "Wait! Ang mga binabanggit mo nama'y bago ko lang naka-one night stand. P're, yung matagal na. Apat na taon na ang bata!" gigil niyang saad. "At sa palagay mo'y matatandaan ko pa ang naging babae mo? Ang lupit mo naman kasi, p're! Shoot na shoot. Magaling ka pala sa basketball, magaling ka kasing magpasa--" "Kapag hindi ka tumigil, ipapasok ko itong kamao ko sa bunganga mo!" Iniumang niya ang kamao rito. Napahinga siya ng malalim. Itinuon ang tingin sa batang nanunuod sa cellphone niya. Laking pasasalamat niya dahil walang ibang naka-save roon. "P're, sa iyo talaga iyan. Hawig na hawig mo siya, e." Muli siyang napahinga ng malalim. Kung kaniya nga ito, kung siya nga ang ama nito, magampanan kaya niya ang pagiging ama rito? Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip kung sinong posibleng ina ng batang ito. He massage his temple. "Daddy, do you love me po ba?" Bumadha ang gulat sa mukha ni Aedam nang magtanong ang bata. Mabilis siyang napaangat ang mukha. Naumid ang kaniyang dila. Wala siyang maisagot o mas tamang sabihing hindi niya alam ang isasagot. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya ito. "Daddy..." "Y-yes, baby?" "Love mo po ba ako?" Humingi ng saklolo ang mata niya sa kaibigang kampanteng nakaupo sa couch, pero sa halip na tulungan siya, nginisihan pa siya ng sira-ulo niyang kaibigan. Bago pa niya maisip na tadyakan ito, ibinaling na niya ang tingin sa bata. Inakay niya ito patungo sa tabi ni Tyron. Iniupo ito. Siya nama'y umupo sa harapan nito. Itinukod niya ang dalawang siko sa magkabilang tabi nito, parang binabakuran gamit ang bisig. "Baby, kahit sinong tao, mamahalin ka. Kasi, super cute mo. And yes, l-love na kita, kahit ngayon pa lang tayo nagkita." Masuyong haplos ang iginawad niya sa pisngi nito. "Talaga po? Pero, sabi po ni Mommy, hindi mo raw po ako love, kasi hindi mo po siya love." Kinain niya ang salitang isasagot sana rito. Tulad sa una nitong tanong, wala na naman siyang maapuhap na maisasagot dito. "Baby, sino bang mommy mo?" Narinig niyang tanong ng kaibigan. "My mom po?" Humibi ito. "Miss ko na po siya. Hindi po ako sanay na wala siya. Daddy, balik niyo na po ako sa kaniya. O-okay lang po, k-kahit hindi mo ako love." Tuluyan na itong humikbi. Nasundan nang mumunting iyak. Parang biniyak ang puso niya sa mga sinabi nito. "Oh, my little princess! I'm sorry." Mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito. "I really don't know your mother, pero isa lang ang masisiguro ko sa iyo, love na kita. Stop crying na. Ayokong nakikita kang umiiyak, kasi nasasaktan si daddy," malumanay niyang sabi rito. Gamit ang daliri ay pinahid niya ang luhang namamalisbis sa pisngi nito. "Sisipunin ka na naman." Natawa siya sa binitiwang salita. Sa nagdaang nangyari, hindi siya magkandaugaga sa ginawang pagpunas ng sipon nito. Ang masama, wala pang tissue sa mesa niya, at ang ending, tissue ng kaniyang secretary ang naubos niya. "Sorry po, daddy." Yumakap na rin ito sa kaniya, at muli naramdaman niya ang kakaibang pitik ng puso. "Hindi na po ako iiyak, daddy. Promise po." "That's my girl!" Pinatakan niya ng halik ito sa pinsgi. Gumuhit ang masiglang ngiti sa labi nito, at kita niyang kumislap ang mata nito. "Love you po, daddy." Yumapos ang malilit nitong braso sa kaniyang katawan. "Love you, too," ganting sabi niya rito. Hindi man niya aminin, pero may bahagi ng puso niya ang natutuwa simula nang makilala ang bata. Instant daddy siya. Para siyang naka-jackpot, sobrang cute ng anak niya. Hindi man niya kilala ang ina ng bata, nakatitiyak siyang maganda at mabuting babae ito. "Baby, ano nga pala ang pangalan mo?" Napaangat ang mukha niya matapos marinig muli ang tanong ng kaibigan. Nasa tabi na pala nila ito. Ang bata nama'y bumitiw sa pagkakayakap sa kaniya. "What is your name, baby?" ulit ng kaibigan niya. "Name ko po, Avianna po, but Tita Ninang call me Avi po." "Your full name? I want yo know your full name." May takot na tumingin sa kaniya ang bata. Tila humihingi ito ng saklolo. Naunawaan niya iyon. "P're, hayaan na lang muna natin siya. Huwag mong pilitin ang anak ko." "Anak mo?" Nakakalokong ngiti ang pinakawalan ng kaibigan niya. "Tsk. Huwag ka nang kumuda," angil niya't binalingan ang bata. Umalis ito sa tabi niya. Tinungo ang mesa niya na ipinagtaka niya. Sumampa ito sa inuupuan niya. "Careful," habol niya rito. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang sa pagsampa nito'y gumalaw ang upuan niya. Ngiti ang itinugon nito sa kaniya. Heto na naman ang kakaibang pitik ng puso, iba talaga ang dating ng ngiting iyon sa kaniya. Hindi na siya nakasagot. Dumampot ito ng papel. May hinahanap pa ang mata nito. Ballpen pala. Nagsimula itong gumuhit. Hinintay niya itong matapos. Naramdaman niya ang paglapit ni Tyron. Ipinakita nito ang isinulat sa papel. Hindi maayos ang pagkakasulat pero nababasa nila. “Avianna Pearl Zamora” Nagkatinginan sila ni Tyron matapos makita ang nakasulat sa papel. "Zamora?" panabay pa nilang banggit. "Ito ba ang name mo?" Tumango ang bata. Muli, nagkatinginan silang magkaibigan. Inutusan niya itong i-search sa internet ang pangalang Zamora. "Daddy, I want water po." "Sure, baby." Tinungo niya ang water dispenser at kumuha roon ng tubig. Nang ibibigay na niya ang tubig sa bata ay bumukas ang pinto. Iniluwa ang humahangos niyang ama. "Where is she? Where is my grand daughter?" aligagang tanong nito na nakaharap kay Tyron. Slow motion ang ginawang pagtutok ng paningin nito sa direksiyon nila. Awang ang bibig niya nang magtama ang mata nila ng kaniyang ama. Nagpapalit-palit ang tingin nito, sa kaniya at sa batang nasa tabi niya. May humihila sa suot niyang pantalon. "Daddy, water po. Daddy..." "H-huh? Ah, oo. Here's your water, baby." Siya na ang humawak ng baso. Maingat niyang inilapit iyon sa bibig ng bata. "Thank you po, daddy." Ngumiti siya, "Welcome. Go back to your seat, baby." "Opo." Masigla siyang sinunod nito. Sinundan niya ito ng tingin. Kinapa niya ang kaniyang loob. Sa ilang oras na kasama niya ito, parang kilala na niya ito. Parang gusto na niya niyang ariin ito bilang anak. Pero, naguguluhan pa rin siya. How? When? Where? Iyan ang mga katanungang nasa isipan niya. Paano nangyari? Saan niya nakilala o saan sila nagkatagpo ng ina nito? "Siya ba ang apo ko?" Bumalik siya sa reyalidad nang marinig ang baritonong tanong ng ama. Unti-unti itong lumapit sa bata. Pumantay ito ng upo. Pinakatitigan ito. "Dad," lumapit na rin siya rito. "Where is her mother?" Tumayo na rin ito at hinarap siya. "I-I don't know, dad," pikit-mata niyang tugon. "What do you mean? Hindi mo alam kung nasaan ang ina ng anak mo?" bulyaw nito sa kaniya. "Dad--" "Daddy, bakit po sinisigawan ka niya?" "No, baby." Sinulyapan niya ang bata. "Nag-uusap lang kami. And he is your lolo." Ubod-tamis siyang nakangiti habang ipinapakilala ang ama niya sa bata. Tumayo ito. Humakbang patungo sa kaniya, humawak ang maliit nitong kamay sa pantalon niya. "Galit po siya sa iyo?" Iniyukod niya ang ulo. Masuyong hinaplos ang malambot nitong pisngi. "Nope! Nag-uusap lang kami." Hinarap naman nito ang kaniyang ama. "You are my lolo po ba?" Awang ang bibig habang dahan-dahang ibinabaling ng ama ang tingin nito sa kaniya. "Dad, tinatanong ka." "Ahm, yes, baby." Umupo ito't niyakap si Avi. "I'm your lolo." Makahulugang siyang tiningnan ng ama. "Anak, balik ka na sa tabi ni Tito Tyron, mag-uusap lang kami ng lolo mo." "Okay po." Hatid-tanaw niya ito patungo sa tabi ni Tyron, at napansin niyang abot-tainga ang ngiti ng kaniyang kaibigan. "Sira-ulo talaga!" Sumunod siya sa ama sa gilid ng office niya. Mukhang ayaw iparinig sa bata ang pag-uusapan nila. "Now, tell me, paano mong naging anak ang batang iyan?" Nakaramdam siya ng biglang pagkauhaw. Napalunok siya ng laway, pero hindi iyon sapat. "Dad, hindi pa naman siguradong sa akin ang bata. Kaya nga, nagpa-DNA test na kami." "And what if sa iyo?" Hindi siya nakasagot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang gagawin kung sakaling anak nga niya ito. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo, Aedam, na-karma ka na. Pero sa lahat ng karma, ito ang pinakagusto ko." Gumuhit ang ngiti sa labi nito na ikinaawang ng bibig niya. Inakbayan pa siya. "Congratulation, anak. Pagdating sa ganiyan, I'm proud of you. Ang gandang bata. Maganda talaga ang lahi natin." Nadagdagan ang pagkakaawang ng bibig niya. "Hindi ka galit, dad?" "No! Bakit ako magagalit? Natupad na ang pinakaaasam-asam ko... ang magkaroon ng apo." Muli itong ngumiti. Binitiwan na siya nito't tumingin sa bata. "Hanapin mo ang ina niya at gusto ko'y sundan mo na ang batang iyan--" "Dad!" "What?" Kumamot siya sa batok. "Hindi ganoon kadali ang gusto mo." "Anong hindi? Ayan ang katibayan, oh!" Itinuro nito si Avi. "Gusto ko'y lalaki naman, anak. Shap shooter ka naman. Magaling ang iyong semilya. Natumbok mo agad!" "Dad, hindi pa naman ho tayo nakasisiguro na sa akin ang bata. At isa pa, gumagamit ako ng protection." "Surrogate?" "Dad, mas lalong hindi ako nagbenta ng sperm ko--" Nahinto ang pagsasalita niya nang batukan siya nito. "Wala akong sinabing nagbenta ka ng sperm mo! Ka-lalaki mo kasing tao, napaka-burara mo. Kung saan-saan mo ikinakalat ang iyong katas! Sa dami ng naikama mo, hindi mo na matandaan kung saang sinapupunan lumipad ang katas mo!" bulyaw nito sa kaniya. Napakamot na lamang siya ng ulo. Wala talaga siyang matandaan sa mga naikamang hindi siya gumamit ng protection. DNA test na lamang ang makapagpapatunay kung anak nga ba niya ito. "But you know what, maganda ring lumipad ang sperm mo sa matris ng ina niya, magandang bata, e. Girl version mo ang bata." Napailing na lang siya sa sinabi ng ama at saka'y sinulyapan ang bata."ARE you ready?" Hindi napigilan ni Meadow ang matawa sa kinikilos ng asawa. Kagabi pa ito hindi mapakali. Mas excited pa sa kaniya na malaman ang gender ng anak nilang nasa sinapupunan niya. Pero kung excited ito, hindi rin pahuhuli ang kanilang anak na si Avi. Panay ang ungot nito sa kaniya, gustong sumama sa check up, ngunit mariing tumanggi ang ama nito. May pasok pa kasi ang bata. Ayaw nilang mag-asawa na nang dahil lang doon ay aabsent ito, lalo na't may activity pa ito sa school. Nangako naman sila na susunduin ito sa school. Ngayon ay kamumulat pa lang niya ng mata, pero heto't nagtatanong na agad ang asawa niya. Alas dyes ang schedule niya para sa ultrasound, kaya hindi kailangang magmadali. "Mag-breakfast muna tayo," aniya sa asawang nakatitig sa kaniya. Bumangon siya at nagtungo sa banyo para maglinis ng mukha. Nang lumabas ay nag-aabang na sa gilid ng pinto ang asawa. Wala itong suot na pang-itaas, kaya nama'y humantad sa paningin niya ang katawan nitong matagal na nah
"MAY good news ako, Aedam."Nag-angat ng paningin si Aedam sa sinabi ni Jack. Excited siyang malaman ang maganda nitong ibabalita. "Alam ko na kung saan pumupunta si Rex." "Saan?""Sa hospital.""Hospital?" Tumango ito. "Nasa hospital ang tatay ni Brenda. Ayon sa napagtanungan kong nurse ay atake sa puso, naagapan lang kaya naka-survive.""Nasaan ang good news doon?" tanong niyang nakakunot ang noo. "Masusubaybayan ko na ang bawat kilos ni Rex, Aedam. Pumupunta rin siya kay Brenda--""Then, bakit hindi mo pa siya hulihin at ikulong?" Bahagyang tumaas ang timbre niya. Naiinip na siya sa kilos ng kaibigan. Parang balewala lang ang natatanggap niyang death threats mula kay Rex. "Hindi natin siya puwedeng hulihin, dahil wala naman itong ginagawang maling hakbang--""Wala?" awat niya sa kaibigan. "Yong mga natanggap kong pagbabanta, hindi ba 'yon allowed sa kaso na isasampa ko sa kaniya?" Ngayon ay sumisigaw na siya. Nakatayo sa harap ng kaibigan, at nasa mukha ang labis na pagkadisma
HINDI mawala-wala ang kulot ng kilay ni Aedam. Ilang minuto na ang lumipas nang tumawag ang bodyguard ni Avi, nawawala raw ito. Nagsilabasan na ang mga kaklase, wala nang bata sa school, pero wala ang anak niya. Nagbalak na siyang tawagan si Jack, mabuti na lang at tumawag muli ang bodyguard. Sinabing kasama na nila ang bata. Pero, hindi siya mapalagay. Bakit nawala nang ilang minuto ang kaniyang anak? Hindi nito gawain ang pumunta sa kung saan, kaya't imposibleng mawala ito. Paulit-ulit niyang sinasabi rito na kapag oras na ng labasan ay deritso na sa sasakyan. "Anong nangyari, sweetheart?" Napansin yata ng asawa niyang hindi soya mapakali. Wala ito sa room nila nang tumawag si Nico, bodyguard ng anak niya, kaya wala itong alam sa nangyari. Dapat ba niyang sabihin dito? "Sweetheart..." "Ha? Ah, uhm, wala. May k-kaunting problema lang sa office." Tinitigan siya nito. Sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. "Are you sure?" Binitiwan niya ang cellphone, tumayo'y lumapit dito. "
"BULLSHIT!" Hindi napigilan ni Rex ang magmura ng paulit-ulit. Pang-ilang beses na siyang bumabalik sa CromX, pero sadyang hindi niya matagpuan ang pakay. Mailap ito. O baka'y natatakot sa gagawin niya. Napangisi siya. "Takot ka pala sa akin, Aedam." Pinukol niya nang matalim ang matayog na building at pagkatapos ay tumalikod na. Tinungo ang naka-park na sasakyan. Pasakay na sana niya nang matanaw ang lalaki sa 'di kalayuan. Mukhang sa kaniya nakatutok ang paningin nito. Ngunit, sa halip na mabahala ay nginisihan pa niya ito. Tiyak na mata iyon ni Aedam. At kung totoo man, ipararating nito ang pagpunta sa CromX. Nang makasakay na ay matulin niyang pinatakbo ang sasakyan. Wala pa siyang balak na umuwi. Naisipan niyang pumunta sa presinto. Dadalawin niya si Brenda. Bago pumunta sa presinto ay dumaan muna siya sa isang bakery, bumili ng pagkain para sa dalaga. Alam niyang nagsasawa na ito sa pagkain doon. Ilang sandali pa ay nasa loob na siya ng presinto, naghihintay sa paglabas n
MAHIGIT isang linggo na ang lumipas nang malaman ni Meadow na nanganganib ang buhay nila lalo na ang asawa, mahigit isang linggo na rin itong nananatili sa mansion. Dumadalaw naman ang kaibigan nito, kung minsan ay may dalang food at mag-iinuman, tulad ng hapon na 'yon. Unang sumulpot si Zeus, may dala itong mangga at pakwan. Mainam daw 'yon para sa buntis. Nang makita ang pakwan ay agad niyang nilantakan. Noong kasagsagan niya ng paglilihi kay Avi, ang tanging gusto niyang kainin ay hilaw na bayabas, pero ayaw niya ng buto. Ngayon sa pangalawa niya'y hindi siya mapili. Kung ano ang nakahain ay kinakain niya, tulad na lang ng pizza na dala naman ni Kent. Nalaman nitong kumakain na siya ng pagkaing 'yon, at pangalawang beses na itong nagdala ng pizza. Si Tyron at Drake ay magkasabay na dumating. Jollibee ang dala ng huli at ang sa una ay pancit palabok. "Naks! Hindi na natin kailangang magluto, Avi. Ang dami na nilang dalang pagkain e," natutuwang saad ni Eliza, ang mata ay tila kumu
HINDI mapakali si Aedam. Kasalukuyan siyang nasa sariling office sa mansyon. Kanina pa dinadaluhong ng kaba nag dibdib niya. Hindi niya mawari. Ang asawa niya'y pabalik na galing sa check up, si Avi ay nasa school. Pang-ilang beses na niyang tinawagan si Meadow at paulit-ulit nitong sinasabing okay lang ito. Ang kanilang anak ay tiyak niyang may klase pa, tinatawagan din niya ang nagbabantay dito. "Pero, bakit hindi mawala ang kaba sa 'king dibdib?" tanong niyang nakatitig sa kawalan. "Paranoid lang siguro ako." Ipinilig niya ang at pilit na tinanggal sa sitema ang namumukol na kaba. Inabala na lang sa mga tambak na gawain ang isipan. Hindi na nga siya pinapasok ni Jack, kapag may report ay agad na ipinadala sa kaniya. Nasa kalaghatian n siya ng binabasa nang bumukas ang pinto. Nag-angat siya ng paningin. "I'm back, sweetheart!" Tuluyan nang naglaho ang kaba nang makita ang asawa. May bitbit itong pagkain. "Pizza!" Agad nagsalubong ang kilay niya. "Baby, kailan ka pa nahilig s