BIGLANG NAMULA ANG mga mata ni Missy dahil sa sinabi nito. Napuno ng sama ng loob ang kanyang dibdib. “Tristan nakalimutan mo na ba kung sino ako? Hindi ako ibang babae lang dahil asawa mo ako!” puno ng hinanakit na sambit niya rito.
“Sa papel lang naman tayo kasal hindi ba?” malamig na tanong ni Tristan sa kaniya. Napakagat sa kanyang labi si Missy nang marinig niya ang sinabi nito ngunit sa kabila nun ay tiniis niya ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib at hindi niya hinayaang malaglag ang luha sa kanyang mga mata.
Malamig ang mga matang ni Tristan na nakatingin sa kaniya ng mga oras na iyon katulad ng dati. “Huwag mo akong susundan. Kung gusto mong kumain sa restaurant na iyon ay kumain ka pero pumunta ka mag-isa mo at kung ayaw mo naman ay mas mabuting i-cancel mo na lang iyon.” sabi nito. Sa kabila ng pagpipigil niya sa kanyang emosyon ay nahulog pa rin ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata sa isang iglap at nasundan pa.
“Tristan…” sabi niya at inabot ang kamay nito. Puno ng pagmamakaawa ang kanyang tinig. “Bakit napakalamig mo sa akin? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Wala naman akong gusto, ang gusto ko lang ay ang makasabay kang kumain.” kagat-labing sabi niya habang tumutulo ang luha.
Kahit na umiiyak na siya ng mga oras an iyon ay parang wala lang nakikita si Tristan at blangko pa ring nakatingin sa kaniya. “Noon pa man ay ganito na talaga ang ugali ko. Kung pakiramdam mo ay may mali sa ugali ko, pwes makipaghiwalay ka. Huwag mong pahirapan ang sarili mo na matali sa akin, marami pang ibang lalaki sa mundo hindi lang ako.” puno ng lamig na sabi nito sa kaniya.
Sa kanyang narinig ay mas lalo pang kumirot ang kanyang dibdib dahil sa sakit. Puno ng lungkot ang kanyang mga mata na nakatingin rito. “Tristan, sinabi ko na sayo na ayaw ko sa iba, dahil ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang!” napahikbi siya.
Napatigil naman sandali si Tristan dahil sa sinabi niya at tumitig sa kanyang mga mata. “Missy, sinabi ko rin sayo na hindi kita gusto dahil ang may gusto sayo ay ang Mommy ko at hindi ako. Kahit na anong gawin mo ay hinding-hindi ko maibabaling sayo ang nararamdaman ko at kung hindi mo na makaya pa ang ganito ay pwede ka ng makipaghiwalay sa akin kahit na anong oraw. Makikipagtulungan ako sayo kapag ginawa mo iyon.” sabi nito sa kaniya.
Pagkatapos magsalita ni TRistan ay napatitig siya sa number 2 dahil doon tumigil ang elevator. Ubos na ang kanyang pasensiya ng mga oras na iyon at naiinis na siya. “Lalabas ka ba o ako ang lalabas?” malamig na tanong niya rito.
Napakagat-labi naman si Missy sa narinig at mabilis na napailing. “Hindi ako lalabas. Sasama ako sayo.” matigas na sabi niya rito.
Hindi naman makapagsalita si Tristan dahil sa gulat. Dahil doon ay mabilis siyang humakbang palabas ng elevator upang muling sumakay sa iba pa. Dali-dali siyang pumasok at pinindot ang ground floor.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakabawi si Missy at dali-dali niyang hinabol si Tristan. “Hintayin mo ako Tristan, sasama ako!” sigaw niya at iniunat niya ang kanyang kamay patungo sa elevator ngunit kahit na ginawa niya iyon ay huli na. Pasara na ang elevator at ang tanging nakita na lamang niya ay ang malamig na mukha ni Tristan habang nakatingin sa kaniya. Walang pakialam itong nakatingin sa kaniya.
Hindi na siya nakapagpigil pa at dali-dali siyang napadausdos sa sahig at napaiyak na lamang. Ilang sandali pa ay doon na lumapit ang assistant ni Tristan na si Kent. “Miss Missy, malamig po ang sahig. Tumayo po kayo diyan at pumunta na lang po tayo sa opisina ni Sir.” sabi nito sa kaniya.
Samantala, nanatiling nakaupo pa rin si Missy sa sahig at umiiyak. Kahit na hindi niya sabihin kung gaano siya kalungkot ng mga oras na iyon ay tiyak na makikita at malalaman ng makakakita sa kaniya ang dala niya. “Wala naman siya doon, anong gagawin ko doon. Isa pa ay wala namang tao rito.” sagot niya.
“Pero Ma’am, napakaraming tao dito sa kumpanya. Paano na lang kapag may nakakita sa inyo na ganyan ang itsura ninyo, baka kung anong tsismis ang kumalat kaya mas mabuti pa na pumunta na lang tayo sa opisina ni sir.” puno ng panghihikayat na sabi nito sa kaniya.
“hindi ako pupunta.” malamig na sagot ni Missy rito at nanatiling nakatingin sa nakasarang elevator.
Napabuntung-hininga naman si Kent dahil sa isinagot nito sa kaniya at kaya niya ito pinapatayo doon ay dahil hindi lang para rito kundi para na rin sa kanyang amo. Pinilit niyang mag-isip ng paraan para mapatayo niya ito doon, hanggang sa tuluyan na nga siyang nakapag-isip. “Ma’am Missy, ito po ang utos ni sir TRistan sa akin kaya kailangan niyong sumunod sa akin. Ibinilin niya kayo sa akin.” sabi niya rito.
Samantala, nang marinig naman ni Missy ang sinabi nito ay agad siyang napataas ng ulo at agad na nagningning ang mga basa niyang mga mata. Puno ng tuwa na nagtanong siya rito. “Talaga? Inutusan ka niya?” nasisiyahang tanong niya rito.
Mabilis naman itong tumango sa kaniya. “Opo ma’am, isa pa ay alam niyo naman na ang ugali ni Sir. kung hindi niya sinabi ay bakit ko naman sana sasabihin hindi ba?” sabi nito sa kaniya. Dahil rito ay dali-dali siyang nagpunas ng kanyang pisngi at napangiti.
“Alam kong ganun lang talaga siya pero sa kabila nun ay alam kong nagmamalasakit rin naman talaga siya sa akin.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na mula doon.
“Syempre kayo po ang asawa ni Sir kaya syempre ay nagmamalasakit talaga siya sa inyo.” sabi ni Kent na labag na labag sa kalooban niya at halos mangiwi. Mabuti na lamang at hindi ito lumingon sa kaniya at nauna nang naglakad paalis doon.
DAHIL NGA iyon na ang huling eksena ni Olivia ay dumiretso na siya sa kanyang tinutuluyan para magpalit ng kanyang damit. Naligo na rin siya pagkatapos ay nagbihis. Nang lumabas siya sa sala ay nakita niya doon si Ate Mia na nakaupo sa sofa ngunit nang makita siya nitong lumabas mula sa kanyang silid ay dali-dali itong tumayo para lumapit sa kaniya.Umupo ito sa harap niya na ikinataas niya ng kilay ngunit hinawakan lang nito ang kanyang bukong-bukong. Dahil dito ay niyuko niya rin ito at nakita niya na namamaga pala ito. “Huwag kang gumalaw…” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay inakay siya nito patungo sa may sofa at pinaupo.Iniunat ni ate Mia ang kamay nito at bahagyang pinindot ito at hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. “Ah masakit ate Mia! Huwag! Tama na tama na…” napapakagat-labi na pakiusap niya rito.Napabuntong hininga naman ito. “Mukhang masakit talaga dahil parang ngayon lang kita nakita na nag-uumiyak dahil sa sakit.” sabi nito.Hindi naman siya nakapagsalita kaagad
“Anong ginagawa mo sa tingin mo ha Olivia?!” bulalas ni Kyra at hindi na niya napigilan pa. “Tirik na tirik ang araw at napakarami pang tao ang nanonood pagkatapos ay ganyan ang ginagawa mo? Ang lakas din naman ng loob mo, hindi ka ba nahihiya?” sunod-sunod na tanong niya rito. Wala na siyang pakialam pa dahil ang tanging alam niya lang ng mga oras na iyon ay galit siya. Hindi lang basta galit kundi galit na galit.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang tinig ni Humphrey. Ito na ang unang sumagot dahil hindi pa rin makapagsalita si Olivia marahil sa matinding gulat. “Mali ang pagkakaintindi mo.” sabi nito. “Muntik nang mahulog si Olivia dito sa hagdan at tinulungan ko lang siya. Mali ang iniisip mo.” dagdag pa nito.Dahil dito ay mabilis naman na lumayo na si Olivia mula kay Humphrey. “Salamat.” sabi niya rito at pagkatapos ay tiningnan si Kyra. “pasensya na sa gulo.” dagdag pa niya at pagkatapos ay hinawakan niya na ang kanyang palda para hindi na niya ito matapakan pa. Tumaliko
PAGKATAPOS NILANG MAGNIIG ay parehong nakahiga sa kama sina Kyra at Humphrey. Ilang sandali pa ay nagsalita si Kyra at mahinahong binalaan siya. “Humphrey, binabalaan kita. Kapag niloko mo ako ay sinisiguro ko sayo na kaya kong sirain ka sa lahat.”Ngumiti lang naman si Humphrey at nilingon siya. “My god Kyra, sa tingin mo ba ay gagawin ko iyon? Napaganda mo para pakawalan ko pa kaya sinisiguro ko rin sayo na hindi na ako maglalakas loob pa na maghanap ng ibang babae.” sabi niya rito.“Mabuti naman.” sabi nito at pagkatapos ay isiniksik nito ang sarili sa kaniya kaya niyakap niya na lang ito. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang nakatulog ito habang nakayakap sa kaniya. Bahagya siyang lumayo rito at sumandal sa kama pagkatapos ay inabot ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isa para sindihan.Napuno ng usok ang loob ng silid at nang lingunin niya si Kyra na nakahiga sa tabi niya ay biglang naging malamig ang kanyang tingin dito. Binantaan siya nito na kapag niloko
PAGDATING NI OLIVIA sa lugar kung saan sila nag-shoshoot ay nakasalubong niya sa koridor si Humphrey. Dahil dito ay agad siyang nagpasya na liliko na lang bago pa man sila tuluyang magkasalubong na dalawa dahil sa totoo lang ay iwas na iwas siya rito at ayaw niya itong makasalamuha sa totoo lang.Dali-dali siyang tumalikod ngunit dahil sa ginawa niya ay mabilis din namang gumalaw ito at hinabol siya. Hindi nga nagtagal ay naabutan siya nito. “Olivia, nakabalik ka na rin sa wakas.” sabi nito sa kaniya.Sumimangot na lang siya bigla. “Ano bang sinasabi mo?” patay malisya niyang tanong dito at walang ganang hinarap ito. Pinagtyagaan na lamang niyang tingnan ang mukha nito kahit na sa totoo lang ay inis na inis na siya.“Huwag mo ng itago sa akin ang totoo. Narinig ko na umalis ka para sa isang bagay. Ano kamusta ang lahat? Tapos na ba? Naayos mo na ba ang inaayos mo o baka kailangan mo ng tulong, handa akong tulungan ka.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Blangko niyang tiningnan ito a
TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi