แชร์

QUATRO

ผู้เขียน: Gladyjane
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-04-18 17:20:53

“Everything is okay now,good thing you brought her here in time .”

“ Oo nga dok,salamat po.”

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog dahil sa mga nag-uusap.

“Ano’ng nangyari?”

Kaagad naman na nabaling ang tingin nila sa’kin.Naupo ako habang hawak ang ulo ko.Medyo nahihilo pa ako at papikit-pikit pa.Dinaluhan naman ako ni Echo at hinawakan ang kamay ko.

“Mabuti at gising ka na.Kumusta ang pakiramdam mo?”

Napakunot ang noo ko ng mapagmasdan ang paligid.Ang huli kong naalala ay may mga lalaking gustong kumuha sa’kin.Pinipilit nila akong sumama kaya tumakbo ako.Pero naabutan pa rin nila ako at may tinurok sila sa’kin kaya nawalan ako nang malay.

“Echo ,ano’ng nangyari?Ano'ng—bakit ako nandito?”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon dahil sa kaba.Baka madamay si Echo.Lalo na ng makita ko ang pasa sa mukha niya.

Hinawakan naman nito ang magkabilang balikat ko at pinahinahon ako.

“I’m sorry,kung sana ay hinatid kita sa sakayan ay hindi ito mangyayari sa’yo.I’m really sorry!”

Naguguluhan ako sa sinabi niya,bakit siya nagso-sorry?Siya na nga itong may pasa at nagkasugat sa mukha.

“Echo,ayos lang ako.Ikaw,tingnan mo ang sarili mo.Nagpagamot ka na ba?”

Napalingon ako sa doktor ng magsalita ito.

“He won’t leave your side even for a second.Baka daw kasi bumalik ang mga lalaking nagtangka sa’yo kagabi.But now that you’re okay,I advice you tell him to clean up his cut .”

Saad ng doktor at napapailing pa ng magpaalam na itong lumabas.

Napatingin ako kay Echo na bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niyang sugatan.

“Ipagamot mo na ‘yang sugat mo. Baka mainpeksyon pa ‘yan,ayos na naman ako.”

Malumanay na saad ko,napabuntonghinga siya bago tumango.

“Sige ,mamaya ko ikuk’wento ang nangyari.Nasa kabilang kwarto lang ako,tsaka magpapadala ako ng nurse dito para may magbantay sa’yo habang wala ako.”

Tumango na lang ako para makaalis na siya at magamot na ang sugat sa mukha niya.Napasandal ako sa higaan habang hinihintay siya.Kailangan kong mag-isip.Hindi basta-basta ang gustong kumuha sa’kin kagabi.Sila siguro ang sinasabi ni tiyang na men in black.Delikado at kailangan ko ng umuwi,baka sila tiyang naman ang puntahan at masaktan.Hindi ko mapapatawad ang sarili ko ,kapag may nangyaring hindi maganda sa pamilya ko.Patayo na ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang nurse na nakangiti.

“May kailangan po ba kayong gawin ma’am?Ibinilan po kayo sa’kin ng boyfriend niyo,at mukhang matatapos ‘yon agad.Minamadali niya po kasi ang nurse na gumagamot sa kanya. Ang sweet po ng boyfriend niyo, hindi siya umalis sa tabi mo magdamag. Nakabantay lang siya sa'yo! ”

Natatawa nitong saad,lumapit ito sa nakakabit na dextrose sa kamay ko at tsineck.Matapos ay nakangiting itong tumingin sa’kin.Umiling na lang ako at napasandal ulit sa higaan.

Napagkamalan pa na nobyo ko si Echo. Nakakatakot naman talaga ang nangyari kagabi, at siguro ay nag-alala lang siya.

Hihintayin ko nalang si Echo,mukhang mayamaya naman ay nandito na ‘yon.Isip Nerissa,kailangan mong mag-isip ng paraan para maiwasan ang mga taong ‘yon.Sigurado na hindi sila titigil hangga’t hindi ako nakukuha,o isa man sa pamilya ko.

Pumasok na si Echo na ngumingiwi pa sa sakit.Napailing ako ng maupo na ito sa mismong kama at sinubukan na ngumiti pero hindi nagtagumpay at napangiwi.Nagpaalam na rin ang nurse at nakangisi pa. Mukhang kinikilig, gusto ko rin sanang kiligin. Pero sa sitwasyon ko ngayon, malayo sa kilig ang nararamdaman ko.

“Kailangan ko ng umuwi Echo,kailangan ako ng mga kapatid ko.Baka sila naman ang puntahan ng mga taong ‘yon!”

Nagpanic na ako dahil sa pag-aalala.

“Hey,huminahon ka.Ayos lang ang mga kapatid mo,walang nangyari sa kanila at walang mangyayari sa kanila.Tinawagan ko na si Fely kagabi at kagabi pa siya nandoon sa bahay niyo.Sinabi ko sa kanya ang nangyari pero hindi ko pa nasasabi sa tiyang mo .Pero mas mabuti kung malalaman ng tiyang mo ang nangyari.Nag-iimbistega na ang mga pulis sa nangyari kagabi,pero wala pa rin silang lead.Madilim ang parte na ‘yon ng daan at walang cctv kahit isa.Nahihirapan silang ma-identify ang mga taong gustong kumuha sa’yo!”

Hinaplos nito ang buhok ko.

“Paano nga pala ako napunta dito sa hospital?Nawalan na ako ng malay ng may itinurok ang isa sa mga lalaki kagabi sa’kin.”

Napabuntong hininga ito at nagtagis ang bagang.

“Sinundan kita,naiwan mo kasi ang pasalubong mo sa mga kapatid mo kaya hinabol kita.Pero hindi na kita nakita pa,kaya dumeretso ako sa sakayan.Nagtanong ako sa mga driver na naroon,at sinabi nilang hindi ka pa daw napapadpad doon kaya kinabahan akong bumalik sa daan.Hinanap kita sa bawat sulok na madadaanan ko.Hanggang sa magawi ang tingin ko sa madilim na parteng ‘yon.May nakita akong mga lalaki,at doon kita nakita .Pinalilibutan ka ng mga lalaki,kaya mabilis akong lumapit.Pero wala ka ng malay at balak ka na sanang dalhin ng mga lalaking ‘yon!Nakipaglaban ako,pero kahit na may alam ako sa taekwando ay hindi ko sila kinaya.Masyado silang malakas at mukhang sanay sa pakikipaglaban.Kaya heto,nabugbog din ako.Pero ayos lang,nailigtas naman kita!”

”Salamat!”

Napaiyak ako sa kwento niya, pati siya nadamay sa gulo. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kung hindi siya dumating baka kung ano na ang ginawa ng mga lalaking 'yon.

Matapos malaman ang nangyari sa gabing ‘yon ay nakapag-desisyon na ako.Kailangan namin na lumayo.Kami ng mga kapatid ko.Ang sabi ni Echo,magdamag akong tulog dahil na rin sa gamot na itinurok sa’kin.Determinado silang makuha ako.Kaya ng makauwi ako sa bahay,at inihatid pa ako ni Echo.Sinabi niya rin na ‘wag ng mag-alala pa dahil ginagawa na ng mga pulis ang lahat para mahuli kung sino man ang mga taong ‘yon.Pero duda ako kung mangyayari na mahuli sila,mukhang hindi naman kaya ng pulis ang kung sino man ang nasa likod ng mga taong ‘yon.Kung tama ang hinala ko ,mukhang may naging atraso nga si tatay sa kanila.At ngayon na hindi nila ito makita ay kami ang pagbubuntungan ng mga ito.

Nang makapasok sa bahay ay naabutan ko pa si Fely na kalaro ang mga kapatid ko .Nang makita ako nito ay agad itong napatayo at lumapit sa’kin.Nag-aalala ang mukhang niyakap ako.

“Ayos ka na ba?Ano ba ang nangyari,hindi na idetalye ni Echo eh.Ang sabi niya lang may gustong kumuha sa’yo kaya pinapunta niya ako dito para mabantayan ang mga kapatid mo.Nagdahilan pa nga ako kay nanay para lang pumayag na pumunta ako dito kahit gabi na.Sobra akong nag-alala best friend!”

"Salamat Fely! Ayos lang ako,sa ngayon!”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Fely,kailangan namin na makalayo.Kailangan kong mailayo ang mga kapatid ko dito.Sigurado na babalik pa ang mga lalaking ‘yon!”

“Bes”

“Ayos lang ako,kailangan kong magpakatatag para sa mga kapatid ko.”

Hinagod niya ang likod ko at nag-aalalang nakatingin sa'kin.

Nagpahid ako ng luhang hindi ko napigilan na lumabas.Lumapit ako sa mga kapatid ko na naglalaro,ng makita ako ay masaya silang sumalubong sa’kin ng yakap.Yumakap din ako sa kanila ng mahigpit.Hindi ko hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa mga kapatid ko.

Nang dumating si tiyang sa bahay ay nagulat pa ito sa hitsura ko.May kaunti kasi akong pasa sa braso at sakto na nakita niya akong nakasando lang dahil balak ko sanang magbihis.Nasa k'warto ako ngayon at pumasok siya.Lumapit ito sa’kin na may pag-aalala sa mukha.

“Nerissa,ano'ng nangyayari?Bakit ka may pasa,at ano itong sinasabi sa’kin ni Fely na kailangan mo daw akong makausap.May problema ba?”

“Tiyang,maupo po muna kayo.”

Iginiya ko si tiyang na maupo sa gilid ng higaan ko.Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magk'wento sa kanya.Kapatid siya ni tatay at may posibilidad na madamay sila.Kailangan niyang malaman,para din sa kapakanan nila.Sinabi ko sa kanya lahat at wala akong itinago.Ngayon ko kailangan ang tulong ni tiyang,kahit mahirap gagawin ko.Malayo lang sa kapahamakan ang mga kapatid ko.Nang matapos akong magk'wento ay hindi pa rin siya makapaniwala,mababakas sa mukha niya ang gulat.Awa at pagkadismaya sa kapatid na nawala nalang na parang bula.Umiling-iling itong tumayo habang hawak ang ulo.

Napapikit si tiyang at ng dumilat ay humarap ito sa’kin.

“Kung totoo man ang sinasabi mo,kayo ang pakay ng kung sino man ang mga taong ‘yon.Ano ba kasi ang ginawa ni kuya para mangyari ito ?Idinamay ka pa,kayo ng mga kapatid mo! Ano ba ang nasa isip ng mga taong ‘yon at gusto ka nilang kunin?”

Frustrated itong napasabunot ng buhok niya.Lumapit ako dito at hinawakan ang kamay nito.Yumakap ako sa kanya at napahagulhol na siya.

“Patawarin mo ako Nerissa,hindi ka dapat nadadamay sa kung ano’ng gulong ginawa ni kuya.”

Humiwalay na ako sa yakap at hinarap si tiyang.

“Tiyang,pamilya po tayo.”Ngumiti ako ng malungkot at pinahid ang luha niya.

Napailing lang itong umiiyak pa din.

“Napakabait mo talagang bata!”Saad nitong hinaplos ang pisngi ko,na may luha na din.

“Kailangan natin makausap ang tiyong mo.Baka may alam siyang makakatulong sa’tin.”

Tumango na lang ako dahil wala din naman kaming ibang malalapitan ngayon.Dahil wala pa si tiyong ay hinintay pa namin na dumating ito galing sa trabaho.Para akong lutang na gumagawa ng gawaing bahay.Umuwi muna si tiyang sa kanila at may kailangan daw siyang gawin.Sinama niya din ang mga kapatid ko na gustong manood ng tv sa kanila.Mag-isa lang ako sa bahay at nahihilo na ako sa kakaisip. Siguro naman ay hindi sila basta-basta susugod dito sa bahay.

Matapos makapagluto ng hapunan ay tinawag ko na ang dalawa kong kapatid at naabutan ko itong nanonood pa rin ng tv kasama ang anak ni tiyang.Sakto naman na dumating si tiyong.Bumati ako at nagmano,ganoon rin ang ginawa ng mga kapatid ko.Lumapit din ang anak na agad na nagpakarga sa ama.Dumeretso ito sa k'warto kung saan naroon si tiyang na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw lumalabas ayon sa tatlong bata.

Nagpa-alam na kaming tatlo at dumeretso sa bahay.Kumain at nagkulitan pa.Ang sayang pagmasdan ng mga ngiti nila sa labi.Walang problema at walang inaalala.At gusto kong manatili lang silang ganoon.Masyado pa silang bata para sa mga bagay na ito.At hindi sila dapat nadadamay sa kung anuman ang mga kasalanan ng nakakatanda.Kaya hanggang maaari ,gusto ko silang ilayo.At protektahan ang mga ngiting walang bahid ng takot at pangamba.

Matapos magligpit ng pinagkainan namin at maayusan ng pantulog ang mga kapatid ko ay tabi-tabi kaming natulog.Parang ayo’ko ng mawalay pa sa kanila kahit sandali lang.Pakiramdam ko ,ano mang oras ay maari silang malayo sa’kin.

At hindi ako handa sa kung anuman ang kahihinatnan.We’re not relatad by blood,but in my heart they're part of me.At kung mawawala man ang isa sa kanila ay hindi ko kakayanin.Minsan ng nawala ang isa sa mga taong mahalaga sa’kin.At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang pagkawala niya.Si mama kung nandito siya,sigurado na may solusyon na agad siya sa problema.At sigurado na wala kami sa sitwasyong ‘to.Kasi palaging nakikinig ang tatay noon kapag pinagsasabihan niya ito.Ni minsan ay hindi ito gumawa ng ikakasama ng loob ng asawa.

Pero ng mawala si mama,nagbago na ito.Lahat nagbago,nawala ang ilaw ng tahanan namin.Alam kong masakit din ‘yon sa kanya.Hindi kami handa.At siguro,wala namang tao ang handa na mawalan ng taong minamahal.

_GLADYJANE

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Nikk Mo Ferrer
tenkyu po ...
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    FINAL CHAPTER

    “ Hi love!”Napangiti nalang ako ng maramdaman ang yakap ni Hace mula sa likod. Hinalikan niya ang balikat ko,hanggang ulo .Nakangiti ko siyang nilingon ng hindi bumibitaw sa yakap niya.“ Ang mga bata?”“ They are all out,but they’ll get home before dinner like they promise. Just that princess here is left.”Napabuntong hinga siya na binalingan ng tingin ang bunso namin na nasa sopa at nanonood ng mag-isa. Nagpaalam ang mga nakakatanda niyang kapatid sa’kin kagabi na aalis sila para kitain ang mga kaibigan. Maaga silang umalis kaya hindi ko na naabutan pa ,at itong bunso nalang namin ang naiwan . Napabuntong hinga na din ako,kumakain ng tsetserya si Nambe at nakabusangot na parang nasa tv ang kaaway niya.“Do you think something’s wrong with her? This is the first time na hindi siya sumama sa ate Nexiah niyang lumabas.”Tanong kong hindi maiwasan na hindi mag-alala.“ She’s only fifteen love,what could be her problem that she’s not telling us.”“ Iyon na nga eh,fifteen lang siya

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    SPECIAL CHAPTER 2

    “ Ano’ng ginagawa natin dito?”“ Come on mom,no questions please.”Hinila na ako ni Nexiah,lumapit na rin sa kabila si Theresse at Thasia . Pinagtulungan nila akong ipasok sa kwarto nila dito sa bahay ni papa.“ Come on tita,you will like this. We’re expert on this,when you go out of this room you will be unrecognizable with your beauty.”“ Thasia ’wag kang oa,being tita Nerissa herself is a beauty like our mom. No one can surpass their beauty.”Saway ni Therese sa kapatid,napaismid lang si Thasia na lumapit sa’kin at inayos ang buhok ko.Napangiti nalang ako. “ Ano ba talaga ang gagawin niyo sa’kin?”“ Relax mommy,kami ang bahala sa’yo.”Napailing na lang ako sa sinabi ni Nexiah,inutusan nila akong pumikit na sinunod ko naman. Mabuti ng hindi makipag-argumento sa kanila para matapos na ‘to kung anuman ang balak nila sa’kin.Bulong lang nila ang naririnig ko sa buong oras na ginawa nila sa’kin. Nang sabihin nilang pwede na akong dumilat,idinilat ko na ang mga mata ko. Napaawang a

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    SPECIAL CHAPTER 1

    NERISSA“ Good morning mommy!”Napadilat ako sa sigaw ng mga anak ko,napangiti ako ng makita silang nakatayo sa paanan ng kama . Umupo na ako sa kama at nakangiti silang binati,binuka ang mga braso ko .“ Good morning mga babies ko!”Nagsilapit silang nakasimangot at yumakap sa’kin.“ Mom,we’re not a baby anymore.”Nagdadabog na lumayo ang bunso ko sa yakap namin.“ Anak hindi porke’t mga dalaga at binata na kayo ,hindi na kayo baby sa bahay na ‘to . You’ll all be my babies, our babies.”Lumabi lang ang bunso kong Nambe,lumapit ulit sa’kin at yumakap sa beywang ko. Nang mapatingin ako sa tatlong nasa harap ko,nagtutulakan sila. Si Ace na tinulak si Nathan,at si Nathan na tinutulak si Nexiah . Sinamaan ng tingin ni Nexiah ang mga kuya niya,nakita kong huminga muna siya ng malalim bago humarap na nakangiti sa’kin.“ Mommy,”malambing nitong tawag,ngumiti ako . Lumapit siya sa’kin at yumakap din sa kabilang gilid ko .” Can we go to lolo’s house,promise magb-behave kami do’n.”Napak

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    EPILOUGE

    EPILOGUE“ You’re a jerk for missing this out.”Draco? Hinanap ko ang pamilyar na boses,pinalibot ko ang tingin kung nasa’n ako. Sobrang liwanag,nakakasilaw ang liwanang kaya napapikit ako at hinarang ang braso sa mata.Napasingahap ako , napabangon sa masamang panaginip. Namatay daw ako,pa’no ako mamatay fifteen palang ako for god sake. Ayo’ko pang mamatay ,gusto ko pang makita ulit ang magandang ngiting ‘yon.Bumangon na ako ,naligo at nagmamadaling nagbihis at bumaba. I just grab a sandwich from the table and go directly outside. Hinanap ko ang driver namin at nagpahatid sa school,nakangiti akong bumaba . Para akong lumulutang sa sayang nararamdaman,maaga pa naman kaya siguradong naglalaro pa sila ngayon.Nang makita ko ang hinahanap ko,malawak ang ngiting nagtago ako sa likod ng halaman. Kalaro niya ang mga kaklase niya,nando’n din si Alexander na bestfriend niya. Naiinip kong hinihintay si Alexander,hindi ako sumama sa pagpasok sa loob. Pinilit niya akong sumama dito sa

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 60

    NERISSA“Umiiyak ka na naman.”Napalingon ako sa nagsalitang si tiyang, yumuko ako at pinunasan ang luha. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.“ Magiging maayos din ang lahat,sa ngayon kailangan mong magpahinga . Para na rin sa anak niyo,pilitin mong kumain at magpahinga .”Napaiyak ako ulit na niyakap si tiyang,humagulhol na ako. Akala ko ,naubos na ang luha ko. Isang buwan na rin akong umiiyak. Oo ,isang buwan na simula ng mangyari ang lahat na ikinaguho ng mundo ko.Akala ko magiging ayos din ang lahat kapag nakabalik si Hace. Nakatulog ako sa sopa sa kakahintay sa kanila,nagising lang ako ng makarinig ng sigawan at ingay sa paligid. Nang tuluyan akong magmulat,umuusok na ang paligid. Nataranta akong nagtakip ng ilong para hindi masinghot ang usok. Hanggang sa nakita kong pumasok si Amanda ,may kasama siyang mga lalaki na inuutusan. Nakatingin lang ako sa kanya ng lumapit siya sa’kin at hilahin ako palabas ng bahay.Nakatulala ako,hindi ko alam kung an

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 59

    Ipinakita niya ang braso kung nasaan naka connect ang bomba,papunta sa katawan niya. Ngumiti siya na parang balewala lang ‘yon.“ I’m waiting H,you know I don’t like waiting.”“ H.”Napatingin ako sa mga kaibigan ko,lahat sila ay umiiling. They know what ever I choose, it will be a dead end for me. But not for them,they can still go out in time.But my Nerissa,she ‘s waiting for me. And our baby,I want to se her or him. We we’re supposed to see the doctor to know the gender. But I guess ,I will not have a time for that. I won’t be seing them again. I gasped for air and face her.“ Let them go!”Ngumiti siyang nagustuhan ang sinabi ko. Sinenyasan niya ang mga tauhan,napatingin ako do’n. Tinanggalan nila ng tali ang pamilya ni Nerissa . Sila Aki ,Carlos at Caden naman ay tumulong na din. Nakita kong umalis na sa pwesto niya si Draco at lumapit na din sa’min. Si Caden ay sinenyasan ang mga tauhan na umalis .Naikuyom ko ang kamay at napatinigin kay Hillary,masaya siya pero may namumuon

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status