Ang sakit ng katawan ko at para ako na nabunggo ng kotse na hindi ko maintindihan. Ang huli ko na natatandaan ay ang paglalasing ko at ang pagnanais ko na makapunta sa hotel na huling tinuluyan namin ni Brent. Pero ang mga sumunod na ro’n ay ang bola na may ilaw na hindi ko alam kung saan ang tungo kaya kahit ako ay hindi ko alam kung saan direksyon ako pupunta.
Hindi ko naman talaga alam saan na ako pupunta matapos ang paghihiwalay namin ni Brent. Hindi naman ako makakauwi sa mga magulang ko sa ngayon hangga’t hindi ko pa naisasaayos ang magulo ko na buhay. Wala rin naman ako na trabaho. May konti ako na ipon pero hindi ko alam kung hanggang kailan aabutin iyon. Ang aasahan ko na lamang ay ang magiging hatian sa conjugal properties at rights namin ni Brent.
Kasalanan lahat ito ni Elise. Ngayon, hindi lamang ako nawalan ng asawa ngunit pati buhay at matitirahan ay wala rin ako. Pinilit ko na galawin ang mga kamay at paa ko pero wala pa akong sapat na lakas upang magawa iyon. Bukod pa ro’n ay patuloy na sumasakit ang ulo ko. Nabangga nga ba ako ng umiilaw na bola na iyon? Pilit ko na inaalala ang mga pangyayari.
Naramdaman ko ang pagkaluskos sa aking paligid. Hindi ako dumidilat at pinapakiramdaman ko na lamang kung may tao ba na malapit sa akin. May mga boses ako na naririnig pero hindi ko mawari kung kanino ang mga iyon. Ibig sabihin lamang ay hindi ko kilala ang mga tao na kasama ko ngayon kung nasaan man ako na lugar.
"Evan, hindi pa tayo sigurado kung ano ang magiging epekto sa kan’ya ng pagkakabangga. Although the impact is not that strong, dahil hindi naman gano’n kabilis ang pagpapatakbo ni Ever ng sasakyan, pero hindi pa rin tayo maaari na makampante. Sa ngayon, hindi ko pa masasabi ng direkta sa inyong magkapatid kung ano ang nangyari sa pasyente. We have to wait for her to wake up, para ma-assess ko ang lagay niya." Mahabang paliwanag ng isang lalaki pa. Kung ako ang itinuturing na pasyente ng tao na nagsasalita, ibig sabihin lamang ay doktor siya. Nasa ospital ba ako kung gano'n?
"What is the worst-case scenario that could happen, doc?" Maagap na sagot naman ng isa pa na lalaki na may baritono na boses.
"Amnesia. In rare cases, because of the head injury or impact, maaari na magkaroon ng amnesia ang pasyente. Ngunit, hindi naman lahat ng mga nababangga ay nagkakaroon nito. Maaari rin naman na wala, pero gaya nang sinabi ko, hindi ko pa masiguro hangga’t hindi pa siya gumigising. Hindi man malakas ang naging pagbangga ni Ever sa kan’ya, pero dahil ang ulo niya ay tumama sa daan at agad siya na nawalan ng malay ay kailangan natin na maging handa."
"Did you hear that, Ever? Because of your foolishness, we are in this situation again. Ipagdasal mo na walang mangyari sa babae na iyan, kung hindi ay kakailanganin pa natin na tulungan at suportahan iyan. Have you tried checking on any of her family members?"
"Wa-wala. Hindi ko alam. Nang mabangga ko siya at mawalan siya ng malay ay agad ko na siya na dinala rito."
"What the fuck happened, Ever? I told you not to drink and drive, pero ito ka na naman at problema na naman ang ibinibigay mo sa akin. Paano kung may mangyari sa babae na iyan? Paano kung magdemanda ang pamilya niyan? At inuwi mo pa talaga rito sa bahay natin." Galit na galit na salita na naman ng baritono na boses na iyon. Kung gano'n ay wala ako sa ospital at nasa bahay nila ako. Kung sino man sila ay naririto ako sa teritoryo nila.
"Kung bayaran mo na lang, kuya. We have the money. Kayang-kaya natin na bayaran at sagutin ang pagpapagamot niya. It’s the easiest solution that we have now."
"Diyan ka magaling, ang magwaldas ng pera. Alam mo ba ang mangyayari kapag lumabas na isang Ruiz ang nakabangga sa kan'ya?"
Ruiz? Ang nakabangga sa akin ay isa sa magkapatid na Ruiz? Ang mga batang bilyonaryo na nagmamay-ari ng ilang chain of hotels? Isang ideya ang pumapasok sa isipan ko pero hindi ko alam kung kaya ko iyon na panindigan. Hindi ko ugali na manggamit ng tao pero sa pagkakataon na ito ay sila lang ang maaari na makatulong sa akin.
"Help me, kuya. Alam mo na wala akong ibang matatakbuhan. Tayong dalawa na lang ang magkakampi."
Malalim na buntong-hininga ang sunod ko na narinig. Natahimik ang buong paligid ko at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa magkaptid na nag-uusap. Patuloy ako na nakikiramdam habang ang utak ko ay patuloy rin na umiisip ng maganda na paraan kung paano ko magagamit ang sitwasyon na ito na bentahe para sa aking pangangailangan.
"You’re lucky, Ever. Pasalamat ka talaga at isinumpa ko sa mga magulang natin na hindi kita pababayaan. But for fuck’s sake, magtino ka naman. Buwan-buwan na lang ay binibigyan mo ako ng sakit ng ulo. You’re twenty-five years old; it’s time for you to grow up and take responsibility."
"I know and I’m sorry, kuya." Isa pang buntong-hininga ang aking narinig bago muli na hinarap ng baritono na boses na iyon ang doktor. "When will she wake up then, doc? At kailan natin malalaman kung ayos lang ba siya o hindi? I need to know, para alam ko kung ano ang magiging susunod na hakbang namin."
"Hindi ko rin alam. Pero limang oras na ang nakakalipas simula nang dumating ako, umaasa ako na maya-maya lamang ay gigising na rin siya."
"Let’s go to my office first, doc, so we can discuss her state. Ever, puntahan mo kami kapag nagising na ang babae. May mga kailangan lang ako na tanungin kay doc patungkol sa kondisyon niya."
"Yes, kuya."
Pagbukas at pagsara ng pintuan ang sumunod ko na narinig bago muli na binalot ng katahimikan ang buong silid. Kinakabahan ako sa magiging plano ko pero wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan ko magpakatatag lalo na at sarili ko na lamang ang aasahan ko sa ngayon.
"Hey, woman, wake up!" Naramdaman ko pa ang pagtabi sa akin ng lalaki. Sigurado ako na siya ang tinatawag na Ever kanina, ang lalaki na nakabangga sa akin.
"Gumising ka na, please naman. Kailangan mo nang gumising at bumalik sa pamilya mo bago pa tuluyan na magwala si Evan sa presensya mo. Ano ba naman kasi ang ginagawa mo sa gitna ng kalsada at doon mo pa naisipan na makipagpatintero? At sa dami naman ng puwede mo na istorbohin ay buhay ko pa talaga ang napili mo. Bakit naman kung kailan padaan ako ro’n mo pa naisipan na gumitna?"
Pasalampak siya na naupo sa kama dahil naramdaman ko ang paglundo nito nang maupo siya. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi makalikha ng kilos dahil pakiramdam ko ay tinititigan niya ako. "You’re pretty. Medyo baduy ka nga lang pero maganda ka. Single ka malamang kasi wala akong nakita na singsing sa mga kamay mo. Nasaan ba ang pamilya mo? Taga-saan ka ba?"
Patuloy siya sa pagtatanong sa akin kahit na alam niya naman na hindi ko siya masasagot. "Nahihiwagaan na talaga ako sa’yo na babae ka. Bakit ka ba nag-iisa sa dis-oras ng gabi? Nawawala tuloy ang pagkalasing ko sa’yo dahil sa kaba ko, kaya please naman gumising ka na."
Nararamdaman ko na sa boses niya ang takot at pag-aalala. Nais ko na rin na gawin ang plano ko kahit na walang kasiguraduhan pa iyon. Basta bahala na kung magtagumpay ako o hindi, ang nasa isip ko lamang ngayon ay ang mabuhay at mai-plano ang paghihiganti ko.
"Ughh, ang sakit." Pag-ungol ko na agad na nagpatayo sa lalaki na kani-kanina lamang ay nakaupo sa kama na kinahihigaan ko.
"Hey, are you okay?" Nag-aalala na tanong niya.
"Ang sakit ng ulo ko."
"Wait! I’ll call the doctor." Nagmamadali siya na lumabas ng kuwarto kaya naman unti-unti ko rin na iminulat ang mga mata ko upang obserbahan ang silid na kinalalagyan ko.
Simple lamang ang disensyo ng kuwarto pero halata na mayaman ang nagmamay-ari nito. Tama siguro ako ng hinala na ang kilalang mga Ruiz nga ang magkapatid na narito. Nanatili ako na hindi gumagalaw dahil hindi ko pa rin mahanap ang lakas ko.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang tatlong pares ng mata na titig na titig sa akin. Mabilis na lumapit sa akin ang may hindi katandaan na lalaki.
"Kamusta ang pakiramdam mo, iha?" tanong niya sa akin.
"Sumasakit ang ulo ko." sagot ko.
"Alam mo ba ang pangalan mo? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa’yo at kung nasaan ka ngayon?" Sunod-sunod pa niya na tanong sa akin.
Tumitig lamang ako sa kan’ya at inihanda ang aking sarili. Kailangan ko nang umpisahan ang aking pagpapanggap. "I am Harper."
"Harper?" Gulat na gulat na tanong ng lalaki na baritono ang boses. Napasulyap ako sa kan’ya at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin at hindi nga ako nagkakamali, siya ang kilala na si Evan Ruiz.
"Harper, ano ang naaalala mo sa mga nangyari?" muli ay tanong ng lalaki sa akin.
"Ga-galing ako sa isang party. Yeah, galing ako sa party kasama ang mga kaibigan ko."
"Sino ang mga kaibigan mo?" muli na tanong sa akin.
Kahit na kinakabahan ay pinilit ko na umarte upang mapagtagumpayan ko ang hamon na ito. "Ang mga kaibigan ko?" Bulong ko habang patuloy na inililipat-lipat ang tingin sa kanila.
"Harper?" tawag ulit sa akin.
Hindi ko sigurado kung paano ko sila mapapapaniwala na may amnesia ako, pero bahala na dahil kailangan ko na manatili rito. "Wala akong maalala. Wala akong matandaan na mga pangalan maliban lang sa pangalan ko."
"What?!" Sabay na sigaw ng magkapatid. Kitang-kita ko ang pagrehistro ng takot at pagkabahala sa kanila.
"Ano ang ibig sabihin nito, doc?" muli ay tanong ng nakakatanda na Ruiz.
"Hindi ako sigurado. I need to run more tests. Pero kung wala siyang maalala sa ngayon, I would say it’s temporary amnesia. We need to keep her to further check on her developments."
"Amnesia? May amnesia ako?"
Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)
"Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest
Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,
Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano
Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan
"Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa