The Missing Heir
The Missing Heir
Author: MERIE
Chapter 1

~Mark~

"Mom, puwede po ba tuwing summer lagi na po nating gagawin ang ganito?". Tanong ng 5 year old na si Mark sa kanyang ina habang tuwang-tuwa na tumatakbo sa dalampasigan.

"Oo naman, anak. I promise, cross my heart na tuwing summer lagi na natin itong gagawin. Di ba, Dad? nakangiting tugon ng kanyang ina sabay baling sa kanyang ama.

"Yes, anak. Pangako namin 'yan." Sagot ng kanyang ama. 

Pagkatapos nang isang oras, nagyaya ang kanyang ama na mag-island hopping sila. Gamit ang kanilang yate nilibot nila ang ibat'ibang isla na malapit sa lugar na iyon. Narating nila ang Verdes Island. Isa itong maliit na isla na napapalibutan ng matatayog na puno. Ang dalampasigan nito ay sadyang nakakaakit tingnan dahil sa napakaputi nitong buhangin. Maraming wild flowers at endangered plants sa paligid. Wala kang makikitang anumang resort dito. Kaya ang isla ay masasabing isang virgin island pa.

Nalibang silang mag-anak sa pag-iikot sa buong isla kaya hindi nila namalayan na tanghalian na. May dala naman silang pagkain kaya hindi ito naging problema. Pagkatapos kumain, namahinga lang silang saglit at muling na namang nag-ikot sa isla. 

Hapon na nang mapagdisesyunan ng mag-anak na bumalik sa resort. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang paglalayag nang biglang magkaaberya ang makina ng yate.

"Bakit biglang huminto?" tanong ng kanyang ina sa kanyang ama.

"Saglit lang at titingnan ko." sagot naman nito. Agad na pinuntahan ng kanyang ama ang kinalalagyan ng makina ng yate. At habang naghihintay sa pagbalik nito, tahimik na naupo ang mag-ina sa isang tabi.

Mayamaya pa nakita nilang humahangos ang kanyang ama papalapit sa kanila. "Kailangan nating makaalis sa yateng ito." Mababanaag mo sa mukha nito ang pangamba at takot. Mabilis nitong kinuha ang mga life vest at inabot sa kanila. Habang sinusuot ang kanilang mga life vest, biglang may sumabog sa gawing unahan ng yate. Sumiklab ang apoy at nasundan pa ito nang isa pang pagsabog. Nahati ang buong yate at unti-unti itong lumubog. 

"Mark..."

Nagising si Mark sa kanyang pagkakatulog. Napanaginipan na naman niya ang pangyayaring iyon. Napatingin siya sa kanyang paligid. At naalala niyang nasa isla pala siya, sa Verdes Island. Death anniversary ng kanyang mga magulang ngayon.

Almost 25 years na ang nakalipas nang mangyari ang aksidenteng iyon sa kanilang pamilya. Dineklarang namatay ang kanyang mga magulang. Ngunit tanging katawan lamang ng kanyang ama ang narecover sa lugar nang pinangyarihan. Malungkot at masakit para kay Mark na gunitain ang araw na ito. Pero within his heart, umaasa pa rin siya na buhay ang kanyang ina.

Si Mark ay isang military man. Leader siya ng isang secret special force sa military, ang G Team. Ang team na ito ang sikretong inaatasan sa mga gawaing militar na may kinalaman sa corruption, smuggling, atbp. Delikado ang kanyang trabaho, pero ito ang naging daan niya upang magkaroon siya ng pagkakataong imbestigahan ang pagkamatay ng kanyang mga magulang.

~Alyssa~

"Young Miss, everything is all set outside." Tumango si Alyssa bilang tugon sa kanyang secretary cum bodyguard na si Laura. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo sa harapan ng kanyang dresser. Pagkatapos ay muli niyang sinipat ang sarili sa harap ng salamin at tinahak na ang pinto palabas ng kanyang silid.

Siya si Alyssa. Isang kilalang model-actress. Kasalukuyan siyang nasa isang five-star hotel para dumalo sa isang special charity event on behalf of her mother, Madam Elaine. Masama kasi ang pakiramdam nito kanina, kaya siya na ang naghikayat dito na dadalo sa naturang event. Laging aktibo sa mga ganitong klaseng event ang kanyang ina. Isa kasi itong kilalang philanthropist.

Ang kanyang mga magulang ay nagmula sa mga well-known and prominent family sa bansa -ang mga Madrigal at Araneta. Ang kanilang mga negosyo ay nagkalat sa buong mundo. From aviation industry, manufacturing, real estate, entertainment, atbp. 

"Alyssa, dear, it's my honor to finally meet you." Nakangiting bati sa kanya ng isang ginang. Si Madam Suzanne, ang organizer ng charity event na iyon. Nasa mid-40s na ito pero hindi mo ito makikitaan ng anumang skin imperfection. Looking young and fresh. Iyon ang aura na makikita mo sa ginang. Matalik na kaibigan ito ng kanyang ina at nagmula rin sa isang prominenteng pamilya.

"It's nice meeting you too, Aunty. Thank you also for inviting us here."

"You're welcome, dear. How's your mom?"

"Mom is fine. The doctor already asked her to take some rest for a couple of weeks. And as for her scheduled engagements, ako po muna ang bahalang pumunta sa mga iyon."

"Good to know that, dear. Don't you worry, I'll visit your mom one of these days." 

Pagkatapos ng conversation nila ni Madam Suzanne, may lumapit kay Alyssa na isang usherette. Sinamahan siya nito papunta sa kanyang assigned table. At mayamaya pa ay nagsimula na ang program.

As the charity event goes on, marami sa mga kakilala at kaibigan ni Alyssa ang nakita niya. They are both from the entertainment world and the business industry. She exchange conversations with them and at the same time be updated with what's happening to both worlds.

Alyssa continued to mingle around until Laura approaches her. "Young miss, patapos na po ang event." bulong nito sa kanya. Napatingin siya sa suot niyang Rolex wristwatch. 9 0'clock na pala ng gabi. Inabot niya ang kanyang cellphone at nagsend ng message kay Madam Suzanne. After that, umalis na sila ni Laura.

Nasa loob na sila ng elevator, nang tumunog ang kanyang cellphone. It was a reply message from Madam Suzanne saying how happy she was when Alyssa enjoyed the event. Habang abala si Alyssa sa pagbabasa ng message hindi niya namalayan na may kakaibang nangyayari sa loob ng elevator. Napuno ang buong elevator ng makapal na usok. Nang maamoy ni Alyssa ang usok agad siyang napatingin kay Laura. 

"Laura, anong..." Hindi pa man niya natatapos ang kanyang sasabihin ay bigla na lang itong natumba. Agad niya itong nilapitan at inalalayan paupo sa isang tabi. Pagkatapos ay agad siyang nagdial sa kanyang cellphone. Contact number ito ni Madam Suzanne. Narinig ni Alyssa na nagring ang kabilang linya pero bago pa man ito masagot, agad na siyang nawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status