Home / Romance / A Great Love's Vengeance / CHAPTER 2: The Accident

Share

CHAPTER 2: The Accident

Author: Mawi
last update Last Updated: 2024-01-10 21:52:04

CLOUD'S POV:

  Ilang ulit ko na marahil tiningnan ang sarili ko sa rear-view mirror just to check how I look. And I smiled at what I saw. I look fine. And I'm feeling great habang nakatingin ako sa glove compartment nitong sasakyan kung saan nakalagay ang espesyal na bagay na iyon. 

 Masyado yata akong nadala sa aking emosyon at hindi ko napansin na matagal na pala akong nakatingin roon at hindi na napagtuunan pa ng pansin ang kalsada. Nagulat na lang tuloy ako nang biglang may gumalabog sa harapan kasabay ng malakas na pag-bounce nitong sasakyan ko na muntik ko pang ikadisgrasya kung hindi lamang sa suot kong seatbelt.

 Nagmamadali agad akong bumaba ng sasakyan nang malinawan ako sa nakatunghay sa akin na isang sira at umuusok pa na sasakyan sa harapan.

"Ay jusko! Ano ba 'yan? Marunong ka bang mag-drive hijo?" 

 Nakakabingi ang boses na iyon kaya hindi ko na lang binigyang-pansin kung sino mang nilalang iyon at sinuri ko na lang ang nagawa kong disgrasya sa itim na van na mukhang napalakas ang pagkakabangga sa sasakyan ko base na rin sa itsura nito ngayon.

"Cloud?" 

  Natigil ako sa pagmamasid sa van sa pagkakabanggit ng maingay na iyon sa pangalan ko na para bang magkakilalang-magkakilala kami. Agad akong napuno ng kuryosidad dahilan upang ibaling ko sa kanya ang buo kong atensyon.

"Ikaw na nga!," hiyaw niya pa nang magkaharap na nga kami at tila nakalimutan niya yata na nasa gitna kami ng isang aksidente sa lawak ng pagkakangiti niya sa akin.

 Bahagya naman akong natigilan sa kanya habang napupuno ako ng labis na pagkainis at pagkabigla sa pagsulpot ng taong ito dito sa Ilocos.

"Ano'ng ginagawa mo rito?," kunot-noo kong tanong kay Alvin na siya palang kanina pa kumukuda sa may likuran ko. Ngunit sa halip na sumagot siya ay lalo pang lumawak ang kanyang pagkakangiti na animo naman ay kinikilig na dalagita.

"Parehong-pareho talaga kayo ni Vier," saad niya na tuluyan nang nagpatiim ng mga bagang ko habang kaharap siya.

 Kaya ko naman sanang tiisin ang nakakabwisit niyang presensya dito sa lugar kung saan nahanap ko na ang katahimikan ng buhay ko pero hindi talaga naging maganda sa pandinig ko ang panhalan ng babaeng iyon. Agad kong naramdaman ang mas matinding pagdiin ng mga muscles ko sa mukha na hatid ng galit na sa isang iglap ay pumuno sa buo kong sistema.

 Halos sabay din kaming napalingon sa kinaroroonan ng isa pang van sa likod ng itim na van sa harapan ko nang nagmamadaling bumaba ang mga nakasakay roon. Karamihan sa kanila ay mga kabataan na hindi ko naman kilala kaya ibabaling ko na lang sanang muli ang atensyon ko kay Alvin nang makaramdam ako ng paninikip ng aking dibdib sa pagbaba rin mula sa naturang sasakyan ng babaeng iyon na ayaw ko na sanang makita hanggang sa matapos man ang buhay ko dito sa mundong ito.

 Halos sabay-sabay at nagmamadali ang lahat na lumapit sa van sa harapan ko habng patuloy na nakatuon lamang ang atensyon ko sa kanyang mukha na napupuno ng sobrang takot at pag-aalala lalo pa nang makarating siya sa pintuan ng sasakyan sa tabi ng driver's seat kung saan tanaw ko ang duguang mukha ni Francis, isa sa mga noon pa man ay kasama na ni Vier sa dance group na pinamamahalaan nitong si Alvin.

 Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya lalo pa at alam ko na ako rin ang may kasalanan noon. Pero mas nangibabaw sa akin ang galit at inis na dulot ng iginagawad ni Vier na pag-aalala sa kanya.

 Tiim-bagang kong pinanood ang tila isang nakasusulasok na eksenang iyon sa harapan ko habang parang pinipiga ang dibdib ko sa sobrang sakit na ipinaparamdam nila sa akin. Ilang saglit lamang iyon dahil agad din namang dumating ang ambulansyang nagdala kay Francis sa ospital, ngunit ang bigat ng sakit na iniwan ng aking nasaksihan ay hindi matutumbasan at masusukat sa iksi o haba man ng oras na nakadisplay sila sa harapan ko.

 Sinamahan nina Alvin at Vier si Francis sa ambulansya habang ang iba pa nilang kasamahan ay nagsama-sama na lamang sa isa pa nilang sasakyan para makapunta kung saan man sila patungo. Naiwan naman ako sa kalye para sagutin ang mga katanungan ng enforcers at para na rin isaayos ang mga damages mula sa nangyaring aksidente.

 Hindi ko alam kung paanong nakasagot pa ako ng tama sa mga pulis habang lumilipad ang isip ko na patuloy na nilalamon ng babaeng minsan nang winasak ang pagkatao ko.

 Aware naman ako na kagagaling ko lang sa isang aksidente at dapat ay nag-iingat na ako ngayon, pero hindi ko iyon magawa. Patuloy lang ako sa halos pagpapalipad na ng aking sasakyan habang binabagtas ko ang daan papunta sa pinakamalapit na ospital kung saan malamang na dinala si Francis.

 Hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng buo kong katawan dahil sa galit ko kay Vier. Hindi ko lubos akalain na sa lawak ng mundo, ay muli pa rin kaming pagtatagpuin ng tadhana. 

"Ang lupit naman," piping daing ko sa mundo habang mahigpit ang kong hinahawakan ang manibela para lang kahit papaano ay maibsan itong kinikimkim kong sakit at galit.

 Dumeretso agad ako sa emergency room at nadatnan ko sa labas si Alvin na hindi mapakali at paroo't parito sa paglalakad habang naghihintay ng balita mula sa loob ng kwarto kung saan naroroon si Francis. Si Vier naman ay tahimik lang na nakaupo s bench doon. Nakatungo siya kaya hindi ko makita ng buo ang kanyang mukha. Mukhang hindi niya rin naman naramdaman ang pagdating ko.

 Sabagay, hindi niya rin naman alam na sangkot ako sa naganap na aksidente. Mula pa kasi kanina ay sa iisang tao lang naman nakatuon ang kanyang atensyon…. kay Francis lang.

 Napapikit na lang ako ng mariin at pabagsak kong isinandal ang aking katawan sa pader na katapat lamang ng kinauupuan niya. Then I breathe heavily.

"Bakit kailangan mo pang magbalik?," tanong ko sa aking sarili habang nakatitig ako sa kanya. Ang babaing lubos kong minahal.... noon, na sinuklian lamang niya ng 'di ko malilimutang sakit. I can't help but chuckle at that thought.

 Naikuyom ko pa ang aking mga kamao habang patuloy kong inaaral ang kanyang pag-akto. Parang ayos na ayos lamang naman ang lagay niya. Malayong-malayo sa kung ano ang hanggang ngayon ay nararamdaman ko.

 Pakiramdam ko rin ay wala siyang ni katiting na pagsisisi sa ginawa niya sa akin, sa amin ng anak ko. Muli tuloy na nabuhay ang nagwawalang galit sa loob ko para sa babae sa harapan ko na minsan kong pinag-alayan ng aking buhay. 

 Gusto kong maghiganti para sa lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. Gusto ko na maranasan din niya ang lahat ng iyon. Ang lahat ng sakit at paghihinagpis na ipinaranas niya sa akin na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na pumapatay sa akin.

"Cloud," biglang tawag sa akin ni Alvin na siyang nagpaangat din ng mukha ni Vier. Kitang-kita ko kung pa'nong namilog ang maganda niyang mga mata kasabay ng pamumutla ng kanyang balat nang sa wakas ay masilayan niya ang mukha ng taong minsan na niyang pinagmukhang-t**ga.

"Pwede bang ihatid mo na muna si Vier sa tutuluyan namin. Baka kasi nag-aalala na rin 'yung mga kasama namin eh," pakiusap ni Alvin na mukhang lalong ikinanginig ng laman nitong si Vier. Agad namang gumuhit sa labi ko ang isang mapait na ngiti nng dahil doon.

"Sure," walang kaabog-abog kong tugon sa kanya sabay sulyap kay Vier na halos hindi na makatingin sa akin.

"Tara na," yaya ko sa kanya sa kunwaring malambing na tono at may ngiti pa nga sa labi na batid ko naman na alam din niya na naglalaman ng isang pagbabanta. Hindi rin siya agad na umalis sa kinauupuan at tila nagmamakaawa pang sumulyap kay Alvin.

"Sige na, Vier. Kailangan mo ring magpahinga," sa halip ay pag-engganyo pa nito sa kanya kaya wala na rin siyang nagawa.

 Hindi kami nagkikibuan at wala ni isa mang salita ang namagitan sa amin hanggang sa makarating kami sa parking lot ng hospital. Walang katao-tao ngayon dito kaya malaya akong maging totoo. Kahit ngayon lang.

 Huminto ako sa aking paglalakad at binalingan ko siya na halos ilang hakbang pa ang layo sa akin

"Natatakot ka?," may pangungutya kong tanong sa kanya habang may kakontentuhan akong nakatitig sa nanginginig niyang mga binti.

"Cloud….," aniya na may takot sa kanyang tinig.

 Napangisi ako sa narinig.

 Dati-rati ay parang musika sa pandinig ko ang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Pero hindi sa sandaling ito. Dahil lalo lang na pinag-alab ng boses niya ang matinding galit na pilit kong iginigiit at pilit kong kinakalimutan sa loob ng mahabang panahon.

 Mabilis kong hinakbang ang espasyo sa pagitan namin at halos kaladkarin ko na siya papasok ng aking sasakyan. Wala naman siyang nagawa kundi ang mapaluha na lamang sa ginawa kong iyon sa kanya.

 Pilit niyang iniimpit ang kanyang mga hikbi pero kitang-kita ko kung paano siyang lumuluha sa salamin sa harapan ko. I should be enjoying the view. Eto naman 'yung gusto ko eh, ang makita siyang mahirapan at magdusa gaya ng naranasan ko ng dahil sa kanya. But her tears only reminds me of my pain. My tears. My endless sorrow that started from that night.

 Muling nanumbalik sa akin ang alaala ng gabing iyon. Ang gabi na halos maramdaman ko ang kamatayan nang aminin sa akin ni Vier ang bagay na iyon na hindi ko halos ma-isip na kaya pala niyang gawin. Nagkamali yata ako ng pagkakakilala sa kanya kahit pa halos nasubaybayan ko na ang buong buhay niya. Nagkamali ako ng babaeng minahal at pinagkatiwalaan ng puso ko.

 But sh*t! Why do I hate seeing her like this? 

 Bakit kailangan ko na nmang masaktan sa pagluha niya? Iyon naman ang gusto ko, ang makita ko siyang masaktan. Pero bakit parang ako pa rin itong higit na nasasaktan?

 Hindi ko na dapat nararamdaman ang ganitong awa para sa kanya. She don't and will never deserve it!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Daisy Pedron
interesting tong story na to.. let's see
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 48: THE CONFRONTATION

    VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 47: GAME OF LOVE

    VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 46: BRINGING BACK THE FEELINGS

    CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status