Miguel Gunther Salvatierra, the 29-year-old billionaire and CEO of a multinational company, is busy moving from one desk to another.
Ang kaniyang opisina ay nasa ika-30 palapag ng isang mataas na gusali na puno ng mamahaling kagamitan at mga modernong teknolohiya. Abala siyang tinatapos ang ilang mga papeles ng pumasok sa kaniyang opisina ang sekretarya niyang si Beatrice. “Sir Miguel, nandito na po ang ilang mga report na hinihingi n’yo,” ang saad nito. Mahihimigan sa tinig ng matandang babae ang pag-aalala. “Salamat, Manang Beatrice,” matagal nang naninilbihan sa kanilang kompanya ang babae. Sekretarya pa ito ng kaniyang ama bago nito tuluyang ipinasa sa kaniya ang responsibilidad ng kumpanya. “Pakilagay na lang ho sa kabilang desk,” tugon ni Miguel na hindi inaalis ang paningin sa screen ng laptop. Napahinga si Miguel matapos lumabas nang matandang babae, nanghahapong isinandal niya ang likod sa backrest ng kinauupuan at saglit na pinayapa ang sarili. Dinampot niya ang kaniyang tablet na nasa gilid ng mesa at binuksan iyon. Isang artikulo ang agad na kumuha ng kaniyang pansin: “Media Magnate, 68, Set to Marry Young Heiress in Surprise Wedding Announcement.” Wala sa sariling pinindot niya ang headline upang mag-usisa. Ayon sa balita ay ikakasal ang kilalang media magnate na si Arnulfo Fuentes sa naiwang tagapagmana ni Leandro Olivares ng NexTech Solutions na si Lilliane Olivares. Kilala ni Miguel ang mga taong nabanggit maliban sa huli. Si Arnulfo Fuentes ay isang influential figure sa media industry samantalang si Leandro Olivares naman ay isa sa mga tinitingalang Tech Mogul noong nabubuhay pa ito. Hindi pa kailan man nakita ni Miguel ang anak ng mag-asawang Olivares hanggang sa mamatay sa aksidente ang mga ito tatlong taon na ang nakalilipas. Sa kaniyang pagkakaalam, ang kasalukuyang namamahala sa NexTech Solutions ay ang kapatid ni Leandro na si Mathilda Amante at ang asawa nitong si Richard. Kasalukuyan ding nahaharap sa bankruptcy ang kumpanya at isa sa nakikita niyang solusyon upang isalba ito ay ang pagpapakasal ng anak ng mga Olivares sa matandang Fuentes. At hindi siya naniniwala na may pagmamahal sa pagitan ng dalawa. Nag-scroll pa si Miguel hanggang sa tumambad sa kaniya ang larawan ng dalawa. Napaahon mula sa pagkakaupo si Miguel nang mapako ang mga mata kay Lilliane. Umawang ang kaniyang labi habang nakatitig din sa mukha ng babae. “I know her...” bulong niya sa sarili. Muling bumalik sa alaala niya ang mainit na gabi na kanilang pinagsaluhan. Ang ilang beses niyang pag-angkin sa katawan nito. Ang mga ungol at daing nito’y malinaw pa rin sa isip at alaala niya. Wala naman talaga siyang balak makipag-one night stand ng gabing iyon pero napukaw nito ang kaniyang atensyon habang nakatunghay siya sa mga nagsasayaw sa baba at sumisimsim sa basong may lamang alak. Ang sexy at makinis nitong likod, ang kurba ng katawan nito, ang mapang-akit nitong suot na sinamahan pa ng buhok nitong nasa messy bun. Batid ni Miguel na lasing na lasing na ito, nakita niya ang ilang ulit nitong paglaklak ng mga in-order na alak kahit batid niyang sinusuway na ito ng nakatalagang bartender ng gabing iyon. Nang magsimula itong magsayaw sa dance floor ay hindi niya napigilang babain ito. Hindi niya alam kung bakit siya tinubuan ng concerned sa babae gayong hindi niya ito kilala at normal na rin naman ang ganoon sa club. Akmang may lalapit ditong lalaki nang sawayin niya ito at tinitigan nang masama dahilan upang hindi na nito itinuloy ang kung ano mang binabalak kay Lilliane. Batid niya na naakit siya nito. May kakaibang karisma ang babae at alam niyang ilang mata ang nakamasid at naghihintay ng pagkakataon na makalapit dito noong gabing iyon. Sa pagkakatitig ni Miguel sa larawan ni Lilliane ay kapansin-pansin doon ang malungkot at pagod nitong mga mata sa kabila nang nakangiti nitong mga labi. Halatang napipilitan lamang ang babae sa nangyayari sa buhay nito ngayon. Bigla ring sumagi sa isip niya ang mga salitang binitawan nito nang yayain niya itong magpunta sa kung saan. S-sama ako sa iyo, kahit saan! Wala na rin naman akong halaga bukas! Bahagyang nangunot ang kaniyang noo. Kaya rin ba pinakiusapan siya nito na angkinin niya ito, na ituloy nila ang kanilang ginagawa ng gabing iyon? Ayaw nitong ibigay sa matanda ang pagkabirhen nito! Nagsimulang mapukaw ang kaniyang interes dahil doon. “Manang Beatrice!” tawag niya sa kaniyang cincuenta y nueve na sekretarya. Sumungaw ang babae sa pinto ng kaniyang opisina. “Ano ‘yon, Miguel?” Kapag sila lang dalawa ay hindi siya nito tinatawag na sir kung minsan—kahit noon pa man ding bata-bata pa ang lalaki. Para din kila Miguel ay pamilya na ang turing nila sa babae. Lumapit sa desk niya si Beatrice. “I need to know all the details and information about Lilliane Olivares.” Dinungaw ni Beatrice ang screen ng kaniyang tablet. Nangunot ang noo nito. “Hindi ba’t si...” turo nito sa matandang Fuentes na may malapad na ngiti sa mga labi habang nakaakbay sa babaeng katabi nito. “At iyan ba ang Lilliane?” sabay lipat ng mga mata nito sa magandang dalaga na kasama ni Arnulfo sa larawan. Nakasuot ito ng kulay soft blush pink na dress. Napahinga si Miguel. “Yes. Can you help me gather information about her?” “Ano bang mga impormasyon ang nais mo?” “Her address, Manang Beatrice. Find out where she lives—every detail I need to know, as thoroughly as possible.” Hindi mapigilan ni Beatrice na itaas ang isang kilay. “Immediately, Miguel?” sagot ni Beatrice. “How much time will you need?” “I would like it done right away.” May nais sanang sabihin si Beatrice ngunit pinili na lang niyang itikom ang bibig at lumabas ng opisina upang simulan ang pinagagawa nito. Nang makaalis ang sekretarya niya ay binigyan ni Miguel ang sarili na magmuni-muni. Hindi niya batid kung bakit nagkakaroon ng emosyonal na epekto sa kaniya ang kasalukuyang kalagayan ng babae. Batid niyang pagod ang mga mata nito, walang buhay kahit nakangiti. Kung pagmamasdan din ang hitsura nito sa larawan ay halata rin ang pagiging tensyonado nito. Kailan man ay hindi pa niya nakita si Lilliane sa mga mahahalagang pagtitipon na dinadaluhan niya kung saan naroon din ang mga magulang nito noong nabubuhay pa ang mga ito—o maaaring hindi lang niya napagtutuunan nang pansin. Bigla’y naglaro sa isipan niya ang malamlam na mga mata nito noong nagtagpo ang kanilang paningin habang magkasayaw sila sa club. Gayon din sa mga mata nitong nang-aakit, inuutusan siyang ituloy ang nais niyang gawin sa katawan nito. Ang makinis at mabango nitong balat na kung saan ay pinaglakbay niya roon ang kanyang mga kamay, bibig at dila. Ang pag-arko ng katawan nito at ang mga ungol at daing ng dalaga na sadyang nakawawala ng ulirat. Nahilot ni Miguel ang bridge ng kaniyang ilong, napapikit at muling napasandal sa backrest. Hindi rin niya mapigilang mag-usal nang mahinang mura lalo na nang maramdaman niya ang pagkabuhay ng kaniyang pagkala laki. Matapos ang naging pagtatagpo at pagsasalo nilang iyon sa init ay hindi na ito kailanman nawaglit sa isipan niya kahit saglit. Umaasam na sana ay muli niya itong makatagpo.Maingat na sumilip siya sa tahimik na kalsada at luminga. Wala ni isang sasakyan. Inayos niya ang suot na baseball cap at maging ang facemask saka nagpasyang tumawid sa kabilang kalsada.Binaybay niya ang main road kung saan siya nanggaling kaninang ibinaba siya ng bus. Maghihintay siya ng kahit anong sasakyan na daraan na puwede maghatid sa kanya sa terminal.Ugong ng trycicle na paparating ang narinig ni Lilliane at nilingon ito. Pinara niya ang matandang driver at agad naman siyang hinintuan nito."Manong, puwede ho bang ihatid n'yo ako sa terminal? Hindi ko ho kasi kabisado rito." Matatag niyang sambit kahit nanginginig siya sa kaloob-looban.“Saan ka ba papunta, Ineng?”“Basta ho 'yong may sasakyan palabas... kahit van o jeep. Pabalik po kasi ako sa Maynila ngayon."Nang senyasan siya ng drayber na sumakay na ay agad siyang pumasok sa loob.Nagsimulang umandar ang tricycle, ramdam ni Lilliane ang pagyanig ng malamig na hangin sa kanyang balat. Bawat pag-uga ng sasakyan ay parang
Palabas na sana siya sa pinagtataguan nang bigla siyang mapahinto.Isang paninikip sa ilalim ng tiyan ang sumalubong sa kanya—hindi masakit, pero sapat para mapakapit siya sa malamig na pader ng waiting shed na natatakluban ng matataas na damo.Napakagat siya sa labi, mariing pumikit. Parang pinaaalalahanan siya ng kanyang katawan na hindi na lang siya ang nagmamay-ari rito.Hindi rin niya alam kung gutom ba iyon o pagod. O baka naman… dala lang ng takot—takot na sa kahit anong iglap ay may humila sa kanya mula sa dilim.“Kalma lang, Lilliane...” bulong niya sa sarili habang sinusubukang mag-focus sa paghinga. Isa, dalawa, tatlo.Pero hindi iyon sapat para tuluyang mawala ang kilabot sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya’y binabara ang kanyang lalamunan, habang ang mundo sa paligid ay mabagal na umiikot.Hinagod niya ang sentido, pinipilit na itinutulak ang panghihina pabalik sa ulirat. Ramdam din niya ang panlalamig ng kanyang noo at batok mula sa pawis.'Isang buwan na ba?'Sandali siy
Bumukas ang pinto at sumilip si Manang Beatrice. “Miguel...” Mahinang tawag ni Manang Beatrice—hindi kailanman nasanay na tawagin siyang ‘sir’, maliban na lang kapag may ibang nakikinig. Hindi rin kailanman nagbago ang tono nito, kahit pa naging CEO na siya. “Magpapa-overtime ka ba? O gusto mo nang magpahinga?”Hindi sumagot si Miguel. Bahagya lang niyang inangat ang baso habang nanatiling nakatalikod dito, tinitigan ang kulay brown na likido na tila ba sinasalo ang bigat ng araw na iyon.Nararamdaman ni Beatrice ang mabigat na anyo sa mukha ni Miguel. Isang klase ng katahimikang may kasamang lungkot—hindi siya sanay makakita ng ganoon sa bata niyang amo. Simula nang mabuhay ang kuryosidad nito sa anak ng dating sikat na tech mogul na si Leandro Olivares ay nasaksihan na njya ang mga ganoong uri ng emosyon na hindi niya kailan man nakita rito para sa ibang babae."Hindi mo na kailangang sabihin," bulong ni manang Beatrice, halos hindi marinig. "Kahit hindi ka magsalita ay batid ko na
Tahimik ang buong silid. Nakatayo siya sa floor-to-ceiling na salaming bintana ng opisina at mula roo'y tanaw niya ang unti-unting paglubog ng araw sa likod ng mga gusali ng lungsod. Sa isang kamay ay hawak niya ang isang basong may kulay brown na likido—malamig, ngunit humahagod ang init sa lalamunan kapag nilagok.Ang liwanag ng papalubog na araw ay dahan-dahang hinahaplos ang gilid ng kanyang mukha, nililikha ang aninong tila kalahating nilulunod ng dilim. Ang kanyang mga mata ay animo'y malayo ang tanaw, sinusukat ang lawak ng langit at bigat ng mga desisyong kailangang gawin.Tahimik na sumimsim siyang muli sa baso. Walang imik. Tanging ang tibok ng puso at tunog ng orasan sa dingding ang bumabasag sa katahimikan.Sa kanyang tindig ay taglay ang awtoridad ng isang lider, ngunit sa likod ng malamig na salamin ay may bakas ng pagod at siguro na ri'y pangungulila.Nakatanggap siya ng tawag kanina mula kay Agus. Nasa lungsod daw ang babaeng matagal na niyang hinahanap.Nang marinig n
TRIGGER WARNING: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng graphic at disturbing na mga eksena mula sa pananaw ng isang predatoryong karakter. May tema ng obsessive desire, psychological grooming, at sexual content na maaaring hindi angkop o komportable para sa lahat ng mambabasa. Mag-ingat sa pagpapatuloy. *** Mabilis na bumaba ng taxi si Lilliane at hindi na nag-abala pang kunin ang sukli. Wala na siyang panahon na dapat pang sayangin dahil sigurado na siyang tinutugis na siya ngayon ng kung kanino mang tauhan. Abot-abot ang kanyang kaba pero pinanatili niyang kalmado ang bawat kilos nang sa gayon ay hindi siya mataranta at mawala sa mga plano. Nagtanong siya sa isang ale kung anong oras na at sinabi nito na 4:50 na nang hapon. Mabilis siyang nagpasalamat at pumunta sa harapan ng terminal na binabaan kanina. Nagtatawag ang kundoktor ng bus na byaheng Lucena at malapit na raw itong umalis. Walang pasa-pasakalye na sumakay siya at tinungo ang dulo ng sasakyan kahit hindi niya alam kung
Sa kabilang linya, matalim na tinig ang bumungad sa informant. “Where?” “Mall of Asia. About 23 minutes ago.” Bahagyang nanginig ang mga daliri ng informant habang tina-type niya ang quick command upang kumpirmahin ang ATM details. Mall of Asia, Pasay City Terminal. The timestamp read at 4:17 PM. “She just withdrew ten thousand in Mall of Asia. Want me to dig deeper, boss?” dagdag ng lalaki. Sandaling sumagitsit ang linya bago muling narinig ng informant ang isang mababang boses. “Send me everything. Location, timestamps. I’ll handle the rest.” Napatango ang informant, bumilis ang pintig ng kanyang mga pulso. “Consider it done.” Sa ilang mabilis na pindot ng kanyang mga daliri, mabilis niyang ipinadala ang data packet saka sumandal na may tusong ngiti. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya, ang pangako na dagdag bayad sa kanyang serbisyo sa oras na nakuha niya ang impormasyon na magdadala sa mga ito upang mahuli si Ms. Olivares. Sa kabilang banda, mabilis na tinipon