공유

KABANATA 5

작가: KAYE
last update 게시일: 2026-07-23 21:56:24

Andrea "Andeng" Dimaguiba POV

Kung may isang bagay akong natutunan sa pagiging art restorer, 'yun ay ang katotohanang kayang itago ng magandang frame ang kahit anong pekeng pintura sa loob nito.

Ganoon na ganoon ang pakiramdam ko habang nakatitig sa salamin ngayong gabi. Sinuotan ako ng stylists ni Nico ng isang elegante, hapit na emerald green cocktail dress. Nakaayos ang buhok ko sa isang malinis na bun, at may manipis pero mamahaling makeup sa mukha ko. Nawala ang dugyot na si Andeng na lumusong sa baha kahapon. Ang nakatayo ngayon sa harap ko ay si Andrea Dimaguiba—isang sopistikadang art curator na tila lumaki sa ibang bansa.

Pero sa ilalim ng magandang frame na ito, nanginginig pa rin ang tuhod ko sa kaba.

"Not bad," isang baritonong boses ang pumutol sa pagmuni-muni ko.

Lumingon ako sa may p***o at nakita si Nico. Suot niya ang isang charcoal gray bespoke suit na hapit na hapit sa kanyang malapad na balikat. Ang puting polo sa loob ay may nakabukas na unang dalawang butones, dahilan para magmukha siyang mapanganib pero sobrang gwapo. May kung anong kuryente akong naramdaman nang magtama ang mga mata namin.

"Salamat sa sponsorship ng damit, Ser. Medyo sumisikip lang sa may dibdib pero keri naman," biro ko para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin.

Napa-smirk si Nico. "Just do your job, Andrea. The investors are here. Mamaya na natin pag-usapan ang fit ng damit mo."

Kasunod niya ay lumabas din si Zeke mula sa tabi ng pader, nakasuot ng maliit na tuxedo na katulad ng kay Nico. Ang cute-cute niya, mukhang anghel. Pero nang magtama ang tingin naming dalawa, dahan-dahan niyang inangat ang suot niyang laruang walkie-talkie at kinindatan ako. Doon ko narealize na bago ang suot ng batang ito, pero ang utak, sindikato pa rin.

"Partner, do you copy?" bulong sa akin ni Zeke nang makalapit siya.

"Ano na namang kalokohan 'yan, Zeke? Umayos ka mamaya, ha. Professional art curator ako rito," bulong ko pabalik habang pababa kami sa grand staircase ng mansyon.

Pagdating sa malawak na sala, sinalubong kami ng tatlong dayuhang investors at ng kanilang mga asawa. Sa gilid, napansin ko rin ang isang babaeng nakasuot ng sobrang ikling pulang dress na parang sasayaw sa club. Ang kapal ng makeup niya, at ang tingin niya kay Nico ay parang gusto niya itong kainin nang buhay.

"Nico, babe! You're finally here!" maarteng tili ng babaeng naka-red dress sabay kapit sa braso ni Nico.

Halatang nairita ang panga ni Nico pero pinigilan niya ang sarili. "Chloe. I told you, this is a private business dinner."

"Oh, come on. Hindi naman ako iba sa 'yo, 'di ba?" sabi ni Chloe na may kasama pang haplos sa dibdib ni Nico. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin nang may mapang-maliit na tingin. "And who is this... girl? Bagong maid mo?"

Bago pa man ako makasagot, pumagitna si Zeke at hinarangan si Chloe. "She is not a maid, Tita Chloe. She is my personal nanny and Tito Nico's art curator. At mas maganda po siya sa 'yo kapag walang makeup."

Muntik na akong humagalpak ng tawa. Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ni Nico. Halatang pinipigilan niya ring matawa.

"Zeke! Where are your manners?" kunwaring saway ni Chloe, pero halatang nanggigigil na siya.

Nagsimula ang dinner, at doon ko na ipinakita ang gilas ko. Habang naglalakad ang mga investors sa paligid ng mansyon para tingnan ang mga nakasabit na paintings, ipinaliwanag ko ang kasaysayan ng bawat obra. Gumamit ako ng mga malalalim na art terminologies na nakuha ko sa kolehiyo, habang isinasalin ito sa simpleng Ingles na madaling maintindihan. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mukha ng investors, lalo na nang ipaliwanag ko kung paano i-preserve ang canvas mula sa humidity ng Pilipinas.

Minsan akong sumulyap kay Nico. Nakatitig siya sa akin mula sa malayo, may hawak na baso ng wine. May kakaibang kislap sa mga mata niya na nagpabilis sa tibok ng puso ko. Mukhang proud siya sa naging performance ko.

Pero siyempre, kapag may maayos na eksena, asahan mong may sisira.

Habang nagsisilbi ako ng drinks para sa mga bisita, lumapit sa akin si Chloe sa may buffet table. Walang nakatingin sa amin dahil abala sina Nico sa pakikipag-usap sa gilid.

"Listen to me, you cheap gold-digger," bulong ni Chloe sa akin, ang boses ay puno ng lason habang dinuduro ako gamit ang mahahaba niyang kuko. "I know your type. Kunwari art curator pero ang totoo, gumagamit ka lang ng bata para makalapit kay Nico. Hinding-hindi ka magiging bagay sa pamilyang 'to."

Sasagot na sana ako nang marinig ko ang mahinang static mula sa bulsa ko. Doon ko lang narealize na isinilid pala ni Zeke ang kabilang walkie-talkie sa bulsa ng dress ko kanina.

Sshhhk. "Partner, target locked. Execute Plan Red Wine. Do you copy?" bulong ng boses ni Zeke mula sa speaker ng walkie-talkie.

"Zeke, huwag!" pabulong kong sigaw, pero huli na.

Mabilis na tumakbo si Zeke papalapit sa kinaroroonan namin habang may hawak na laruang kotse. Sinasadya niyang ibato ang laruan sa ilalim ng takong ni Chloe. Dahil naka-stiletto si Chloe, nawalan siya ng balanse.

"Ahhh!" tili ni Chloe habang natitumba.

Para hindi siya tuluyang sumubsob sa sahig, mabilis na humakbang si Nico para saluhin siya. Pero sa kasamaang palad, sa sobrang gulo ng eksena, nasagi ng siko ko ang hawak kong tray na may mga baso ng mamahaling red wine.

Splaaash!

Hindi sa sahig natapon ang red wine. Kundi direkta sa mukha, leeg, at mamahaling puting polo ni Nico habang nakayakap pa sa kanya si Chloe.

Natahimik ang buong sala. Ang mga investors ay napasinghap. Si Chloe naman ay napanganga habang nakatitig sa tito niyang basang-basa ng pulang likido, parang biktima sa isang horror movie.

"My polo..." bulong ni Nico, ang mga mata niya ay dahan-dahang pumikit bago idilat muli nang may matinding galit habang nakatingin sa akin. "Andrea!"

"S-Ser! Sorry! Accidentally ko lang naman na—"

Bago ko pa man matapos ang paghingi ko ng tawad, biglang bumukas nang malakas ang dambuhalang p***o ng mansyon. Isang grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng mga itim na jacket ang pumasok. Nanguna sa kanila ang isang lalaking may katabaan, may hawak na sigarilyo, at may makapal na gintong kuwintas sa leeg.

Si tito Boyet.

"Andeng! Sabi ko na nga ba nandito ka lang sa Forbes Park! May nag-tip sa akin na may pumasok na basang babae sa gate na 'to!" sigaw ni tito Boyet habang itinuturo ako ng kanyang hawak na stick ng sigarilyo. Ang tatlong goons niya ay mabilis na humarang sa p***o para walang makalabas.

"Sino kayo? Guard! Security!" sigaw ni Chloe habang nanginginig sa takot.

Mabilis na humakbang si tito Boyet papalapit sa amin. "Pasensya na sa istorbo, mga mayayaman. Pero kukunin ko lang ang stepdaughter ko. May utang pa kasi 'yan sa akin na kailangang bayaran."

Naramdaman ko ang lamig sa buong katawan ko. Ito na ang katapusan ko. Hahawakan na sana ako ng isa sa mga goons ni tito Boyet nang biglang pumagitna si Nico.

Kahit basang-basa siya ng red wine, hindi nawala ang nakakatakot niyang awra bilang isang makapangyarihang bilyonaryo. Hinarangan niya ako gamit ang kanyang katawan, habang si Zeke naman ay mabilis na yumakap sa binti ko para protektahan ako.

"Sino ka para pumasok sa bahay ko nang walang permiso?" malamig na tanong ni Nico kay tito Boyet.

"Ako ang tatay niya! At may karapatan akong kunin siya!" sagot ni tito Boyet, pilit na nagmamatapang. "Kahit bilyonaryo ka pa, wala kang pakialam sa pamilya namin!"

Tumingin si Nico sa akin nang isang segundo, pagkatapos ay muling hinarap ang aking stepfather. Isang nakakatakot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

Bago pa man makakilos si tito Boyet, biglang hinawakan ni Nico ang likod ng leeg ko, hinila ang mukha ko papalapit sa kanya, at idinampi ang kanyang labi sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang utak ko ay literal na nag-crash na parang lumang computer. Ramdam ko ang tamis ng red wine sa mga labi niya, halo sa init ng kanyang hininga. Isang mahaba, mariin, at mabilis na halik ang ibinigay niya sa akin na nagpatigil sa ikot ng mundo ko.

Nang dahan-dahan niyang ilayo ang kanyang mukha, nanatili pa rin siyang nakahawak sa aking baywang, habang pinapanatili ang kanyang matatalas na tingin kay tito Boyet.

"You have no right over her anymore," seryoso at mariing wika ni Nico, nangingibabaw ang awtoridad sa kanyang boses na yumanig sa buong silid. "She is not just the nanny. She is my fiancée. Get out of my house."

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • ACCIDENTALLY HIS FIANCEE   KABANATA 5

    Andrea "Andeng" Dimaguiba POVKung may isang bagay akong natutunan sa pagiging art restorer, 'yun ay ang katotohanang kayang itago ng magandang frame ang kahit anong pekeng pintura sa loob nito.Ganoon na ganoon ang pakiramdam ko habang nakatitig sa salamin ngayong gabi. Sinuotan ako ng stylists ni Nico ng isang elegante, hapit na emerald green cocktail dress. Nakaayos ang buhok ko sa isang malinis na bun, at may manipis pero mamahaling makeup sa mukha ko. Nawala ang dugyot na si Andeng na lumusong sa baha kahapon. Ang nakatayo ngayon sa harap ko ay si Andrea Dimaguiba—isang sopistikadang art curator na tila lumaki sa ibang bansa.Pero sa ilalim ng magandang frame na ito, nanginginig pa rin ang tuhod ko sa kaba."Not bad," isang baritonong boses ang pumutol sa pagmuni-muni ko.Lumingon ako sa may pinto at nakita si Nico. Suot niya ang isang charcoal gray bespoke suit na hapit na hapit sa kanyang malapad na balikat. Ang puting polo sa loob ay may nakabukas na unang dalawang butones, da

  • ACCIDENTALLY HIS FIANCEE   KABANATA 4

    Andrea "Andeng" Dimaguiba POV"Buntis?!"Literal akong nabilaukan sa sarili kong laway. Gusto kong hilahin ang dila ni Zeke at plantsahin 'to sa sobrang daldal. Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa bata, pero ang maliit na demonyo, kumindat pa sa akin nang patago.Dahan-dahang lumayo sa akin si Nico. Ang tingin niya ay bumaba sa tiyan ko na natatakpan ng suot kong oversized shirt niya, pagkatapos ay tumingin siya kay Zeke na may pagdududa."Zeke," seryosong tawag ni Nico, ang boses ay parang yelo sa lamig. "Sino ang ama? At kailan pa naging buntis ang nannies mo?""I don't know, Tito! Sabi niya sa akin kagabi, baby ko raw ang nasa tiyan niya!" sagot ni Zeke habang nakahawak sa pisngi niya na parang stress na stress na tatay."Hoy, ang kapal ng mukha mong bata ka!" Singhal ko na hindi ko na napigilan. "Anong baby mo? Ang sabi ko kagabi, busog ako dahil kumain ako ng natirang burger mo sa sasakyan! Sabi ko may food baby ako! Magkaiba 'yon!"Tumingin ako kay Nico na mukhang hi

  • ACCIDENTALLY HIS FIANCEE   KABANATA 3

    Andrea "Andeng" Dimaguiba POVKung akala ko ay mahimbing matulog ang bilyonaryong tito ni Zeke, nagkamali ako. O sadyang napakalakas lang talaga ng pang-amoy ng pamilya nila pagdating sa pagkain.Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ako. Mahirap matulog sa silid-alagaan na ibinigay sa akin ni Manang—ang housekeeper na mukhang laging nagdududa sa pagkatao ko. Para sa isang taong galing sa baha at tumatakas sa stepfather niyang mukhang pera, ang malambot na kama rito ay parang langit na may kasamang aircon. Pero hindi ako pwedeng magpetiks.Dahil wala akong dalang ibang damit kundi ang basang pangkasal na pinalitan ko kagabi, binigyan ako ni Zeke ng isa sa mga t-shirt ng tito niya mula sa laundry room. Oversized white tee ito na may logo ng isang mamahaling designer brand. Abot-hita ko na ang haba, daig ko pa ang naka-dress. Amoy mamahaling detergent at pabango na may kaunting tapang ng menthol.Para makabawi sa "board and lodging" at para hindi rin ako magmukhang pabigat habang nakata

  • ACCIDENTALLY HIS FIANCEE   KABANATA 2

    Andrea "Andeng" Dimaguiba POVHalos kalahating oras din kaming bumabyahe. Mula sa mabagal at umuusad na traffic sa España, naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng takbo ng SUV. Niyakap ko nang mas mahigpit ang bag ko. Kahit papaano, medyo natuyo na ang luha ko pero ang lamig naman ng aircon ang nagpapasakit sa mga ngipin ko ngayon. Sobrang lakas ng aircon, daig ko pa ang nakatira sa loob ng freezer.Sumilip ako sa maliit na siwang ng compartment. Nakita ko sa bintana na nag-iba na ang paligid. Wala na ang mga naglalakihang billboards ng Quiapo at ang mga madidilim na eskinita. Pinalitan na ito ng mga nagtataasang pader na nababalutan ng mga gumagapang na halaman, at mga dambuhalang puno na tila nagbibigay ng lilim sa malalawak na kalsada.Forbes Park.Seryoso ba ’to? Saan ba ako dinala ng batang ito? Sa subdivision ng mga bilyonaryo?Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang naglalakihang gate na gawa sa itim na bakal. Kusang bumukas ang gate at pumasok ang SUV sa isang sementadong dri

  • ACCIDENTALLY HIS FIANCEE   KABANATA 1

    Andrea "Andeng" Dimaguiba POV"Andeng! Bumalik ka rito! Huwag mong sayangin ang limang milyong piso!"Rinig na rinig ko ang boses ng stepfather kong si tito Boyet mula sa likuran ko, nangingibabaw kahit sa ingay ng kulog at bagsak ng ulan. Napasapo ako sa strap ng suot kong backpack habang lumulusong sa baha na abot-tuhod na rito sa may bahagi ng España. Basa na ang suot kong kupasing t-shirt at maong shorts, pero wala akong pakialam. Ang tanging mahalaga lang sa akin ay ang protektadong rolyo ng canvas sa loob ng backpack ko—ang huling orihinal na painting na ginawa ng yumaong nanay ko bago siya kinuha ng cancer.Gusto akong ibenta ni tito Boyet sa isang matandang banyaga para pambayad sa milyong utang niya sa casino. At ang mas malala, isasama niya pa ang painting ko bilang "freebie."Over my dead body."Bilisan niyo! Hawakan niyo 'yang batang 'yan!" sigaw muli ni tito Boyet. Lumingon ako nang bahagya at nakitang kasama niya ang tatlong goons ng pinagkakautangan niya. Papalapit na s

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status