Masuk
Sa ikatlong taon ng pakikipag-relasyon ni Beatrice sa kanyang "puppy boyfriend" na mas bata sa kanya ay nagpasya siyang mag-propose na rito.
Maingat siyang naghanda ng isang candlelight dinner. Nagsuot siya ng isang magandang damit at nag-ayos ng mukha para maging mas kaakit-akit ang kanyang itsura. Habang nagsasalin siya ng red wine ay bigla siyang niyakap ni Benedict mula sa likuran. Ramdam ni Beatrice ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga habang bumubulong “Naisip mo na ba sa wakas, Beatrice? Ngayong gabi ba…?” Mahigpit na pumulupot ang matipunong braso nito sa kanyang baywang habang ang mahahabang daliri nito ay dahan-dahang humahaplos sa tela ng kanyang damit. Humarap si Beatrice at bahagyang tinulak ang dibdib ng binata. “Tigil na muna. Kumain muna tayo.” Si Benedict ay tatlong taon ang bata sa kanya at magtatapos na sa kolehiyo. Matangkad ang binata at kahit simpleng puting T-shirt lang ang suot nito ay bakas pa rin ang malapad na balikat, maliit na baywang at matitigas na pandesal sa tiyan. Matalim at guwapo ang mga katangian ng mukha nito na parang sikat ng araw sa umaga na punong-puno ng sigla. Tumawa nang mahina ang binata at nakakalokong ngumiti. Humakbang ito papalapit at kinulong siya sa pagitan ng mga braso nito. Hinawakan nito ang kanyang manipis na pulso at isinandal siya sa wine cabinet bago siya hinalikan nang malalim. Sa ilalim ng aandap-andap na liwanag ng kandila ay lalong naging mapusok ang mga halik nito. Muntik nang madala si Beatrice sa sidhi ng pagmamahal ng kanyang “puppy boyfriend.” Pero dahil may seryoso siyang sasabihin ay pinigilan niya ito bago pa man lumalim ang lahat. Bahagyang dumilim ang tingin ng binata. Kinagat nito ang labi at pabulong na nagsalita nang paos “Beatrice… huwag na tayong mag-hapunan. Ako na lang ang kainin mo.” Natawa nang mahina si Beatrice. Ang ganda ng kanyang mukha lalo na kapag ganito. Bagama't tatlong taon ang tanda niya rito ay madalas siyang magmukhang suplada dahil sa bigat ng trabaho. Tinatagurian pa nga siyang “Ice Queen” ng mga kaibigan ni Benedict pero kapag ngumingiti na siya ay parang yelong natutunaw sa ganda. Dahil dito ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Benedict. Sa isip ng binata ay ang excitement na mapasakamay niya ang babae ngayong gabi ay hindi na niya mapigilan. “Maupo ka na,” paalala ni Beatrice. Nagsalin ng alak si Beatrice at tiningnan ang lalaking masunuring umupo. Iyon ang pinakagusto niya sa kanyang puppy boyfriend, napaka-amo nito. Inilapag niya ang baso at naupo sa tapat nito. Sa gitna ng madilim na dilaw na ilaw ay may kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Bihirang magpakita ng hiya si Beatrice pero ngayon ay tila naninibago siya. “Benedict, mahal mo ba ako?” Hinawakan ng lalaki ang likod ng kanyang kamay. Ang mapaglarong tingin nito ay napalitan ng seryosong ekspresyon. “Tatlong taon mo na akong sinusubok. Hindi mo pa ba alam ang nararamdaman ko? Siyempre, mahal kita, Beatrice.” Ngumiti nang bahagya si Beatrice at naglabas ng isang velvet box. “Para sa’yo.” Sa loob nito ay isang simpleng singsing na pilak na kumikinang sa liwanag. Biglang nagbago ang mukha ni Benedict, sa halip na matuwa ay tila nagng bato siya sa gulat at lamig. Inisip ni Benedict na baka nabigla lang ito o hindi pa handa ang isip. “Beatrice… anong ibig sabihin nito?” “Kinukulit na ako ng pamilya ko. Gusto na kitang ipakilala sa kanila para maayos na ang kasal natin.” paliwanag ni Beatrice habang nakatitig sa mga mata nito. “Bakit? Ayaw mo ba?” Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay kitang-kita ng lahat kung gaano siya kamahal ni Benedict. Kung hindi ay hindi sila mananatili sa ilalim ng iisang bubong nang walang nangyayaring lampas sa hangganan. Inabot ng tatlong taon si Beatrice bago tuluyang tanggapin ang binatang ito. Siyempre, nang sagutin niya ito noon ay hindi lang dahil sa tiyaga nito kundi dahil nalaman na rin niya ang background nito. Siya ang batang tagapagmana ng pamilya Mendoza sa Quezon City. Itinago nito ang tunay na pagkatao para mag-aral sa timog at mamuhay na parang ordinaryong tao sa loob ng apat na taon. Magkaiba ang sitwasyon nila. Si Beatrice ang panganay na anak ng pamilya Aquino na kinalimutan na ng ama. Matapos mamatay ang kanyang ina ay dinala ng ama ang kabit at anak sa labas sa kanilang bahay at siya naman ay ipinatapon sa ibang probinsya nang maraming taon. Pagkabalik niya ay gusto niyang mabawi ang puwesto niya sa pamilya Aquino. Sinunod niya ang payo ng kanyang lolo na talikuran niya ang marangyang buhay at hawakan ang isang kumpanyang malapit nang malugi. Kung mapapalago niya ito sa loob ng tatlong taon ay ibibigay sa kanya ng kanyang lolo ang negosyo ng pamilya. Ang pamilya Mendoza at Aquino ay parehong makapangyarihan. Bagay na bagay sila, sa yaman man o sa pag-ibig. Ngayong napatunayan na niya ang sarili ay nabalitaan niyang may planong pag-isahin ang dalawang pamilya sa pamamagitan ng kasal. Upang hindi siya maunahan ng kanyang kapatid sa labas ay nagpasya si Beatrice na panahon na para ilantad ang lahat. Akala niya ay maglulundag sa tuwa si Gabriel ngunit kabaligtaran ang nangyari. Puno ng takot ang mukha nito. Ang singsing na pinili niya na may ukit pa ng kanilang mga initials ay tila isang sumpa para sa lalaki. Hindi man lang nito magawang hawakan ang singsing. “Beatrice, masyadong biglaan ito. Hindi pa ako handa.” sabi ni Benedict sabay tayo. Biglang naging malamig ang pakikitungo nito “Ay, oo nga pala, pinapatawag ako ni Paul. Kailangan ko nang umalis.” Nagmamadali itong lumabas at nakalimutan pa nitong magpalit ng sapatos. Malakas na bumagsak ang pinto at narinig na lang ni Beatrice ang pag-alis ng sasakyan nito. Nakatitig lang si Beatrice sa singsing na hindi man lang nahawakan ng binata. Mukhang wala pala itong balak na pakasalan siya. Napatingin din siya sa simpleng bracelet sa kanyang kamay na tila nangungutya sa kanyang maling akala. Binili ito ni Benedict noong unang taon nila. Nagtrabaho pa ito ng isang buwan para lang makaipon ng anim na libong piso para mabili iyon. Kahit alam niyang mayaman ang pamilya ni Benedict ay nakita niya kung paano ito naghirap sa initan para lang kumita ng sariling pera. Doon siya tunay na nahulog sa kanya. Akala ni Benedict na si Beatrice ay may-ari lang ng isang maliit na kumpanyang malapit nang malugi kaya pinangako nito na kapag yumaman ito ay hindi niya kailanang magpakagod sa pagtatrabaho. Nagpanggap itong mahirap na estudyante. Nagpanggap naman siyang hirap na negosyante. Nalampasan nila ang mga pagsubok nang magkasama pero ngayong oras na para maging tapat ay bigla itong umatras. Hatinggabi na pero hindi pa rin bumabalik si Benedict. Sabi nito noon ay ang mabuting lalaki ay umuuwi bago mag-alas dose. Tinawagan ni Beatrice ang cellphone nito pero nakapatay ito. Ganoon ba siya natakot sa alok na kasal? Pumunta si Beatrice sa bar na madalas nilang tambayan para kausapin ito nang maayos. Bahagyang nakabukas ang pinto ng private room. Bago pa siya makapasok ay nakita niya ang lalaki sa loob na humihithit ng sigarilyo. Alam niyang naninigarilyo ito pero nang minsang masabi niyang masama iyon sa katawan ay hindi na ito nanigarilyo sa harap niya. Nagbulag-bulagan na lang siya noon. Sa harap niya ay palaging masunurin ang binata. Sobrang sunod-sunuran kaya marami siyang hindi napapansing maliliit na detalye. Pero ngayon, ang masunuring "puppy" na iyon ay mukhang katulad lang ng ibang lalaki. May yakap na magandang babae habang nakapatong ang mga binti sa sofa. Sanay na sanay itong magpa-sindi ng sigarilyo sa babae. Ang pulang apoy ay kumikislap sa pagitan ng kanyang mga daliri. Isang kaibigan ang tumawa nang nangungutya. “Young Master Mendoza, sabi ko naman sa’yo makipag-break ka na noon pa. O ayan tuloy na-inlove na sa’yo at gusto ka pang pakasalan. Alam ba niya kung sino ka talaga?” Nanigas si Beatrice sa labas ng pinto. Ang mga kaibigan na tawagin siyang "Ate" sa harap niya ay iba na pala ang tawag sa kanya sa likuran. Nagbuga ng usok si Benedict at kinagat ang ubas na isinusubo ng babae. Malamig ang tingin nito naparang isang estranghero. “Nananaginip siya. Akala ba niya ay makakapasok siya sa pamilya Mendoza? Impossible. Pinakamataas na siguro na gawin ko siyang 'canary' o itatago ko na lang siya rito.” “Tama ‘yan. May nakatakda ka na ring kasal sa pamilya Aquino. Isang babae sa timog, isa sa hilaga, basta’t hindi makarating sa pandinig ni Miss Aquino ay ayos lang.” Paalala naman ng isa sa kanya, “Benedict, malapit na matapos ang pustahan natin. Kapag natalo ka…” Bumalot ang puting usok sa mukha ng lalaki kaya hindi na maaninag ang emosyon nito. Pero malinaw at malamig ang kanyang boses. “Huwag kayong mag-alala dahil bago ako bumalik ng Quezon City ay sisiguraduhin kong matutulog muna siya sa tabi ko. Masyado na akong matagal nagpanggap na inosente. Panahon na para tapusin ang laro.”Pagkalatag pa lamang ng pagkain sa mesa ay tila agad nagbago ang hangin sa pagitan nila. Tahimik. Mabigat. At mapanganib sa paraang hindi maipaliwanag ni Beatrice. Nakatayo siya sa gilid ng mesa habang hawak ang serving spoon, pilit inaayos ang sarili kahit ramdam niya ang titig ni Ezekiel na tila kayang sumilip hanggang sa pinakaubod ng kaniyang iniisip. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng lalaki. Diretso. Mapangahas. At higit sa lahat aynmasyadong sanay na nakukuha ang anumang gusto nito. Bahagyang namula ang kaniyang pisngi nang maalala ang sinabi nito kanina. Ang paraan ng pagkakasambit nito sa simpleng salitang iyon ay para bang may nakatagong kahulugan. Parang hindi pagkain ang nais nitong tikman ngayong tanghali. Bahagya niyang iniwas ang tingin at pilit binago ang usapan. “How can I eat while you’re holding me?” mahinang reklamo niya habang sinusubukang alisin ang kamay ng lalaki sa kaniyang baywang. Ngunit sa halip na bitawan siya ay mas lalo lamang
Pagpasok pa lamang ni Beatrice sa villa ay agad siyang sinalubong ng malamig na katahimikan. Walang tunog ng telebisyon. Walang bakas ng buhay. Tanging mahihinang yabag lamang niya sa marmol na sahig ang maririnig sa loob ng napakalawak na bahay. Malinis. Sobrang linis. Parang walang taong nakatira. Bahagya siyang napangiti habang inaalis ang kaniyang high heels. Ganoon nga siguro si Ezekiel, maayos, kontrolado, at imposibleng basahin. Kahit ang buong villa nito ay tila repleksyon ng personalidad ng lalaki. Minimalist ang disenyo ng interior. Malalamig ang kulay. Eleganteng tingnan ngunit walang init. Parang siya mismo. Binuksan niya ang shoe cabinet at nakitang puro panlalaking tsinelas lamang ang laman nito. Kumuha siya ng bagong pares at isinuot iyon bago binuhat ang mga pinamiling grocery papuntang kusina. Tahimik siyang gumalaw roon na para bang matagal na niyang bahay iyon. Una niyang inilagay ang sabaw sa clay pot upang dahan-dahang kumulo. Kasunod noon ay inayos niya
Nanatiling nakapako ang tingin ni Benedict sa iisang salita sa screen ng kaniyang cellphone. Wife. Simple lamang iyon. Isang salita. Isang tawag. Ngunit tila may kung anong malamig na kamay ang marahang pumisil sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa. Sa buong buhay niya ay hindi niya kailanman naisip na ang lalaking tulad ng kanyang tiyuhin ay mag-aasawa nang ganoon kadali. Malamig. Mailap. Parang taong ipinanganak na walang kakayahang magmahal. Noong una pa man ay inakala na niyang baka lihim na kasal na ang tiyuhin niya sa ibang bansa. Dalawang taon pa nga siyang nagpasuri ng records sa Europe dahil kumbinsido siyang imposibleng walang babaeng kayang makalapit sa lalaking iyon. Ngunit wala siyang nakita. Malinis. Walang eskandalo. Walang babae. Parang mataas at banal na bulaklak na hindi kayang maabot ng kahit sino. At ngayon ay ilang araw matapos nitong banggitin ang tungkol sa marriage alliance ay bigla ito
Pagdating ni Beatrice sa lumang mansyon ng kanilang pamilya ay nananatili pa rin sa katawan niya ang amoy ng alak. Huminto siya sa foyer habang hinuhubad ang kaniyang heels. Sa itaas ng hagdan ay dahan-dahang bumaba si Alexa suot ang manipis na silk robe na kulay champagne. Nakatupi ang mga braso nito habang may nakakalokong ngiti sa labi. “Oh? Big sister’s finally back.” Marahang umangat ang tingin ni Beatrice. “How much did you drink tonight?” dagdag nito habang tila inosenteng nag-aalala. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Beatrice habang ibinibigay ang bag sa katulong. “A friend opened a new club. I went there to show support.” Huminto siya sandali bago malamig na nagpatuloy. “And yes, I had a few drinks.” Bahagyang tumawa si Alexa. “Big sister, nobody cares how you behave abroad.” Mabagal nitong binigkas ang bawat salita. “But this is Philippines. Every move you make represents the Aquino family.” Nanatiling kalmado si Beatrice. “Thanks for the reminder.” Pag
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Beatrice nang marinig niya ang mungkahi ng lalaki. “I’ve tried love before,” kalmadong sabi niya habang diretso ang tingin kay Ezekiel. “And honestly, it doesn’t suit me.” Hindi siya ngumiti matapos sabihin iyon. “If you want a wife who will look at you like you’re her whole world, then I’m probably not the right woman for you.” Tahimik na nakinig ang lalaki. Bagay na ikinagulat niya. Karamihan sa mga lalaking katulad niya na mayaman, makapangyarihan, mataas ang pride ay hindi gusto ang babaeng masyadong diretso magsalita. Ngunit si Ezekiel ay nanatiling nakatitig lamang sa kaniya na tila mas interesado pa lalo. “I’ve always had a rebellious streak,” dagdag niya habang marahang itinataas ang baba. “I don’t play nice.” Bahagyang kumislap ang malamig niyang mga mata. “Your nephew betrayed me, and he’s still walking around the City peacefully. I’m not the type of woman who forgives and forgets.” Hindi iyon pagbabanta. “Mr. Men
There probably wasn’t a man in the world who could resist that voice. Mahina. Malambot. Nakakabighani. Bahagyang gumalaw ang adam’s apple ni Ezekiel habang nakatitig siya kay Beatrice. Sa madilim na ilaw ng silid ay lalo lamang naging mapanganib ang mukha nito. Magsasalita na sana siya nang biglang may boses na nagmula sa hagdan. “Uncle, you’re back.” Agad nanigas ang katawan ni Beatrice. Napalingon siya sa direksyon ng boses at sa pagitan ng bahagyang bukas na pintuan ay nakita niya ang isang binatang pababa ng hagdan. Magulo ang buhok nito at walang suot na pang-itaas, halatang bagong gising at walang anumang pakialam sa itsura. Ngunit sa isang iglap ay may kung anong nakakagulat na ideya ang sumagi sa isip niya. Nagbago agad ang ekspresyon niya. Bago pa siya makapagsalita ay may mainit na palad na tumakip sa kaniyang mga mata. “Throw away those dirty thoughts in your head,” malamig ngunit mabilis na sabi ni Ezekiel. “It’s not what you think.” Saglit siyang nat







