LOGINTahimik na tinupi ni Beatrice ang huling piraso ng damit bago ito isinabit nang maayos sa loob ng cabinet. Ang bawat galaw niya ay mabagal at kontrolado na tila walang anumang bagay sa mundong ito ang kayang gumulo sa kanyang isip.Ngunit kabaligtaran iyon ng nararamdaman ni Alexa.Habang nakatayo sa gitna ng silid ay mahigpit nitong nakakuyom ang mga kamay. Punong-puno ng inggit ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang babaeng matagal niyang inisip na tuluyan nang mawawala sa buhay nila. Pero heto ito ngayon. Mas maganda. Mas elegante. At higit sa lahat ay mas mapanganib. “All these years you were gone,” malamig niyang sambit habang nakataas ang baba, “Did Dad even ask about you even once? Wala kang lugar sa puso niya.” Walang sagot. Patuloy lamang siya sa pagsasaayos ng mga gamit na para bang walang narinig. Lalong sumama ang timpla ni Alexa. “Everything that belonged to you is already mine. Your father, your room…” mapakla siyang ngumiti, “even your man.” Hum
Ang lalaking nakatayo sa harapan niya ay matangkad at matipuno. Noong gabing iyon ay personal na napatunayan ni Beatrice ang lakas na itinatago ng mga bisig na iyon. Hindi lamang ang pisikal na pangangatawan nito ang kahanga-hanga pati ang stamina nito ay parang isang bagyong walang kapaguran. Sa mukha pa lamang nito ay parang isang artista, tipong kahit hindi ito magsalita ay mapapalingon ka na. Kung hindi man bilang asawa ay kahit dalhin lang bilang boyfriend sa isang pagtitipon ay siguradong ipagmamalaki. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya kabilang sa pamilya Mendoza. Ayon sa mga narinig niya ang tiyuhin ni Benedict ay dapat nasa edad kwarenta pataas. Balita niya ang lalaking iyon ay kakaiba ang ugali, mailap, at kalahati ng buhay ay ginugol sa militar. Isang makaluma, istrikto, at malamig na tao. Kaya naman, kahit kailan ay hindi niya iniuugnay ang lalaking kaharap niya ngayon sa katauhang iyon. “Sorry, we’re not suitable for each other,” malamig niyang wika, pilit
Ang katahimikan sa loob ng marangyang silid ni Benedict ay tila isang malakas na delubyong unti-unting sumisira sa kanyang pagkatao. Bigla niyang naalala ang mga nagdaang araw, ang mga sandaling si Beatrice ay tila laging may gustong sabihin ngunit nananatiling tikom ang bibig. Naalala niya ang mga gabing nakikita niyang namumugto ang mga mata nito at ang mga pagkakataong ang palaging matapang at independent na babae ay naging kakaiba ang lambing sa kanya. So that sudden proposal… ang mapait na bulong ng kanyang isip habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Kaya pala nagmamadali itong magpakasal ay hindi dahil sa pagkabaliw sa pag-ibig kundi dahil alam nitong nauubos na ang kanyang oras. Gusto lang niyang tuparin ang huling hiling bago ang tuluyang paglisan. "What have I done?" bulong niya sa sarili habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Habang ang babaeng mahal niya ay nagsusuka at nasa pinakamahina nitong estado at nangangailangan ng balikat na masasandalan, nasaan siya? He w
Sa loob ng sumunod na dalawang araw ay tila isang mahusay na aktres si Beatrice na nagtatanghal sa isang entablado kung saan ang tanging madla ay isang "teddy bear" na may nakatagong mata. Madalas siyang tumatayo malapit dito, sinasadya ang bawat galaw, bawat buntong-hininga. Minsan ay hinahawakan niya ang kanyang tiyan, namimilipit sa kunwaring sakit at mabilis na tatakbo patungo sa banyo. Sa kanyang pagbabalik ay sinasadya niyang mag-iwan ng mantsa sa gilid ng kanyang labi, mga bakas na nagmumukhang masamang palatandaan ng isang may sakit. Habang ginagawa ito ay hindi tumitigil ang pagdating ng mga ulat mula kay "Alexa." Bawat detalye ng kanilang "progress" ni Benedict ay parang patalim na sumasaksak sa kanyang alaala ngunit hindi na siya nasasaktan. No wonder she hadn’t seen Benedict these past few days, he had been with Alexa the entire time. Magkasama silang naglalaro sa mga escape rooms, tumatalon mula sa eroplano para sa skydiving at nagpapakalunod sa ingay ng mga club. Mga l
“His uncle?”Mahinang tinapik ni Beatrice ang manibela habang nakatitig sa kawalan. Ang bawat pagtama ng kanyang daliri sa steering wheel ay tila ba tunog ng isang orasan na nagbibilang ng bawat segundong lumilipas patungo sa isang bagong yugto ng kanyang buhay. Malamig ang kanyang tinig, walang bakas ng gulat, tanging purong interes lamang.“Opo, Miss. He’s been developing his business overseas for years and still unmarried,” sagot ng katiwala na tila naging tanging sandigan niya sa gitna ng gulo. “I heard he’ll be returning to the country soon. Kung magagawa ninyong mapalapit at mapakasalan siya ay kayo ang magkakaroon ng tunay na boses sa pamilya Mendoza. That young master... si Benedict, bata pa siya. He hasn’t officially taken over the family yet. In this world of power, who knows what will happen in the future?”Nanatiling tahimik si Beatrice ngunit sa kanyang isipan ay may namumuo ng plano. May malalim na pahiwatig ang mga salita ng butler. Kung ang tiyuhin na ito ang may hawak
Biglang napabalikwas ng upo si Beatrice, ang kanyang puso ay tila tambol na mabilis ang pagtibok dahil sa gulat ngunit ang mabilis na galaw na iyon ay agad na napalitan ng matinding kirot. Napangiwi siya habang nararamdaman ang bawat sakit mula sa kanyang sariwang sugat. Kasabay ng hapdi ng katawan ay ang pag-agos ng mga alaala ng nagdaang gabi, mga tagpong pilit niyang ibinabaon ngunit tila malinaw na pelikulang naglalaro sa kanyang isipan.At ang lalaking bida sa mga mapangahas na alaalang iyon ay naroon, nakatayo sa mismong harapan niya.Sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng klinika ay mas lalong naging malinaw ang bawat anggulo ng mukha nito. He looked even more lethal than the blurry image she remembered through her drunken haze. Kung hindi lang niya alam na walang kapatid si Benedict ay iisipin niyang ang matikas at eleganteng lalaking ito ay kadugo ng kanyang nobyo. “Why are you here?” garalgal na tanong niya.Ang awkward. Higit pa sa awkward. Una silang nagtagpo habang siya ay lu







