Share

CHAPTER 236: Hook

Penulis: YULIANNE
last update Tanggal publikasi: 2026-11-14 21:45:16

NAWALAN NG BALANSE SI MARGA. Muntikan na itong matumba sa lapag pero nakatayo pa rin naman ito kahit papaano. Mas lalo lang itong nainis kay Cassie.

"Anong karapatan mong dapuan ako ng kamay mo?!" Binalingan niya ang mga kaibigan. "Hawakan niyo nga iyan! Turuan niyo ng leksyon!"

Sinenyasan ni Marga ang mga alipores at agad naman sumunod ang mga ito. Sinugod nila agad si Cassie ng sabay sabay.

Pero buti na lang, kahit na hindi naman katangkaran si Cassie, nakaiwas siya sa mga ito, lalo na sa is
YULIANNE

Hello, I know it's too much pero I'm just so busy lately. Need ko ng comments and reviews na nakakamotivate para mas ganahan sa pagsusulat, please. 🥹

| 6
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
yes sana my sariling story sina cole at cassie pagkatapos nitong kkila hya at leo slmat sa ud
goodnovel comment avatar
Antonietta Prado Martinez
inaabangan ko talaga ang love story ni Hyacinth at Leo sana my update everyday..
goodnovel comment avatar
Aiz Rapada
madamme!!!!!! hahaha tapusin mo na please.. ngrereview ako for board nung simulan ko to.. d parin tapos.. hahaha please.. tapusin mo na..excited n ako sa mangyayari kina jasmine na bruhilda..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 236: Hook

    NAWALAN NG BALANSE SI MARGA. Muntikan na itong matumba sa lapag pero nakatayo pa rin naman ito kahit papaano. Mas lalo lang itong nainis kay Cassie."Anong karapatan mong dapuan ako ng kamay mo?!" Binalingan niya ang mga kaibigan. "Hawakan niyo nga iyan! Turuan niyo ng leksyon!"Sinenyasan ni Marga ang mga alipores at agad naman sumunod ang mga ito. Sinugod nila agad si Cassie ng sabay sabay. Pero buti na lang, kahit na hindi naman katangkaran si Cassie, nakaiwas siya sa mga ito, lalo na sa isa na muntikan pa siyang kalmutin sa mukha. Dahil sa pag iwas, nakuha niyang hablutin ang buhok nito at talagang naitulak sa lapag."Hindi niyo alam rumespeto sa kapwa niyo, ah? Ngayon, tuturuan ko kayo kung paano!" asik ni Cassie, medyo nawawalan na rin ng pasensya."AHHH! Bitawan mo ako!"Napabagsak silang dalawa sa floor. Ang ibang babae naman ay talagang hindi na rin nakapagpigil at talagang nakigulo na rin. So rang gulo na at catfight na talaga ang nangyari.Ilang saglit lang, may mga estudy

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 235: Push

    HINDI MAIWASANG MATAWA ni Hyacinth pagkabasa ng mensahe ni Leo. Anong tingin nito sa sarili? Boss niya ba ito para manduhan siya nga ganito? Hindi naman niya obligasyon na bigyan ng kasaguran, eh. Inignora niya lang talaga ito.Natawa si Rico sa driver's seat. "Alam mo, Hya... divorced na kayo ni Leo, 'di ba? Pero bakit umaakto siya na parang hindi pa siya nakamoved on? Talaga bang nagustuhan ka niya noon?""Ewan ko," balewala lang na sagot ni Hyacinth, halos hindi na interesado ang tono nito."Kanina kasi noong nasa store tayo tapos nakaakbay ako sa iyo? Parang gusto na niyang hiwain 'yung kamay ko mapalayo lang sa iyo, eh," nakangising sambit ni Rico. "Hay... delekado palang maging fake boyfriend mo, Hya...""Ayaw mo ba sa ganitong set up? Naduduwag ka na agad? Kung ayaw mo, tatanungin ko na lang sina Kuya Miguel o Kuya Aries at baka pumayag pa sila..." sagot ni Hyacinth."Wait, hindi sa gano'n, okay? Hindi sa ayaw ko! Alam mo namang malakas ka sa 'kin, eh! Gagawin ko ang lahat para

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 234: Answer

    NANG WINARNINGAN SILA NI HYACINTH, walang naniwala ni isa sa kanila. Pero ngayong nanggaling na ang mga salita kay Rico Melendez mismo na mas may napatunayan na sa buhay, kinabahan sila bigla. Nawala lahat ng confidence nila sa katawan.Pero in denial pa rin talaga si Shaina. Pilit siyang umismid at nagmukhang matapang sa harap nila. "Bakit kasi kayo nakikinig kay Rico Melendez na iyon? May relasyon sila ni Hyacinth kaya ibig sabihin lang no'n, sinasabotahe niya tayo! 'Wag kayong masyadong paniwalain doon!"Kabado si Jasmine lalo at tumingin sa direksyon ni Leo. "Anong tingin mo dito, Leo?" lakas loob niyang tanong sa lalaki.Ang tingin ni Leo ay nakadako sa exit kung saan dumaan sina Hyacinth at Rico palabas. "Hindi ko personal na kilala iyang legendary doctor na iyan at never ko pa siyang nakausap sa personal. Pero iyang si Rico Melendez... malaking pangalan iyan sa business world. Malawak talaga ang koneksyon niyan. Kaya kung sinabi niyang kilala niya ang legendary doctor at babae

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 233: Woman

    BILANG ISANG BALLET dancer na maalaga sa sariling figure, kampante si Jasmine na magiging maganda ang kalalabasan ng dress kapag isinuot niya iyon. Malaking bagay na iyon sa kaniya upang makontrol ang sitwasyon."Sige na, Jas! Itry mo na iyang dress. I'm sure, mas magiging maganda iyan sa iyo kumpara kay Hyacinth!" udyok pa ni Shaina sa kaniya.Nagkaroon agad ng confidence si Jasmine. Binalingan pa niya si Hyacinth ng isang masamang tingin bago tuluyang tumungo na sa loob ng fitting room upang isuot ang dress.Ilang saglit lang, lumabas na siya. Parehas na suminghap sina Carla at Shaina pagkakita sa kaniya."Wow! Ang ganda mo, anak!""Kaya nga! Bagay na bagay sa iyo iyang dress!"Maganda nga ang dress kay Jasmine. Pero medyo hindi kumportable ang ekspresyon niya dahil medyo masikip pala sa bandang bewang ang dress sa kaniya. Pigil na pigil ang kaniyang paghinga para hindi mapwersa ang zipper no'n at masira.Kahit na hirap, umikot pa rin si Jasmine sa harap ni Leo habang hawak ang band

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 232: Dress

    DALAWANG LALAKI. PAREHAS na makapangyarihan at mayaman. Nagtitigan silang dalawa at walang nagtangkang magsalita."Bukas na po ulit ang fitting room," saad bigla ng assistant ng store.Sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa direksyon ni Hyacinth pagkalabas nito ng fitting room. Suot na nito ang dress ngayon.Maganda ang hubog ng dress sa balingkinitang katawan ni Hyacinth. May kaunting kinang ang dress na halatang handmade. Ang laylayan nito ay medyo mahaba pero sakto lang naman kay Hyacinth. Bumagay ito lalo sa babae dahil sakto ang simpleng style ng buhok niyang nakalugay. Mas nagmukha itong elegante lalo at sa bawat hakbang nito, kahit sino ay mapapatigil na lang.Ang mga tingin ni Leo ay nanatiling kay Hyacinth lang. Tahimik pa rin siya. Gusto niyang lapitan ang babae. Pero bago pa man niya magawa iyon, naunahan na siya ni Rico at tinakpan ang kaniyang magandang view."Ang ganda mo, Hya..." saad ni Rico, halata ang admirasyon sa tono ng boses nito.Umikot pa si Hyacinth, halat

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 231: Stare

    PARE PAREHAS NA NAESTATWA na lang sina Jasmine, Shaina, Carla at Lola Rebecca nang makita ang lalaki na kararating lang. Hindi sila makapaniwala.Si Jasmine ang may pinakamalakas na pagsinghap. "R-Rico Melendez?!" bulalas pa nito.Lumapit si Rico sa gilid ni Hyacinth at ngumiti. "Sorry, masyado akong natagalan sa pagsagot ng tawag na iyon, Hya. And..." Bumaling ito sa mga babae sa harap nito. "May namiss ba ako? Mukhang sakto lang pala ang dating ko."Mapaglarong ngiti ang namuo sa labi ni Hyacinth. "Ah, wala ka namang namiss. Perfect timing ka nga, eh." Binalingan niya ulit ang apat na babae. "Ito pala ang boyfriend ko, since gusto niyo na siyang makilala." Kumindat si Hyacinth kay Rico na tila may gustong iparating.Agad na gets iyon ni Rico. Kaswal nitong idinantay ang braso sa balikat ni Hyacinth at inakbayan ito. "Sino itong mga kasama mo?""Ah... sina Lola Rebecca, Carla, Jasmine at Shaina pala..." pagpapakilala ni Hyacinth. Hanggang sa bumaling ito kay Leo.Malamig ang ekspresy

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 07: Soon

    "SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 03: Dyosa

    "BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 02: Divorce

    "H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 01: Birthday

    WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?Nanginginig si Hyacinth habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status