Share

CHAPTER 237: Touch

Author: YULIANNE
last update publish date: 2026-11-15 18:16:47

ANG PROBLEMA, WALA NAMANG alam si Cole sa mga damit pambabae... lalo na sa mga undergarments nila. Nakakatawa mang isipin pero iyon ang totoo. Parang malaking bangungot sa kaniya ang tatlong hook sa bra ni Cassie. Malaki ang pag iingat niya na hawakan iyon na hindi dumadampi ang kamay niya sa balat ng babae. Dahil doon, natagalan tuloy siya.

Hindi maiwasang matawa bigla ni Cassie. Ang isa pang problema, dahil nakatalikod siya, hindi niya alam na lalaki ang nasa likuran niya ngayon. Ang alam niy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Antonietta Prado Martinez
sana merun continuation din kanila Hyacinth...at mga kamag anak niyang masamang ugali.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 237: Touch

    ANG PROBLEMA, WALA NAMANG alam si Cole sa mga damit pambabae... lalo na sa mga undergarments nila. Nakakatawa mang isipin pero iyon ang totoo. Parang malaking bangungot sa kaniya ang tatlong hook sa bra ni Cassie. Malaki ang pag iingat niya na hawakan iyon na hindi dumadampi ang kamay niya sa balat ng babae. Dahil doon, natagalan tuloy siya.Hindi maiwasang matawa bigla ni Cassie. Ang isa pang problema, dahil nakatalikod siya, hindi niya alam na lalaki ang nasa likuran niya ngayon. Ang alam niya talaga ay si Hyacinth iyon."Nakakainis iyang hook na iyan, 'di ba? At... parang mahigpit masyado pero keri naman. Siguro mas lumaki lang ang dibdib ko, 'no?" daldal pa ni Cassie bago napatingin sa dibdib niya. "Pero okay din, 'di ba? Mas gusto kaya ng mga lalaki ang babaeng may mas malalaking dibdib. 'Yung sakto lang ba... hindi iyong kagaya no'ng kay Lira na over na sa laki!"Tahimik pa rin si Cole. Sinubukan niyang bilisan ang ginagawa. Nang naihook ang huling metal sa bra, tatalikod na san

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 236: Hook

    NAWALAN NG BALANSE SI MARGA. Muntikan na itong matumba sa lapag pero nakatayo pa rin naman ito kahit papaano. Mas lalo lang itong nainis kay Cassie."Anong karapatan mong dapuan ako ng kamay mo?!" Binalingan niya ang mga kaibigan. "Hawakan niyo nga iyan! Turuan niyo ng leksyon!"Sinenyasan ni Marga ang mga alipores at agad naman sumunod ang mga ito. Sinugod nila agad si Cassie ng sabay sabay. Pero buti na lang, kahit na hindi naman katangkaran si Cassie, nakaiwas siya sa mga ito, lalo na sa isa na muntikan pa siyang kalmutin sa mukha. Dahil sa pag iwas, nakuha niyang hablutin ang buhok nito at talagang naitulak sa lapag."Hindi niyo alam rumespeto sa kapwa niyo, ah? Ngayon, tuturuan ko kayo kung paano!" asik ni Cassie, medyo nawawalan na rin ng pasensya."AHHH! Bitawan mo ako!"Napabagsak silang dalawa sa floor. Ang ibang babae naman ay talagang hindi na rin nakapagpigil at talagang nakigulo na rin. So rang gulo na at catfight na talaga ang nangyari.Ilang saglit lang, may mga estudy

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 235: Push

    HINDI MAIWASANG MATAWA ni Hyacinth pagkabasa ng mensahe ni Leo. Anong tingin nito sa sarili? Boss niya ba ito para manduhan siya nga ganito? Hindi naman niya obligasyon na bigyan ng kasaguran, eh. Inignora niya lang talaga ito.Natawa si Rico sa driver's seat. "Alam mo, Hya... divorced na kayo ni Leo, 'di ba? Pero bakit umaakto siya na parang hindi pa siya nakamoved on? Talaga bang nagustuhan ka niya noon?""Ewan ko," balewala lang na sagot ni Hyacinth, halos hindi na interesado ang tono nito."Kanina kasi noong nasa store tayo tapos nakaakbay ako sa iyo? Parang gusto na niyang hiwain 'yung kamay ko mapalayo lang sa iyo, eh," nakangising sambit ni Rico. "Hay... delekado palang maging fake boyfriend mo, Hya...""Ayaw mo ba sa ganitong set up? Naduduwag ka na agad? Kung ayaw mo, tatanungin ko na lang sina Kuya Miguel o Kuya Aries at baka pumayag pa sila..." sagot ni Hyacinth."Wait, hindi sa gano'n, okay? Hindi sa ayaw ko! Alam mo namang malakas ka sa 'kin, eh! Gagawin ko ang lahat para

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 234: Answer

    NANG WINARNINGAN SILA NI HYACINTH, walang naniwala ni isa sa kanila. Pero ngayong nanggaling na ang mga salita kay Rico Melendez mismo na mas may napatunayan na sa buhay, kinabahan sila bigla. Nawala lahat ng confidence nila sa katawan.Pero in denial pa rin talaga si Shaina. Pilit siyang umismid at nagmukhang matapang sa harap nila. "Bakit kasi kayo nakikinig kay Rico Melendez na iyon? May relasyon sila ni Hyacinth kaya ibig sabihin lang no'n, sinasabotahe niya tayo! 'Wag kayong masyadong paniwalain doon!"Kabado si Jasmine lalo at tumingin sa direksyon ni Leo. "Anong tingin mo dito, Leo?" lakas loob niyang tanong sa lalaki.Ang tingin ni Leo ay nakadako sa exit kung saan dumaan sina Hyacinth at Rico palabas. "Hindi ko personal na kilala iyang legendary doctor na iyan at never ko pa siyang nakausap sa personal. Pero iyang si Rico Melendez... malaking pangalan iyan sa business world. Malawak talaga ang koneksyon niyan. Kaya kung sinabi niyang kilala niya ang legendary doctor at babae

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 233: Woman

    BILANG ISANG BALLET dancer na maalaga sa sariling figure, kampante si Jasmine na magiging maganda ang kalalabasan ng dress kapag isinuot niya iyon. Malaking bagay na iyon sa kaniya upang makontrol ang sitwasyon."Sige na, Jas! Itry mo na iyang dress. I'm sure, mas magiging maganda iyan sa iyo kumpara kay Hyacinth!" udyok pa ni Shaina sa kaniya.Nagkaroon agad ng confidence si Jasmine. Binalingan pa niya si Hyacinth ng isang masamang tingin bago tuluyang tumungo na sa loob ng fitting room upang isuot ang dress.Ilang saglit lang, lumabas na siya. Parehas na suminghap sina Carla at Shaina pagkakita sa kaniya."Wow! Ang ganda mo, anak!""Kaya nga! Bagay na bagay sa iyo iyang dress!"Maganda nga ang dress kay Jasmine. Pero medyo hindi kumportable ang ekspresyon niya dahil medyo masikip pala sa bandang bewang ang dress sa kaniya. Pigil na pigil ang kaniyang paghinga para hindi mapwersa ang zipper no'n at masira.Kahit na hirap, umikot pa rin si Jasmine sa harap ni Leo habang hawak ang band

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 232: Dress

    DALAWANG LALAKI. PAREHAS na makapangyarihan at mayaman. Nagtitigan silang dalawa at walang nagtangkang magsalita."Bukas na po ulit ang fitting room," saad bigla ng assistant ng store.Sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa direksyon ni Hyacinth pagkalabas nito ng fitting room. Suot na nito ang dress ngayon.Maganda ang hubog ng dress sa balingkinitang katawan ni Hyacinth. May kaunting kinang ang dress na halatang handmade. Ang laylayan nito ay medyo mahaba pero sakto lang naman kay Hyacinth. Bumagay ito lalo sa babae dahil sakto ang simpleng style ng buhok niyang nakalugay. Mas nagmukha itong elegante lalo at sa bawat hakbang nito, kahit sino ay mapapatigil na lang.Ang mga tingin ni Leo ay nanatiling kay Hyacinth lang. Tahimik pa rin siya. Gusto niyang lapitan ang babae. Pero bago pa man niya magawa iyon, naunahan na siya ni Rico at tinakpan ang kaniyang magandang view."Ang ganda mo, Hya..." saad ni Rico, halata ang admirasyon sa tono ng boses nito.Umikot pa si Hyacinth, halat

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 03: Dyosa

    "BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 02: Divorce

    "H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 01: Birthday

    WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?Nanginginig si Hyacinth habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nan

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 07: Soon

    "SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status